“Aba tahimik ahh!"” Hindi na ako umiik sa nangungulit na mukong.Hindi parin kasi ito tumitigil sa pagtulak at pangangalabit sa akin hindi ko naman magawang makipagkwentuhan sa kaniya dahil sa utak ko na nagpaprocess parin sa nangyari.Lumingon ako sa unahang bahagi nasa unahan na si Ka Guryong at makikitang masinsinang kausap ang pinakapinono nila.
“Aba tahimik si Ms Sabog ahh!”Bunggo nito sa akin,hindi ako makaganti sa ginagawa nito dahil nakatali parin ang kamay ko tamang irap nalang ang gawa ko rito kahit na mainit ang singaw na nararamdaman ko dahil sa katatapos lang na ulan kaya mararamdaman ang maalinsangang singaw nito medyo kampante na rin ako rito hindi ko alam pero parang feeling ko mas safe ako at sa grupo nila ako napunta. Hindi naman ako bobo para hindi malaman na kung hindi sila ang nakahuli sa akin baka patay na ako ngayon ,hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip kung ano ba ang kailangan nila sa akin,diba dapat pinatay na nila ako gaya ni Maiea,pero bakit wala pa rin? tsaka bakit parang wala silang planong patayin ako?? wala pa.!
“Pero self mamatay ka pa rin diba??” Napasinghap nalang ako ng maisip ang mangyayari pa lang. Isa lang ang alam ko malaki ang kailangan nila sa akin, saka nila ako papatayin pag nakuha na nila ang gusto nila alam kong hindi lang pera ang kailangan nila mas higit pa ron?? at pagnakuha na nila ang gusto nila ano na bang gagawin ng Kumander nila sa akin,pupugutan din kaya ako ng ulo? o gigihitan sa leeg gaya ng ginawa ni Ka Guryong sa lalaki kanina.
Wala ito umimik sa akin,sa halip kumuha lang ito ng ugat ng puno at tinalian ang mga kamay ko,hindi ito gaanong mahigpit hindi tulad ng nauna,tiningnan ko ang mukha nito,gusto kong basahin ang sinsabi ng mga mata nito pero wala ,wala akong mabasa,napaka blanko nito,hindi ko alam kong natutuwa ba ito na pinatay ang lalaking nasa lupa pa at dilat na dilat ang mga mata, Bakit??bakit kailangan nilang,niyang patayin ang nangangasong magsasaka??.Tinitigan ko ang mukha nito saka tiningnan ang mga kamay ko na naka tali na.
“Sa susunod na may makakaharap tayo,wag mong sasabihin kahit ang isang letra ng pangan ko.!”Wala akong nabasang imosyon sa mga salitang lumalabas sa naka salakot nitong mukha.
“Bakit?” Hindi ko alam kong bakit lumabas yon sa bibig ko.Sa halip na sagutin tumalikod ito at naunang naglakad pabalik sa kasamahan nito. Napalingon nalang ako sa mangangasong dilat ang mga matang iniwan nito,napa tingin nalang ako sa mukha nito saka sinambit ang katagang gusto kung sabihin.“Patawad po!” kasabay niyon ang pag iwan ko sa bangkay pakiramdam ko naka semento ang mga paa kong pilit humahakbang sa daan,hindi ko alam ni maintindihan ang nangyayari,kung bakit ako nagkaganito kung paano nabago ng isang panaginip ang takbo ng buhay ko. Andaming tanong na gustong lumabas sa bibig ko pero hindi ko magawa,akala ko ang tali-talino kuna pero hindi pa pala.
“Aba,Anong iniisip mo na naman ba ang mukhang to?”Kasabay niyon ang paguna sa harap ko at make face.
“Baliw!” Hindi ko napigilang tumawa sa ginawa nito,nasa gitnang bahagi kaming dalawa naglalakbay na kami paakyat sa masukal na bundok medyo sanay na ako sa paglakad dahil sa ilang araw na ring ganito ang takbo ng buhay ko napalingon ako sa lalaking nasa harap ko,bakit ba ang gaan ng loob ko sa mukong nato.
“Tsk!Psychological saying. When a girl laughed even on a simple joke,it means that girl is inlove with you!” Kasabay non ang payak nitong pagtawa sanhi ng mas paniningkit ng mata nito,natawa ako sa ginawa nitong pag ma makeface.
“Ka To.!”Isang pagbabanta ang narinig namin galing sa unahan,napalingon ako kay Ka Guryong,hindi ko alam kong tama ba ang nakita ko pero parang sumulyap ito saka dumeritso sa unahan ang tingin at nagpatuloy sa paglakad .Napalingon naman ako sa mukong ng kalabitin ako nito,saka itinaas ang dibdib at pilit itinitiin ang talampakan para mapantayan ang taas ni Ka Guryong,ginagaya nito ang sinabi ni Ka Guryong ng walang lumalabas na tinig sa bibig nito.
“Loko ka!”Hindi ko alam na napalakas na ata ang pagtawa ko sa kaharap,napahinto ako ng biglang may humigit ng kamay ko saka nagpatiuna sa unahan ni Ka To. Nasa gitna na ako ng leader nila at ni Ka Guryong tiningnan ko ito seryuso itong nakamasid sa paligid na animoy may mangyayari saka tumingin ng deritso sa harap parang wala lang naman sa kaniya ang lahat maging ang isa pang naka sakot din ang kalahating mukha bakit ba lagi itong nakasalakot? maging ang leader nito ay naka salakot din?.Napalingon ako sa likuran at ayon nakikipag asaran na naman ang mukong sa mga ka tatayan doon. Napalingon ito sa akin saka tumiin na muli para gayahin si Ka Guryong.
“Aray!”Naiwika ko ng matalisod ako sa ugat na nasa unahan.
“Wag kang titingin sa likod kong ayaw mong madapa!” Wika nitong nasa unahan ko,napasinghap nalang ako saka inayos ang pagkakatayo,napatingin ako sa mahapdi kong tuhod,Hayshhh MAMA DEY wala na sira na naman punit na naman ang balat ko.
“Akin na!” wika nito, ng biglang punitan ang manggas ng damit ko at itali sa sugat ko.
“Asa ka pa self,na tatanggalin nito ang salakot para sa sugat mo!” wika ko sa sarili
Napalingon ako sa matandang nasa gilid ko,wala itong imik sa halip nakamasid lang ito sa paligid.
“Malapit na tayo sa mga kasamahan natin,tiyak kong nauna na sila Ka Reyndard.!”Wika nito,Pansin ko kanina pa sila malapit na eh naka ilang bundok na kami wala pa rin namin nahahanap ang Pwesto ni Ka Reyndard.
“Magandang umaga ho,Ka Guryong at Ka Nanding!” wika ng nasa kwarenta na ang edad.
“Magandang umaga rin,andyan ba si Ka Reyndard!” sa tinig ng boses nito parang inaasahan na na nariyan ang hinahanap,napatingin lang ako sa lalaking tumango at sumenyas na pumasok kami,teritoryo ata nila ang lugar,may mga mangilan ngilan akong nakikita na tumambad sa mga itaas na puno.
Sinilip ko sa gilid na bahagi si Ka Guryong,tahimik itong nakamasid sa paligid,ngayon nakikita ko na ng kaunti ang reaction ng mga mata nito.
“Oppss!” Napahinto ako ng may bumangga sa akin.
“O..masakit pa??”wika ng nasa gilid ko na.
“Alam mo ikaw,tumahimik ka nalang pwedi!” wika ko sa mukong na naka ngisi parin.
“Hayshhhh na kokonsenya ako don ahh!” Napakunot na naman ang noo ko sa tinuran nito alam na siguro nito ang gustong sabihin ng mukhang nakaharap sa kaniya.
“Patawarin mo ang sobrang kapogihan ko ang naging dahilan ng pagkadapa mo minsan naiinis na ako sa sarili ko bakit kasi ang gwapo ko,ayan tuloy pati mga kababaihan maiinlove na naman sa akin!” Aba wala ata terminology nito ang pagpapakumbaba itinaas pa talaga nito ang sariling bangko.
“ Hangin,subrang hangin!”
Napatawa nalang ako saka tiningnan ang paligid wala ngang ginawa ang mga kababaihan kung hindi tingnan ang lalaking katabi ko ngayon,Nakoo!!May mga kababaihan palang nakatira sa bundok,napasilip ako sa mga bahay bahay nila,May mga nakadungaw sa bintana yong iba naman nasa lilim ng bahay lahat sila nakamasid sa amin,Wala akong nakitang mga bata sa halip mga nasa seventeen to fiftynine na ang edad ng mga ito base sa mukha.
“Magandang umaga mga kasama!”
Isang masiglang bati sa dalawang pinono ng lalaking naka jacket pangsundalo may b***l ito sa gilid.
“Aba,balita ko si Ka Crising ang nakahuli sa anak ah!” payak itong tumawa,kasabay ang pagtapik sa balikat ng dalawang pinonong kasama namin sumenyas itong tumuloy sa bahay na malayo sa amin nasa lilim ito ng punong Mahogany samantalang narito kami sa puno ng mayabong na mangga.
“Sino mag babantay dyan!” wika ng pinaka pinono. Napalingon ako sa kanila,alangan naman sumama ako at maki join e isa akong bihag dito diba,nilingon ko lang ang mga ito,na nag iisip pa. Wala atang planong bantayan ako ng mga kasamahan nito dahil walang umiimik sa mga ito at nag mamasid sa isat isa.
“Maaring ang mga tauhan ko nalang ang magbantay riyan!” Sa mukha palang ng nagsalita sabayan pa ng pagikot nito ng dila at pagtingin sa katawan ko mula ulo hanggang paa,feeling ko namulestya na ako.
“Kaya naman namin yan Ka Reyndard mukhang pagod naman ang mga kasamahan ni Ka...!” Suhestyon ng isang lalaking wala akong tiwala sa titig nito mula ulo hanggang paa.
“Hrmmm!” Napallingon kami sa tumikhim,madilim na ang paningin nito sa mga kasamahan,nilingon ko ang mga kasama namin namumutla ang mga mukha nito, wala ko nakita si Ka To mukhang nambabae na ata ang isang yon.
“Ako na hindi..” Hindi pa nito natatapos ni Ka Guryong ang sasabihin ng suplain ito ni Ka Reyndard kuno ang pangalan.
“Ano kaba naman,minsan ka na nga lang mapa dako rito,kaya na ng mga tauhan ko yan.!” Kasabay niyon ang pag akbay sa kausap napangiti ng maluwang ang mga tauhan nitong mukhang adik hindi kaya nag da drugs ang mga ito?Nakikita sa mga mukha nito ang hindi magandang luob.
“Mukhang nahuli ako,naiihi na kasi ako nag jomilog pa ako!” Parang nabunutan ako ng tinik ng tumingin sa akin ang Mukong,baka sumama pa ito at makipag girihan sa mga babaing nasa malaking kubo,makikita kasi mula rito ang mga babaing nanduon at mukhang sa kubo nayon balak tumuloy ng mga kasamahan ko,kaya ganon nalang sila maka hindi sa akin.
“Anong problema.?” Tanong nito sa kasamahan sa nangyaring pananahimik ng mga ito.
“Sasama ka ba sa kubo Ka To?” Pambabasag ng katahimikan ni Ka Hurting.Napabaling ang Mukong sa Kubo na may magagandang babae, saka lumingon sa akin Wag ka ng pumunta looked ng tumama ang ang mga mata namin. Kasabay niyon ang paglingon sa mga lalaking wala paring sawang tumingin sa marumi kong kasuotan.
“Ayoko,dito nalang ako,ako nang magbabantay sa bihag!” seryuso nitong wika sa mga kasamahan napalingon ako kay Ka Reynard parang hindi nito nagustuhan ang desisyon ni Ka To.
“Nandiyan si Medena!” Nakangisi na ngayon si Ka Reyndard sa kaniya.Sinong Medena?Wala naman akong paki kung sino man yon ang mahalaga Safe ako at mag papaiwan ang Mukong kasama ko.
“Malamig na ang pinainit na kape para sa inyo!” Nakangiti ng luko ang Mukong.
“Sigurado ka bang kaya mong bantayan magisa yan?” tanong ng Pinono sa Mukong as if tatakas ako sa kanila.Hindi naman ako ganon ka Tanga para tumakas mamaya yon pa ang dahilan ng pagkamatay ko sa kamay ng mga m******s rito.
“Sana kung tumakas siya nakaraan pa! maraming bantay sa paligid pag tumakas siya rito sa harap ko r**e ang abot nyan sa kamay ni Brandon”wika nito sa harap ko mukhang naninindak ang tinig nito hindi nalang ako nag salita rito.
“Tara!” Huling sabi ng pinono saka sila umalis.