“Bilis...Bilisan mo!”Ilang beses na akong nadapa sa katutulak nila.Gusto kong sumigaw magwala mag tanong ngunit alam kong wala namang saysay ang boses na nagmumula sa bibig ko dahil bukod sa hindi ito maintindihan masakit rin ang pagkakatali ng panyo sa bibig ko maraming gustong lumabas na tanong sa bibig ko pero hindi ko magawa.
“Dito nalang muna tayo!”wika ng isang lalaki na naka suot ng kasuotang pangsundalo pero alam ko na namang mga rebelde ang mga ito sa palagay ko nakuha nila ang mga ito sa mga naka ingkwentro nila.
“May anim na araw tayo para rito malayo ang kailangang lakbayin para marating ang Bundok Tegeb!” wika ng kung sino man sa kanila, iwan pero never kong narinig ang bundok na yon,isa lang sinisigurado ko sa masukal mapanganib na bundok kami daraan.Hindi ko na magawang gumalaw dahil sa pagod na dinanas ko maging sa ingay ng kuliglig sabayan pa ng mga kumikirot kong sugat.Napalingon ako sa sapatos ko,kanina lang kulay white to ngayong semi brown na ang kulay niya buti nalang at Friday ngayon kaya pweding suotin ang kahit ano,kumusta na kaya si Maiea?? bakit sa amin pa nangyayari ang ganito?? Sa palagay ko hinahanap na ako nila Dad nagugulohan na hindi ko malaman ang mga nangyayari.
“Dito nalang muna siguro kayo magpalipas ng gabi! mauuna kami para tingnan ang pwedi nating bagtasin tiyak kong marami sa atin ang susugod dahil sa nangyari”wika ng naka salakot Ka Guryong ang tawag nila rito.Tiningnan ko siya pero wala ito naka tingin sa akin.Ewan pero parang may something sa tuwing nakikita ko ang mga mata nya iwan ko something kakaiba lang talaga.. pinagmasdan ko ang postura nito mula ulo hanggang paa. Sa aming lahat ng narito siya lang ang may salakot kulay kape ang mga mata nito at matikas ang tindig nito, nakasuot din ito ng mahabang manggas na kasuotan at dinublihan ng black jacket, maging ang mga galaw sanay na sanay na talaga ito tumira sa bundok deritso lang itong nakatingin sa kawalan sa palubog na haring araw nakikita sa kalangitan ang mapulang sinag nito hudyat na kadiliman na ang susunod.
“Hayo na !”wika nito sa mga kalalakihan na narito tingin koy grupo nya ang mga iyon wala itong lingong likod deritso ang lakad malayo na sila sa amin at hindi na namin sila nakikita,pinagmasdan ko ang mga naiwan nitong kasamahan mabuti na lamang at mukhang matitino ang mga natira sinama nito ang dalawang lalaking balak manantseng sa akin. Iwan ko ba pero parang iba ang nararamdaman ko ngayon napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa mapulang kalangitan,akalain mo ba namang ngayon ko lang napagmasdan ang paggalaw ng dahon na kala moy nagsisisayaw sa kalangitan, nakaupo ako ngayon sa ugat ng malaking puno feeling ko uulan ngayon dahil sa lamig ng hangin na dumarampi sa balat ko at kaninang malinis na kalangitan ay unti-unting nagiging maulap.
“Ma,okay lang ako..!”Huli kong nasabi saka ipinikit ang mga mata ko.
“Gising!”Napabalikwas ako,umaasang panaginip na naman ang lahat pero not now totoo na ito,napalingon ako sa lalaking gumising sa akin,sa kurte ng katawan at mukha nito alam kong ka edaran ko lamang ito.
“Tumayo ka riyan at magpasilong!”Wika nito saka ko lang naramdaman ng mga patak ng ulan na tumatama sa balat ko.Tumayo na ako para pag pasilong sa isang puno.
“Ano nang gagawin natin?”wika ng may edad saka ko lang napansin na maging sila ay nilalamig na rin nakaramdam ako ng awa sa mga tatay na narito at namumundok hindi ko malaman kong ano ba ang kalagayan ng mga pamilya nito o kung may mga pamilya ba ang mga ito.
“Masyadong mapanganib maglakbay ng ganitong oras pero kailangan na nating umalis rito,maghanap tayo ng mga kubol na pweding silungan!”Wika ng isa sa kanila hindi ko alam pero may kakaiba talaga.
“Tara simulan na natin!” Kasabay nito ang paghila sa akin ng isa sa kanila.
“Aray...!”Mga katagang pigilan ko man pero lagi kong nasasambit sa tuwing nadadapa ako sa maputik na daan sanhi ng ulan,wala lang naman sa kanila ito dahil bukod sa makakapal ang suot nilang jacket halatang sanay na ang mga ito sa dinaraanan.
“Ayan medyo malapit na tayo sa paruruonan,may mga kubol malapit sa punong iyon.!”Wika ng isa sa kanila hindi ko malaman ang mga itsura nila ngayon pero isa lang ang alam ko nilalamig sila base sa panginginig ng boses nila.
Hindi ko gaanong maaninag ang kubol na sinasabi nila dahil tanging sinag lang ng kidlat ang nagbibigay liwanag sa paligid maging ang nakakakilabot na dagundong ng kulog kahit natatakot ako sa mga guhit ng nakakakilabot na kidlat hindi nila ininda ang mga iyon.
“Anong nagyayari!?”naiwika ko sa isip ng itaas ng nasa unahan ang kanang kamay nito,tumigil silang lahat hindi ko alam kong ano ang mangayayari pero alam kong iba ang sinasabi ng mga senyalis na to.
“Si Ka Leopard!”Sigaw ng isa nilang kasamahan hindi ko alam kong anong nagyayari pero isa lang ang alam ko nag kakagulo na ang paligid tanging kidlat lang ang saksi sa mga nakakakilabot na putukan.
“Mamatay na ba ako??!”Tanong ko sa sarili ng makita ang isang patalim na ang tungo ata ay sa deriksyon tingin koy akin my Gosh gusto kong magtago but i cant move iwan ko parang naestatwa nalang ata ako sa kinatatayuan ko..this is the firstime na nakarating ako sa bundok and this is the last na makikita ko ang nakakakilabot na putukan at p*****n parang nasa isang gameroom kami at hindi kami makakaligtas kung hindi kami papatay.Napapikit ako at hihintayin ko nalang tumama ang patalim nito sa dibdib ko baka sakaling magising na ako pagkatapos nito.
“Anong ginagawa mo??” kasaybay nito ang paghila sa mga kamay ko kita ko ang dilat na dilat na mata ng lalaki maging ang kutselyong nakatarak sa leeg nito.
Napahagulgul ako ng iyak dahil sa nasaksihan bakit sa akin pa nangyari ang mga bagay na ito.
“Dito ka lang!” isang baretong boses ang huli kong narinig,nanlulumo ang katawan ko sa nasaksihan kanina pero hindi ipagkait nito ang ang mga katagang gusto kong malaman.
“Sandali...!”Kasabay nito ang paglingon ko sa lalaking tumulong sa akin hindi ito lumingon sa halip huminto lang ito .
TUMINGIN SA AKING MATA
MAGTAPAT NG NADARAMA
HINDI GUSTO NA IKA‘Y MAWALA
DAHIL.........
************************
“Ka Guryong” wika ko sa lalaking nasa harap sa akin.Kasabay ng paghakbang ng mga paa nito palayo ay ang mariing pagpikit ng talukap ng aking mga mata.
“Gising!” Kasabay niyon ang pagpatik sa pisngi ko. Napadilat ako ng mata sa kung sino man ang pumapatik nito.
“Gising na at malayo pa ang lalakbayin natin.” wika ng lalaking ka idaran ko lang.
“Huh??”Naiwika ko nalang saka ako nito alisan,wala ata sa kanila ang salitang pagod. Napapiling-piling nalang ako ng ulo ko,saka tiningnan ang mga taong nakapaligid sa akin,nakamasid ang mga ito,isa isa kong tiningnan ang mga mata nito.
“What?!”wika ko sa mga ito,nakakainis talaga,ayuko pa naman sa lahat is yong tinitingnan ako na parang may masama sa mukha ko.
“purpps!” Tiningnan ko ng masama ang lalaki siya ang lalaking nanggising sa akin ,nagpipigil ito ng pagtawa.
“Something funny??!” out of disgusting in my word. Sa halip na sumagot tumawa nalang ito ng malakas.
“You know what, laughing without good reason is a signed of craziness.” naiinis na ako sa ipinakikita nitong reaction maging sa maliliit at singkit nitong mga mata,hindi ko naman akalain na pati pala ibang lahi namumundok narin.
“What if I see something funny?!”wika nito sa akin,nabigla man ako sa deritso nitong pag english ay hindi rin ako nagpahalata sa halip tinaasan ko lang ito ng kilay.
“In my face?hell no!”wika ko sa kaniya kasabay nito ang paglingon ko sa tubig na nasa gilid ko.
“I tell you!”wika nito kasabay ang paghagalpak ng tawa. Kaya naman pala ako nangangati dahil sa mabasa basa at marumi kong damit na walang bihis bihis okay lang naman wala din naman atang bihis bihis ang mga nangkidnap sa akin, pero mas nakaka stressed ay ang pagmumukha ko ngayon,ako ba to?? kaya naman pala tawa ng tawa ang mukong na lalaking yon at ganon makatingin ang mga katatayan. Ang saklap naman talaga. Kahit nga ang mga admirer ko o yong dalawang balak ako hipuan wala ng paki dahil sa sabog kong buhok,wala sira na ang salon kong buhok ate Lanny Dey wala na sabog na ang pinaghirapan mo ,may gasgas na ang makinis kong balat sorry talaga kabilin bilinan pa naman nito na ingatan ko ang balat ko at natabunan pa ng putik ang mapuputi at mahahaba kong binti matitiis ko pa naman ang kati pero wala na magkakaroon na ata ako ng kulogo sa paa dahil sa ilang kilometro na ang nalalakad namin at lalakarin pa namin feeling ko tuloy lilibutin namin ang buong bansa,hindi naman ako mayabang im just stating what I see.
“So??” asik ko sa kanya hindi parin ito tumitigil sa pagtawa. Naiinis naman na itong taong to.
“ Ka To.”Napatigil ito sa pagtawa ng marinig ang baretong boses, napalingon ako sa nagsalita, sino pa ba? Sa bareto at ma autoridad nitong boses at naka salakot nitong mukha makikilala mo agad na si Ka Guryong ang nagsalita.
“Samahan mo muna kami mangangalap ng malapit na kabahayan para manghingi ng tulong. Tingin koy malapit na tayo sa Baryo Kaserang.!”wika nito.
“Bakit may sakit po ba si Ka Sery..”Hindi na nito matapos ang sasabihin ng sinyasan siya nito sa aalis na. Napakamot nalang ito ng ulo saka sumunod.
“Ka To!”Tawag ko rito.
“Bakit?Hindi ko akalaing kilala ng isang binibining sabog ang buhok ang aking matikas na pangalan”Wika nito ng nakangiti nawawalan tuloy ng tuluyan ang mga mata nito.
“Wag ka na sanang bumalik! kainin ka ng nanlalapang mga aso sa gubat.”Sigaw ko rito. Sa halip na mainis umismirk lang ito saka itinaas ang b***l nitong dala kasabay niyon ay ang pagtalikod.
Kung sakaling tumakas kaya ako?? saan naman ako daraan.
“Nilapa lapa nayon ng mga sanggarong at mga aso sa gubat si Ka Lepard!”Wika ng isang lalaki sa puno. Hayshhhh nalalaman ba nila ang iniisip ko o sadyang aksidente lang ang lahat??
“Ano ba naman ito naiihi na ako! Pwede bang mag fresh in up?”tanong ko sa mamang nasa ilalim ng puno makulimlim parin ang paligid.
“Ano,kakalagan ba natin??!”wika nito sa kasama. Sana naman pumayag na sila ng makatakas na rin ako rito.
“Wag. Lagot tayo niyan ke Ka Guryong at baka gusto mong pugutan ka.!”Walang ininda nitong wika. What namumugot sila ng ulo,naalala ko bigla ang pagkakatarak ng kutsilyo sa leeg ng mama nong gabi.
“Miss pwede ka namang umihi dyan eh!”wika nito,parang wala lang sa kaniya ang lahat. Wait? ANO??e ihi ako sa short ko??at dito mismo sa harap nila??? Like Ewwww...ayoko nga.. napabuntong hininga lang ako saka pilit nagmakaawa,Nai ihi na talaga ako rito.
“Sige na po please!”Wika ko rito pero parang wala naman silang narinig sa sinabi ko. Ano na??paano na ako nito??Kanina pagtakas lang naisip ko BUT now pati pa naman pag ihi na e stress na ako?Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi ang itulog nalang ang nararamdaman ko,may ilang oras narin sila umalis. Sana naman bumalik na si Ka Guryong alam kong naiintindihan nito ang kalagayan ng isang nai ihing tao.
Or what if umihi nalang ako rito??Hayshhhh..Self ano ba edi mas pagtatawanan ka ni Mukong,Isa ka ng dakilang Sabog na mapanghi. Pero kahit pala ganon ang mukong na yon masaya naman ata ito kasama.
“Na miss mo ata ako ahh!”Ano ba self ilang minuto lang ata,mabilis pa ata ito sa hangin kung makarating.
“Dont tell me,na miss mo agad ang pagmumukhang to!” Wika nito sa akin kasabay ang pag popogi post sa harap ko aba improved narin pala ang mga taga bundok na unggoy,napalingon ako sa kasama nito,which is si Ka Guryong gusto ko kasing magpaalam sa kaniya umihi alam kong pangalawa siya sa matataas rito kaya tiyak kong papayag yan.
“Oyyy....ano??bat namumutla ka?”wika nito,ang tawang tawa nitong mukha ay napalitan ng pag aalala,ako naman ang natatawa sa expression ng mukha nito.
“Ano naman sayo kung may masakit sa akin?”wika ko sa kaniya,nawala ang nakangiti nitong mukha,at saka ako tinaasan ng kilay. Naguguluhan tuloy ako kung sasabihin ko ba na naiihi ako hindi. Sinulyapan ko ulit si Ka Guryong wala na ito sa kitatatayuan nito punta ata sa mga kasamahan nila sa malilim na mga puno ng mangga.
Wala na akong choice kung hindi sabihin ang gusto kong sabihin.
“Naiihi na ako ehh!”Aaminin ko nahiya ako sa kaniya huh..Napalingon ako kung ano ba dapat ang reaction ng mukha nito,pero lalo lang ata itong natawa sa sinabi ko pero agad namang bumawi saka nagsalita,sabi ko na nga ba pagtatawanan lang ako nito e.
“Oww..Bat hindi ka pa umihi??” Nakakaluko na ang mga tinig nito.
“Pinagluluko ba ako huh??”Wala ako sa mood makipagbiruan rito Hello halos kalahating oras na akong nag e imagine ng kung ano ano.
“Baka tatakas ka lang?”Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa.
“Tsk..!”Naiihi na ako yon lang ang alam ko right now. Tumayo ito napalingon nalang ako rito wala atang balak tulongan ako. Ano ba self ASA ka pa,sino ba namang tangang criminal ang magpapatakas ng bihag?? Sinundan ko ito ng tingin aba mukhang may pag asa naman dumeritso ito kay Ka Guryong kasama ang isang naka salakot din dalawa silang naka salakot medyo matanda na sa kaniya ang kausap which is parang leader nila,nagsalita ang mukong sa dalawa na parang normal lang ang lahat.
Iwan nahihiya na hindi ko malaman ng tumama ang mga mata namin,O baka ako lang talaga ang nakararamdam niyon at wala lang sa kaniya ang lahat.
Napalingon ako rito,at nabigla ng hilahin ako nito patungo sa madahong bahagi. At wala man lamang ano anong tinanggal ang pagkakatali nito sa kamay ko. Nakahinga ako ng maluwag ng tanggalin nito ang tali sa kamay ko.
“Pwede bang doon ako banda??”Turo ko sa mas madahong bahagi.Tumango lang ito,Sandali bobo ba ito? Leader ba talaga ito? mga tanong sa isip ko kasi kung ang mga kasamahan nito ayaw ako pakawalan ni Kalasan siya hiniwa pa nito ang ugat na panali at pumapayag pa itong sa madahong bahagi ako umihi and now may pagkakataon na akong tumakas napa smirk nalang ako habang binabagtas ang madahong bahagi wala na akong ibang arte kailangan kong ilabas to or else may sakit na nga ako sa puso pati ba naman sa kidney?? Thankful narin ako at buhay pa ako ngayon kahit may heart failure ako,hindi man lang nanikip ang dibdib ko,baka magaling na ako?? nasa dalawang take narin kasi ang hindi ko naiinom at Thanks to God dahil Im still alive! Napahinto ako sa kakaisip ng nagsalita na naman ang baretong boses ng lalaking kumalag sa akin.
“Alam mo bang mahigit tatlumpong kilometro na tayo mula sa bayan.! ” Napahinto ako,parang tumigil ang mundo ko sa sinabi nito at nanumbalik ang kaluluwa ko sa Reality na malayo na talaga ang nalakbay namin?? at imposibling makapaglakbay ako magisa??
“Na sasayo nalang kung tatakas ka para lapain ng mga musang o sasama ka sa amin.!” Hindi ako nakaimik sa tinuran nito.Psychic ba to?? o lawyer din kagaya ni Dad.
“Sino nag sabi sayo na nag iisip akong tumakas??” Tumayo na ako at lumbas sa pinagtataguan ko,Hindi na ako nito sinagot o kahit tapunan man lang ng tingin sa halip tumalikod ito at deritsong nag patiuna sa akin. Hayshhhh Ano tatakbo na ba ako palayo o susunod sa kanila para tingnan kong sino ang pinaka mastermined ng lahat?? Ano self isip na bago mahuli ang lahat,tiningnan ko ito aba wala atang balak balikan ako. Aba self dapat masaya ka pa na hindi ka nito binalikan kasi ibigsabihin lang non YOUR FREE! FREE?? napaisip ako saan naman kaya ako free?? free maging bait para sa mga Wild Animals?? na ayaw na nila ako kasi nalaman nila wala akong money?? o wala talaga ako hinahanap ni Mom and Dad at busy sila right now kaya hindi nila alam na nakidnap na pala ako? Pero impossible because Maeia is dead kaya alam kong hinahanap na nila ako right now,ano na self kilos na. Napalingon ako sa matataas na puno,hayshhh saan naman kaya dito ang North?East,o kahit ang West at South? Tsk..Kung sakaling tatakbo ako ano naman ang mangyayari sa akin.
“Anong ginagawa mo rito?” Napatalon ako sa lalaking nagsalita at agad napalingon sa likuran ko,aba ang bilis naman kanina nasa harap ko ito ngayon nasa likod na at may dala-dalang lalaki,pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa??Bakit ba nito sinsaktan ang kasamahan nito??
“Wala po nanghuhuli lang ako ng asong gubat?” wika nito.Pero nabigla ako ng bigla nitong higitin ang balikat ng kaharap saka pinadapa sa lupa?
“Ka Gu..”Hindi ko na natutuloy ang sasabihin at napatabon ng bibig ng bigla nitong gihitin ang leeg ng kawawang lalaki,Nakadilat pa ito at sa akin nakatingin.
“Wh..”Hindi ko alam kong ano ba ang lalabas sa bibig ko,ang alam ko lang napaatras na ako ng dahan dahan saka tiningnan ang lalaking nakasalakot deritso ang tingin nito sa lalaking naliligo sa sarili nitong dugo.
Tama ba ito,si Ka Guryong at ang mangangaso???