Kabanata 1
Tahimik na naglalakad ako sa tabi ng kalsada, tinitingnan ang mga estudyanteng nakasakay sa pampublikong sasakyan at ang iba ay may sarili ng sasakyan. Gustuhin ko mang mainggit ay hindi ko magawa dahil bukod sa sanay na akong maglakad papasok ay natatakot din akong sumakay dahil may phobia ako sa pampublikong sasakyan. Kailangan ko ring matipid at pagkasyahin ang baon ko ngayong araw.
Papunta ako ngayon sa Unibersidad kung saan ako nag-aaral. Sikat na paaralan iyon kung saan, mga mayayaman at may kaya lamang na estudyante ang tanging nakakapasok doon. Nakuha ako bilang scholar kung kaya nakapag-aral ako sa pang mayamang unibersidad.
Tahimik kong inililista sa isip ko kung saan ko ilalaan ang pera na meron ako at kung ilan ang itatabi ko para sa ipon o savings ko nang hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng gate ng Unibersidad na may nakasulat sa taas na Elite University of Caloocan.
Pinakita ko lang sa guard ang ID ko at pumasok na. Pagkatapak ko pa lang sa loob ng paaralan ay ramdam ko na agad ang talim at mapanghusga na tingin na ibinibigay ng mga kapwa estudyante ko sa akin. Niyuko ko ang ulo at tahimik na binabaybay ang pasilyo patungo sa unang klase ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ko na ang room na pupuntahan ko. Akala ko ay magiging maayos ang araw ko ngayon pero nagulat ako nang may pumatid sa akin dahilan upang mabitawan ko ang mga librong hawak at mapasubsob sa makintab at malinis na sahig. Narinig ko ang tawanan nila.
“Ano ba ‘yan! Nerd na nga tapos ang lampa pa. What a useless creature!” pang-iinsulto sa akin ng pamilyar na boses ng babae dahilan upang mas lalong lumakas ang tawanan ng ibang estudyante.
Umupo ako sa sahig. Napaangat ako ng tingin at nakita si Bianca na nandidiring nakatingin sa akin. Nasa harapan ko siya pero may ilang distansya na animo’y natatakot na madikit ang balat sa akin.
Si Bianca ay isang campus bully at b***h. Mahilig siyang mang bully lalo na sa mahihina at mahihirap na kagaya ko. Hindi ito masaway ng mga guro dahil isa ang pamilya niya sa stockholders ng Unibersidad na ito kaya ganoon na lang ang takot nila na kalabanin at sawayin si Bianca.
Hindi ko alam kung bakit ako ang pinag-iinitan nito pero malamang ay dahil isa lang akong dukha at scholar na himala at mapalad na nakapasok sa unibersidad na ito. Simula nang pumasok ako rito ay nagbago na ang buhay ko. Ang dating tahimik at mapayapa ay naging magulo. Araw-araw ay may kamalasan na nangyayari sa akin. Gustuhin ko mang magsumbong kina mama ay hindi ko magawa sa kadahilanang hindi ko gusto na pag-alalahanin sila lalo na't may sakit si mama sa puso.
“Sorry...” paumanhin ko kahit wala naman akong kasalanan.
“You should. Yucks! Dinumihan mo pa ang bagong sapatos ko. Hindi mo ba alam na mas mahal pa ‘to sa buhay mo?!” sigaw niya dahilan upang mapapikit ako.
"Girl, let's go na. You should not waste your time on that poor, outdated person." Narinig kong maarteng wika ng alipores niya.
"Yeah, you're right. Let's go!"
Nanatili lang akong tahimik at nakayuko hanggang sa umalis na sila. Bumalik na rin sa kani-kaniyang ginagawa ang iba pang estudyante habang ako naman ay pinulot na ang mga nakakalat na libro.
Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ng classroom ay binuksan ko ang pinto. Sumalubong sa akin ang maiingay na mga kaklase na biglang tumahimik at napatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang tingin nila at dumiretso na sa upuan at umupo.
Pagkaupo ko pa lang ay may lumapit na agad sa akin na kaklase ko na babae.
"Where na 'yong pinapagawa ko sa 'yo na assignment? You done doing na ba?" Conyo na sabi ni Trisha.
Tumango ako at dali-daling hinalungkat ang bag bago kinuha ang folder kung saan nakalagay ang assignment na pinapagawa niya sa akin. Iniabot ko ito sa kaniya. Marahas naman niya itong hinablot bago ibinigay sa akin ang pera.
"Here, don't disturb me na about money. Tsk!"Tumalikod na ito pagkatapos kong abutin ang bayad.
Napatingin ako sa perang hawak at nakita ko na sobra ang binigay niya sa akin dahilan upang mapangiti ako. May pang meryenda na ako. Minsan hindi talaga mawawala sa isang tao ang pagiging mabuti. Ang iba, hindi lang talaga showy dahil natatakot silang magpahayag ng totoong damdamin dahil sa nakasanayang ugali. Ang iba naman ay nahihiya lang.
Maya-maya lang ay dumating na ang professor namin sa Math 2. Tumayo kami at bumati. Nagsimula na itong mag-discuss ng lesson.
Break time na. Nandito ako ngayon sa cafeteria. Umorder lang ako ng pasta at juice bago naghanap ng mauupuan sa gilid kung saan medyo malayo at hindi gaano mapapansin ng ibang estudyante.
Tahimik lang ako na kumakain mag-isa. Nakakalungkot mang pakinggan pero wala ako kahit isang kaibigan. Meron naman umaalok pero tinatanggihan ko dahil bukod sa peke ang pinapakita nila sa akin ay alam kong gusto lang nila akong pakinabangan sa mga school works.
Second year BEED student ako. Lima kaming magkakapatid. Bata pa lang ako nang iwan kami ni Papa at sumama sa kabit nito. Si Mama ang mag-isang tumaguyod at nagpalaki sa amin kaya lahat ginagawa ko para makapagtapos at maibalik ang sakripisyo nito para sa amin. Bunso ako at maagang nag-asawa ang mga kuya at ate ko kaya hindi sila nakapagtapos. May sakit sa puso si Mama at mahina na kaya tumigil na ito sa pagtatrabaho.
Kahit may allowance ako galing sa scholarship ay hindi ito sapat para sa pang-araw araw naming pangangailang. Kaya naman tumatanggap ako ng mga school paper works pandagdag na rin sa kita at ipon para sa gamot ni Mama.
"Kyahhh!!"
"He's coming!"
Napatigil ako sa pagkain nang biglang mag-ingay sa loob ng cafeteria. Lahat ay nakatingin sa entrance ng cafeteria at animo'y may hinihintay na guwapong artista.
Mula roon ay pumasok ang isang guwapo at matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng pantalon at puting tshirt na pinatungan ng leather jacket na malayong-malayo sa uniporme ng Unibersidad. Seryoso ang mukha nito at mababakas ang pagkainis sa mukha nito dahil sa magkasalubong na kilay nito at matinding pagkunot ng noo na animo'y naiingayan sa paligid.
Bryson Ranger Cervantes, kilala sa tawag na Bryce, ang campus bad boy/bully dahil sa pagiging siga at pakikipagbasag ulo nito sa iba. Parang hari kung ituring at lubos itong kinatatakutan ng lahat. Pero hindi pa rin mawawala ang mga babaeng nagkakandarapa sa lalaki dahil sa taglay nitong kasikatan, kaguwapuhan at kayamanan. Ang pamilya nito ang may-ari ng unibersidad na ito kung saan ako nag-aaral kaya hindi ito ma expel kahit marami na itong ginagawang kalokohan.
Napailing ako at nag-iwas ng tingin. Binalik ko sa pagkain ang atensyon. Narinig ko ang singhapan ng mga estudyante dahilan upang mapaangat ulit ako ng tingin.
Nanlalaki ang mata ko sa nakita.