Seryosong nakatitig si Iridessa sa kanyang cellphone na nakapatong sa mesa. Kanina pa siya naghihintay na tumunog ito o kahit man lang lumitaw ang pangalan ng Don sa screen, pero wala pa rin. Ilang araw na silang hindi nag-uusap ni Marcelito. Kahit ang mga simpleng mensahe niya ay wala man lang reply, at dahan-dahan nang napapalitan ng inis ang pag-aalala niya. Pakiramdam ni Iridessa, parang kinalimutan na siya nito sa gitna ng gulo sa Pangasinan. Gustong-gusto na niyang sumugod doon pero hindi siya pwedeng umalis dahil tambak din ang trabaho niya sa Callantes Corp. Kasalukuyang nasa kalagitnaan sila ng isang mahalagang meeting. May isang representative mula sa potensyal na business partner ang nagrereport sa harap, pero lumilipad ang isip ni Iridessa. Ilang beses na siyang nagpapakawala

