Ang katahimikan ng gabi sa hacienda De Villa ay nakakabingi, matapos ang masasayang nangyari kanina ay siya namang lungkot niya ngayon. Nagpakapagod siya kanina para maagang makatulog, ngunit nagkamali siya. Nakatingin si Iridessa sa kanyang cellphone dahil wala man lang paramdam ang asawa niya. Tapos may matatanggap siyang voice message mula kay Elena, kung paano nasasar4pan si Triton sa ginagawa nilang kababvyan. Mag-aalas-dos na ng madaling araw, ngunit ang kanyang isipan ay tila sirang plaka na paulit-ulit yung mga ung0l ng asawa niya sa piling ng ibang babae. Kahit anong baligtad niya’y hindi siya dinadalaw ng antok. Dahil sa bigat ng kanyang dibdib, tuluyan na siyang bumangon sa kama at nilapitan ang mini-ref sa sulok ng kwarto nila ni Triton. Nakita niya ang isang bote ng mamahali

