CHAPTER 48

1684 Words

Nagising si Iridessa dahil sa pamilyar na amoy ng pabango na humahalimuyak sa silid—ang amoy ni Marcelito. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at doon niya nakita ang Don, mahimbing na natutulog sa tabi niya habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Ang matinding galit at tampo na nararamdaman niya kanina ay tila biglang naglaho. Kitang-kita niya sa mukha ni Marcelito ang halos araw-araw na pagod at stress na pinagdaanan nito sa Pangasinan. Bahagyang nangitim ang kanyang mga eyebags at tila tumanda siya ng ilang taon dahil sa puyat. Maingat na hinaplos ni Iridessa ang mukha ni Marcelito, pinagmamasdan ang bawat linya nito. Sa kabila ng inis, nanaig ang kanyang pagmamahal. Nagulat si Iridessa nang bigla siyang higitin ni Marcelito paitaas para lalong magkadikit ang kanilang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD