Matapos ang matagumpay na meeting sa boardroom, hindi pinalampas ni Ledger ang pagkakataong asarin ang pinsan niyang si Marcelito. Habang si Iridessa ay abala sa pakikipag-usap sa ilang marketing heads sa kabilang kwarto, pumasok si Ledger sa kanyang opisina at agad na dinial ang private line ng Don. "Marcelito, my dear cousin," bungad ni Ledger nang sagutin ang tawag. Humilig siya sa kanyang upuan at tumingin sa labas ng bintana habang may nakakalokong ngiti. "I finally met her. And I must say, you have very... expensive taste. Hindi mo sinabing nag-uwi ka pala ng tigre sa Pilipinas." "I told you, Ledger," malamig na sagot ni Marcelito mula sa kabilang linya. "She’s not just anyone. Ngayong nakita mo na ang talino niya, siguro naman ay titigil na ang kayabangan mo tungkol sa brains are

