Pumasok si Iridessa sa boardroom ng Russo Tower na suot ang isang itim na power suit. Ang bawat hakbang ng kanyang stilettos sa makintab na sahig ay tila isang babala. Sa loob, naghihintay si Ledger kasama ang anim na senior executives—mga lalaking tila hindi sanay na may babaeng nagdidikta sa kanilang harapan. Ito ang unang pagkakataon na haharap sila sa isang babae. Walang binanggit si Ledger tungkol sa dalaga. Naupo si Ledger sa kabisera, nakasandal at may mapa-nuring tingin. "The floor is yours, Ms. Callantes. Show us if you’re more than just a pretty face from Manila." Aniya habang may ngisi sa labi, na talaga namang iniinis niya si Iridessa. Hindi nagpatinag si Iridessa. Binuksan niya ang kanyang laptop at agad na lumabas sa malaking screen ang isang dynamic presentation na hindi n

