INISMIRAN ni Celine ang binata at pumasok na siya sa kuwarto. Inispeksyon niya ang buong kuwarto sa halip na tunguhin ang banyo. Pati closet nito at binuksan niya. At ganoon na lang ang pag-asim ng mukha niya nang makakita ng mga pambabaeng damit doon. May negligee pa! Pinaghahablot niya ang mga iyon at mabilis na lumabas.
“What’s the meaning of this? Cross-dresser ka o may itinitira ka ditong babae?” sita niya agad, parang pusang bagong panganak.
“Kahit kailan hindi ko ginawang magsuot ng pambabae. Kay Arianne iyan,” kaswal na sabi nito.
Sukat sa pagkarinig sa pangalang iyon ay lalo siyang nairita. “Akala ko ba iiwan mo ang mga girlfriend mo? Bakit may damit pa siya dito?” Mabilis siyang humakbang palapit dito at inihampas sa dibdib nito ang mga damit. “Niloloko mo lang yata ako, eh. Hoy, Dio, hindi ako papayag na may babae ka pang iba, ha? Magpapakasal na tayo.”
“Ang dami pong sinasabi.” At bigla na lang siya nitong hinaklit. Kaagad na naglapat ang kanilang mga labi at bago pa man siya nakagawa ng anumang kilos ay napangahasan na ng binata na pasukin ang kanyang bibig.
Nakulong ang lahat ng mga salitang nais pang umalpas sa kanyang bibig. Tila higit na maraming mensahe ang inihahatid ng paggalaw ng mga labi at dila ni Claudio. Bago lumipas ang marami pang segundo ay naramdaman niyang nanlambot ang kanyang mga tuhod at nangunyapit sa batok nito.
At tila lalong naubos ang lakas niya nang maglakbay ang mga kamay ni Dio sa kanyang katawan. Tila dumami ang mga kamay nito na nagawang haplusin ang maraming parte ng kanyang katawan subalit higit na nagtatagal sa mga bahaging labis na sensitibo sa kanya.
“Dio…” halos anas niya nang marahang pumisil ang kamay nito sa isa niyang dibdib. Iniwan ng binata ang kanyang mga labi at gumawa ng mga basang halik sa kanyang tenga. Halos manginig siya sa kiliting nararamdaman lalo at nilaro-laro din nito ang dulo ng kanyang dibdib.
“I missed you, Celine,” makapal ang tono na bulong nito sa kanya habang bumababa ang mga labi nito. “I missed this,” sabi pa nito habang tila ibinabaon ang mga labi sa pagitan ng kanyang dibdib.
Humigpit pa ang kanyang yakap dito. Parang inililipad sa kalawakan ang kanyang katinuan. Napupuno ng masarap na sensasyon ang bawat himaymay ng kanyang katawan sa bawat pagdama ng mainit na palad ni Claudio sa kanyang balat.
“Touch me, love. Feel me,” masuyong utos nito sa kanya.
Mabilis naman siyang tumalima. Ang tuwalyang nakatapis kanina kay Claudio ay wala na. Mabilis na dumako ang kanyang kamay sa bahaging tinutukoy nito.
Isang mahinang ungol ang umalpas sa mga labi ni Dio bago nilaro ng bibig ang isang dulo ng kanyang dibdib. Napaigtad naman siya sa daluyong ng laksa-laksa pang kiliti.
Nagpatangay siya nang hilahin siya ni Dio. Dinala siya nito sa sofa. Bago siya naihiga nito doon ay napagtagumpayan na nitong alisin ang lahat ng saplot niya sa kanyang katawan.
Ramdam na ramdam niya ang kahandaan nito sa sugpungan ng kanyang mga hita nang pumiling ito sa kanya.
“Can’t wait anymore, love,” wika nito sa kanya. “I-advance na natin ang first night.”
Matatawa sana siya subalit napalunok na lang siya. Siya man ay hindi na niya maunawaan ang liyong nararamdaman. Ang alam lang niya ay gusto na niyang abutin ang bagay na aabutin niya. Marahan siyang tumango.
Nang angkinin siya ni Claudio ay napagibik siya sa sakit. Bigla itong napatigil. At matamang tumitig sa kanya.
“Matagal na ang huli?” he asked.
Inirapan niya ito. “Nine years ago! Walang iba kundi ikaw, Dio.”
Rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito bago ang pagguhit ng isang nagdiriwang na ngiti. “Wow!” bulalas nito. “You should have told me.”
“Para ano?”
“Para hindi ako naging ganito.”
Nagtaas siya ng kilay at bahagyang sumilip sa pagitan nila. “As if may ibang paraan.”
“I could be more gentle, that’s what I mean.” Humigpit ang yakap nito sa kanya. “Enough talk. Narito na, eh.” He pushed deeper. At muli ay rumagasa sa kanyang kaibuturan ang hindi maipaliwanag na sarap. Bumaon ang mga daliri niya sa likod nito. At nilubos na ni Dio ang pag-angkin sa kanya.
“SABI KO na sa iyo, masarap dito, eh,” tudyo sa kanya ni Claudio habang nakaunan ito sa dibdib. Kanina pa natapos ang mainit na sandali subalit hindi pa rin sila tumitinag at nananatili pa ring magkayakap. Mabigat si Claudio. Mahigit kalahati ng katawan nito ay nakadagan sa kanya subalit tama ito, sa lambot ng sofa na nakasalo sa likod niya ay hindi niya iyon gaanong iniinda.
Kinurot niya ito nang pino sa pipis na tiyan. “Hindi na siguro mabilang ang mga babaeng nakasama mo dito,” sumbat niya.
“Huwag na nating pag-usapan iyon. Hindi pa naman tayo noong panahon na iyon.”
‘Eh, paano iyong may-ari ng mga damit na iyon?” tinapunan niya ng tingin ang nakakalat na damit.
“Si Arianne? Forget her. Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo dati na iiwan ko silang lahat kapag nagpakasal tayo? Matagal ko nang hindi kinokontak ang sinuman sa naging girlfriends ko. I told them to call it quits. Naiwan lang ni Arianne ang mga gamit na iyan.”
“Siguruhin mo lang, ha?”
“Opo.” Tila maamong kordero na sagot nito. “Ano ang parusa kung hindi ko magagawa?” tanong nito pagkuwan.
Kaagad niyang hinagilap ang bahagi nitong nagdulot sa kanya ng ibayong ligaya kani-kanina lang. “Tatagpasin ko ito.”
“Aba’y huwag naman!” biglang react ni Dio. “Pareho tayong maaagrabiyado.”
Natawa siya. “Puwes magpakatino ka.”
“Yes, love.”
Naramdaman niya ang muling pagsiksik nito ng sarili sa kanya. “Ano na naman iyan?” kunwa ay maang na tanong niya.
“Ikaw kasi, eh,” tila paninisi nito sa kanya. “Hinawakan mo, ayan, gusto na naman.” Mabilis na itong dumagan sa kanya. “Second round, please?”
“Sure. With pleasure,” bigay-todo namang sagot niya.