18

1413 Words
“PUPUNTA dito sa weekend ang wedding planner, Auntie. Si Gina. Nagkausap na kami. I told her what I want for my wedding. Okay lang ba kung nagbago ako ng isip? Garden wedding na ang gusto ko. Sa Hermosa gagawin. Memorable ang lugar na iyon sa amin nina Papa at Mama. Tiyak na matutuwa sila kung doon ko gaganapin ang kasal,” mahabang sabi ni Celine sa tiya. Naisip niya ang ideyang iyong nang pauwi na sila ni Claudio. Walang silang ibang pinag-usapan kundi ang tungkol sa kanilang kasal. They were both excited about it. “Doon nalagutan ng hininga ang mama mo, Celine,” paalala sa kanya ni Carolina. “Namatay siya na masaya, Auntie. Kaya nga nag-aya siya doon noon. She was reminiscing sweet memories when she died.” Nilambing niya ang tiya. “Sige na, huwag ka nang kumontra. Gusto rin ni Dio na doon ang kasal. Sa papa pala niya talaga ang lupang iyon at ibinenta lang kay Papa.” “I know. Siya, ikaw ang bahala. Kaya lang ay malaking pag-aayos ang gagawin sa lugar na iyon para maigayak na akma sa kasal.” “Problema na ng wedding planner iyon,” nakangiti namang sagot niya. Dagling nawala ang ngiti niya nang makitang nakatitig sa kanya ang tiya. “Bakit?” “Galing dito si Diego, hinahanap ka.” Nagtaas siya ng kilay. “Wala na kami. Bago pa namatay ang papa ay malabo na kami, ano pa ang ipinunta niya dito.” “Hindi pa raw kayo hiwalay. Alam na ba niyang ikakasal ka na?” “Kung ipinamalita mo na o ni Tita Marjorie ang tungkol sa kasal namin ni Dio, tiyak na alam na rin niya. Mabilis namang kumalat ang balita. At taga-rito din naman siya sa San Ramon.” “Mas maganda kung mag-uusap kayo. Ikakasal ka na. Dapat ay maisara ang mga bagay na dapat isara.” Tumango siya. Napatingin siya sa gate. Papasok doon ang sasakyan ni Claudio. “Mukhang hindi ka na talaga pakakawalan ng lalaking iyan. Kahahatid lang sa iyo niyan kaninang umaga, naririto na naman,” anang tiya niya. Napangiti siya. “Na-miss niya ako agad.” “Magkasama kayo buong magdamag. Baka naman buntis ka na kapag ikinasal ka? Hindi magandang malaki ang tiyan kapag naka-wedding gown,” kaswal na sabi ni Carolina. Naumid siya. Wala naman silang ginawang pagkokontrol ng nagdaang gabi. Hindi nga malayong mabuntis siya. “Auntie, kung sakali man, isipin mo na lang na magiging lola ka na agad.” Niyakap niya ito. “Ikaw na si Lola Carol,” tudyo niya. “Good afternoon, Auntie,” bati naman ni Dio na bumungad sa sala. Nagmano ito kay Carolina at humalik sa mga labi niya. “Naririto ka na naman. Kagagaling mo lang dito, ah?” pabirong saludar ni Carolina dito. “Aayain ko ho sana si Celine sa Hermosa. Nabanggit na ho siguro niya sa inyo na doon namin gustong magpakasal.” Tumango ito. “Siya, kung pupunta kayo doon ay lumakad na kayo. Huwag kayong magpagabi. Alam ninyo namang probinsya ito. Iba ang takbo ng isip ng tao. Hindi bale sana kung kagaya ko silang mag-isip.” Nagkatawanan silang tatlo at pagkuwa nagpaalam na sila kay Carolina at lumakad na sila ng binata. “MUKHANG malaking preparasyon nga ang gagawin sa lugar na ito,” sabi niya kay Claudio nang nasa Hermosa na sila. “Masyadong plain itong lugar.” Tipikal na itsura ng nakatiwangwang na lupa ang Hermosa. Maliban sa malaking puno ng sampalok ay may iba’t ibang punong namumunga ang nakakalat. Ni walang pormasyon. Tila dinala lang ng mga ibon ang buto at kusa nang naging puno ang buto. “Kaya nga tayo kumuha ng wedding planner. Sila ang bahalang mamroblema. Basta tayo, ikakasal na lang dito.” “I want to make suggestions. Ayoko namang iasa kay Gina ang preparation. Gusto ko may personal touch din ako sa kasal natin.” “Sure. Basta ayoko lang na mag-worry ka nang husto. Remember kaya tayo magbabayad ay para sila ang mag-worry para sa atin.” Hinapit siya nito sa bewang. Sumandig naman siya sa dibdib nito at ikinawit din ang braso sa bewang nito. “Ang dami kong alaala sa lugar na ito. Pinakamasakit ay nang mamatay dito si Mama. Pero kung hindi ko na iisipin iyon, puro masasaya ang maaalala ko.” “Kaya nga dito tayo magpapakasal. Para masaya ring iisipin mo na dito tayo ikinasal. Kapag may mga anak na tayo, dito rin tayo magpi-picnic kagaya ng ginawa sa iyo noon ng papa mo.” Kaswal na kaswal ang tono ni Claudio nang sabihin iyon subalit mabilis na namasa ang kanyang mga mata. “Napuwing ka?” pansin nito agad sa kanya. “Naiiyak ako, tange,” aniya at tumawa. Mabilis niyang diniinan ang sulok ng mga mata. “Nami-miss ko sila, Dio,” at napaiyak na naman siya. “Mas masaya sana kung kahit ang papa man lang ay buhay pa.” “Hindi pa siguro tayo ikakasal kung buhay ang papa mo. Dahil lang naman sa testamento—” biglang tumigil si Claudio. “Shit.” At niyakap siya nito. “I’m sorry, Celine. Hindi ko na dapat binuksan pa ang paksang iyon.” “It’s all right. Alam naman nating pareho ang dahilan kung bakit tayo magpapakasal.” “Forget it,” mariing sabi nito. “Basta ang importante ay ang magsama tayo nang maayos. We can work out this marriage, can’t we?” “We’ll do our best to make this marriage work out,” positibong sagot niya. Hinagkan siya nito nang mariin. At muli ay natangay siya. Subalit bago sila tuluyang makalimot ay kapwa sila bumitaw ng halik sa isa’t isa. Hawak siya sa kamay na inaya siya ni Dio palapit sa puno ng sampalok. “Alam mo, ilang beses pa lang akong nakapunta dito kapag nagkakatuwaan sina Papa at Tito Carling na mag-inuman dito pero hindi nakalimutan ni Tito Carling na ipagmalaki ang ukit na iyan,” turo nito sa pangalang nakaukit sa puno. Her throat constricted. Umahon na naman sa dibdib niya ang labis na pangungulila sa magulang. Higit siyang maraming alaala. At tama si Dio, kahit kailan ay ipinagmamagaling ng kanyang papa ang pangalang inukit nito sa puno. Kahit na nga ba kinakantiyawan na nila ng kanyang mama na para na itong sirang-plaka, alam nilang patunay lang iyon ng labis na pag-ibig nito sa kanyang ina. Isang maliit na Swiss knife ang nakita niyang dinukot ni Dio sa bulsa nito. “Ano ang gagawin mo?” tanong niya sa binata. “Kahit kantiyawan mo akong walang originality, gagawin ko ito,” sagot nito at nagsimulang ikayod sa puno ang talim ng munting kutsilyo. “Dagdagan natin ang magagandang alaala. Iuukit ko ang pangalan natin dito. Okay lang sa iyo?” lingon nito sa kanya. Napalunok siya at tumango mayamaya. “Anong petsa ang ilalagay natin? Wala pala tayong anniversary,” sabi ni Claudio habang patuloy ito sa pag-ukit. “Petsa na lang ngayon, ha?” “Sige.” Nakatitig siya sa ginagawa nito. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming gumagapang sa dibdib niya. Masaya siya pero tila hindi kayang magkasya sa ganoong salita ang talagang nararamdaman niya. Pinanood niya ito sa tahimik na pag-ukit. Ikinulong pa nito sa isang puso ang kanilang mga pangalan. Bago natapos ni Claudio ang ginagawa ay natiyak niya sa kanyang sarili ang isang katotohanan. She was in love with him again. At higit na matindi ang damdaming iyon ngayon kumpara noong nakaraang siyam na taon. Napasinghot siya. Naluluha na naman siya. And she knew it was tears for joy. “Celine, umiiyak ka na naman,” pansin sa kanya ni Claudio nang marinig ang pagsinghot niya. Iniwan nito ang ginagawa at lumapit sa kanya. “Kung napipilitan ka lang na pumayag sa ginagawa ko, bakit hindi mo na lang ako pigilan? Humanap na lang tayo ng ibang puno kung sa palagay mo ay pinapakialaman ko ang punong espesyal sa mga magulang mo.” “Sira!” natatawang sagot at mabilis na tinuyo ang mga luha. “Wala naman akong sinasabi, ah?” “Bakit ka umiiyak?” “Masaya lang ako.” Kumunot ang noo ni Claudio. “Ang gulo mo. Masaya ka tapos umiiyak ka? Dapat tumawa ka.” “Tears of joy po ang tawag dito.” “Okay since masaya din naman ako ngayon, ito naman ay tatawagin kong kiss of joy.” At minsan pang inangkin nito ang kanyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD