HINDI NA ako pumasok sa Laurent Company. Panay ang text sa 'kin ni Lovely dahil bakit daw ako hindi pumasok na eh may four days pa naman daw ako. Sinagot ko nalang siya na inadvance ko na. Kaya wala na siyang nagawa. Binura ko narin ang cellphone number ni sir Caius. Pati mag text messages niya ay binura ko narin. Balak ko nga sanang umuwi sa bahay para itapon lahat ng mga kinolekta ko tungol sakanya. Pati pinag inuman niya na pinupulot ko at inuuwi ko sa bahay ay itatapon ko na. Oo, ganun ako ka baliw sakanya. Kaya maging ang binalatan niya sa pagkain niya ay pinupulot ko at inuuwi. Pero ngayon ay galit ang nararamdaman ko sakanya. Ayaw ko na siyang makita pa o makausap man lang. Nandito ako sa condo unit ko at nagbibihis para pumunta ng grocery. Naubusan na kasi ako ng stocks kay

