NAKAILANG ALAK na kami nila Lovely ay Eman kaya umiikot na ang paningin ko. Nang galing din kami sa dance floor ni Lovely at tinutulungan niya akong makahanap ng gwapong lalaki. Para naman matigil na sila sa pagdududa sa 'kin na may relasyon kami ni Caius. Kanina ng malaman ko yun ay napapaisip ako kung bakit mainitin ang ulo niya. Siguro ay wala na siyang ka f**k buddy kaya mainit ang ulo. Hindi na niya kasi mailabas ang init ng isa pa niyang ulo kaya siguro siya nagka ganun. Umupo ako sa pwesto ko habang panay ang tawa kay Lovely at Eman na mapusok na naghahalikan sa harap ko. Ang lalandi talaga ng dalawang 'to na parang iniingit ako. Sila na may love life talaga. Wala na silang pakialam kahit pa nga nasa harapan nila ako. Kinuha ko na lang ang inorder naming red horse kanina. Nilakl

