LUMIPAS ang isang buwan at nandito parin ako sa unit ko. Hindi ako lumalabas o gumagala man lang. Panay din ang kain ko na hindi ko na macontrol dahil lagi akong gutom. Ngunit ang nakakapagtaka ay hindi ako nabubusog. Katulad nalang ngayon, kumakain na naman ako na walang tigil. Kahit anong sabi ko sa sarili ko na tumigil na ako sa kakakain pero sige parin ako ng sige. Kairita talaga. Matapos kung kumain ng chocolate ay agad akong nag hanap ng maalat na pagkain. Ganun ang ginagawa ko kaya nagtataka din ako dahil hindi naman ako ganito. Nasa sofa lang ako at kumakain. Nanonood ako ng drama kaya naiiyak ako dahil sa bidang babae. Kahit naiiyak ay panay din ang subo ko ng pagkain. Nang matapos ang pinapanood ko ay pinatay ko ang laptop ko at tumayo para iligpit ang mga kalat ko. Pero hind

