NANDITO ako sa bahay nila daddy at dito na nakatira. Isang buwan na ako dito at alagang-alaga ako ni mommy kahit pa nga ang laki ng kasalanan ko sakanila. Tinanggap ako nila daddy at mommy, halos nagulat pa si daddy ng malaman niyang buntis ako. Nagalit siya at tinanong ako kung sino ang ama ng dinadala ko. Hindi ko sinabi ang totoo kay daddy, ang sinabi ko lang ay na lasing ako at may nakilalang lalaki sa bar at pag gising wala na. Balak pa sanang puntahan ni daddy ang bar na sinasabi ko ngunit na pigilan ko siya. Ayaw ko na kasing lumaki pa ang gulo. Pumayag si daddy na dumito ako at hindi ako pwedeng lumabas ng bahay. Pumayag narin naman ako dahil yun naman talaga ang plano ko. Yung check up ko every month ay may pumupunta na ob gyne dito para icheck ako. Lumalaki narin ang tiya

