APAT NA TAON ang nakalipas simula ng pinili kong umalis sa bansang Pilipinas. Pumunta kami ng Switzerland, Italy, at South Korea. Pa travel-travel lang kami ng anak kong si Fitz. Ngayon naman ay nasa Japan kami at pagkatapos nito ay uuwi kami ng Pilipinas. Sa loob ng apat na taon ay masaya kaming dalawa ng anak ko kahit kami lang dalawa. Hindi naman niya tinanong kung nasaan ang daddy niya o sino ang daddy niya. Lagi naman kasi kaming gumagala simula ng mag two years old siya. Sinanay ko si Fitz para may kasama na akong mag travel. Pagkatapos kong manganak four years ago ay three weeks lang ang pinalipas ko nang mapag desisyon ko na umalis ng bansa. Wala namang problema yun dahil may private plane si daddy kaya hindi ko pinroblema ang pag-alis namin ni Fitz. Nong una ay sumama pa sami

