KATATAPOS lang namin maghapunan kasama ang mga kapatid ko at si Perseus. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan si Perseus na tinutulungan ang mga kapatid ko sa assignment nila. Nasa sala silang tatlo habang nakaupo sa sahig. Tinuturuan niya si Robert sa math habang ginagawa ang project ni Cali. Niligpit ko nalang ang mga kinainan namin dahil busy silang tatlo. Nilagay ko sa lababo ang mga plato saka ko pinunasan muna ang mesa. Lumapit ako sa lababo at nagsimula ng maghugas ng pinggan. "Meu amor.." biglang tawag ni Perseus sa 'kin kaya napatigil ako sa paghuhugas saka lumingon sa gawi nila. "Do you need help?" Tanong niya at akmang tatayo sa pagkakasalampak niya sa sahig. "Ayos lang ako. Kaya ko na 'to." Sagot ko habang nakangiti. "Are you sure? Pwede naman k

