NAKASIMANGOT ako sa harap ng daddy ko dahil ayaw niya akong payagan magbakasyon. Si mommy pumayag pero dito talaga ako nahihirapan kay daddy. Kahapon pa nagpaalam si Eugene na aasekasuhin muna niya ang kompanya niya. Pero ang totoo talaga ay uuwi siya sa probinsya kasama ako. Hindi kami nag sabay umalis dahil baka mahuli kami ni daddy. Kahapon pa ako hinihintay ni Eugene sa sarili niyang bahay sa Makati. Ngunit hindi ako maalis dahil ayaw pumayag ni daddy. "Sige na po kasi, daddy. Si mommy nga po pumayag na eh," naka nguso kong sabi. "It's a big no, Sunshine. Dito ka lang sa bahay at wag mong subukan umalis." Seryosong sabi ni daddy. "Sandali lang naman po ako eh. Payagan mo na ako daddy kong gwapo." Sabi ko sa malambing na boses. "Wag mo akong utuhin, Sunshine. Matagal na akong gw

