NAKARATING kami sa bahay ni Eugene mag uumaga na. Papasok pa lang ng gate ng bahay niya ay bumalik sa alaala ko ang mga nangyari sa 'kin. "Are you okay, my Sunshine?" Tanong sa 'kin ni Eugene. Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. "Naalala ko lang ang nakaraan." Sabi ko sa malungkot na boses. "Pangit ang alaala mong yun, my Sunshine. Papalitan natin ang mga alaalang yun, okay?!'' Saad niya saka hinaplos ang kamay ko. Tumango ako kaya ngumiti sa 'kin si Eugene saka pinatakan ng halik ang labi ko. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at agad na lumabas at isinara. Umikot siya papuntang passenger seat saka niya ako pinagbuksan ng pintuan at inalalayan makababa. "Nandyan ba ang kapatid mo?" Tanong ko kay Eugene. "Yes, my Sunshine. Kanina pa nga niya t

