NAKARATING kami sa hotel at agad kaming inassist dito. Mukhang kilala nila si Perseus dahil todo aseksaso sila samin. Nandito kami sa hotel room namin habang kumakain. Gutom na gutom na talaga ako dahil sa nangyari kanina. Umorder nalang si Perseus ng pagkain sa restaurant. Sinusubuan pa talaga niya ako saka dinadampian ng halik ang pisngi ko. Nang matapos kaming kumain ay tumayo ako para sana iligpit ang kinainan namin. Ngunit naunahan na naman ako ni Perseus at pinaupo niya ako ulit. "Gusto mo ba ng buko salad, meu amor?" Tanong niya sa 'kin kaya tumango ako. Bigla tuloy akong natakam dahil favorite ko yun. Kapag fiesta samin ay wala kaming handa kaya pumupunta kami magkakapatid sa mga kapitbahay namin at nakikikain. Inuuna ko talagang tinatanong kung may buko salad. Hindi kasi ako

