NAKA UWI na kami sa bahay ni Perseus ngayong araw. Mabuti nalang at wala na si ma'am Vanesa dito. Akala ko talaga hihintayin niya si Perseus hanggang sa umuwi. Nasa labas ng bahay si Perseus dahil pinapaayos niya ang gate. Pinalagyan niya na ng code ang gate na tanging ako at siya lang ang nakaka alam. Ginawa niya yun para hindi daw maka pasok ang mama niya kapag wala daw siya sa bahay. Ayaw na kasi niya maulit ang nangyari. Nandito ako sa kusina at nagluluto ng ulam namin. Hindi muna pumasok si Perseus sa office dahil gusto daw niya akong samahan. Balak namin mamaya mag grocery dahil paubos narin ang stock niya. Habang nagluluto ako ay nililinisan ko ang kusina dahil sobrang dumi. Hindi ko alam kung anong ginawa dito ni ma'am Vanesa sa kusina at sobrang kalat pagdating namin. Magi

