NANDITO KAMI kama ni Perseus habang magkayakap. Wala kaming saplot kahit isa dahil inangkin na naman niya ako. Mabuti na nga lang at sound proof ang kwarto niya kaya kahit umungol ako ng umungol ay hindi ako maririnig sa labas. Nagulat si ate Cana ng malaman niyang sa kwarto ako ni Perseus natutulog. Nagulat kasi siya kanina nang makita niya ang maid's room. Ang akala daw kasi niya ay do'n ako natutulog. Medyo nahiya tuloy ako dahil alam kong may iniisip si ate Cana sa 'kin. Napa pikit ako nang haplusin ni Perseus ang maikli kong buhok. "Gusto mo bang dalawin natin ang mga kapatid mo bukas?" Biglang tanong ni Perseus sa 'kin. Minulat ko ang mga mata ko saka tinignan siya. "Pwede kaya yun? Diba may trabaho ka," sagot ko sakanya. "Tatakbo ang companya ko meu amor kahit wala ko." Sagot

