Luscious 2

3364 Words
Luscious 2 Purchase NANGINGINIG ang kalamnan ni Luisa habang nakaupo sa visitor’s lounge sa loob ng blue room services, ang silid na pinasukan nila ni Eves. Umalis na rin ang ilan sa mga babaeng halos kita na ang kaluluwa dahil sa manipis at maikli nilang suot. Tanging silang tatlo na lamang ng manager ang natira sa loob. “Sigurado ka ba na gusto mong pumasok rito, iha?” naniniguradong tanong ng isang matandang dalaga na may makapal na make-up sa mukha. Lumipat ang tingin nito kay Eves sa isang tabi. “Maganda ‘tong nakita mo, Eves. Pero, mapagkakatiwalaan ba ‘to?” tinaasan niya ‘to ng kilay. Hindi makasagot si Luisa kaya naman si Eves na lamang ang sumagot para rito. “Opo, Tiya Matilda. Mabait po ‘yan kaya lang kailangan niya po ng pera kaya napagdesisyunan niyang pumasok dito.” “Kung gano’n,” pinagsiklop ng ginang ang mga kamay at pinasadahan ang kabuuan ni Luisa na ikinailang naman ng dalaga. “Kaya mo bang gumawa ng bagay na ikakarumi ng imahe mo?” muli ay tanong nito kay Luisa. Agad na napatingin ang dalaga kay Eves. Sinenyasan siya ng babae na tumango at sumagot. Nagdadalawang isip pa siya. Inaalala niya ang magiging reaksyon ng ina niya sa oras na malaman nito ang pinasok niya. Nag-aalala siya na baka itakwil siya nito. Ngunit, mas importante sa kanya ang ipagamot ‘to sa madaling panahon. “Kung inaalala mo ang ‘yong pagkakakilanlan. Wag kang mag-alala, iha. Lahat ng miyembro rito ay nakatago ang impormasyon patungkol sa inyong buhay. Mananatiling misteryoso ang pagkatao niyo.” Dagdag ulit ni Tiya Matilda. ‘yan ang tawag sa kanya ng lahat na nandito. Mariing kinagat ni Luisa ang ibabang labi at napakuyom ng kamay. “S-sigurado na po a-ako…” sagot niya na ikinatango ng matandang babae. May kinuha ang may-ari na isang papel at agad ‘yong inilapag sa harap ng dalaga. “Paki-fill up ng impormasyon patungkol sa sarili mo. Para naman madagdag na nakita sa listahan mamayang gabi.” Turan nito. Napabuntong hininga ang dalaga at dahan-dahang inabot ang ballpen. Nanginginig ang mga kamay na sinulat niya ang impormasyon patungkol sa kanya. Hindi naman gano’n ka detalyado ang hinihingi ng form. Mga bagay lang na talagang maglalarawan sa pisikal niyang anyo. “T-Tapos na po…” inilapag niya ang hawak na ballpen at ibinigay ang papel. Saglit siyang napatingin ulit kay Eves na ngayon ay nakangiti na sa kanya. “Siya nga pala, may telepono ka ba?” tanong ulit ng matandang babae sa dalaga. Napailing ‘to na ikinabuntong hininga ng babae. May kinuha ‘to sa drawer ng lamesa at inilapag ang isang bagay sa harapan niya. “O ‘eto, gamitin mo ‘yan pansamantala ng makontak kita mamayang gabi.” Anito patungkol sa teleponong ipapagamit nito sa dalaga pansamantala. Napayuko ang dalaga at iniabot ang de-keypad na cellphone. “S-Salamat po…” alanganing sagot niya at tumayo na sa kinauupuan. Agad niyang nilingon si Eves sa isang tabi. “Uuwi ka ba? S-Sabay na tayo…” pag-aaya niya na ikinailing ng babae. “May gagawin po ako rito, Lui. Mamaya pa ako aalis ng hapon.” Sagot ni Eves. Napatango siya rito at muling binalingan ang matandang babae. Tinanguan niya ‘to bago pumihit papalabas ng silid. Nang makalabas ay napabuga siya ng malalim na hininga. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at napapikit ng mariin. s**t. Talagang pumasok siya rito. Paano nalang talaga kapag nalaman ‘to ng nanay niya. *** “Oh, Luisa? Napaaga ka yata?” agad niyang nakasalubong ang kaibigan pagkapasok pa lamang niya ng ospital. Napatigil siya at napatingin dito. “Huh?” wala sariling tanong niya. Kanina pa siya wala sa sarili at patuloy pa rin iniisip ang mga nangyari sa kanya ngayon. Natamapal ni Sephy ang noo at kaagad na hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. “Gaga! Anong nangyari sayo?” niyugyog nito ang balikat niya. “May nangyari ba?” pag-uusisa ng baklang kaibigan niya.   Iwinaksi niya ang kamay nito na yumuyogyog sa kanya at saka ‘to umiwas ng tingin rito. “W-Wala… diba ngayon lalabas ang result? Kaya napaaga ako,” napalingon siya sa kaibigan ng pinaniningkitan siya ng tingin. “Teka… saan ka ba pupunta? Si nanay? Walang nagbabantay sa kanya ngayon?” pagiiba niya sa usapin. s**t. Muntik na siya ro’n. Buti na lamang naalala niya ang ina na naiwan sa ward. “Bibili lang ako ng prutas. May nurse naman do’n kaya wag kang mag-aalala sa nanay mo.” Sagot nito na nagpatango sa kanya. “Mauna na ako sa loob, Jo.” Aniya na halatang iniiwasan ang mapanuring tingin ng kaibigan sa kanya. Alam niyang naduda ‘to sa maagang pagdating niya. Ngayon lang kasi ‘to nangyari, at ang dahilan ay pagkawala ng trabaho niya. Hindi na lamang niya pinansin ulit ang kaibigan at agad ‘tong iniwan sa lobby. Agad siyang dumiretso sa may ward ng ospital at tinungo ang puwesto ng ina. Hindi pa siya nakakalapit ay agad niyang natanaw ang doktor na kinakausap ang ina niya. Inisang hakbang niya ang direksyon ng mga ‘to na nakuha ng atensyon ng doktor.   “Misis, nandito na pala ang anak mo,” salubong ng doktor sa kanya at kaagad siyang binalingan ng atensyon nito. “Ms. Racanza, maaari ba kitang makausap sa labas? May mahalagang bagay lamang akong sasabihin,” Ani Doktor na ikinatulos niya sa kinatatayuan. Agad siyang ginapangan ng matinding kaba dahil sa tinuran nito. Napabaling siya sa ina niya na tila naguguluhan sa sinabi ng doktor. “D-Dok… d-di ba pwedeng dito nalang? G-Gusto ko lang malaman ang kalagayan ko ngayon,” tila pakiusap ng ina niya. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng doktor sunod ang pag-iling nito. “Kailangan ko lang kausapin saglit ang anak mo, Misis.” Sagot nito. “’Nay, ako na bahala…magpahinga muna kayo diyan. Sasabihin din ko naman sa ‘nyo.” Paniniguradao niya sa kanyang ina at saka tinaguan ang doktor upang umalis na. Naunang lumabas ang doktor at kaagad naman siyang sumunod matapos magpaalam sa ina. Muli ay naramdaman niya ulit ang matinding kaba na namutawi sa kanya kanina. Hindi niya alam ngunit may kutob siya na may hindi magandang balita ang doktor sa kanya. At kailangan niyang ihanda ang sarili para ro’n. “Iha, didiretsuhin na kita…” panimula ng doktor ng matigil sila sa may hindi mataong lugar ng hospital. “Hindi na nagrerespond ang gamot ng ina mo sa katawan nito. Dahil na rin sa edad nito, mas lalo lamang humihina ang puso niya.” Anunsyo ng doktor sa kanya. Napaawang ang mga labi niya at hindi makapaniwalang napatitig dito. “D-Dok… s-sabi niyo madadaan lang sa gamutan… pero ano’t nagbago po?” halos hindi na mapanatag ang kalooban niya sa narinig. Nangangatal ang mga labi niya dahil sa labis na kaba. “Your mom needs to undergo operation as soon as possible. Kailangan ng mapalitan ang nanghihina niyang puso.” Sambit ng doktor na muling ikinawang ng mga labi niya sa gulat. “But, don’t worry. Since this hospital has already an organ donation, luckily, your mom already have a donor. Kasama na rin sa test na, isinagawa namin if compatible ang heart sa kanya. And it came out positive,” dagdag ng doktor.   Natulos siya sa kinatatayuan ang parang nabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib niya. “M-Magkano po ang gagastusin lahat?” nakagat niya ibabang labi dahil sa pangangatal. Alam niyang malaki ang gagastusin ng operasyon ng ina niya. Kung ‘to lamang magpapabuti sa sitwasyon nito, gagawin niya ang lahat para lang matuloy ang operasyon kahit na — “It will cost half a million. Kasama na jan lahat ng kakailanganin ng pasyente.” Sagot ng doktor. “But, to be honest iha… the chances of this operation is 80%, at ang natirang porsyento ay maaring maglagay sa pasyente sa kritikal na kondisyon.” Mas lalo lamang siyang nagulantang sa narinig. Hindi siya sa makapagsalita sa laki ng halagang kakailanganin nila. s**t! Saan naman siya kukuha ng malaking halaga? Kahit yata magtrabaho siya ng ilang taon sa palengke ay hindi niya ‘yon mababayaran. Saglit siyang natigilan ng maalala ang trabaho pinasok niya pala kanina. Possible kayang, magkakapera siya ng malaki do’n? At kung tama nga, lulunukin niya lahat-lahat na mayroon siya para lang sa halagang ‘yon. Binalingan niya ang doktor ng makapagdesisyon siya. “Papayag po akong operahan ang nanay ko, dok.” Hindi na rin masama ang malaking porsyentong ikakagaling ng ina niya. “Sige, iha. Ihahanda ko lang ang schedule ng operasyon. Kakausapin ulit kita kapag nasettle na ang lahat. If you will excuse me for I have to run some errands,” ani doktor bago ‘to umalis sa harapan niya. Napatulala siya sa saglit at dahan-dahang napasandal sa malamig na dingding. Hindi niya alam ang kung tama ba ang gagawin niya. Kung tama ba ang desisyong nagawa niya. Alam niyang mali, pero may pagpipilian ba siya? Wala, hindi niya kayang hayaan ang ina niyang nanghihina. Nakapa niya ang cellphone sa may bulsa ng lumang pants niya at doon napahigpit ang kapit ng kamay niya. Malalim siyang napabuntong hininga at napagdesisyunang balikan ang ina sa ward. Hindi niya muna sasabihin ang ibinalita ng doktor hanggat wala pa ang schedule at pera para pampaopera nito. MALAKAS na ibinagsak ni Zephyr ang hawak-hawak na folder at napatayo sa labis na init ng ulo. “Such a fvcking useless! Ang simple-simple lang ng instruksyon ko, hindi niyo pa nagawa ng maayos!” nag-igting ang mga ugat nito sa leeg dahil sa matinding panggigil. Halos sabay-sabay naman napayuko ang ilan sa departamento na nakatalaga upang gumawa ng advertisement para sa bagong produckto ng kompanya. “Ano ‘tong mga ideya niyo? Bukod sa pambata lahat! This are all trash! Masyadong common at walang kalasa-lasa!” padabog na naupo ulit ang binata at napahilot sa may sentido. Napatikhim ang isang head ng advertisement department at nabaling kay Zephyr. “S-Sir… p-pasensya na po— Zephyr cutted her off. “I’ll give all of you an another chance to fix your mess. Now, Get out of my office and start planning!” hindi magkamayaw sa pagtayo ang ilang empleyadong naroon sa meeting. Halos walang nagsasalita sa kanila hanggang makalabas sila. Halos sanay na sila sa ugali ng CEO nila. Mainitin at bugnutin. Kaya parang wala na ang pasigaw-sigaw nito kanina. Napabuga ng malalim na hininga ang binata at napasuklay sa buhok. Mainit na naman ang ulo niya dahil sa hukluban niyang ama na pilit siyang pinapauwi sa mansyon nito. Kaya pati ang mga empleyado niya ay napaginitan niya. Pinulot niya ang nagkalat na papel at agad ‘yong itinapon sa basurahan. Agad niyang nilisan ang conference room at tinungo ang opisina sa kabilang pasilyo. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang pamilyar na pigura ng isang babae. Napakunot ang noo niya at mas binilisan pa ang paglalakad. Damn. What is this brat doing here? Nagugulo na naman ang isipan niya ng makita ang itsura ng babae. “Allen, baby!” nangingiting sigaw sa kanya ng dalaga na ikinalukot ng mukha ni Zephyr. “What are you doing here?” mariin niyang tanong kay Annabeth. Pinasadahn niya ‘to ng tingin at napailing na lamang ng halos lantad na ang katawan nito sa kaiklian ng damit. She pouted her lips. “I miss you. You always ditch me,” nagtatampong turan nito saka mabilis na inilingkis ang mga kamay sa braso ng binata. Agad niyang inilapit ang mukha sa may leeg nito. “I love your smell,” sinisinghot nito ang pabango niya at pagkaraan lang ay naramadaman niya ang mainit nitong dila sa may leeg niya.   Mabilis na hinuli ng binata ang kamay nito at saka ‘to sinamaan ng tingin. “Will you please, stop?” nagtitimping sambit niya at marahas na binitiwan ang kamay nito. She’s starting to pissed him off. Her presence made him remember again his father’s agreement with this woman. Hinid sa ayaw niya sa dalaga, but her bitchy attitude and persistence on getting him turn him down. Annabeth is beautiful, and well, sexy. She’s smokin hot that could make men turn on, and his self is an exception. Hindi pa tuluyang nakapasok si Zephyr ng malakas siyang pinihit ng dalaga upang mahalikan sa labi. Natigilan siya at agad napahawak sa bewang nito. Agad niyang naramdaman ang mainit at malambot nitong labi na malalim siyang hinahalikan. Her hands clench his collar while she tilted her feet to kiss him deeply. The familiar sensation runs down on his body. Agad na bumuhay ang pagkatao niya. She then grabbed her inside of his office and pin her immediately at the wall. “A-Allen baby…” mahinang daing ng babae ng maisandal siya nito sa dingding. Naramdaman niya ang pagtugon ng binata na ikinagiti niya ng malapad. Zephyr entered his tongue on her to deepen their kiss. Agad na bumaba ang mga kamay niya sa pang-upo nito at mariin ‘yong hinawakan. Napasinghap ang babae at napahawak sa may dibdib ni Zephyr. She started to unbutton his shirt while kissing him. “Marry me… Marry me, please baby…” she almost pleaded that made their kiss broke. Kumalas agad si Zephyr nang marinig ang pakiusap nito. She let go of her and throw her a cold glance. “I’ll never marry you. You can’t change the fact that I don’t want you to be part of my life.” walang kagatol-gatol nitong sambit na ikinawang ng labi ng babae. Isang malakas at matunog na sampal ang dumapo sa pisngi ni Zephyr. Kasunod niyon ang mahinang hikbi ng dalaga. “You jerk! Y-You always h-hurt my feelings! G-Ginawa ko naman ang lahat para magustuhan mo ako!” nagsituluan ang mga luha nito sa sakit at inis sa binata. “That’s it! You do everything that will make me like you! ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi kita magustuhan, because you’re persistent to make me love and marry you!” mariin bulyaw sa kanya ng binata. Natigilan ang babae habang naiiling at galit na tinignan ang binata. She pointed her finger at him. “I hate you!” sigaw nito at padabog na umalis ng opisina niya. Napasuklay siya sa kanyang buhok at napahinga ng malalim. He feel sorry for her. Maybe, sumobra yata siya kanina. But, he just want to be honest and true to her. Hindi talaga siya makukuha nito sa paakit-akit. She cant tame him. No women can’t tame his monster inside. Nang maalala ang ginawa niya ay mariin siyang napamura. Damn. Magsusumbong na naman ‘yon sa ama niya panigurado. And surely, it will make him more pissed off. Pabagsak siyang naupo sa kanyang silya at kaagad na kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Agad niyang tinawagan ang kaibigang si Dark. “Bud? Himala at napatawag ka yata?” bungad sa kanya ng kaibigan. Napasandal siya habang nilalaro ang labi. “Pay me a woman to bed later at night.” Sagot niya at pinatayan agad ‘to ng tawag. He sigh for the ninth time. He needs to enjoy later. He’s been stress out for the past weeks. And only women and s*x can made him feel better. HINDI mapakali at panay silip si Luisa sa nakatagong cellphone sa may belt bag niya. Hapon na at baka tumawag bigla ang may-ari ng blue room. Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed ng nanay niya habang ang kaibigan ay nasa kabila  naman, nagbabalat ng orange. Nakatingin lamang siya sa ina niya habang kausap nito ang kaibigang si Sephy o Jo. “Anak, sino ba ‘tong sumagot sa gastusin ng operasyon ko? At nang mapasalamatan natin,” Natigilan siya sa naging tanong nanay niya. Maging ang kaibigan niya ay pinaniningkitan siya ng tingin. Napakurap-kurap siya sa biglaang tanong nito. Napatikhim siya at napalunok. “H-Hindi ko din alam ‘nay. Basta ang sabi ni Dok, may donor kana at may sasagot ng gastusin natin,” Nakagat niya ang ibabang labi. Lied. Hindi niya sinabi sa ina at maging sa kaibigan ang napakalaking halagang babayarin ng operasyon nito. Alam niya sa oras na malamang nito ay hindi na ‘to papayag na magpapaopera. Kinutsaba niya pa talaga ang doktor na wag sabihin ang halaga ng babayarin sa kanilang dalawa lalong-lalo na sa nanay niya. Gagawa siya ng paraan para makabayad agad. “Ay gano’n ba? Sayang naman at gusto ko sanang mapasalamatan…” nanghihinayang na sambit ng ina niya. “Teka, talaga bang hindi mo nakita ang itsura o maging malamang ang pangalan?” pinakikitigan siya nito tila binabasa ang reaction niya. Agad siyang umiwas dito at napatingin sa kaibigan na tahimik lang na nakikinig sa kanila. “Hindi ‘nay. Hayaan niyo at ang importante ay gagaling na po kayo,” ngumiti siya upang pagaanin ang loob nito. Sinuklian ‘yon ng matamis na ngiti ng ina niya. Hindi niya mapigilang makagat ng mariin ang labi ng maramdaman ang pagkirot ng dibdib niya. Sobrang nagu-guilty siya sa ginawang pagsisinungaling dito. Buong akala nito ay talagang may nagsponsor ng babayarin nila. “Teka, ano ‘yang nasa bulsa ng beltbag mo? Kanina ko pa ‘yan napapansin na umiilaw,” puna sa kanya ng kaibigan na ikinatahimik niya. Shit. Napayuko siya at tama nga ‘to. Nag-iilaw ang telepono na binigay ng ginang sa kanya kanina. Agad niyang naramadamn ang mapanuring tingin ng dalawang kasama kaya sunod-sunod ang naging paglunok niya. “Amara Luisa,” mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya ng tinawag siya ng ina sa buong pangalan niya. “Ano’t paano ka nagkaroon ng cellphone?” serysong tanong ng nanay niya. Maging ang kaibigan niya ay tinaasan siya ng kilay habang seryso ang mukha. Sinalubong niya ang tingin ng dalawa hindi pinapahalatang tensyonado siya. “K-Kay ano po ‘nay… B-Bigay ni Sixto, ‘yung sinasabi kong kaibigan na tumutulong sa ‘kin.” Lied. Sa maraming pagkakataon, nagsinungaling na naman siya. Swear. Sa impyerno na talaga ang bagsak niya sa dami niyang kasalanan, lalo na ang trabahong tinanggap niya. “’Yang kaibigang sinasabi mo anak, hindi ko pa ‘yan nakikita at nakikilala. Ba’t ayaw niyang  magpakita sa ‘kin?” kunot-noong tanong ng ina niya. “Oo nga, Lui. Ay naku, naiintriga talaga ako at baka boylet muna ‘yan, a.” tinasaan siya ng kilay nito na ikinairap niya. Napailing siya sa ina at naoabuntong hininga. “Busy kasi ‘yon nay…hayaan niyo at kakausapin ko ‘yon ulit,” kung talagang makakausao niya pa ‘to. E, parang umiiwas nga ‘to sa kanya sa di malamang kadahilanan. Ipinilig na kamang niya ang ulo at saglit na naalala ang cellphone. Muli niyang binalingan ang ina. “Alis muna ako ‘nay. May trabaho pa pala ako,” alanganin niyang nginitian ang dalawa at agad na tumayo sa kinauupuan. “Mag-iingat ka anak umuwi ka ng maaga,” paalala nito. Napatango siya at hinagkan ang ina bago tuluyang umalis. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng bag niya at tinignan ang mensahe. Galing nga ‘to kay Tiya Matilda, base sa pangalang nakalagay sa phonebook. From: Tiya Matilda Pumunta ka na rito, iha. Someone purchase you already.   Agad na gumapang ang kaba sa dibdib niya. Nanlalamig ang kalamnan niya sa kaba. Damn. Magsisimula na ang kalbaryo sa buhay niya. Magsisimula nang dungisan ang pagkatao niya. Hindi niya alam at wala siyang alam sa mga makamundong bagay. Wala siyang experience sa ganoong bagay kaya natatakot siya kapag nalaman ng mga ‘to na inosente pa siya. Buti na lamang ay mananatiling confidential at misteryo ang pagkatao niya kung sakaling bibilhin siya ng kung sino. Ngunit ang tanong, sino ang bumili sa kanya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD