Luscious 1

3120 Words
Luscious 1 Offer NAPABUNTONG hininga si Luisa habang hawak-hawak ang kamay ng ina niyang mahimbing na natutulog sa hospital bed. Pangalawang araw na nila dito sa ospital at kung magtatagal pa sila rito, lalaki na naman ang bills nila. Dagdag problema ngunit hindi niya kayang iuwi ang inang nanghihina pa. Kahit kulang-kulang na siya sa tulog, sisikapin niyang makaipon ng pera pambayad habang hindi pa lumalabas ang tests result. "Lui, magpahinga ka na rin. Pagod ka pa galing trabaho," paalala ng kaibigan niyang si Jo na siyang salitan niya sa pagbabantay ng ina. Tama nga 'to. Sobrang pagod siya ngayong araw sa pagtatrabaho sa palengke. Nakatatlong trabaho siya ngayong araw. At kahit pagod, dito na siya dumiretso upang mabantayan naman ang ina. Napalingon siya rito. "Hindi pa rin ba lumalabas ang test result?" tanong niya at saka umalis sa pagkakaupo sa hospital bed.   Napabuntong hininga ang kaibigan niya at inabot sa kanya ang kalahating mansanas. "Bukas pa raw anang nurse kanina," sagot ni Sephy. Inabot ni Luisa ang mansanas  at kumagat ro'n ng kunti. Nagugutom siya. Hindi niya pinapahalata sa kaibigan. Hindi pa siya kumakain ng hapunan kahit alas diyes na ng gabi. Masyado na siyang nalipasan ng gutom. Kaya inubos na lamang niya ang kalahating mansanas. "Lui, pahinga kana, a? Aalis na ako para maaga akong makakabalik dito bukas," paalam sa kanya ng kaibigan. Hinagilap nito ang maliit na belt bag at saka siya tinanguan bago tuluyang umalis. Napatingin siya sa buong ward ng ospital. Tahimik na rin at ang iilang mga pasyente at kamag-anak ng mga 'to na katabi lamang nila ay payapa ng natutulog. Napailing na lamang siya at iniligpit ang mga balat ng mansanas sa maliit na mesa. Saglit siyang matigilan ng makitang unti-unti ng imunalat ng ina niya ang mga mata nito. Kaagad niya' tong dinaluhan. "Nay! May masakit ba sa inyo?" puno ng pag-alalang tanong niya. Parang may pumunit sa puso niya ng makita ang namumutlang mukha ng ina niya. "N-Nay..." nasasaktan na siya sa kalagayan nito. Alam niyang lumalaban lang ang ina niya at ipinapakita sa kanya na malakas pa 'to. "N-napaka iyakin mo talagang bata ka... Bente dos kana at umiiyak ka pa rin..." mahinang puna sa kanya ng ina niya. Napahawak siya sa may pisngi ng sabihin ang mga katagang' yon. Naramdaman niya ang pamamasa ng pisngi niya tanda ng pagtulo ng kanyang luha. "Tahan na, anak. Okay lang ako." binigyan siya nito ng maliit na ngiti saka saglit natigilan. "T-Teka...kumain ka na ba?" Napatango-tango siya. "O-oho. Bago ako pumunta rito." Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pagsisinungaling dito. Tipid siyang napangiti sa ina at sandaling naupo ulit sa may higaan nito. "Siya nga pala nay, kakaalis lang ni Sephy kanina. Babalik din 'yun bukas." "Gano'n ba? Eh, kung umuwi na rin kaya tayo anak? Paniguradong lalaki na ang babayarin--- "Hindi 'nay." agap niya habang naiiling rito. "Hindi tayo aalis dito hanggat hindi ko kayo napapagamot." determinadong sagot niya. Malungkot siyang tinignan ng ina niya at saka marahan na hinawakan ang kamay niya. "P-Pero anak...nahihirapan kana. W-wala tayong pera..." alanganing turan nito. "Di ba sabi ko sa inyo, gagawa ako ng paraan?" pinakatitigan niya ang ina sa mga mata nito. Kumikislap ang mga mata nito sa kalungkutan na mas lalong nagpapasikip sa dibdib niya. "Papagamot kayo 'nay. Gagawin ko ang lahat. Kaya wag niyo na pong alalahanin ang gastusin. Ako nang bahala doon basta gumaling lang kayo," aniya at saka dahan-dahang hinaplos ang buhok nito. "A-Anak— Agad na niyang pinigilan ang ina sa pagtutol nito."'Nay tulog na tayo," pag-iiba niya sa usapin at saka nahiga sa tabi nito. Idinantay niya ang kaliwang braso upang mayakap ang ina niya. Ipinikit niya ang mga mata sa pagod at nahiga ng maayos. Narinig niya ang pagbuntong hininga rito kaya mas lalo siyang nagsusumiksi sa mga bisig nito. Napangiti siya ng mapait at palihim na napatulo ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. Ang init ng mga bisig nito ay hindi niya alam kung hanggang kailan niya pa 'to mararamdaman. MAHABA NA ang sikat ng araw nang magising si Zephyr sa pagkakatulog. Napabalikwas siya at agad na napagtanto na nakayupyop lamang siya buong gabi sa mesa ng opisina niya. Damn. Sa sobrang pagod niya kakatapos ng papeles na iniwan sa kanya ng sekretary niya hindi niya namalayan ang pag-idlip niya ay nauwi pala sa mahimbing na tulog. Napasandal siya sa swivel chair at napahawak sa may batok niya. Mahina niyang ipinaikot ang leeg at nang maramdaman ang pananakit don. Napaangat siya ng tingin sa may digital clock na nakasabit at napabuntong hininga ng makitang alas otso na nang umaga. Kailangan niya pang umuwi sa penthouse para makaligo at makapagbihis. Kung hindi lang kasi nagleave of absent ang sekretarya niya hindi sana ganon kadami ang gawain niya. Agad siyang tumayo sa upuan at hinagilap ang susi at cellphone niya sa mesa. Iniwan niya ang mga nagkumpulang papel sa lamesa at basta na lamang lumabas ng opisina. Ibubulsa na sana niyang cellphone ng tumunog 'yon at agad niyang nakita ang nakarehistrong pangalan ni Dark. Pinindot niya ang elevator upang makapasok saka sinagot ang tawag ng kaibigan. "What now Dark?" he boredly asked. He' s still tired from his work. Inaantok pa siya at sabayan pa ang pananakit ng leeg niya. "Nasaan ka ba? Kanina pa kami sa penthouse mo." tanong ni Dark sa kabilang linya. Napabuntong hininga siya at inilihig ang ulo sa malamig na dingding ng elevator. "I slept at the office." tipid niyang sagot. Saglit niyang inilayo ang telepono sa may tenga ng bumukas ulit ang elevator pagkarating nito sa 10th floor. Agad na pumasok ang nakasummer dress na babae habang may suot na itim na mamahaling aviator glass. Agad na dumapo ang tingin niya sa matambok nitong pwet. Napalunok siya at napailing-iling. Nawala bigla ang antok niya ng masinghot ang mahalimuyak nitong bango. Nanuot 'yon sa ilong niya na mas lalong bumubuhay sa kanyang pagkatao. s**t. He's in trouble. Hindi niya mapigilang singhutin ulit ang mabango nitong pabango. "Stop smelling, Mr. Stranger." Agad siyang napaayos sa pagkakatayo at ibinalik ang telepono sa may tenga niya. "Dark? Sinong kasama mo?" nakagat niya ang labi ng makita ang pagsimangot ng babae sa may repleksyon ng salamin. Napatikhim siya. Agad niyang narinig ang mahinang pagtawa ni Dark sa kabilang linya. "Did I hear a woman's voice telling you to stop smelling her? Pfft—dude umiiral na naman ang kamanyakan mo." natatawang sambit ni Dark. Nayayamot na pinatay ni Zephyr ang tawag at napasandal ulit sa malamig na dingding. Diretso niyang tinitigan ang babae. "You have a delectable ass." walang kagatol-gatol niyang komento sa maumbok nitong pwet na halos bumakat na sa suot nitong dress. Namumula ang mukha ng babae sa inis kaya naman pinindot niya ang button at halos siraan niya 'to sa matinding inis para lang makalabas. Pagkabukas ng elevator ay agad na lumabas ang dalaga at bago' yon ay nilingon niya ang direksyon ni Zephyr. "Maniac!" bulyaw nito sa binata at padabog na umalis. Napangsi si Zephyr at napadila sa ibabang labi sa tuwa. Umalis siya sa pagkakasandal at lumabas na rin. Isinukbit niya ang itim na suit sa may balikat at agad na tinungo ang nakaparadang Lamborghini sa harap ng building niya. Sinalubong siya ng Vallet at agad siyang pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Agad siyang pumasok at binuhay ang makina ng sasakyan papaalis. *** Hawak-Hawak ni Zephyr ang isang tasa ng kape habang nakaupo sa may sala ng penthouse niya. Nasa tapat niya ang dalawang kaibigan na tahimik lang na nakamasid sa kanya. “What do you want from me?” agarang tanong niya at saka napahigop sa tasa ng kape. Napatikhim si Dark at pinagsiklop ang dalawang braso sa may hita niya. “Well,” panimula niya at napalingon kay Knight na pinandilatan siya. “What’s that look Knight? You creeping me out, huh.” “Stop that plan of yours, Dark.” Naiiling na tutol ni Knight. He wasn’t sure if Dark’s plan will come out successful. “Ano na ba talaga ang sadya niyo, huh? You’ll know that I have a hectic schedule rightnow.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zephyr ng itanong niya ‘yon. Kunti nalang at mababatukan na niya ang kaibigan. Dumadagdag lamang ‘to sa sakit ng ulo niya. For godness sake! Kulang siya sa tulog and then he have a meeting to attend at ten. At anong oras na? It’s pass nine but he wasn’t ready yet. “Well, it’s all ‘bout Tyrone.” Sagot ni Dark na nakapagpakunot ng noo ni Zephyr. He raised his brow. “What about him? At bakit sa ‘kin kaayo lumalapit? What about Wayne?”   “Nah, Wayne seems to be very busy for the pass few weeks,” ani Dark at napaayos sa pagkakaupo. He rested his back and throw him a smug face. “About Tyrone, I want your cooperation about this matter. My plan is, you will gonna bring his girl at your bar,” “What? ”Zephyr hissed. “And How I will do that, Canther?” Dark smirk at him. “Your Ice plant is Hiring right?” tanong niya na ikinatango ni Zephyr. “Then, call her once she get to apply at your company. Ako na bahala para mapunta siya sa kumpanya mo,” “Are you even agree with this Knight? “ dumapo ang tingin ni Zephyr kay Knight na ngayon ay tahimik lamang na nakamasid sa kanila. “He’s your bestfriend.” He added. Knight shrugged. “Yes, I know. That’s why uhm—I slightly…agree with this for the sake of his sanity.” Napakamot siya sa may batok at alanganing ngumiti sa kaibigan.  “Damn. So, anong makukuha ko rito? I have a fvcking problem also, dude.” He said hopelessly and then take another sip of his coffee. His sight drop again at Dark. “I need to get a woman and married immediately so that I can get rid of the oldman, Tsk.” “Pfft—you’re fvck up, bud.” Pigil ang tawa ang pinakalawalan ng dalawa. Dark bit his lip to suprass from laughter. Hindi niya alam kung maaawa siya sa kaibigan o matatawa sa sitwasyon nito. Mukhang may mauuna pang ikasal kaysa kay Ty. Nagsalubong ang kilay ni Zephyr at sinamaan ang tingin ang kaibigan na natatawa. “Seriously, I wanna punch you rightnow. Tss.”seryosong banta niya na ikinailing lamang ng dalawa niyang kaibigan. “Well, bud. Ako na bahala sa babae mo. I’ll find you a woman that suits your standards.” Dark smiled sheepishly. Napailing lamang si Zephyr at saglit na natigilan ng mag-ingay ang telepono niya. Sabay na dumapo ang tingin ng dalawa sa kanya. Agad niyang nakita ang pangalan ng ama. “Your Dad is calling.” Sambit ng dalawang kaibigan niya. Agad na nawala ang emosyon sa mukha niya at mahinang napamura. Damn. His dad just change his mood. Damn! Damn! HINDI MAPAKALI habang nakaupo sa sa tabi ng kalsada si Luisa. Kanina pa siya roon habang nakasapo sa ulo niya dahil sa pagod at panghihinayang. She remembered again what happen earlier. Pagkapasok niya palang sa palengke ay agad siyang tinanggihan ni Aling Merla. “N-Naku, L-Luisa… pasensya kana ngunit kailangan muna kitang patalsikin dahil nagbabawas ako ng kargador.” Salubong sa kanya ng ginang. Napaawang ang mga labi niya at naiiling na tumingin rito.“N-Nagbibiro lang po k-kayo, diba?” umaasa siyang nagbibiro lamang ang ginang sa kanya. “A-Aling Merla naman… k-kailangan ko ang trabahong ‘to…” “Pasensya na talaga… Kailangan ko ng umalis.” Ani ng Ginang at iniwan siyang naguguluhan. Natulos siyang sa kinatatayuan at pilit na tinatanggap ang sinabi nito. Marahang ginulo ni Luisa ang buhok at napabuga ng malalim na hininga. “s**t. Paano ang pambayad namin sa ospital?” Tila nawawalan ng pag-asang sambit niya sa sarili. Wala sa sariling tumayo siya at agad na tumawid sa tapat ng palengke kung saan siya nags-side line pagkatapos niya kela Aling Merla. Ngunit, mukhang mababawasan na naman ang trabaho niya at pati na rin ang kikitain niya araw-araw. “Manong Jose!” sigaw niya sa matandang nagtintinda ng gulay.‘To kasi ang nag-uutos sa kanya na markarga ng sako-sakong gulay. “Magsisimula na po ako…” anunsyo  niya rito. Akmang papasok siya sa may bodega ng pigilan siya ng matanda. Nagugulahan siyang napatingin dito. “B-bakit po?” “Pasensya ka na, iha. May nahanap na akong magkakarga ng mga gukay ko.” Anito. Napaawang ang mga labi niya. “P-po?” nauutal at naguguluhan siyang napatingin sa matanda. “P-pero… paano po ako nito?” “Maghanap ka nalang ng ibang pagkakikitaan,” suhestyon nito at saka ay pumasok na sa may maliit nitong bodega. Napabuntong hininga ang dalaga. Napahilot siya sa may sentido habang hindi maipinta ang mukha. Naguguluhan siya kung bakit sunod-sunod siyang pinapatalsik. Maayos naman siyang nagtatrabaho at dumadating naman siya sa tamang oras. Pero, anong nangyari ngayon? Paano ang pampaospital ng nanay niya? Shit! Mahinang mura niya sa isipan at umalis na ro’n. Agad niyang pinuntahan ang iba pa niyang sideline at ganon pa rin, pinapaalis siya. Sinubukan niyang puntahan ang ilan sa mga tindera ng gulay at nagtanong-tanong ro’n. “Ate, baka naman po… pwede pang maging tindera rito. Kailangan na kailangan ko po kasi ng pera,” pakiusap niya sa babaeng may-ari. Halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa. Ngunit sadyang matigas ang ginang at napailing lamang ‘to. “Pasensya na…wala talagang bakante.” Sagot nito na ikinanlulumo niya. Agad siyang umalis ro’n at lumabas ng palengke. Napahawak siya ng mahigpit sa may beltbag niya. Nawawalan na siya ng pag-asa. Halos lahat ng tindera ay pinakiusapan na niya. Bakit kasi lagi nalamang siyang tinatanggihan ng mga ‘to? Wala namang problema sa kanya. “Anong mukha ‘yan? Napatalsik—I mean pinatalsik ka sa trabaho mo?” salubong sa kanya ng kung sino. Napaangat siya ng tingin at agad na sumalubong sa kanya ang maaliwalas na mukha ng binata. “S-Sixto…” mahinang sambit niya at agad ‘tong dinamba upang yakapin. Natigilan ang binata at parang hindi alam ang gagawin. “B-Buti nalang nakita kita ngayon…” mahinang turan ng dalaga at saka kumalas na rito. “H-Hindi ko na alam ang gagawin ko… w-wala na akong trabaho. P-paano na kami ni nanay?” ani niya na tila nawawalan ng pag-asa. Nakatingin lamang sa kanya ang binata. Hindi alam kung ano ang sasabihin niya. Inabot niya ang ulo ng dalaga at mahinang ‘tong tinapik. “Makakahanap ka rin ng trabaho.” Anito. “Pero, lahat ata sila tinaggihan ako.”nakasimangot na turan ng dalaga. Gusto na niyang maiyak sa lungkot at inis. Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Di bale na sana kung pangkain lamang nila ang problema. Kaso ngayong araw lalabas ang test result ng ina niya. Kunti pa lamang ang naipon niya. “Alis muna ako, Little lady. May aasikasuhin lang ako.” Paalam sa kanya ng binata na mas lalong ikinasimangot niya. Pati ang kaibigan niya, parang umiiwas na rin sa kanya. Ano ba kasing problema sa kanya? Napatingin na lamang siya likuran ng binata habang unti-unti ‘tong naglalaho sa paningin niya. Wala sa sariling naglakad siya ulit at nagtanong-tanong kung may bakanteng trabaho. Ngunit puro tanggi lamang ang nakukuha niya. Kung bakit kasi ang hirap ng buhay nila. Kung bakit kasi hindi siya nakatapos ng highschool! Edi sana pwedi siyang mag-apply sa mga fast food. Hindi siya pwedeng umuwi sa kanyang ina na nawala na siyang trabaho at perang pambayad. Isang tao ang pumasok sa isipan niya. Napakagat siya ng mariin sa ibabang labi niya at napailing-iling. H-hindi… h-hindi niya kaya… p-pero hindi siya pwedeng umuwi ng walang-wala. Wala ng tumatanggap sa kanya, kaya paano niya ipapagamot ang sariling ina? Napalunok siya ng paulit-ulit at agad na tinungo ang kabilang baranggay. Kahit labag sa kalooban niya. Kahit ikakarumi ng imahe niya. Ngunit wala na siyang mapagpipilian pa. Hindi pa siya tuluyang nakarating sa kabilang baranggay ay agad niyang nakasalubong babaeng sadya niya. “E-Eves… t-tulungan mo akong magkapera…” nakikiusap niyang sambit rito. Nilunok na niya lahat-lahat. Pati ang natitirang kapal ng mukha niya para lamang sa kapakanan ng ina niya. “Ano’t nagbago ang isip mo?” hindi nakapaniwalang tanong ng babae habang naniningkit siyang tinignan. “T-Teka… okay ka lang ba?” agad na napalitan ng pag-aalala ang tinig niya ng makita ang miserable nitong itsura. Napailing ang dalaga at napayuko. “Natanggal ako sa lahat ng sideline ko…k-kailangan ko ng pera para kay nanay…” nag-anagt siya ng tingin hinawakan ang magkabilang balikat ng dating kabit-bahay. “T-tulungan mo akong magkapera Eves. K-Kahit a-ano pa ‘yan…”   “Hindi ko alam kung kaya mo maging katulad ko.” Tinignan siya nito sa mga mata. “Sigurado ka bang papasok sa mundo ko? Alam mo na kung paano ako kumikita,” Paalala ni Eves sa kanya. Hindi siya sumagot at napatango na lamag sa babae. Kaya agad siyang hinila ng babae upang sumakay sa nakahintong tricycle. Tahimik silang bumabyahe at hindi niya alam kung saan sila pupunta at kung saan siya nito dadalhin. Ilang minuto lamang ay huminto sila sa isang gusali. Nakalabas na pala sila ng sentro. “A-Anong ginagawa natin dito?” agad niyang tanong ng makababa sila sa sinasakyan. Inilabot niya ang paningin sa paligid. Lahat ng makikita niya ay mga mamahaling kainan maliban sa isang gusaling nasa harapan niya. “Tara na. Sumunod ka sa ‘kin.” Sinundan niya ang babae ng pumasok ‘to sa dalawang palapag na gusali. Agad na sumalubong sa kanila ang tahimik at medyo madilim na pasilyo. Kung aakalain mo para lamang ‘tong bahay paupahan pero lingid sa kaalaman ng lahat may nakatagong maduming trabaho rito. Huminto ang babae sa isang kulay blue na pinto. ‘To lamang ang naiiba sa lahat ng pintong naroroon. Nasa gitna at pinakadulo ‘to ng pasilyo. Agad ‘yong pinihit ni Eves at binalingan siya ng tingin. Napangisi sa kanya ang babae. “Welcome to Blue Room Services.” Napaawang ang mga labi niya ng sumalubong sa kanya ang iilang kababaihan sa loob. At ang mga suot nila ay mas lalo napagpaawang sa mga labi niya. Shit. Mahinang mura niya sa isipan. Hindi niya alam kung nasa tamang pag-iisip pa siya at pinasok ang lugar na ‘to.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD