Bakasyon: Special Chapter

2260 Words
Ann's POV "Hindi ka na ba nilalamig?" lumingon ako sa kanya nang maramdaman ko ang init ng kanyang hininga. Umiling lang ako bilang sagot. "Hmmm... Kailan ka aalis?" "Bukas." Binalik ko ang aking tingin sa harap ng bahay nila ate. Parang hindi ko kaya sagutin ang tanong niya kapag nakikita ko ang kanyang mga mata. Naramdaman kong inaabot niya ang aking kanang kamay at pinagsalikop niya ang aming mga daliri. "A-anong ginagawa mo?" "Gusto ko lang maranasan ang ginagawa ng mga tao." Parang tumalon ang puso ko nang marinig ang sagot niya. "Roberto?" "Hmmm?" "Bakit hindi ako natatakot sa 'yo? Kahit na," nilingon ko siya ulit, "kahit na alam kong hindi ka tao." Nagkatitigan kami. "Ano bang nararamdaman mo ngayon kung hindi ka natatakot?" Napalunok ako. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Wala namang mawawala kung magpapakatotoo ako sa aking nararamdaman. "Masaya kasi nakilala kita at kasama kita ngayon." Nakita kong tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Bakit ang bait mo sa akin?" "Sapagkat karapat-dapat kang ituring ng mabuti dahil mabuti ka ring tao. You the desevered the best, Ann!" Taray marunong mag-english ang engkanto. "At syempre, gusto kita." Pagkasabi niya no'n ay sinugod niya agad ang labi ko. Mas matagal, mas malalim at mas mapaghanap. Naramdaman ko pang inaabot ng dila niya ang dila ko. Patuloy lang kami sa paghahalikan na parang may sariling mga mundo. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at mas lalong lumalim pa ang halikan namin. Kung may matres lang sa bibig ko baka nabuntis na ako. "Roberto..." bumitaw ako bigla. Parang mauubusan na ako ng hangin. "Saglit lang." "Ayos ka lang ba?" Ramdam ko ang kanyang pag-aalala nang makita niyang naghahabol ako ng hininga. "Grabe! Naubusan ako ng hangin. Parang matagal akong sumisid!" "Gusto mo ba akong sumisid?" Biglang nag-init ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Nahampas ko tuloy siya sa kanyang balikat dahil sa gulat ko. Tumawa lang siya, "ang ibig kong sabihin kung gusto mo maligo tayo sa ilog?" "Tumigil ka nga." Pinapakaba mo na nga ng sobra ang puso ko tapos magbibiro ka pa ng ganyan. Gusto ko sanang sabihin 'yon pero hindi ko na naisatinig pa dahil parang inamin ko na rin na patay na patay ako sa kanya. "Gusto mo rin ba ako, Ann." Binuka ko ang aking bibig para sagutin siya pero kinabahan ako bigla. Paano kung sabihin kong oo, gustong gusto ko siya. Pero hindi siya tao. Anong mangyayari sa amin? "'Di bale, h'wag mo na sagutin. Alam ko namang gusto mo rin ako." Naningkit ang mga mata ko. "Pa'no mo nasabi?" "Kasi hindi ka naman magpapahalik sa akin kung hindi mo ako gusto." "Wow! Grabe ang self confidence ah! Nag-uumapaw talaga!" Tumawa lang siya ng malakas. "Sa tingin mo gusto kita?" "Oo naman. 'Yong saya na nararamdaman mo ay ramdam ko rin." We both smiled. Pwede pala 'yong gano'n, noh. Masaya kayo kahit alam niyo magkaibang nilalang kayo. Nagkakaintindihan at naglalandian. Napangisi ako. "Bakit ka napangiti?" nagtatakang tanong niya. "Wala." "Bakit nga? Anong iniisip mo?" Lalo akong natawa. "Sabihin mo sa akin, anong nakakatawa?" "Wala nga. Masaya lang ako." "Ako rin masaya. Kung pwede ko lang pigilan ang pag-ikot ng oras. Gusto ko kasama kita lagi." We both smiled again but I could see the sadness in his eyes. "Kung pwede ko lang angkinin ka." "Roberto..." kita kong nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Naging kulay dilaw! "Anong nangyayari sa 'yo? 'Yong mata mo!" Umiwas siya agad ng tingin. Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "Pasensya ka na, bumabalik sa totoong kulay ang mata ko kapag di ko mapigilan ang nararamdaman ko." Lumingon siya ulit sa 'kin. "Natakot ka ba?" Umiling lang ako. "Roberto, may mga pagkakataon ba na nagiging asawa ng tao ang engkanto?" "Hindi ko pa alam. Pero mukhang imposible. Hindi mabubuhay ang tao sa lugar namin at hindi rin kakayanin ng kapangyarihan namin ang manatili rito sa mundo niyo ng matagal. Hihina ang kapangyarihan namin hanggang sa mamatay kami." Nanikip bigla ang dibdib ko. "Mamatay? Namamatay din ba kayo?" "Lahat ng bagay dito sa mundo ay may hangganan at nawawala, Ann." "Sabagay, kasabihan nga ng mga bitter, eh, walang forever." Sabay pa kaming natawa. "Kaya pwede ba sulitin na lang natin ang oras na magkasama tayo. Para naman may masayang memories akong babaunin pagbalik ko sa Manila." "Gusto mo baunin mo na lang ako pauwi." Nahampas ko ulit siya. "Nagbibiro lang ako. Alam ko naman na hindi tayo pwede." "Hindi naman sa gano'n. Ayaw ko lang na pinapaasa mo ako sa wala." At baka pag-agawan ka ng tatlong bubuyog sa bahay kapag nakita nila ang perpekto mong mukha. "Si Ate Annie, paano sila nagkakilala ni Ramirez? Alam niya ba na engkanto 'yon?" "Inakit niya ang kapatid mo. Binigyan niya ng kung anu-anong mamahaling bagay at salapi." "Gano'n? Sabagay, kahinaan talaga ng mga tao ang magagarbong gamit." Naalala ko 'yong mga panahon na tumatawag sa 'kin si ate. Naguguluhan daw siya. Di ko pinansin ang sinasabi niya dahil abala ako sa trabaho at lagi akong nauunang magbaba ng telepono. Kung pinakinggan ko lang siya noon, kung tinulungan ko siya sa dinadala niyang suliranin baka napigilan ko pa ang lahat ng masasamang nangyari ngayon. "Kung naging mas mabuting kapatid lang sana ako baka buhay pa sila ni Jolly." "H'wag mo sisihin ang sarili mo, Ann. Lahat tayo ay may free will. Mayro'n tayong malayang pagpapasya, nasa atin 'yon kung susundin ba natin ang bugso ng damdamin o ang sinasabi ng utak natin." "Sabagay. Siguro alam na ni ate na mali 'yong patulan si Ramirez kahit na inakit lang siya nito. Alam niyang may asawa na siya. Minsan kasi pag masyadong mataas ang antas ng emosyon ay bumababa naman ay lebel ng pag-iisip. Puro puso na lang ang sinusunod." "Huli na nang malaman ng ate mo na hindi tao si Ramirez. Tuluyan na siyang nahulog dito at para hindi magbago ang isip ng kapatid mo ay binalak niya kunin si Jolly para mapasunod niya ito sa kanyang kaharian. Totoong aksidente ang pagkamatay ni Jolly. Nagpupumiglas kasi ito nang dinala niya sa ilog." "Sa ilog ba ang daan papunta sa mundo niyo?" usisa ko pa. Naalala ko ang ilog na dinaanan namin papunta sa malawak na taniman ng mga bulaklak. "Hindi. Sa halamanan." Nanlaki ang mga mata ko. Halata niya siguro ang takot sa aking mukha. "H'wag ka mag-alala ligtas ka naman nakabalik dito 'di ba?" "Oo," pero ang malaman na nanggaling ako sa lugar na may daan patungong kabilang mundo ay naghatid sa akin ng kakaibang kilabot. Nagtindigan ang mga balahibo ko. Parang naalala ko ang mga panaginip ko. "Roberto paano pala ako nakauwi?" "Hindi mo na maalala?" Umiling ako. "Naglakad tayo pabalik dito." Nag-isip ako ng mabuti. "Pero di ko talaga maalala na naglakad ulit tayo pauwi rito sa bahay. Nagising na lang ako sa loob ng kwarto ko." "Nagmamadali ka ngang tumakbo papasok sa bahay niyo. Sabi mo antok na antok ka na." Pinilig ko ang aking ulo. "Ano ba naaalala mo?" "Naalala ko namimitas ako ng bulaklak, tapos nakita ko si Jolly. Nag-usap kami, ang puti niya raw. Ikaw din ang puti mo sa panaginip ko at-" "Oh! Napapaginipan mo na rin ako? Iba na talaga ang tama mo siguro sa akin, ano?" "Ang kapal ha! Pwede wag masyadong mayabang?" Nagpipigil siya ng tawa. "Sa 'yo na nanggaling na napapaginipan mo ako. Ano naman ginagawa natin sa panaginip mo? Ganito rin ba?" Bigla niya ulit akong hinalikan. Naging malikot pa ang kanyang mga kamay. Hinahaplos niya ang aking buhok, pababa sa batok, sa likuran hanggang umabot aking beywang. Pinasok niya ang kamay sa gilid ng blouse ko. Pinaglandas ang kanyang daliri sa aking tiyan kaya umalon saglit ang tiyan ko dahil sa kuryenteng naramdaman. Bumaba ang halik niya sa aking leeg at may bigla akong naalala. "Roberto... Anong ginagawa mo..." "pumikit ka lang Ann..." "Ang sarap ng ginagawa mo... Wag ka huminto... Ahhh..." Naramdaman kong huminto si Roberto. Kaya napadilat ako. "Bakit ka tumigil?" "Tinitignan ka ng mga tao." Nilingon ko ang mga nagsusugal sa tapat ng bahay. Tinignan lang nila ako saglit pero bumalik rin agad ang atensyon nila mga baraha. Panira naman ang mga 'yon. "Baka narinig nila ang malakas mong ungol." Nanlaki ang mga mata ko. "Umuungol ako?" Tumango lang siya. "Hindi ko napansin." Hindi ko rin namalayan nakahiga na pala kami. Inayos niya ang blouse ko. Bumalik kami sa pagkakaupo. Pati buhok ko inayos niya sabay hawak sa pisngi ko. "Kay ganda mo talaga, Ann." Nag-init na naman ang pisngi ko. "Kung magkakaroon man ako ng isang hiling, gusto ko maging tao." "Talaga? Paano kung may kapalit?" Ginaya ko ang ginawa niya kanina. Pinagsalikop ko rin ang aming mga daliri. "Handa ko isuko ang lahat para lang makasama ka habang buhay." Pinilig ko ang aking ulo. Parang narinig ko na ang katagang 'yon. "Siguro kung hindi ko kaya kontrolin ang emosyon ko, baka hindi na kita pabalikin sa mundo niyo. Aangkinin na kita. Pero hindi ako sakim at ayaw ko ipagdamot sa 'yo ang mundong kinagisnan mo. Alam kong mas magiging masaya ka rito." "Eh, di maging tao ka na lang. Paano pala kapag naging tao ka na, eh 'di mawawala na ang kapangyarihan mo?" "Handa ko isuko ang lahat para lang makasama ka habang buhay." "Ann. Ann!" "Huh?" "Nakatulala ka." "May naalala lang ako o baka parte lang 'yon ng panaginip ko. Teka lang," pumihit ako paharap sa kanya, "may posibilidad ba na pwede ka maging tao?" Umiling siya. "Imposible siguro." "Bakit naman? 'Di ba may kapangyarihan ka, malay mo. Subukan mo kaya." Umiling ulit siya. "Bakit, nasubukan mo na ba?" "Kaya ko magkatawang tao at gayahin ang mukha ng sinuman ngunit di ko kayang maging tao. Kahit pa 'yong pinakamakapangyarihan sa amin ay hindi 'yon kayang gawin." "Lahat ba ng engkanto kaya gumaya ng mukha ng tao?" "'Yong may mataas na antas lang ng kapangyarihan ang makakagawa no'n. Ang iba sumasapi sa katawan ng tao." Ahh kaya pala minsan may napapabalitang sinasapian. "Kung hindi kayo pwede maging tao, eh bakit 'yong pamangkin ko ginawa mong paru-paru? Naalala ko sa panaginip ko katulad niyo raw siya." Nakita kong umigting ulit ang panga niya at nag-iwas siya ng tingin. "Sa totoo lang bawal 'yong ginawa ko. Hindi ko dapat pinakialaman ang kaluluwa niya. Nasa langit na sana siya ngayon." Kumunot ang noo ko. "'Di ba sabi mo nagawa mo lang 'yon para iligtas siya sa Ramirez na 'yon." "Isa rin 'yon sa dahilan. Nadala na ng kapatid ko ang kaluluwa niya sa mundo namin. Kaya noong nakita ko siya ginawa ko agad siyang paru-paru dahil kung hindi baka ikulong ng kapatid ko ang kaluluwa ni Jolly at pahirapan." Lalong kununot ang noo ko. "Kung pwede maging katulad niyo ang isang tao, bakit hindi kayo pwede maging tao?" "Magkaiba tayo, Ann. Espesyal ang mga tao." "Mas espesyal nga kayo dahil may kapangyarihan kayo." Bumuntong hininga siya saka umiling ulit. "Nagkakamali ka. Kayo ang espesyal dahil pwede kayo mabuhay ng paulit-ulit." "You mean, reincarnation?" Tumango siya. "Bakit kayo?" "Matagal kami mamatay, wala nga kaming edad. Di ko nga alam kung ilang daang taon na ako." Nanlalaki ang mga mata ko. Lolo ko na pala siya! "Hindi kami dinadapuan ng sakit, madali lang gumagaling ang mga sugat namin. Tanging pagpaslang sa amin at kapag nanatili kami ng matagal sa mundo niyo ang tatapos sa buhay namin. 'Yong lakas kasi namin ay nanggagaling sa enerhiya na nakukuha lang sa mundo namin. Iba ang enerhiya na mayro'n sa mundo niyo at puro polusyon pa." Natawa ako roon sa polusyon. "Saan na kayo mapupunta kung gano'n?" "Wala na. Maglalaho na kami habang buhay. Maaaring maging alikabok kami na sumasabay sa ihip ng hangin, o buhangin na natatangay ng hampas ng dagat, o baka alikabok na inaapakan lang ng mga tao." Bigla akong nanghina nang marinig ang huling sinabi niya. "Kaya espesyal ang mga tao." "Kung mabuhay man ako ulit, hahanapin kita." Humagikhik siya. "Gagawin ko talaga 'yon. Humanda ka kapag nahanap kita." "Paano kung wala na pala ako?" Lalo akong nalungkot sa tanong niya. Paano nga ba kung mangyayari 'yon? Hays. Bakit ko ba iniisip ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Kaya sumasakit ang ulo ko, eh. Kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Dapat isipin ko ang kasalukuyan. Damhin ito at sulitin. Hindi ko alam kung mangyayari pa ulit ito. "Tsss... Wag mo na isipin 'yon. Baka nga hindi mo na ako maalala kapag dumating na ang araw na 'yon." "Aray, 'yong buhok ko h'wag mo guluhin." Humagikhik ulit siya. "Naisip ko lang mas mahalaga pa rin ang kasalukuyan kaya dapat susulitin ko 'to. 'Yong nakaraan di ko na mababalikan 'yon, nakalipas na kaya dapat palipasin na lang at kalimutan. Mag move on na! Lalo naman ang hinaharap, di ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Sa kasalukuyan ako nabubuhay. Dapat nakatuon ang atensyon ko rito, ang emosyon, lalo na ang oras. Dahil hindi ko alam kung kailan ulit ito mangyayari." "Tama! Pero h'wag mo pa rin kalimutan ang mga natutunan mo sa nakaraan dahil ito ang magiging gabay mo para sa kasalukuyan at magiging sandata mo sa pagsubok na darating sa hinaharap." "Yes sir!" Nagngitian kami at mayamaya pa'y nilapit ko ang aking mukha sa kanya. Ako naman ang naunang humalik ngayon. 'Di ba sabi ko susulitin ko ang kasalukuyan. Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makakasama. Hindi ako magsisisi kapag lumipas man ang sandaling 'to dahil alam kong nasulit ko ito. The end!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD