Chapter 5
Sweaty forehead and shortness of breath I experienced when I woke up. "Anong klaseng panaginip 'yon? Totoo ba 'yon lahat?"
Lumingon ako sa may bintana at napansin kong madilim pa pero medyo sumisilip na ang haring araw. I went down to the kitchen and found my sister who was already cooking breakfast.
"Ang aga mo ata nagising ngayon ah, hindi ka ba nakatulog ng maayos?" tanong niya pagkakita sa 'kin.
I got some water from the refrigerator before I spoke, "sino si Mang Gusting?"
Natigilan si ate sa kanyang ginagawa, "bakit mo natanong?"
"Nagpakita si Lala sa panaginip ko."
"Diyos ko!" Hininaan niya ang apoy ng kanyang niluluto at lumapit siya sa 'kin. "Anong kinalaman ni Mang Gusting kay Lala?"
Kinuwento ko sa kanya ang ilan sa mga natatandaan ko sa aking panaginip at tanging pagkagulat lang ang kanyang pinakitang reaksyon. "Kailangan nating ipaalam agad ito kay Aling Maring at sa pulisya."
That same morning, we went to Aling Maring's house and they agreed to talk to Mang Gusting first before reporting it to the police. Ayoko na sana sumama pa ngunit pinilit ako nila ate kaya sumama na rin ako.
Lima lahat kami at kasama na roon ang mga magulang ni Lala.
Sa aming paglalakad ay may nadaanan kaming isang bahay at mukhang kilala nila ang nakatira rito dahil nakipagbatian pa sila sa lalaking naglilinis ng bakuran.
Napansin kong may dinadakot siyang basura at kasama roon ang kulay pink na tsinelas. Maliit ito at medyo maalikabok na ngunit mukhang maayos pa naman. Bakit kaya tinapon niya 'yon? Nakapagtataka.
A few more minutes passed and we finally reached Mang Gusting's house. Naabutan namin ang isang matandang babae na nagdidilig ng kanyang mga halaman sa tapat ng kanilang bahay. Siguro kasing edad lang ito ni Aling Maring.
"Magandang araw Aling Susan," bati ni Aling Maring.
"Magandang araw din," bati rin nito sabay lapag sa balde ng hawak niyang tabo kanina. "Naligaw ata kayo, anong sadya ninyo?" she asked while smiling.
"Hindi na kami magpapaliguy-ligoy pa, nandito kami para sana makausap ang inyong asawa." Biglang napawi ang ngiti ng matandang ginang.
"Bakit niyo hinahanap ang asawa ko?"
The four of them looked at each other before the victim's mother answered, "may itatanong lang po sana kami tungkol sa isang importanteng bagay."
"Gano'n ba? Naku, didiretsahin ko na kayo. Hindi niyo makakausap ang asawa ko ngayon."
"Bakit naman po? Eh, kung mamayang hapon kaya?"
"Ang ibig kong sabihin, hindi niyo siya makakausap ng matino kahit kailan. Simula nang umuwi siya noong gabi ng kasiyahan no'ng fiesta ay hindi na siya nakikipag-usap at hindi na rin ito lumalabas ng bahay." Sabay-sabay na napasinghap ang mga kasama ko. "Maaaring sa 'kin niyo nalang itanong kung ano man ang importanteng bagay na gusto niyong malaman."
"Sa palagay ko ay hindi niyo rin ito masasagot Aling Susan," singit ni ate. "Baka pwedeng subukan muna namin siyang kausapin baka sakaling sagutin niya kami."
Nag-isip muna ang matanda at mayamaya pa'y pumayag na rin ito. Pinapasok niya kami sa kanilang maliit ngunit napakalinis na bahay. Sa bawat sulok ay may nakikita akong halaman na nasa paso.
"Maupo muna kayo, ipaghahanda ko lang kayo ng maiinum."
"Hindi na kailangan Aling Susan," tanggi ng nanay ni Lala. "Makausap lang namin si Mang Gusting ay sapat na po."
"Oh siya, d'yan muna kayo at tatawagin ko lang sa kanyang silid." Pumasok na nga ito sa isang pintuan at ilang minuto lang ang lumipas ay may kasama na itong matandang lalaki. Magulo ang buhok ng matandang lalaki at tulala ito habang naglalakad.
Inalalayan siya ng kanyang asawa sa pag-upo. "Gusting nandito sila Aling Maring, gusto ka raw nilang makausap." Tumingin si Mang Gusting sa 'min isa-isa at mayamaya pa'y nagsisisigaw na ito.
"WALA AKONG NAKITA! WALA AKONG NAKITA! WALA AKONG NAKITA!"
Nagkatingan lang kaming lima habang inaawat ni Aling Susan ang kanyang nagsisigaw na asawa.
"Ano ka ba naman, Gusting! Huminahon ka!" awat niya rito.
"Wala akong nakita! Wala akong nakita!"
"Mang Gusting, wag ka matakot sa kanya! Hindi niya kayo kayang galawin! Nakikiusap kami, makipag-usap kayo ng maayos sa amin!" biglang sumigaw ang tatay ni Lala at napahinto si Mang Gusting. "Para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng anak ko, nakikiusap ako sa inyo bilang isang ama. Magbigay naman kayo ng impormasyon sa pulisya. Sabihin niyo kung ano ang nasaksihan niyo. Pakiusap," lumuluha nitong sabi at nagsimula na ring umiyak ang iba kong mga kamasa.
"Ama rin kayo at alam kong nararamdaman niyo rin ang nararamdaman kong sakit sa biglaang pagkamatay ng aming anak." Lumuhod pa ito sa tapat ng matandang lalaki. "Alam kong may pagkukulang kami no'ng gabing naaksidente siya. Di namin siya nabantayan ng mabuti. Kaya kung pwede tulungan niyo kaming makabawi sa kanya kahit man lang sa pamamagitan ng pagkamit ng hustisya para sa kanyang pagkamatay. Parang awa niyo na, Mang Gusting."
Tila naantig ako sa mga binitawang salita ng ama ni Lala. Kapag talaga tungkol sa anak na ang pinag-uusapan ay hahamakin lahat ng magulang dahil gano'n nila kamahal ang kanilang mga anak.
Mukhang bumalik naman sa wisyo si Mang Gusting. "Sinabi niyang babaliktarin daw niya ako kapag nagsumbong ako sa mga pulis. Nagbanta pa siya na sasagasaan din daw niya ang aking pamilya kapag nagsalita ako."
"Hindi niya iyon magagawa. Magsusumbong tayo sa mga pulis at ipapaalam din natin ito kay mayor para mabigyan ka ng proteksyon," payo ni Aling Maring.
Napayuko si Mang Gusting, tila'y pinag-iisipan ng mabuti ang suhestiyon ng kasama ko.
"Pasensya na kayo hindi ako nagsalita kaagad," nagsimula na ring umiyak ang matandang lalaki at marami pa silang pinag-usapan. Nagpaalam ako kay ate na pupunta lang ako sa labas dahil hindi ko makayanan ang heavy drama nila.
I went to a big tree just across the house. Umupo ako sa may damuhan at nagulat ako dahil biglang may lumabas na tao sa loob ng puno.
I got up immediately. I was about to run when that person suddenly turned to me. 'Yong binatilyo! Ay hindi na pala siya binatilyo.
"Uy!"
"Uy!"
"Ginagaya mo ba ako?" mataray kong sabi.
"Hindi naman po."
"Bakit galing ka sa loob ng puno?"
Ngumiti muna siya bago sumagot, "nakatulog po kasi ako sa loob." Tinuro niya ang malaking butas sa puno na hindi ko napansin kanina dahil nakatalikod ito sa pwesto ko.
"Ahhh... Akala ko d'yan ka nakatira." We both laughed. "Ano naman ang tinitinda mo ngayon?"
"Wala. Day off ko ngayon."
I laughed out loud. "May nalalaman ka pang day off ah. Teka, ano palang pangalan mo?"
"Tawagin niyo na lang po akong Roberto."
Hmmm... Roberto pala.
"Di ba sabi ko sayo wag mo na akong i-po. Sige ka, hindi na kita kakausapin pag nainis ako sa 'yo," pagbabanta ko sa kanya.
"Sige, kung 'yan ang nais mo. Ikaw, anong ginagawa mo rito? H'wag mo sabihing umiiyak ka na naman."
"Nagpapahangin lang. Syanga pala, anong klaseng bulaklak 'yong nakaburda sa panyong binigay mo?"
"Ito ba?" Dumukot siya sa kanyang likuran saka inabot sa 'kin ang isang dilaw na bulaklak.
"Oo 'yan nga!" Kinuha ko ito. "Saan mo ba 'to nakuha?"
"Marami niyan malapit sa tirahan namin," sagot niya.
"Pwede mo ba akong dalhin do'n? Gusto ko rin sana pumitas ng maraming ganito."
"Sige ba. Sabihin mo lang kung kailan mo gusto at dadalhin kita sa lugar na 'yon."
"Talaga? Ngayon pa lang magpapasalamat na ako sa 'yo," nagagalak kong tugon.
"Pero may kondisyon."
Kumunot ang noo ko. "Ano naman?"
"Sabihim mo muna ang pangalan mo."
"Ay sus! Kinabahan ako bigla do'n, akala ko kung ano na. Ako si Ann Salazar."
"Masaya akong makilala ka, Ann." We smiled for a long time.
"Ann, sinong kausap mo?" I was immediately distracted when I heard my sister's voice. "May kausap ka ba?"
"Ay ate, oo, si Roberto nga pala--" tinuro ko ang pwesto kung saan ito nakatayo ngunit bigla na naman siyang nawala. "Ha? Saan na naman 'yon?"
Grabe, bilis nawala!
Luminga-linga pa ako sa paligid at inikot ko pa ang punong pinanggalingan niya kanina pero wala talaga siya.
"Anong hinahanap mo?" usisa ni ate.
"Ah, wala." Lagot 'yon sa 'kin kapag nagkita ulit kami. Lagi na lang niya akong iniwan ng walang paalam. Hmmmp!
"Di nga? Narinig kita kaninang nagsasalita eh," biglang nanlaki ang mga mata niya. "N-nakikita mo ba ulit si...si Lala?" Dahil sa pinakitang reaksyon ni ate ay nakaisip ako ng kalokohan. Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong. "S-saan siya?"
"Nasa tabi mo."
"Ahhhhhhh!" Kumaripas siya ng takbo papunta sa may likuran ko. "Ano ba 'yan! 'Wag ka nga manakot."
"Totoo naman, ah!" Sagot ko habang nagpipigil ng tawa.
"Lala, 'wag mo naman ako takutin," nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. "Naging mabait naman ako sa 'yo noong nabubuhay ka pa, di ba? 'Wag ka manakot sa 'kin please."
Hindi ko na nakayanan pa. Natawa na ako ng malakas sabay alis baka kasi sapukin ako ni ate. Iniwan ko siya habang busy ito sa pakikipag-usap sa hangin.
"Hoy Ann! Wag mo akong iwan dito!"
Binilisan ko pa ang paglakad.
"Hoy! Natatakot ako! Hintayin mo ako!"
Tignan mo 'tong babaeng 'to. Ang galing mang-utos na kausapin ko si Lala kahapon tapos siya rin pala 'tong takot sa multo.
Naabutan ko sila Aling Maring na palabas na ng bahay.
"Ann, hija, labis ang pasasalamat namin sa ginawa mong pagtulong," sabi sa 'kin ng tatay ni Lala.
"Hindi po kayo dapat sa 'kin magpasalamat, si Lala po ang gumawa ng paraan para makuha niya ang hustisyang matagal na niyang hinahangad."
In fact, if she had not entered into my dream, we would not have known what really happened to her.
"Pero ikaw ang nagbigay-daan para mahanap namin ang salarin," sabat naman ng nanay ng bata. "Nabanggit sa amin ng ate mo na ayaw mo talagang magkaroon ng third eye, gusto mo bang ipatanggal ulit 'yan?"
"Gustuhin ko man pong ipatanggal ito pero ilang araw na lang ang natitira kong bakasyon."
Dalawa't kalahating araw papunta sa lugar nila Mang Castro. Aakyat pa kami ng dalawang bundok at tatawid pa ng tatlong ilog. Limang araw lahat ang gugugulin namin kabilang na ang pagbalik pauwi. Isang linggo lang ang bakasyon ko rito at hindi man lang ako nakapagpahinga ng maayos. Hays! I hope this is the last I see a ghost.
"Saka na lang po siguro kapag may sapat na panahon na ko. Di naman na siguro ako gagambalain ng mga multo sa Manila. Isa pa, dito lang ako nakakaramdam ulit ng ganito," dagdag ko pa.
"Sigurado ka ba? Nakausap ko kasi si Mang Castro kagabi at sabi niya ay nasa kabilang bayan lang daw siya kaya pinakiusapan ko na kung pwede ay pumunta siya rito para sana kausapin niya ang kaluluwa ni Lala pero nakausap mo na pala ito," saad ni Aling Maring.
"Kung makakapunta po siya bukas, ipapatanggal ko po ulit ito. Pero kung hindi naman ay ayos lang."
Bigla namang dumating si ate at lumapit agad siya sa akin.
"Aray naman!" daing ko nang maramdaman ang malakas na hampas niya sa braso ko.
"Bakit mo ako iniwan doon?" singhal pa niya habang lumalaki ang butas sa kanyang ilong. "Di mo man lang ako hinintay."
"Enjoy na enjoy ka kaya doon. Ayaw ko naman hadlangan ang pakikipagmabutihan mo sa hangin, baka maudlot pa."
"Letse ka!"
Wahahahahaha! Pikon!
Nakita kong lumabas ng bahay nila ang mag-asawa at nakabihis sila ng panglakad na damit.
"Annie, tutulak na kami papuntang pulisya," paalam ni Aling Maring.
"Sige po mag-iingat kayo at sana mahuli agad ang salarin."
Lala's family thanked me again before they finally left and my sister and I also walked back home.
Umaasa ako na sana pakinggan ng mga pulis ang impormasyong isisiwalat ni Mang Gusting.
And I hope justice will be done for Lala's death. Sana lang talaga.
***
That same afternoon, Aling Maring happily told us the result of their visit to the police. Naglabas daw agad ng warrant of arrest para sa suspek dahil matibay ang binagay na ebidensya ni Mang Gusting.
Nasa dalawang libong papel pa ang fingerprints ni Alex White na hindi man lang pala nagagalaw ni Mang Gusting at nakatago lang ito sa bulsa ng kanyang pantalon.
Very similar to fingerprints in his police records. Sadyang mainitin pala ang ulo nitong si Alex at mahilig gumawa ng gulo kaya lagi nakukulong.
Galing ah, never niya talaga nagastos o hinawakan man lang ito. Well, patunay lang 'yon na hindi lahat ng tao ay nadadaan sa suhol.
Nagbigay din daw ng suporta ang mayor ng lalawigang ito para mahuli agad ang salarin.
"Hay! Salamat sa Diyos at dininig Niya ang mga panalangin ko," usal pa ni Aling Maring. "Maraming salamat talaga sayo Ann, hulog ka ng langit sa amin."
"Walang anuman po, sadyang mas nagwawagi lang talaga ang kabutihan laban sa kasamaan," nakangiti kong sabi.
Ganito pala ang feeling kapag nakatulong ka. Parang tatalon ang puso ko sa tuwa.
For the first time, naramdaman ko na hindi pala isang sumpa ang pagkakaroon ng third eye.
Pagsapit ng gabi ay naging magaan ang pakiramdam ko. Hindi na ako natatakot kung magpapakita man ulit sa 'kin si Lala dahil alam ko na hindi naman niya pala ako sasaktan. Nanghihingi lang talaga siya ng tulong.
I just sat quietly in the hammock while thinking. Siguro alas otso pa lang ng gabi pero ang tahimik na sa buong paligid. Tanging mga kuliglig at palaka na lang ang mga naririnig ko. Hay, this is the silence I was looking for.
I suddenly raised my head when I saw a pair of little feet in front of me.
When I saw her face I smiled.
Wala na ang mga sugat at dugo sa kanyang mukha.
Maamo na tignan ang kanyang mga mata.
At higit sa lahat ay nakangiti na ngayon si Lala.
"Siguro masaya ka na ngayon dahil makukuha mo na ang hustisyang hinahangad mo," nakangiti kong sabi sa kaluluwa ni Lala.
Tumango siya ng paulit-ulit at ngumiti pa ng malapad.
Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako hindi natakot sa isang multo.
Naglakad si Lala palayo sa 'kin at sinenyasan niya akong sumunod sa kanya.
Wala sa sariling sumunod ako sa kanya. Nakarating kami sa likurang bahagi ng bahay nila ate.
I don’t know why, but I felt nervous.
Anong mayro'n sa lugar na ito?
Tinuro niya sa akin ang tambakan ng mga sanga ng niyog. Ito 'yong ginagamit ni ate kapag nagsusunog siya para mawala ang mga lamok sa paligid.
"Anong mayro'n diyan?" tanong ko kay Lala kahit alam ko namang hindi siya sasagot.
At hindi nga siya sumagot. Tinuturo lang niya ang mga nakatambak na sanga.
Parang nagningning ang mga mata ko. May kayamanan kaya d'yan? Ay, ano ba 'tong pinag-iisip ko.
"Gusto mo bang tanggalin ko ang mga sangang 'yan?"
She nodded again.
And the beating in my chest got louder!
Dahan dahan akong humakbang palapit sa mga sanga.
Bawat hakbang ko ay palakas ng palakas ang kabog sa aking dibdib.
Sana naman kasi magbigay siya ng clue kung ano ang meron sa ilalim ng mga sangang ito.
"Ano ba kasi ang nandito?"
Nilingon ko ang kinalulugaran ni Lala kanina ngunit pagtingin ko ay wala na siya.
"Saan na naman napunta 'yon?"
Binalik ko ang tingin sa mga sanga at may napansin akong ulo sa ilalim nito.
Tinignan kong mabuti kung kaninong ulo ito.
Inaninag ko ang kanyang mukha at kumurap-kurap pa ako baka kasi namalikmata lang ako, pero hindi!
May ulo talaga sa ilalim.
Yumuko pa ako ng kaunti at sa palagay ko ay ulo ito ng isang bata!
"Diyos ko!"
Si Lala ba ito?
Masyadong madilim dito at tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw ko.
Nilapit ko pa ang aking mukha sa mga sanga at nagulantang ako nang mapagsino ang nasa ilalim.
"Jolly!"
Dali-dali kong tinanggal ang mga sanga.
Ang bibigat pa naman dahil malalaki ang pagkakaputol sa mga ito.
"Oh my God! Jolly!" sigaw ko habang tinatanggal ang mga sanga.
Tinapon ko na lang kahit saan ang mga ito.
Bahala na si ate kung magalit siya dahil sa ginawa kong kalat. Ang mahalaga ay maialis ko si Jolly sa ilalim.
Tagaktak na ang pawis ko pero binalewala ko lang 'yon. Ramdam ko rin ang paghapdi ng aking mga kamay.
"Jolly, sandali na lang."
Hila. Tulak. Buhat. Tapon.
Paulit ulit kong ginawa iyon hanggang sa dalawang sanga nalang ang naiwan.
Hinila ko ulit ito, tinulak, binuhat at buong lakas na tinapon.
Nangangalay na ang mga balikat at braso ko pero wala akong pakialam.
Isa na lang ang natitira.
Hinila ko ulit ito at .....
"Susmaryusep Ann! Anong pinaggagawa mo?!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Nakita ko agad ang galit na mukha ni ate pero wala akong pakialam sa galit niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay maligtas ko si Jolly.
"Bakit ka ba nagkakalat d'yan?! Itigil mo yan!" sigaw niya sa 'kin.
"Si Jolly!" sigaw ko rin pabalik sa kanya.
"Ano ba yang pinagsasabi mo?! Matagal nang patay si Jolly!"
Natigilan ako sa kanyang sinabi.
Parang bumalik sa katinuan ang aking isip.
'Yong lakas na pinamalas ko kanina habang tinatanggal ang mga sanga ay biglang naglaho.
Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran.
Tinignan ko ulit ang kinalulugaran kanina ni Jolly at hindi ko na siya nakita doon.
Wala na si Jolly.
Nanghihina ako at napaluhod na lang.
Biglang nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha.
"Tama na Ann, nananahimik na ang kaluluwa ni Jolly," malumanay na sambit ni ate.
I did not listen to my sister
I don't want to believe her.
"Kung totoong nananahimik na talaga ang kaluluwa niya, bakit nagpapakita siya sa 'kin tulad ng pagpapakita ni Lala?"
"Magkaiba sila Ann. Pinatay si Lala at si Jolly naman ay aksidenteng nalunod sa ilog."
Tiim-bagang tumayo ako at hinarap siya.
"HINDI SANA SIYA MALULUNOD DOON KUNG HINDI NIYO SIYA PINABAYAAN!" buong lakas kong sigaw. Binuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil sa pagpapabayang ginawa nila.
"Hindi namin alam kung paano siya napunta sa ilog noong mga oras na 'yon! Iniwan namin silang apat dito sa bahay noong araw na 'yon kaya nagulat na lang din kami nang may nagsabi na nakalutang daw ang katawan ni Jolly sa ilog." Bigla siyang umiyak habang ako naman patuloy lang sa paghikbi. "WALANG MAY GUSTO NA MAMAMATAY SIYA. HINDI KO ITO GINUSTO! KUNG MASAKIT SA 'YO ANG PAGKAWALA NIYA, MAS MASAKIT ITO SA 'KIN BILANG ISANG INA NIYA!"
"Hindi niyo man lang pinaimbestigahan ang biglaang pagkalunod niya!" singhal ko pa.
"Ginawa na namin iyon pero wala talagang nakakita kung paano siya napunta doon sa ilog. Isa pa, lumabas sa otopsiya ng kanyang bangkay na marami siyang nainum na tubig. Siguro nga ay nalunod lang talaga siya."
Imposible!
"Hindi ako naniniwalang aksidente lang ang pagkakamatay niya!"
Tumingin ulit ako sa pwesto ni Jolly kanina at may napansin akong isang bagay.
Kinuha ko ito at napansin kong punung puno na ng putik. Siguro matagal na ito sa ilalim. Pinagpag ko ito.
"Bakit nand'yan yan?" tanong agad ni ate pagkakita sa hawak kong maliit na tsinelas na kulay pink.
Parang pamilyar sa akin ito.
Saan ko nga ba 'to nakita?
"Kanino ba 'to?" tanong ko pabalik sa kanya.
Humagulhol muna siya sandali bago sumagot, "kay Jolly ang tsinelas na 'yan."
At sa mga sandaling 'yon ay nakasisigurado na talaga akong hindi nga isang aksidente ang pagkamatay ni Jolly.
***