Chapter 6
First, she said she saw a ghost under the bed.
Second, she said there was someone else on the bed.
Third, I bumped into her.
Fourth, I saw her under the branches of a tree.
"Argh! Ano ba ang ibig sabihin ng mga ito? Hindi ko pa rin mapagdugtung-dugtong ang mga eksena!"
Kasalukuyan kong iniisip ngayon ang bawat eksena na pagpapakita ni Jolly sa 'kin. Sinulat ko pa sa papel para makuha ko ng maigi ang nais niyang ipahiwatig pero nahihirapan pa rin akong intindihin ito.
Kung alam ko lang na mangyayari 'to ngayon, sana pinag-aralan ko na lang ang pagkakaroon ng third eye. If only I had been brave enough before, I would have just talked to Jolly instead of running away from her.
"Jolly, tulungan mo akong malutas ito."
Kagabi, napanood ko sa Bandila na hinuhuli na si Alex White. Umarte pa itong walang alam sa nangyari at ang kapal pa ng mukha, sinabi pa niyang kapag daw napatunayan na wala siyang kinalaman ay kakasuhan niya ang pamilya ni Lala at Mang Gusting. Tsss! Lakas ng loob magbanta!
Bakit kaya ang mga tao kapag kumita lang ng malaki ay feeling na nila angat na sila sa ibang tao? Gusto nila lahat ng bagay ay nakaayun sa kanila at dapat nirerespeto sila. Hindi sukatan ang pera para respetuhin ka at tratuhin ng maayos. Paano kung wala ka nang pera, eh di mawawalan na sila ng respeto sa 'yo?
Kung gusto natin igalang at respetuhin, dapat maging mabuting tao tayo at h'wag maliitin ang kapwa natin. Kahit maubos man lahat ng iyong yaman, mananatili ang respeto sa'yo dahil ang kabutihan mo ang naaalala ng tao. Hindi ang iyong salapi.
Di porket artista siya ay dadaanin na niya sa acting-an at drama ang pagkakahuhuli sa kanya! Tigas ng mukha niya! I hope he will rot in jail!
At sana matuto siya sa kanyang kamalian.
Lalo lang sumidhi ang damdamin ko na lutasin ang misteryong pagkamatay ni Jolly. Kung si Lala nga ay natulungan ko, mas lalong dapat na tulungan ko rin ang aking pamangkin. Ngayon alam ko na kung bakit bumalik ulit ang kakayahan kong makakita ng mga kaluluwa.
Talagang may dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin. It may not matter at this time, but in the long run, we will benefit from it at the right time.
"Oh Ann, ang aga mo nagising ah," bati sa 'kin ng aking bayaw habang bumababa siya sa hagdan. "Natulog ka ba?"
"Nakatulog naman ako." Mga dalawa o tatlong oras siguro. "Kuya may itatanong pala ako sa 'yo."
"Ano 'yon?"
"May kilala ka bang pulis na pwede nating pagkatiwalaan na humawak ng kaso?"
Nagulat pa siya sa tanong ko. "Ha? Kaninong kaso ba?"
"Kay Jolly," diretsahan kong sagot at lalo siyang nagulat.
"Ano?! Anong ibig mong sabihin?"
Kinuha ko ang pink na tsinelas na nilinis ko pa kagabi, inabot ko ito sa kanya at kumunot ang kanyang noo.
"Kay Jolly ba ito?" Tumango ako.
"Paano 'to napunta sa'yo? Ang buong akala ko ay nasa--"
"Ilog?" putol ko sa kanya. "Eksakto. Kung talagang nalunod si Jolly sa ilog, dapat hindi 'yan naiwan dito. Alangan namang magpaa siya papuntang ilog." Huminto ako saglit at umupo naman siya sa sofa. "Depende na lang kung may ibang tsinelas si Jolly."
"Ito lang ang tsinelas niya noon."
"Ang pinagtataka ko lang, saan kaya ang kapares ng tsinelas na 'yan," dagdag ko pa.
"Ito lang ba mag-isa ang nakita mo? Saan mo ba ito nakita?"
"Sa likurang bahagi ng bahay."
Biglang tumayo si kuya at nagtungo siya sa likod ng bahay. Nadatnan niya ang nagkalat na mga sanga.
"Di ko nabalik kagabi, pasensya na," hinging paumanhin ko.
"Ayos lang, saan banda rito?"
Tinuro ko kung saan banda at nilapitan niya. Tinanggal pa niya ang ilang harang ngunit wala na siyang nakita pa. Medyo madilim din ang paligid dahil mag-aalas-singko palang ng umaga.
"Kung gano'n, maaaring may dumukot sa anak ko tapos ay dinala siya sa ilog!"
Blag!
Napaigtad pa ako sa biglaang pagtapon niya ng isang sanga.
"Mga hayop! Baka ginahasa pa nila ang anak ko! Hayop sila! Papatayin ko sila!"
OA mo naman bayaw. Di pa nga natin alam kung ano talagang nangyari kay Jolly.
"Kuya, mas mabuting paimbestigahan muna natin ito. Hindi rin natin alam kung ano talaga ang nangyari," payo ko.
"Sige, pupuntahan ko mamaya si SPO2 Ramirez. Siya rin 'yong nag-imbestiga noon tungkol dito. Mamaya, pagsikat ng araw pupuntahan ko agad siya."
Bumalik kami sa loob ng bahay habang bitbit ko parin ang tsinelas, iniisip ko kung saan ko 'to nakita. Pamilyar kasi talaga ito.
"Saan kayo galing?" bungad ni ate pagkakita sa amin.
"Sa likod ng bahay," sagot ni bayaw. "Bakit di mo sinabi sa 'kin kagabi 'yong tungkol sa tsinelas?"
"Tulog ka na kagabi pagpasok ko sa kwarto."
"Di sana ginising mo ako!"
Napaatras si ate nang biglang sumigaw ang asawa niya. "Bakit ba? Tsinelas lang yan."
"Hindi lang basta tsinelas yan! Tsinelas yan ni Jolly! At bakit nando'n yan sa likod?! Akala ko ba nag-imbestiga 'yong mga pulis doon! Bakit hindi nila nakita ang tsinelas?!"
"Aba'y malay ko! Bakit ba sa 'kin ka nagagalit?"
"Ewan ko sayo. Kung umakto ka, parang wala kang pakialam sa sinapit ni Jolly!" sigaw ulit ni bayaw pagkuwa'y padabog siyang lumabas ng bahay.
I suddenly thought of what he said. Wala ba talagang pakialam si ate sa pagkamatay ng kanyang anak?
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin, Ann? Wag mo sabihing naniniwala ka sa sinabi ng bayaw mo."
"Di ko alam," umiling ako. "Pero sa oras na malaman kong may tinatago ka, ako mismo ang magpapakulong sa 'yo, ate!"
"Anong kalokohan 'yang pinagsasabi mo? Anak ko si Jolly kaya bakit ko siya ipapahamak?"
"Talaga ba? O baka may nililihim ka lang sa amin."
***
Umalis ako ng bahay pagkatapos mag-almusal. Hindi rin kami nagkibuan ni ate at pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos doon kaya lumabas ako.
Pinuntahan ko si Aling Maring at sinabing gusto ko makausap si Mang Castro. Magpapatulong ako kay Mang Castro na makausap si Jolly. Hindi kasi siya nagpakita ulit sa 'kin. Kailangan ko na ng tulong ng isang eksperto.
Naglakad-lakad ulit ako. Di ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang gusto ko lang ay mapag-isa muna para makapag-isip ng mabuti.
"Oh, malungkot ka na naman."
Napaigtad ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.
"Ganda talaga ng timing mo 'no, sumusulpot ka sa tuwing gusto kong mapag-isa," sarkastik kong tugon sa kanya.
Natawa lang siya s asinabi ko. "Tingin ko kailangan mo nang mahihingahan ng problema."
"Kaya nilapitan mo ako?"
"Hindi ah. Ikaw kaya unang lumapit sa 'kin," biro pa niya.
"Excuse me lang ha!"
"Ako kaya nauna rito."
"Eh di sayo na. Isaksak mo sa nguso mo!" Tumawa ulit siya ng malakas.
"Ang sungit mo naman," nakangiti niyang sabi at napatitig ako sa kanya. Ang gwapo niya pala. Kulay brown ang mapupungay niyang mata, sobrang tangos ng ilong tapos ang kinis pa ng mukha. Walang pores o pimples. Ang pula pa ng labi at yung hugis ng mukha niya ay napakaperpekto. Jusme! Tao pa ba ito! "Oh baka matunaw ako n'yan? Alam kong gwapo ako pero di mo na kailangang maglaway pa." Ay tao nga ito. Ang yabang eh!
"Ewan ko sa'yo! D'yan ka na nga." Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik ng bahay pero sinundan niya naman ako.
"Wag ka nang masungit, may alam akong lugar kung saan mawawala ang bad mood mo."
Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Saan?"
"Sumama ka sa 'kin." At sumunod nga ako sa kanya. Ilang minuto kaming naglakad at nakarating kami sa may kakahuyan.
"Teka ka lang." Luminga-linga ako sa paligid. Malayo na kasi ito sa kabahayan. "Saan ba tayo pupunta? Papatayin mo ba ako?" Tumawa lang siya.
"Ang gwapo ko naman para maging killer." Ay ang yabang talaga!
"Malay ko bang may sayad ka sa utak." Tumawa ulit siya ng mas malakas. "Sige, tawanan mo lang ako. Uuwi na nga lang ako!"
Hinigit niya bigla ang palapulsuhan ko. "Wag ka matakot sa 'kin hindi kita sasaktan. Malapit na tayo, konting lakad na lang."
"Kanina ka pa sa malapit mo eh, inabot na tayo ng siyam-siyam sa kalalakad pero di pa rin tayo nakakarating sa ating destinasyon."
"Malapit na nga. Ayun na oh," sabi niya sabay turo sa isang direksyon.
Naglakad pa nga kami ng ilang saglit at nang makarating kami ay namangha ako sa lugar.
"Ang ganda!"
"Sabi ko sa'yo 'di ba, mawawala bad mood mo rito."
"Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar!" pasigaw kong sabi sa sobrang tuwa.
Paano ba naman, puro bulaklak ang nasa paligid. Kahit saan ako tumingin ay puro magaganda at makukulay na bulaklak ang nakikita ko. Nandito rin 'yong paboritong bulaklak ni Jolly.
Ay grabe! Ang ganda talaga!
NARRATOR'S POV
Habang masayang tinitignan ni Ann ang mga bulaklak ay hindi niya napansin ang mga nilalang na nakatingin sa kanya.
Sa paningin kasi ni Ann ay mga paru-paru at tutubi lang ang mga ito pero hindi niya alam na nagbabalat-kayo lamang pala ang kanyang mga nakikita.
"Ang galing mo Dagaran, nadala mo siya rito."
"Oo nga! Kami kasi ay nahirapan pang gawin iyon pero ikaw ay walang kahirap-hirap na nadala siya rito."
"Tiyak na matutuwa si pinuno sa'yo."
Tinignan ni Dagaran ang dalawang lambana at kinumpas niya ang kanyang kamay, mayamaya pa'y nakatulog na ang dalawa.
"Hindi maaaring malaman niya na nadala ko ang babae rito. Hindi ito sa kanya. Akin siya. Akin lang siya!"
***
ANN'S POV
Ang ganda ganda talaga rito! Kahit dito na ako tumira habang buhay ay sapat na.
"Pwede kaya akong mamitas ng bulaklak? Saan na ba Roberto?"
Tumingin ako sa bandang likuran at nakita ko siya kaagad na parang nagsasalita.
Hala! Nagsasalita nga siya mag-isa.
"Parang tanga lang!"
Nilapitan ko siya at tinapik sa kanyang braso.
"Kausap mo?" Nagulat pa siya sa biglaan kong paglapit kaya hindi rin siya nakasagot agad. "Adik ka ba?"
"Hindi ah. Ano kasi... ano... ah ... kasi..." Hala! Nataranta na.
"Ano?"
"Nag ... ano... nagpapraktis ako ng tamang sasabihin sa'yo."
"Ha?" Ako naman ang nagulat sa kanya.
"Ah wala. Wag mo na lang ako intindihin."
Praning ata 'to eh. Sayang gwapo pa naman sana.
"Teka, nasa Pilipinas pa ba tayo?" tanong ko. "Sobrang ganda kasi rito. Parang nasa paraiso na ako. Grabe ang ganda talaga! Siguro kung ako ang may-ari ng lugar na 'to ay lalagyan ko talaga ng malaking bakod ang buong paligid para walang mangahas na pumasok at sirain ito. Di ko akalain na may makikita pa akong ganito kagandang tanawin sa Pilipinas."
"Mabuti naman at nagustuhan mo."
What the heck! Ang haba ng sinabi ko tapos ang tipid lang ng sagot niya.
"Pasalamat ka gwapo ka kundi nasapak na kita," sabi ko sa sarili.
Bakit ba gano'n? Habang tumatagal lalo siyang gumagwapo sa paningin ko? Hindi kaya ginagayuma na niya ako? Oh my!!
"Teka nga, magkaliwanagan nga tayo," nakahalukipkip kong sabi.
"Ano 'yon?"
"Hindi ka ba mangkukulam?" Tumawa siya ng malakas saka umiling. "Eh, bakit bigla bigla ka nalang nawawala palagi?"
"Hindi naman ah. Di mo lang siguro namalayan na umalis na ko."
"Weh, imposible." Hindi ako naniniwala sa palusot niya. "Baka naman kapre ka, nuno sa punso o di kaya'y engkanto."
"Hahahahahahaha!" Gosh! Pati pagtawa niya ay maganda rin sa pandinig ko. "Ganito ba ang mukha ng mga kapre? Sa gwapo kong 'to napagkamalan mo pang kapre," tinuro niya ang kanyang mukha at napatingin naman ako.
"Sabagay," kibit-balikat kong sagot. Sabi kasi ng mga magulang ko noon pangit daw ang itsura ng mga lamang-lupa. Pero minsan nagpapanggap silang tao para makihalubilo sa mundo ng mga tao. Hindi naman siguro laman-lupa 'to si Roberto, hindi naman kasi siya amoy lupa. Ang bango niya pa nga eh.
"So, inaamin mo na nagwagwapuhan ka sa akin?"
"Wow ha!"
"Aminin mo na kasi."
"Dream on!" Nilayasan ko nga siya. "Ang taas pa ng sikat ng araw para managinip. Bakulaw ka!"
"Anong sabi mo?" Nagulat pa ako sa pagbulong niya sa tainga ko.
"Ano ba! Wag ka nga manggulat." Nakita kong may papalapit na paru-paru at hahawakan ko sana ito pero bigla niyang tinabig ang kamay ko. "Aray! Ano ka ba?"
"Wag kang hahawak ng mga paru-paru o kahit anong insekto rito."
"Bakit naman?" nagtataka kong tanong.
"Basta, makinig ka na lang sa akin."
"Eh, pwede akong mamitas ng bulaklak?"
"Sabihin mo munang gwapo ako," nakangisi niyang pahayag. Wow! Yabang ng kapreng 'to.
"Eh di ikaw nang gwapo. Manahimik ka lang."
"Kung gano'n, may gusto ka pala sa akin?"
Ano daw?
"Hoy unggoy! Gwapo lang ang sinabi ko. Hindi ko sinabing gusto kita. Maglinis ka nga ng tainga!" Natawa lang siya ulit.
Bahala nga siya d'yan!
Nilapitan ko na lang ang mga dilaw na bulaklak na may kakaibang hugis. "Pwede ko 'tong pitasin?" Tumango naman siya kaya di na ako nag-aksaya pa ng oras at pinitas ko na ito.
"Paano pag sinabi kong gusto kita."
"Okay," kaswal kong sagot.
"Okay? As in okay. Tayo na?"
Ha! Anong pinagsasabi nito?
"Okay ka lang? Wala akong sinabing gano'n 'no!"
Tumabi siya bigla sa 'kin . "Bakit naman? Di ba kapag sinabihan ka na gusto ka ng isang tao ay magugustuhan mo rin ito. Gano'n kaya ang mga tao."
Ako naman ang natawa sa kanya, "makapagsalita ka d'yan parang hindi ka tao ah."
"Paano kung hindi, anong gagawin mo?"
"Ano ka, maligno?"
"Paano pag sinabi kong isa akong engkanto?"
Nang sinabi niya 'yon ay bigla nalang akong nanigas at hindi na makagalaw pa.
Nakita kong kinumpas niya ang kanyang kamay tapos nakaramdam ako ng pagkaantok.
***