Chapter 7
Napabalikwas ako ng bangon at nilibot agad ang paningin sa buong paligid.
"Paano ako napunta rito sa kwarto?"
Panaginip lang ba 'yong kanina? But everything seems to be true.
I went down to the bed and noticed that something had fallen.
"Ito 'yong bulaklak na pinitas ko kanina!"
Nakarinig ako ng katok. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa harapan ko si bayaw.
"Kuya, bakit?"
"Buti naman nagising ka na."
"Ilang oras ba ako nakatulog?"
"Matagal din, simula nang bumalik ka galing ka sa bahay nila Aling Maring," sagot niya.
"Gano'n ba? Anong oras na pala?"
"Alas singko na ng hapon." Hala! Gano'n katagal akong natulog? Kaya pala tumutunog na tiyan ko. "Syanga pala, nasa baba kasi si SPO2 Ramirez."
"Ay sige kuya, baba na tayo."
When we went down the stairs, my sister entered the house. Nagkatinginan pa sila ng pulis pero nag-iwas din agad ito ng tingin. Nang mapadaan siya sa harapan ko ay napansin ko naman ang namumula niyang pisngi.
Hala siya! Nagdadalaga lang?
Hindi kaya... haist! Wag naman sana.
"SPO2, ito pala ang kapatid ni Annie, si Ann."
The policeman looked at me and held out his hand. I accepted it.
Umupo ako sa tapat niya habang mariin na nakatingin sa kanyang mukha. Para kasing pamilyar siya sa 'kin.
"Ah, ikaw pala si Ann. Nagkita na tayo kahapon," sabi ng pulis.
Ahh! Tama siya 'yong nakita kong nagwawalis kahapon. Nakauniporme kasi siya ngayon kaya hindi ko agad ito nakilala.
"Ano ba ang gusto niyong pag-usapan?" tanong pa nito.
"Gusto sana namin pabuksan ang kaso tungkol sa pagkamatay ni Jolly," my brother-in-law replied and I saw the shocked reaction on the policeman's face. "Di ba ikaw ang nag-imbestiga noon? Gusto ko sana ikaw ulit ang mag-imbestiga ngayon, isa pa ay kilala ka rin namin."
I just listened to them while still staring at the police face. Parang may something kasi sa kanya na hindi ko maipaliwanag kung ano ito.
Napalunok muna ito ng ilang beses bago sumagot, "ahh gano'n ba? Sige, sige kung 'yan ang gusto niyo pero hindi natin pwede buksan ang isang kaso hangga't wala tayong suspek o di kaya'y matibay na ebidensya para masabing may nagtangka nga sa buhay ng anak mo."
Ano daw? Ebidensya? Pwede ba gawing ebidensya yung nakita kong tsinelas?
Teka lang...
Shit!
Naalala ko na!
Naalala ko na kung saan ko unang nakita yung pink na tsinelas!
"Pwede ba gawing ebidensya 'yong-"
"Sandali!" Pinutol ko ang sasabihin ni bayaw. "Iba ang gusto kong humawak ng kaso ni Jolly. Mabuti pa siguro ay pumunta na lang tayo sa presinto kuya, para doon na lang tayo pormal na magsampa ng kaso."
"Sigurado ka?" Kumuno ang noo ni bayaw. "Pero matagal na naming kilala 'to si SPO2 tiyak na matutulungan niya tayong malutas ang kaso."
"Tanong ko lang, noong siya ba ang may hawak ng kaso ni Jolly ay nalutas ba niya ito? Di ba hindi rin naman. Mas mabuting dumulog na tayo sa himpilan ng pulisya bago pa makatakas ang suspek."
"Teka lang," sabat naman ng pulis. "Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko? Sa palagay mo ba ay hindi ko kayang lutasin ang kaso?" Pero hindi mo rin kayang hulihin ang sarili mo, ungas!
"Oo, wala akong tiwala sa 'yo! May problema ka ro'n?!" nakataas pa ang isa kong kilay habang kinakausap siya at nagulat siya sa sinagot ko.
Wala akong pakialam kung pulis siya. Nakaunipormeng pulis lang siya pero hindi siya tunay na alagad ng batas!
Kaya pala hindi nalutas ang kaso ni Jolly noon dahil siya ang may hawak nito. Malamang ililigaw niya ito para maabswelto siya. Ang tigas ng mukha niya at may gana pa talaga siya magpakita rito!
"Magmeryenda muna kayo." Biglang dumating si ate at naglagay ng mga kakanin at juice sa center table. Aalis na sana siya pero pinigilan ko agad ito.
"Dito ka muna ate. Umupo ka saglit."
"Ha?" Nagulat pa siya at mukhang di narinig ang sinabi ko kaya inalalayan ko siyang maupo sa tabi ni SPO2. Sinadya kong itabi siya sa pulis dahil may gusto akong malaman.
"Bakit... bakit kailangan pa ako rito?" nanginginig pa ang boses niya habang nagsasalita. Nagkatingin pa sila ng ilang saglit ng pulis at sabay din na nag-iwas ng tingin.
"Malamang, dahil ikaw ang nanay ng batang namatay," mataray kong sagot. "Ay hindi. Pinatay pala ng walang kaawa-awa ng isang taong walang konsensya at mukhang tinubuan pa ng kalyo dahil sa sobrang kapal ng mukha nito!" dugtong ko pa habang nakatingin ng masama sa pulis.
"May pinatatamaan ka ba?" tanong pa nito.
"Natamaan ka ba?"
"Hindi!" agarang sagot niya. "Sa akin ka kasi nakatingin eh."
"Wow! Ang gwapo mo naman para tignan ko!" Kapal talaga ng mukha! Tinignan ko naman si ate na tahimik lang na nakayuko ang ulo.
"Oh ate, ang tahimik mo d'yan ah."
"Ha?"
Tsss! Para siyang teenager na first time na nakatabi ang kanyang crush.
"Bakit parang nahihiya ka kay SPO2 Ramirez? Akala ko ba malapit siya sa inyo?" pangungutya ko pa at pinamulahan lalo ng mukha si ate.
Dahil doon ay lalong lumakas ang hinala ko.
"Mas mabuting tumulak na siguro tayo sa presinto," biglang sabat ni bayaw. Tsk! Wala man lang siyang ka-ideya-ideya sa mga nangyayari. Pero mas okay nang wala siyang alam. Ang mahalaga sa ngayon ay unahin muna namin ang kaso ni Jolly.
"Mabuti pa nga," sagot ko naman. "Dalhin nalang natin ang mga bata."
Nagtaka naman sila sa sinabi ko. Pero kahit ganoon ay pumayag naman si bayaw.
"Maiiwan na lang ako rito," deklara ni ate. "Maglilinis pa kasi ako at saka maghahanda pa ko para sa hapunan natin."
Of course magpapaiwan ka. Inaasahan ko na yan eh.
At umalis na nga kami kasama ang tatlong bata. Kasabay din namin sa pag-alis si SPO2 ngunit magkaiba kami ng daang tinatahak.
Kunwari pa siyang aalis, babalik din naman siya! Utot niya!
Hindi kami sa presinto dumiretso kundi sa bahay ni Aling Maring.
"Bakit dito tayo pumunta?" naguguluhang tanong ni bayaw.
"Iwanan muna natin ang mga bata rito, kuya." Humarap ako kay Aling Maring, "pwede po bang iwan muna namin saglit ang mga bata sa inyo?"
"Oo naman, walang problema sa amin," sagot nito. "Syanga pala, bukas pa raw makakapunta rito si Mang Castro."
"Ayos lang po. Busy din kami ngayon."
"Saan pala si Annie?"
"Naku, mahabang kwento po." Napatingin ako sa mga bata at nginitian ko sila, "aalis na kami. Dito muna kayo ah, saglit lang naman."
Tumango naman ang dalawa ngunit si Micky ay walang reaksyon. Nilapitan niya ako at nagtanong siya, "tita may problema ba?"
"Saka ko na lang sasabihin sa inyo pagbalik namin mamaya."
"Tita, hindi na ako bata. High school na ako, maiintindihan ko 'yon. Sabihin mo na sa 'kin, please."
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot, "may kaunting problema lang naman. Ngunit gusto ko sabihin sa 'yo na sana tatagan niyo ang inyong loob. Kung ano man ang matutuklasan niyo sana matuto pa rin kayong magpatawad. Walang perpektong tao at lahat tayo ay nagkakamali at nagkakasala pero ang mahalaga ay marunong tayong magsisi, humingi ng tawad at magpatawad. At higit sa lahat matuto tayo sa bawat pagkakamali natin para hindi na maulit pa."
"Hindi kita maintindihan, tita."
Napangiti nalang ako at ginulo ang buhok niya. "Maiintindihan mo rin balang araw."
Naglakad na kami ni bayaw palabas ng bahay.
"Sino ba ang pinaghihinalaan mo?" tanong niya pa sa 'kin habang naglalakad kami. Inabot ko sa kanya ang isang supot. "Anong gagawin ko rito?"
"Gusto kong pumunta ka sa bahay ni SPO2 Ramirez."
"Bakit?"
"Doon ko nakita ang pares ng tsinelas na 'yan."
Biglang tumigas ang mukha ni bayaw.
"Ang hayop na 'yon! Papatayin ko siya!"
"Sandali! Sandali kuya! Mamaya ka na mag-tantrum d'yan. Makinig ka muna sa plano ko." Huminahon naman siya at nakinig nga sa 'kin. Pinaliwanag ko agad ang plano sa kanya. "Babalik muna ako sa bahay. May naiwan kasi ako, kukunin ko lang saglit. Basta bilisan mo ang pagkilos tapos pumunta ka kaagad sa presinto."
At nagsimula na kaming kumilos.
Mabilis ang lakad ko at bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang aking paghinga. Ganito pala ang feeling kapag may iniimbestigahan. Exciting and the same time nakakakaba rin.
Kunwari lang na may naiwan ako. Ang totoo ay huhulihin ko si ate at si SPO2. Malakas talaga ang pakiramdam ko na may namamagitan nga sa kanila. Pero hangga't wala akong sapat na ebidensya ay mas mabuting sarilinin ko muna ito dahil baka magtantrum ulit si bayaw kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol dito. Mas mabuting ipukos niya muna ang kanyang pag-iisip tungkol kay Jolly.
But I hope my suspicion is wrong.
Nakarating din ako ng bahay. Dahan dahan kong binuksan ang front door at nakiramdam sa paligid. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw sa sala. Tanging ilaw lang kasi sa kusina ang nakabukas at sapat na iyon para makita ko ang paligid ng bahay.
I pulled the cellphone out of my pocket and started to open the camera.
Pinakiramdaman ko ang paligid.
There is no one here in the living room.
I went to the kitchen, it was not here either.
Hindi kaya nasa kwarto sila? Wag naman sana nila gawin ang iniisip ko.
I slowly climbed the stairs.
I heard a noise.
"Ano 'yon?"
Mukhang nanggaling ang ingay sa likod ng bahay.
I carefully walked to the kitchen and peeked out the window.
Dahan dahan ang aking pagkilos para hindi makagawa ng ingay.
Ito na.
Sisilip na ako sa bintana.
At nakita ko nga sila!
May kadiliman sa likod ng bahay pero naaninag ko pa rin sila.
"Ano kayang ginagawa nila?"
Shit!
I covered my mouth when I realized what they were doing.
Bigla kasing hinalikan ng pulis si ate ngunit mabilis siyang tinulak ng huli at binigyan ng malakas na sampal.
"Tigilan mo na ako! Matagal nang tapos ang lahat sa atin!" narinig kong singhal ni ate sa pulis.
Shit! s**t! s**t!
So totoo nga ang hinala ko?
Dali-dali kong hinarap sa kanila ang cellphone at sinimulan kong kuhaan sila ng video.
"Pero mahal kita!" singhal pabalik sa kanya ng pulis.
Libog lang yang nararamdaman mo! Tarantado!
"Hindi. Hindi tama ito. Namatayan na ako ng anak dahil sa kasalanang nagawa ko sa pamilya ko. Ayoko nang makarma ulit."
"Hindi karma ang pagkamatay ni Jolly! Sumama ka na lang sa 'kin Annie, mahal na mahal kita."
Maglaslas ka na SPO2! Letse ka!
"Tumigil ka na. Nakikiusap ako, layuan mo na ako."
Tumingin ako sa aking cellphone para malaman kung nakuhaan ba sila ng maayos at nagulat ako nang mapansin na may nakatayo sa likuran ng pulis.
I looked at them again but no one was standing there.
Binalik ko ang tingin sa cellphone at nando'n ulit siya. Sino ba 'yon?
Hindi ko maaninag ang mukha niya. I blinked a few times but he was still there.
Tinignan ko ulit sila ate pero wala talagang ibang tao doon bukod sa kanila.
Tumingin ulit ako sa cellphone at di ko na rin siya nakita pa.
Sino kaya 'yon? Galing! May magic.
"Kapag sinabi ko ba sa 'yo kung ano talaga ang nangyari kay Jolly, sasama ka ba sa akin?"
Nagulat si ate sa kanyang sinabi. Kahit ako ay nagulat din.
Di ko akalain na aaminin niya ito ngayon.
"Ano... anong ibig mong sabihin?" Tinignan lang siya ng pulis. "Magsalita ka! May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng anak ko? Hayop ka! Hayop ka!" Pinagsasapak niya ito ngunit umiilag lang ang lalaki.
Nang mapagod si ate sa kakasapak dito ay bigla na lang siyang napaupo sa lupa at humagulhol. "Hayop ka! Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng anak ko?"
"Patawarin mo ako," tanging nasambit ng lalaki at inalalayan niyang tumayo si ate.
"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas nito. "Sabihin mo sa akin ngayon din kung ano ang nalalaman mo! Ikaw ba ang pumatay sa anak ko?!"
"Ano? Hindi! Hindi ko magagawa ang bagay na 'yan. Alam mong hindi ko magagawang patayin ang anak natin."
Ano daw!
Anak nila si Jolly?
What the hell!!!
Gano'n na ba katagal ang kanilang relasyon para magkaroon sila ng tatlong gulang na anak? Di man lang ba ito napansin ng kanyang asawa?
"Hindi mo siya anak! Huwag mo siyang angkinin! Bago ka pa man dumating sa buhay ko ay pinanganak ko na siya. Paano mo siya naging anak? Nasisiraan ka na!"
"Ako ang lagi niyang nakakasama kaya anak ko siya!"
Hala! Nababaliw na ang taong 'to! Nang-angkin talaga ng anak.
"Nagkakamali ka. Sabihin mo na lang sa akin kung sino ang pumatay sa anak ko?"
Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanila.
"Hindi pa siya patay. Katawan lang ang namatay sa kanya ngunit buhay na buhay pa rin ang kanyang kaluluwa."
"Anong ibig mong sabihin? Sagutin mo ako ng maayos!"
"Naglalakbay lang ang kaluluwa ni Jolly at kasalukuyan itong nasa lugar ng mga engkanto."
"Engkanto?!" Napalakas ang pagkakabigkas ko dahilan para makaagaw ito ng pansin sa kanila.
Nakita kong lumingon sila sa gawi ko kaya yumuko ako agad.
Shit!
Kinuha ng mga engkanto si Jolly?
Bakit?
Anong kailangan nila kay Jolly?
"Ann?" Nakita kong sumilip si ate sa bintana at dali-dali kong tinago sa bulsa ang aking cellphone. "Kanina ka pa d'yan?"
Tumayo ako at hinarap siya. "Kadarating ko lang, pero narinig ko ang huling sinabi ng pulis na 'yan," pagsisinungaling ko.
Lumabas ako ng bahay para harapin sila at nagkunwaring hindi ko alam na may relasyon sila.
"Paano mo nalaman na nasa lugar ng mga engkanto si Jolly?" tanong ko kaagad sa pulis.
"Dahil nakita kong kinuha siya ng mga engkanto." Humarap siya kay ate. "Patawarin mo ako Annie, hindi ko sinabi ang totoo. Nasa ilog ako noong araw na nalunod si Jolly at kitang kita ko kung paano siya sapilitang kinuha ng mga engkanto."
"Diyos ko," humagulhol si ate.
"Bakit hindi mo siya niligtas?" tanong ko ulit. "Baka naman gumagawa ka lang ng kwento para mapawalang-sala ka sa kasalanang ginawa mo."
"Hindi kita pinipilit na maniwala sa akin. Pero iyon ang totoo. Kitang kita ng dalawang mata ko ang bawat eksena."
"Pwes, paano mo maipapaliwanag ang kulay pink na tsinelas na nakita ko sa bahay mo? Kay Jolly 'yon, di ba?" Napansin ko ang kanyang pagkagulat. "Lulusot ka pa?"
"Nagkakamali ka ng akala."
"Ramirez, iba na lang utuin mo, wag ako. Hindi ako magiging top sa aking major subject na psychology kung bobo ako. Base sa reaksyon mo, kitang-kita ko na may tinatago ka." nakangisi kong sabi. "Sa presinto ka na magpaliwanag."
"Hindi mo ako kaya!" bigla siyang sumigaw at parehas kaming napaigtad ni ate. "Tao lang kayo! At hindi niyo kaya ang katulad ko!"
"Bakit?! Ano ka ba, demonyo?!" sigaw ko pabalik sa kanya. "Walang dudang demonyo ka nga dahil hindi magagawa ng isang matinong tao ang kumitil ng buhay ng walang kalaban-laban na bata!"
Tumawa lang siya ng malakas at biglang umihip ng malakas ang hangin. Pareho pa kaming natumba ni ate sa lupa habang ang lalaki ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan.
"Baka pag sinabi ko sayo kung ano ako ay bigla kang matakot," pagmamayabang pa nito.
"Ang yabang mo! Ang pangit mo naman!" bulyaw ko pa.
"Ann, tama na. Baka saktan pa niya tayo," biglang awat sa 'kin ni ate.
"Ngayon ka pa natakot. Pero noong nakikipaglandian ka sa kanya ay hindi ka natakot sa asawa mo!"
Hindi siya nakasagot. Tumayo na lang ako at hinarap si Ramirez.
May isang parte sa 'kin ang natatakot na harapin siya pero maliit na parte lang iyon. Mas nanaig sa 'kin ngayon ang galit at tapang.
"Magsabi ka ng totoo! Ano ang ginawa mo kay Jolly?!"
"Wala akong ginawa sa kanya. Kinuha siya ng mga engkanto," sagot nito.
"Hindi ako naniniwala!"
"Hindi kita pinipilit maniwala." Lumapit siya sa 'kin at napaatras ako. "Pero hindi ka rin pwedeng makialam sa plano ko." Bigla niyang dinakma ang aking leeg at mahigpit itong sinakal gamit lang ang isa niyang kamay.
"Ugh!"
"Wag mo sasaktan ang kapatid ko!" nakita ko pang lumapit si ate sa gawi ko pero pinigilan lang siya nito gamit ang isa pang kamay.
Ang lakas niya!
At mukhang hindi nga namin siya kaya.
"Tignan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo," nakangisi pa nitong sabi.
"Ugh! Ugh!"
Habang tumatagal ay lalong humihigpit ang kanyang pagkakasakal.
At nauubusan na ako ng hangin sa katawan.
Parang konti nalang ay malalagutan na ako ng hininga.
"Ughhhhhhhh!"
Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko kayang makawala sa kanya.
"Bwahahahaha! Sabi ko naman sa'yo, hindi mo ako kaya."
Anong klaseng nilalang ba ito?
Hayop siya!
"Ugh!"
Hindi ko na talaga kaya, wala na akong malanghap na hangin.
Parang hanggang dito na lang ang buhay ko.
Dahan-dahan nang pumipikit ang aking mga mata.
Pero bago pa man ako tuluyang makapikit ay nakita ko si Roberto na nakatayo sa kanyang likuran.
Naramdaman ko na lang na napabitaw si Ramirez sa akin at bumagsak ako sa lupa.
Dinaluhan agad ako ni ate habang nahihirapan pa rin ako sa paghinga. Umuubo ako habanghy bumabangon.
"Ayos ka lang?"
Napadilat ako saka nilibot ang aking panangin sa paligid.
At nagimbal ako sa aking nakita dahil si Ramirez ay hindi na mukhang tao.
"OhMyGod!"
"Hala!"
Sabay pa kaming nagulat ni ate.
"Anong klaseng tao siya?!" tanong pa niya.
"Hindi na 'yan tao!"
Kitang kita ko kung paano makipag-sukatan ng lakas si Roberto kay Ramirez.
Sinuntok ni Roberto si Ramirez at natumba ito.
Grabe! Gano'n kalakas si Roberto?
Nang makatayo Ramirez ay sinuntok din niya si Roberto at tumalsik ito.
Shit! Mas malakas siya kesa kay Roberto! Bangon Roberto! Bangon!
Lumapit agad siya rito bago pa man ito makatayo at pinagsusuntok ang gwapo nitong mukha.
Oh no! Kawawa naman ang mukha niya. Baka mabawasan ang kagwapuhan.
Pinatungan pa niya ito at sinakal ng pagkahigpit-higpit!
"Roberto!"
"Kilala mo siya?" tanong ni ate.
"Oo at kailanga ko siyang tulungan."
"Hindi mo siya kaya, Ann. Paano mo matutulungan si Roberto?"
"Bahala na."
Inabot ko sa kanya ang aking cellphone, "tawagan mo si kuya at sabihin mo magpapunta siya ng mga pulis dito. Ngayon din!"
Hindi ko alam kung magagawa bang hulihin ng mga pulis si Ramirez dahil sa tingin ko ay hindi ito tao pero kailangan namin ng tulong at tanging ang mga pulis lang ang alam kong makakatulong sa amin ngayon.
Kumuha ako ng matulis na sanga sabay takbo papunta sa direksyon nila.
"Bwahahahahaha! Hindi mo ako kayang talunin Dagaran. Hangga't di ka nagpapalit sa tunay mong anyo ay hindi lalabas ang iyong totoong lakas," narinig kong sabi ni Ramirez.
Ano raw?
Dagaran ang totoong pangalan ni Roberto?
At ano ang totoong anyo nito?
Hindi rin ba ito tao?
Totoo kaya 'yong panaginip ko tungkol sa kanya, noong sinabi niya na hindi siya tao?
Tinignan ko ang mukha ni Roberto at sa tingin ko ay nahihirapan na siyang huminga kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at tinusok ko na ang sanga sa katawan ni Ramirez.
Binuhos ko ang aking buong lakas sa pagbaon nito sa kanyang katawan.
At nagtagumpay ako!
Napangiti ako nang tumusok nga ito sa kanya at tumagos pa sa harapan nito.
Napahinto siya sa pagsakal kay Roberto at dahan-dahang humarap sa akin.
"Oh no!"
Kitang-kita ko ang kulubot sa kanyang buong mukha. Parang ugat ito ng mga puno. At 'yong mata niya ay kulay dilaw, nakakatakot.
"Waaaahhhhhh!" Sumigaw siya ng malakas at nakita ko ang matutulis at maiitim niyang mga ngipin.
Grabe! Hindi ba uso ang toothbrush sa kanila?
Humakbang siya palapit sa akin at nanginginig akong umatras.
"Pagbabayaran mo 'to!"
Lalong dumami ang ugat sa kanyang mukha at gano'n din sa kanyang leeg at mga braso. Biglang humaba ang kanyang mga daliri at tumulis ito.
"Humanda ka sa 'kin!" Lumalaki ang butas ng kanyang ilong sa tuwing nagsasalita siya at tumatalsik pa ang kanyang laway.
"Yay! Kadiri! Ang Pangit!"
Inangat niya ang kanyang kamay at.....
"Waaaaaaaggg!"
At tumusok sa tiyan ni ate ang kanyang matutulis na mga kuko. Tumagos pa ang kamay nito hanggang likod at kitang kita ko ang pagdaloy ng dugo ni ate pababa sa katawan niya.
"Ateeeee!"
Maging si Ramirez ay nagulat din sa kanyang nagawa.
"Annie? Hindi! Huwag mo akong iwan!"
Hinugot niya ang kanyang nakakatakot na kamay at sumabay pa ang ilang lamang-loob ni ate.
Niyakap siya ni Ramirez at paulit-ulit ito sa paghingi ng tawad sa kanya.
Patuloy lang sa pagdaloy ang dugo ni ate hanggang lupa.
Ako naman ay nanigas sa aking kinatatayuan.
Kanina lang kausap ko pa siya tapos ngayon...
"Ate... "
Naramdaman ko na lang ang sunud-sunod na pagpatak ng aking mga luha.
"Annie... Hindi! Hindi ka pwedeng mamatay!"
Biglang bumalik si Ramirez sa pagiging tao.
Anong klaseng halimaw ba 'to?
Wiw wiw wiw!
Nakarinig ako ng sirena at mayamaya pa'y may lumapit sa amin na mga pulis.
"Annie!" Bigla namang lumapit si bayaw sa kanyang asawa. "Annie! Asawa ko!" Humagulhol ito ng malakas.
Napabitaw si Ramirez kay ate nang lumapit ang asawa nito.
"Hayop ka Ramirez! Anong ginawa mo sa asawa ko?!"
"Wala akong ginawa sa kanya! Mahal ko si Annie! Hindi ko sinasadyang --"
"Hayop ka! Hayop! Anong mahal na pinagsasabi mo d'yan!"
Pinagsusuntok ni kuya si Ramirez at hindi ito lumaban.
Pinigilan si kuya ng mga pulis at pinusasan nila si Ramirez.
"Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya!" paulit ulit pa nitong sigaw.
Sa dami ng nangyari ngayong gabi ay wala na akong maintindihan pa.
Nakakagulat at nakakatakot ang mga naranasan ko at hindi ko alam kung makakaya ko pa bang harapin ang bukas pagkatapos nang nangyari ngayon.
Bigla na namang nawala si Roberto at si Ramirez ay dinala na ng mga pulis. Dumating naman ang ambulansya at pinasok nila agad dito ang katawan ni ate. Hindi na ito humihinga pa.
Kung alam ko lang na mangyayari ito sana ay hindi ko na lang inaway ni ate kanina. Sana intindi ko na lang siya kaysa husgahan.
Kahit inaaway ko siya kanina ay nagawa pa rin niya akong iligtas. Ako sana 'yong namatay at hindi siya.
Humagulhol ako ng malakas "...ate!"
Kung maibabalik ko lang ang oras, sana hindi na lang ako nagbakasyon dito.
Hindi sana nangyari ang lahat ng ito.
***