Chapter 8
"Pangit! Lumayo ka nga sa 'kin!" sigaw ko isang batang lalaki.
"Hindi ako pangit! Hmp!"
Plag!
"Uwaaa! Bakit mo ako tinulak?! Uwaaaaaaa!"
Biglang dumating si ate at inalalayan akong tumayo, "anong nangyari sa 'yo?"
"Tinulak ako ng pangit na 'yan oh... uwaaaaaa!" sumbong ko sa kanya habang patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Tahan na." Pinagpagan niya ang aking damit saka humarap sa batang tumulak sa 'kin. "Ikaw naman 'wag ka manunulak. Masama 'yon."
"Tinawag niya akong pangit eh," sumbong din nito kay ate.
"Kahit na, dapat hindi ka nananakit lalo na sa mga babae. Mag-sorry ka."
"Sorry na," sabi nito habang kinakamot pa ang kanyang ulo. "Huwag ka na umiyak."
"Oh ayan nagsorry na siya. Magsorry ka na rin Ann," utos sa 'kin ni ate. "At 'wag kang manglalait ulit kasi masama rin 'yon."
"Eh di sorry na," napipilitan kong sabi.
Nang umalis ang batang lalaki ay kinausap naman ako ni ate, "'wag ka nang umiyak. Pag kailangan mo ng tulong tawagin mo lang si ate para maipagtanggol agad kita laban sa kanila."
"Talaga ate?"
"Oo naman! Di ba ako si Darna at ikaw si Ding."
"Pero lalaki si Ding."
"Eh di gawin nating babae."
"Hehehehe! I love you Ate Darna!"
"I love you Ann..."
***
"Ann..."
"Ha!" napapitlag ako nang may tumapik sa akin.
Panaginip lang pala.
"Ayos ka lang?" tanong ni Aling Maring. "Narinig kasi kitang umuungol kanina kaya ginising kita."
"Ayos lang po ako." Napaginipan ko lang si ate.
Nakatulog pala ako sa aking kinauupuan.
Dito sa bahay binurol ang bangkay ni ate at marami rin ang nakiramay kanina pang umaga.
Kanina naman, bago pa sumikat ang araw ay binalita ng mga pulis sa amin na nakatakas daw si Ramirez at hindi nila alam kung paano ito nangyari. Hindi na ako nagtaka tungkol doon. Hindi naman kasi tao ang Ramirez na 'yon. Maligno siya!
"Kasama ko pala si Mang Castro," pagkasabi niyang no'n ay tumabi si Mang Castro sa 'kin.
"Kumusta na Ann?" nakangiti nitong bati. "Ang laki mo na, parang kailan lang nanginginig ka pa noon nang dumating ka sa bahay ko."
Kung nasa mood lang ako ngayon ay matatawa ako sa biro niya, kaso hindi. Naalala ko noon, para akong kinukuryente sa sobrang panginginig ko. Inabutan kasi kami ng ulan noong pumunta kami sa bahay niya at talaga namang napakalamig.
Binigyan ko lang siya ng matipid na ngiti. "Hindi po okay."
"Oo nga pala, ang tanga ko para tanungin iyon gayong alam ko naman ang sagot," tumawa siya pagak. "Pero 'wag ka mag-alala, malalagpasan mo rin ang lahat ng 'to."
"Sana nga po."
"Gusto mo na bang simulan na natin?" Tumango lang ako at nagtungo kami sa loob ng bahay.
Napag-usapan na namin ni kuya ang tungkol dito. Ang tungkol sa paghingi ng tulong kay Mang Castro.
Nakwento ko na rin sa kanya ang buong nangyari maliban sa lihim na relasyon ni ate kay Ramirez at tanging pagkamuhi ang namutawi sa kanyang bibig.
"Mang Castro, buti naman po't nakarating kayo kaagad," sabi ni kuya pagkakita rito.
"Aba'y binilisan ko talaga dahil mukhang malaking panganib ang nakaambang kung tatagalan ko pa."
Pare-pareho kaming natigilan nang marinig ang kanyang sinabi.
"A-anong ibig niyong sabihin?" tanong ni kuya.
"Nararamdaman kong balak niya kayong ubusin lahat."
"Kung gano'n ay kumilos na tayo," sabat ni Aling Maring.
Pumunta kaming apat sa silid nila ate dahil malawak ito at para walang makaistorbo sa gagawin namin. Bago 'yon ay kumuha muna ng dalawang maliliit na palanggana si Mang Castro at nilagyan ito ng tubig. Pumasok kami sa silid at sinimulan na nito ang paglatag ng mga gagamitin. Ang larawan ni ate at ni Jolly, kandali, mga palangganang may tubig, dahon na malapad, at marami pang ibang bagay na hindi ko alam kung ano ang tawag.
Pagkatapos no'n ay umusal si Mang Castro ng dasal na siya lang ang nakakaintindi. Sinimulan niyang sindihan ang kandila at pinatak ito sa palangganang katapat ng larawan ni ate. Naghugis puso ang mga kandilang pumatak sa tubig at mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito.
"Anong ibig sabihin niyan?" nagtatakang tanong ni kuya.
"Umiibig si Ramirez sa iyong asawa," sagot naman ni Mang Castro.
"Ang hayop na 'yon!"
"Ssshhh... wag ka munang maingay," saway nito kay kuya.
Hinawi niya ang mga namuong kandila at nilapag ang dahon sa tubig. Pinatakan niya ulit ito ng kandila at may namuong hugis tao. He put some oil on it and the water turned brown.
"Bakit ganyan?" bulalas naman ni Aling Maring.
"Dahil si Ramirez ay nanggaling sa ilalim ng lupa."
"Hindi siya tao?" tanong ni kuya.
"Hindi. Isa siyang engkanto."
Shit!
Kung sinasabi niyang kinuha ng engkanto si Jolly, hindi kaya siya ang kumuha rito?
***
NARRATOR'S POV
Sa isang masukal na bahagi ng kagubatan kung saan ay hindi naaabot ng paningin ng mga tao ay may isang kaharian na pinamumugaran ng mga kakaibang nilalang.
May isang engkanto ang prenting nakaupo sa kanyang trono.
"Mahal na pinuno, nand'yan na po si Dagaran," sabi ng isang lambana.
"Dalhin siya sa harapan ko," utos naman nito at mabilis na tumalima ang inutusan.
Mayamaya pa'y pumasok na nga ito.
"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko, sabi!"
Hindi siya pinakinggan ng mga lamang-lupa at patuloy lang ito sa paghila sa kanya papunta sa harapan ng pinuno.
"Ayaw niyo akong bitiwan, haaaaa!" Sumigaw siya ng malakas at biglang nagtalsikan ang mga lamang-lupa na nakahawak sa kanya. Humarap naman siya sa pinuno. "Anong kailangan mo sa 'kin?!"
"Hindi ka dapat nakikipag-usap sa akin ng ganyan Dagaran. Nakalimutan mo atang ako ang pinuno rito."
"Manahimik ka Kulugo! Nagkataon lang na ikaw ang pinuno rito ngunit mas malakas ang kapangyarihan ko sa 'yo!" bulyaw niya.
Sa kanilang dalawang magkapatid ay mas malakas ang bunso ngunit mas tuso naman ang panganay kaya ito ang nagmana sa trono ng kanilang ama. Mas maayos kasi itong magpatakbo ng kanilang kaharian at magaling magmanipula. Kahit sa mga tao.
"Ngunit wala kang dunong na mayroon ako," pagmamayabang pa nito.
"Dunong? Dunong ba ang matatawag mo sa pagpatay mo sa taong iyong nagugustuhan?" pang-aasar niya rito.
"Manahimik ka!!!" Sumigaw ito ng malakas at nagtalsikan ang lahat maliban kay Dagaran. "Hindi ko sinasadya ang nangyari. Kasalanan ito lahat ng kanyang kapatid na si Ann. Mananagot siya sa akin. Uubusin ko ang kanyang lahi!"
Bigla namang nagalit si Dagaran dahil sa sinabi nito.
"Huwag kang magkakamaling saktan siya kundi ako mismo ang tatapos sa iyong buhay!"
Napangisi naman ang panganay. "Kahit anong pagtatanggol ang gawin mo sa kanya ay hindi ka pa rin niya magugustuhan dahil isa kang engkanto!"
"Wala akong pakialam! Kahit paulit-ulit akong magbigay ng bulaklak sa kanya ay hindi ako mapapagod. Kahit ilang beses ko man siya iligtas mula sa kapahamakan ay hindi ako magsasawa. Kahit hindi niya ako nakikita minsan ay wala akong pakialam. Makita ko lang ang maamo niyang mukha ay masaya na ako."
Humalakhak ng malakas ang kanyang kausap.
"Wahahahaha! Isa kang hangal! Hindi ka sasaya dahil hahadlangan ko ito tulad ng paghadlang niya sa pag-iibigan namin ni Annie."
"Ikaw ang hangal! Hindi ka minahal ni Annie, nag-iilusyon ka lang. Isa ka pang sakim! Sa sobrang kasakiman mo pati ang kanyang anak ay kinuha mo para lang sumama sa iyo si Annie," napangisi ito saglit. "Ngunit anong nangyari? Hindi pa rin sumama sa 'yo ang babaeng gusto mo! Dahil masama ka!"
"Manahimik ka!" sumigaw ulit ito ng malakas. "Dapat noon pa lang ay tinapos ko na ang buhay ng babaeng gusto mo."
"Huwag kang magtatangkang galawin siya! Tandaan mo, mananagot ka sa akin kapag hindi ka pa rin tumigil sa kasamaan mo!" Pagkuwa'y tumalikod na ito at naglakad palabas.
Bigla namang humaba ang kamay ni Kulugo at papunta ito sa kanyang direksyon ngunit bago pa ito makalapit sa kanyang katawan ay umilag na siya at walang ka-abug-abog na pinutol ang kamay nito.
"Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!" impit na sigaw nito nang maputol ang isa niyang kamay.
"Binalaan na kita Kulugo! Inuubos mo talaga ang pasensya ko!"
Nagbago ang kanyang anyo. Humaba ang mga braso at binti. Lumaki at nagmistulang halimaw ang katawan.
Mabilis siyang tumakbo sa kinalulugaran ng kaaway at walang kahirap-hirap na pinilipit ang katawan nito.
"Waaaaaggggggggg!" pagmamakaawa pa niya ngunit hindi siya pinakinggan ni Dagaran. Bigla na lang hinati sa dalawa ang katawan ni Kulugo gamit lang ang isang kamay.
Napanganga naman ang lahat ng nakasaksi. Walang gusto mangialam dahil natatakot na baka matulad lang sa sinapit ng kanilang pinuno.
Nagtalsikan ang berdeng likido sa buong paligid at hindi pa nakuntento si Dagaran, hinati pa niya ng ilang beses ang katawan nito hanggang sa magkapira-piraso ito.
Pagkatapos ay umupo siya sa trono.
"Simula ngayon, ako na ang inyong pinuno!" malakas nitong sabi at napayuko ang lahat ng nilalang sa kanyang harapan.
***
Ann's POV
Matapos niyang lagyan ng kung anu-anong sangkap ang tubig ay umusal ulit siya ng dasal.
Sinunod niya namang patakan ng kandila ang palangganang may tubig na katapat ng larawan ni Jolly.
Ilang sandali lang ay naghugis pakpak ito.
"Pakpak ba yan?" tanong ko.
"Oo," sagot naman ni Mang Castro.
"Anong ibig sabihin niyan? May pakpak na ang anak ko? Anghel na siya?" sabat ni kuya.
"Tama ka, may pakpak na nga si Jolly pero hindi siya naging anghel kundi ay isang paru-paru."
Paru-paru?
"Bakit paru-paru?" nagtatakang tanong ko.
Dahil ba sa engkanto ang kumuha sa kanya?
"Ito ay dahil sa namatay siya nang hindi niya inaasahan at hindi pa niya gusto kaya naglalakbay ang kanyang kaluluwa. Marahil ay may ilang bagay pa siyang minimithi. At dahil makapangyarihan ang isang engkanto, ito ang may kagagawan kung bakit naging paru-paru si Jolly."
Wala akong masyadong maintindihan. Ang tanging natatandaan ko lang ay ginawang paru-paru si Jolly ng engkanto.
"Si Ramirez ba ang may kagagawan nito?" agarang tanong ni kuya.
Nagpatak ulit ng kandila si Mang Castro sa tubig na may kasamang dahon at nabuo ang hugis bulaklak.
Ito 'yong paboritong bulaklak ni Jolly!
Kagagawan kaya ito ni...
Pinatakan niya ulit ito ng langis at pagkalipas ng ilang sandali ay naging kulay itim ang tubig.
"Susmaryep!" bulaslas ni Aling Maring. "Bakit napakaitim n'yan?"
"Masamang pangitain ito," sagot ng matandang lalaki. "Mas makapangyarihan pa kay Ramirez ang isang ito!"
We both sighed loudly when we heard what he said.
Is there anyone worse than Ramirez? Who could it be?
"Susubukan kong pasukin ang kanilang mundo," sabi ng matanda.
Umusal siya ng dasal habang nakapikit at mayamaya pa'y napailing ito.
Kumuha siya ng iba pa niyang mga kagamitan tapos umusal ulit ng dasal at ilang saglit lang ay nanlulumo itong humarap sa amin. "Hindi ko kaya ang lakas ng kanyang kapangyarihan,"
"May iba pa ba tayong dapat katakutan maliban kay Ramirez?" tanong ko.
"Wala na," nakapikit nitong sabi.
"Ha? Pero sabi niyo kanina, may mas makapangyarihan pa kay Ramirez."
"Wala na si Ramirez," ulit pa niya at biglang kumulo ang dalawang tubig sa palanggana. "Tinapos na ang kanyang buhay ng isang engkantong mas makapangyarihan pa sa kanya."
"Diyos ko! Anong gagawin natin ngayon?"
"Sa ngayon ang maipapayo ko lang sa inyo ay taimtim kayong magdasal." He opened his eyes then took the leaves in his bag. "Gawin niyo itong pangontra sa engkanto kung sakaling lumapit sila sa inyo. Ilagay niyo ito sa inyong katawan." He looked at me, "lalo ka na Ann."
Parehas na nanlaki ang mga mata ng kasama ko habang ako ay wala lang.
Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako nakakaramdam ng takot.
Sa dami nang nasaksihan ko kagabi ay mukhang wala nang mas nakakagimbal pa roon.
Losing my loved one in front of me was one of the worst nightmares that ever happened to me.
Kung anuman ang panganib na nakaambang ay handa na akong harapin ito... ng mag-isa.
Ayoko nang may madamay pa.
"Bakit si Ann?" tanong pa ni Aling Maring.
"Hindi ko rin alam," sagot ni Mang Castro saka ako tinignan ng makabuluhan. Parang sinasabi niya na may alam ako na hindi ko sinasabi.
Pagsapit nang gabi ay maagang natulog ang mga bata.
May mangilan-ngilan pa ang nakiramay at kinakausap ito ni kuya. 'Yong iba nagsusugal pa.
Kailangan kong makagawa ng paraan para mailayo sila sa panganib. Kung ako ang pakay ng engkanto, ako lang dapat ang saktan niya. Hindi na dapat madamay pa ang pamilya ko.
Pumunta ako sa duyan at nag-isip ng magandang plano.
Pero sino ang engkantong tinutukoy ni Mang Castro?
Gaano kalakas ang kapangyarihan nito?
Masamang engkanto ba ito?
"Malungkot ka na naman."
Napagitla pa ako nang marinig ang kanyang boses.
"Lagi ka na lang ganyan. Biglang sumusulpot kahit saan," sabi ko.
"Ayaw mo ba?"
"Hindi sa gano'n, ginugulat mo kasi ako."
"Bakit ka nagugulat? Takot ka ba sa akin?" seryosong tanong niya at napatingin ako sa kanyang mga mata.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Mang Castro kanina nang tinanong ko siya kung paano malalaman na engkanto ang kaharap ko, "'yon ay kapag tumingin ka sa kanilang mga mata at nakita mo ang iyong sarili rito na nakabaliktad."
At tama nga siya.
Dahil nang tumingin ako sa mga mata ni Roberto ay nakabaliktad ako.
'Yong pangontra na binigay ni Mang Castro ay naiwan ko sa kwarto nang maligo ako kanina. Kaya nakalapit siya sa 'kin ngayon.
"Natatakot ka sa akin?" tanong niya ulit.
Umiling ako.
"Sabi ng utak ko ay hindi kita dapat pagkatiwalaan, pero sabi ng puso ko ay isa kang mabuting nilalang," sagot ko habang nakatingin pa rin sa kanyang mga mata.
"Paano mo nasabi na mabuti ako?"
"Dahil 'yon ang nararamdaman ko."
"Paano kapag sinabi ko sa 'yong ako ang nagtago sa kaluluwa ni Jolly, masasabi mo pa kayang mabuti ako?"
Nanigas ako bigla.
Siya?
Siya 'yong makapangyarihang engkanto?
Pero kung talagang masama siya sana ay hindi niya ako tinulungan noon nang muntik na akong mapatay ni Ramirez.
I took a deep breath.
"Hindi mo naman tinago ang kaluluwa niya," nakangiti kong sabi. "Ginawa mo siyang paru-paru na malayang makakalipad kahit saan man niya gustong makarating."
Natatandaan ko pa noong sinabi sa 'kin ni Jolly na gusto niya makarating sa iba't ibang lugar. At alam kong magagawa niya na 'yon dahil isa na siyang paru-paru ngayon. Napakagandang paru-paru.
"Sabihin mo sa 'kin, siya ba 'yong paru-parung lumapit sa 'kin noon sa halamanan?" tanong ko pa.
Tumango lang siya.
"Salamat. Salamat at niligtas mo siya sa kamay ni Ramirez."
He smiled at me.
Shit! Ang gwapo niya talaga!
Sana tao ka na lang...
"Aalis na pala ako bukas," dagdag ko pa. "Magtitinda ka ba ulit ng tupig sa may terminal ng bus?"
He just shrugged.
"Salamat din at hindi ka natatakot sa 'kin," sabi niya at lumapit siya sa 'kin ng kaunti. "Mayroon sana akong hihilingin bago ka umalis."
"Ano 'yon?"
"Maaari ba kitang halikan?"
Simple lamang ang tanong na iyon pero nagdulot ito ng libu-libong kaba sa aking dibdib.
Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng gano'n.
At mas lalong hindi ko inaasahan na idadampi niya ang kanyang labi sa akin bago pa man ako makasagot.
Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin at madilim na paligid ay nakakaramdam ako ng ibayong saya.
Kakaiba ang pakiramdam na ito!
Nakakapagpabilis ng t***k ng puso at nakakakilig.
Dahan-dahan niyang ginalaw ang kanyang mga labi at napapasunod na lang ako sa kanya. Nagtagal siguro ito ng dalawang minuto bago kami huminto.
Lumanghap agad ako ng maraming hangin pagkatapos naming bumitaw sa halikan.
"Ayos ka lang?" tanong pa niya nang mapansing nahihirapan akong huminga.
"Ha?"
I felt my cheeks heat up. I was embarrassed to face him.
Ano ba 'yan!
Ganito pala ang feeling pagkatapos niyong maghalikan.
Awkward...
"Maupo ka muna." Inalalayan niya akong maupo sa duyan at umupo rin siya.
Shit!
Umupo rin siya sa tabi ko!
Ano ba 'yan Roberto, 'yong puso ko tuwang tuwa na makatabi ka.
Abnormal na kasi ang heartbeat ko. Parang tumakbo ako ng ilang kilometrong layo. Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli, sa huli ay tayo. Parang naririnig ko ang boses ni Sarah G.
Napatingin ako sa mga taong naglalamay sa labas ng bahay. Busy sila sa kanya-kanya nilang gawain.
Di ko na rin natatanaw si bayaw. Baka natulog na rin 'yon.
Anong oras na kaya?
Hating gabi na siguro o baka lagpas pa.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya. "Nanginginig ka."
"Ah... eh... malamig kasi," nauutal kong sagot sa kanya. Ano ba 'yan. Naiilang talaga akong kausapin siya.
He moved a little bit closer and put his arm around me. Nilagay din niya ang kanyang isang kamay sa bandang harapan ko.
Ano ba yan siya. Kanina ka pa dumadamoves d'yan ah! Yakapin mo na lang kaya ako.
"Nilalamig ka pa?"
"Hmmm... hindi na."
"Sumandal ka lang sa balikat ko. Pwede kang matulog kung gusto mo."
"Ayokong matulog," sabi ko.
"Bakit naman?"
"Baka kasi pag gising ko ay bigla ka na namang mawala."
Tumitig siya sa aking mukha pagkuwa'y hinalikan na naman niya ako.
Ayan na naman ang heart beat ko!
Saglit lang 'yon at tumitig siya ulit sa akin.
"Nakakadalawa ka na ha," pasangil ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba?"
"Gusto!" Napangiti siya. "A-ang ibig kong sabihin gusto kitang makasama."
"Kasama mo na ako ngayon."
"Gusto ko habang buhay." Biglang remihistro ang lungkot sa kanyang mukha. "Sana tao ka nalang, Roberto. Sana engkanto nalang ako. Sana pwede maging tayo. Sana habang buhay tayong magkasama."
Hindi siya nagsalita kaagad. Tinitigan lang niya ako ng matagal.
"Gusto kitang isama sa mundo ko pero ayoko maging makasarili. Gustung-gusto kita ngunit ayokong ilayo kita sa mundong kinagisnan mo." Biglang naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. "Malay natin balang araw ay pwede na maging tayo. 'Yong pwede na tayong magsama kahit panghabang-buhay pa. At sana nga dumating ang araw na 'yon."
"Sana nga."
"Sulitin na lang natin ang oras habang kasama natin ang isa't isa," nakangiti niyang sabi.
And we made the most of it.
Nagkwentuhan kami buong magdamag.
Bahagya kaming nakahiga sa duyan habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib at nakayakap naman ang isa niyang kamay sa 'kin.
Ang bango niya! Manghingi kaya ako ng pabango ng mga engkanto.
Nabanggit pa niya sa 'kin na siya raw ang naglagay ng baso sa mesa noon at siya rin 'yong nag-ayos ng mga gamit ko sa loob ng aparador.
At may naalala tuloy ako.
"Hinawakan mo rin 'yong mga panty ko?" Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan.
"Ano 'yong panty?" inosente pa niyang tanong.
"Eh... wala. Wag mo nalang intindihin 'yon."
We just kept talking until I fell asleep.
***