Chapter 3
Every time I look at the sky with the dazzling rays of the sun, there seems to be a new hope in everything.
Waking up on another day is already a great blessing of God. Hindi dapat magreklamo kung magising ka man ng late. At least nagising ka pa!
Naglakad lakad ako palabas nang bahay para makalanghap ng sariwang hangin at sa may di kalayuan ay napansin ko ang isang duyan. I went to it immediately.
Nasa school ang mga pamangkin ko at nasa bukirin naman si bayaw. Kaming dalawa lang ni ate ang naiwan dito sa bahay nila.
I close my eyes as I finally sit on the hammock hanging from both mango trees. I listen to the chirping of birds and savor the fresh air.
Ito ang gusto ko rito, tahimik at walang polusyon. Mahigit isang taon din ang lumipas bago ako nakabalik dito.
Habang nakaupo, inalala ko ang mga nangyari nitong mga nagdaang araw. Ang nakaka-stress kong trabaho, ang masungit kong boss, at pati na 'yong mga nakikita kong kakaiba.
What could be the reason for my third eye to return?
Kahapon bigla na namang nawala 'yong lalaki. Saglit lang akong tumingin sa panyo tapos no'ng nag-angat na ako ng tingin para tignan siya ay di ko na siya nakita.
Noong tinanong ko naman sila ate kung napansin ba nila kung saan dumaan 'yong lalaki ay pinakitaan lang nila ako ng blangkong ekspresyon. They said they did not see any man coming from the jeep.
Every time I see that man he suddenly disappears afterwards. Hindi kaya isa siyang...
"Nandito ka lang pala." I immediately opened my eyes when I heard my sister's voice. "Gusto mo ba sumama sa akin?"
"Saan ka ba pupunta?"
"Doon lang kina Aling Maring. Ano, sasama ka ba?" Tumango ako.
Sabay kaming naglakad ni ate papunta sa bahay nila Aling Maring. Malalayo ang pagitan ng mga bahay dito hindi tulad sa Maynila na dikit-dikit. It took us maybe ten minutes before we finally reached our destination.
We were about to enter Aling Maring's yard when I suddenly noticed the girl behind us and it was blocking the way. Sinubukan kong pigilan si ate sa paghakbang para sana hindi niya mabangga ang bata ngunit dire-diretso lang siya sa paglakad. Nanigas ako saglit sa aking kinatatayuan sapagkat tumagos siya batang babae!
"Ate!"
Napalingon sa 'kin si ate at kasabay ng paglingon niya ay siya namang paglaho ng batang babae.
Ay mali.
Batang multo pala.
"Oh, bakit? Tara na sa loob." Hindi ako kumibo. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. "Namumutla ka. May... may nakikita ka ba?" Aware si ate na may nakikita ako noon pa man na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang mata. Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa balikat. "Anong nakita mo?" Umiling ako. "Kung gano'n bakit natulala ka d'yan?"
Lumunok muna ako ng ilang beses bago sumagot, "may nakatayo d'yan kanina." Tinuro ko ang kinalulugaran ng bata kanina at kumapit siya ng mahigpit sa braso ko.
"A-andyan pa ba siya?" nagkanda-utal-utal niyang tanong.
"Wala na."
"Katabi ko ba siya kanina?"
"Tumagos ka pa nga sa kanya."
At di na ma-drawing ang mukha ni ate, "ehhh... wag ka naman manakot. Uwi na nga lang tayo." She pulled my hand, she wanted us to just go back to our house but I stopped her.
"Wala na nga siya. Tumuloy na tayo sa loob. Nandito na tayo--"
"Oh, Annie nandito ka na pala. Pasok na kayo sa loob," sabi ng isang matandang babae nang biglang sumulpot ito sa harapan namin ni ate dahilan para mapahinto kami sa pag-uusap.
"Ah, Aling Maring ikaw pala," my sister greeted the old woman. Tapos ka na magpadasal?"
"Magsisimula palang kaya pumasok na tayo sa loob." The old woman looked at me. "Sino itong kasama mo?"
"Si Ann," my sister introduced me, "kapatid ko."
"Ahh.. Ang laki mo na ah!" The old woman's face lit up. "Parang kailan lang." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Di mo na ako natatandaan? Ako 'yong sumama sa inyo noon sa lugar nila Mang Castro." Ahhh...
Mang Castro removed my third eye when I was in high school. Hindi pa kasal sila ate nang magbakasyon kami rito. Halos mabaliw na kasi ako noon dahil sa mga nakikita ko kaya napagdesisyunan naming ipatanggal nga ito at nagtagumpay naman. 'Yon nga lang, parang bumabalik ulit ito ngayon.
"Ay, buti nabanggit mo si Mang--" I held my sister in her arms and shook my head. He seems to understand what I mean. "Ehh.. madami bang tao sa loob?" Pag-iiba niya ng tanong.
"Naku, tayo tayo lang. Tara na sa loob." At pumasok na nga kami sa loob ng bahay nila. There are probably twenty people sitting in the living room of the house.
May malaking frame na may lamang picture ng isang batang babae ang nakatapat sa kanila. I looked at it but I could not quite see the face in the picture.
"Siya 'yong apo ni Aling Maring," my sister whispered to me when I went inside while looking at the picture. "Kaawa-awa nga ang sinapit ng batang 'yan. Na-hit and run noong piyesta rito. Madaling araw nang matagpuan ang bangkay ni Lala. Sabi ng mga pulis nasagasaan daw ito ayun sa resulta ng imbestigasyon ngunit sa kasamaang-palad ay walang nakasaksi nang masagasaan ito."
"Gano'n ba." We sat at the far end of the living room, near the kitchen.
"Gano'n na nga. Napakasaya pa naman ng buong barangay kasi may artistang nagtanghal noong gabi ng kasiyahan, si Alex White. Pero pagkatapos noon isang masamang balita naman ang sumabog."
"Alex White?"
"'Yong isa sa guest ni Vice noong Linggo lang." Ahhh, iyon pala. Naalala ko na.
Natigil ang pagdadaldal ni ate nang magsimula na ang pagdarasal. May kunting kainan din pagkatapos. Uminum lang ako ng juice dahil wala ako sa mood kumain. Di pa rin kasi mawala sa isip ko 'yong nakita ko kanina. Ano kayang ginagawa ng batang multo sa labas?
"Okay ka lang?" tanong sa akin ng isa sa mga anak ni Aling Maring. Tumango naman ako. "Nakatulala ka kasi kanina pa. Kuha ka ng pansit doon. Baka nagugutom ka na."
"Hindi na po. Busog pa kasi ako," sagot ko. "Saan po pala ang banyo niyo?"
"Diretso ka lang d'yan sa kusina tapos kumanan ka. May makikita kang pintuan doon, 'yon na ang banyo." Nagpaalam ako sa kanya at tinungo na ang banyo. Mabilis ko naman itong nahanap. Binuksan ko ang ilaw at muntik na akong mabuwal sa aking kinatatayuan nang may nakita ako sa loob s loob ng banyo.
Nang lumiwanag kasi ay sumalubong agad sa 'kin ang multo ng batang babae. Blangko lang ang kanyang mukha pero kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
Ito 'yong nakita ko sa labas dahil namumukhaan ko ang kanyang dilaw na bestida at ang mas nakakaloka ay ito rin yung napanood ko noong Linggo sa TV!
I catch my breath as my chest throbbed loudly.
Humakbang palapit sa 'kin ang multo dahilan para tumakbo ako palabas ng banyo.
"Ateeeeeee!" Napakapit ako sa braso ni ate nang makita ko siya sa may sala. "Uwi na tayo!"
"Saglit lang may kausap pa ako." Tignan mo 'to. Kanina lang siya 'yong nagmamadaling umuwi tapos ngayon nakakita lang ng ka-tsismisan ayaw nang umuwi. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit nanginginig ka?"
"Basta! Sa bahay ko na iku-kwento. Tara na!"
"Sandali nga, bakit ka ba nagtataas ng boses?" Tinignan niya ako ng mabuti at siguro napagtanto niya na baka may nagmumulto na naman dahil nanginginig ang katawan ko sa takot. "May nakita ka ba?" Hindi ako nagsalita, tumango lang ako. Nagpaalam siya saglit kay Aling Maring at nang mapadaan kami sa tapat mismo ng larawan ng batang namatay ay natigilan ako.
Ang batang nasa larawan at ang batang multo sa banyo ay iisa!
"Ann, Ann, Ann! Ano ba!" I turned my head to my sister when she shouted. "Kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka lang d'yan."
I just stared at my sister. I don't know if I should tell her what I saw. Bakit ba kasi sa 'kin nagpapakita ang batang 'yon? Bakit hindi na lang sa kamag-anak niya o di kaya doon na lang mismo sa nakasagasa sa kanya.
Teka, minumulto niya rin kaya 'yong nakasagasa sa kanya?
"Halika na nga lang. Sa bahay na tayo mag-usap." Hinila na ako ni ate palabas ng bahay nila Aling Maring.
Naglakad ulit kami pauwi at di pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Bakit ba kasi bumalik pa 'to? Pinatanggal ko na 'to tapos ito na naman. Ipatanggal ko kaya ulit ito para matahimik na ako.
"Nandito na tayo," my sister declared when we entered the house. "Ngayon sabihin mo sa 'kin, anong nakita mo?" I did not answer again. "Hoy! Tulala ka na naman d'yan!" Hinampas niya ako ng mahina sa aking braso at parang bumalik ang aking ulirat.
"Aray naman!" reklamo ko pa. "Bakit ka ba nanghahampas?"
"Kasi po kanina ka pa nakatulala diyan." singhal pa niya. "Sabihin mo na sa akin kung ano ang nakita mo. Namukhaan mo ba? Baka nanghihingi lang ng tulong 'yon sa 'yo."
Oh no, sarili ko nga hindi ko matulungan, 'yong multo pa kaya?
"Hoy!" she shouted at me when I did not answer her again. "Anak ng! Nakikinig ka ba sa 'kin? Naririnig mo pa ba ako? Ano ba kasi nakita mo?!"
"Ate, ano ba!" I complained. "Natatakot na nga ako sa mga nakikita ko tapos ang dami mo pang tanong d'yan! Lalo sumasakit ulo ko sa 'yo!"
"Gusto lang naman kita tulungan. Baka kailangan mo lang ng masasabihan, i-kwento mo na lang sa 'kin kaysa sarilinin mo yan."
"Hindi. Ayoko. Ayoko itong nakikita ko. Kailangang ipatanggal ko ulit ito," paghihistirikal kong sabi. "Samahan mo ako bukas kanila Mang Castro."
"Sandali lang, sandali lang Ann. Huminahon ka nga. Ano ba kasi ang nakita mo?"
"'Yong bata." Nakinig ng mabuti si ate sa 'kin. "'Yong multo ng batang babae."
"Sabihin mo sa 'kin, siya ba 'yong nasa larawan kaya nakatulala ka kanina doon?" Dahan-dahan akong tumango. "Diyos na mahabagin! Baka nanghihingi ng tulong si Lala kaya nagpapakita siya sa iyo."
Umiling ako, "hindi. Hindi ko siya kayang tulungan."
"Ann, makinig ka nga. Matatahimik ang kaluluwa niya kapag tinulungan mo siya." Umiling lang ako ng paulit-ulit. Sa iba na lang dapat siya humingi ng tulong tulad ng mga bihasa sa pakikipag-usap sa mga espiritu hindi katulad ko na takot harapin sila.
"Teka lang, maalala ko." Napatingin ako kay ate. "Siya rin ba 'yong batang nakita mo sa TV noong nanonood tayo ng Gandang Gabi Vice?"
Natigilan ako.
Dapat ko bang sabihin sa kanya? Baka lalo lang niya akong kulitin na tulungan ko ang batang multo kapag sinabi ko ang totoo.
"Ann, tinanong kita. Siya rin ba ang nakita mo noon?" Dahan dahan ulit akong tumango at napatakip siya ng bibig. "Jusmiyo! Sino sa tatlong guest ang tinutukoy mong tinitignan niya ng masama?"
I turned my head in the other direction and did not answer her. Kaya hinawakan niya magkabilang balikat ko at niyugyog ito .
"Sabihin mo sa 'kin. Sino sa kanila?!" Hindi ulit ako sumagot. "Ann, ano ba! Magsalita ka!" Hindi ko pa rin siya sinagot. "Ann, sige na. Para manahimik na ang kaluluwa ng bata, sabihin mo naman sa akin."
"Si..."
"Sino?" pangungulit niya.
Sabihin ko na kaya para manahimik din siya.
"Si Alex White."
Napaupo bigla si ate. "Sabi ko na nga ba eh. Ang walang hiyang 'yon, matapos ang malugod na pagtanggap namin sa kanyang pagbisita rito ay ito pa ang igaganti niya!"
Naguguluhan ako sa kanyang pinagsasabi. Kunot-noo ko siyang tinignan. "Anong ibig mong sabihin?"
Tumingin din siya sa 'kin. "Hindi mo ba nakukuha ang ibig ipahiwatig ni Lala? Kaya tinitignan niya ng masama 'yong Alex White na 'yon kasi siya ang nakasagasa sa kaawa-awang bata!" Ganoon pala 'yon? Hindi ko talaga maintindihan ang logic na binibigay ng mga multo. "Isa pa, bigla na lang itong nawala noong gabi ng kasiyahan. Pati nga road manager niya ay hinahanap siya nang gabing 'yon."
"Hindi ka naman nakakasigurado," tutol ko sa kanya. "Masama magbintang."
"Anong hindi sigurado?!" nagtaas siya ng boses. "Hindi pa ba sapat sa 'yo ang nakita mong pagtitig niya ng masama sa aktor na 'yon?! Ano ka ba naman Ann. Naturingan kang grumaduate ng c*m laude pero di mo naman ginagamit ang utak mo."
Biglang nagpanting ang tainga ko sa kanyang sinabi.
"Ano bang malay ko sa mga multo na yan!" nagtaas na din ako ng boses. "Wala akong alam tungkol sa ganitong bagay kaya wag kang umasa na maiintindihan ko ang mga ito!"
Natigilan siya bigla nang matapos akong magsalita at unti unti ay lumapit siya sa 'kin at nagsalita gamit ang mahinahon niyang boses, "pasensya ka na. Di ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Gusto ko lang naman na maintindihan mo na nanghihingi nga ng tulong sa 'yo si Lala. Tulungan mo siya."
Tiim-bagang akong tumayo at matigas ang mukha na tumingin kay ate. "Sa palagay mo ba madali sa 'kin ito? Ang dali lang para sa 'yo sabihin ang mga bagay na 'yan kasi hindi ikaw ang nasa kalagayan ko! Hindi mo naranasan ang mga naranasan ko!" Bigla nalang nangilid ang mga luha ko. "Hindi mo alam ang pakiramdam ko noon habang sabay sabay silang nagpapakita sa 'kin! Halos takasan ako ng katinuan noon! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdadaan ko, kung gaano ako katakot sa tuwing susulpot na lang sila bigla sa harapan ko! Hindi mo alam! Wala kang alam!"
Pumihit ako patalikod at patakbong umakyat sa kwarto. Napadapa agad ako sa kama at humagulhol na lang.
Hindi madali ang may ganitong kakayahan. Hindi lang ito basta isang problem sa Math na madaling sagutan basta alam mo ang sulusyon. Sa kalagayan ko kasi ngayon ay wala akong alam na sulusyon dito at mas lalong di ko 'to kayang harapin ito. Because I will deal with wandering souls!
Hindi ko na alam kung bagong pag-asa ba talaga ang binibigay ng liwanag ng araw sa akin o baka isang panibagong suliranin na naman.
***