Bakasyon: Her second day horror experienced

2426 Words
Chapter 2 The rays of the sun coming out of the window woke me up. I blinked my eyes a few times before getting up and stretching a little. Paglingon ko sa kabilang panig ng higaan ay wala na si Anna. "Maaga siguro ang pasok." Napatingin ako sa may bintana at nakita na naman ang aparador. Why did Ate Annie say last night that there is no closet here? 'Wag niya sabihing pati aparador ay nagmumulto na rin. Napapailing na lang ako, "hay si Ate talaga, tumatanda na. Pati mata humuhina na." Lumapit ako sa aparador. Napansin ko ang mahabang salamin na nakadikit sa isa sa mga pinto nito kaya humarap ako rito at sinipat ng maigi ang aking mukha. "Parang lumalaki lalo ang eyebags ko ah, tsk!" Lumapit pa ako ng bahagya sa salamin upang matignan ng maigi ang aking mukha. I examined every part of it. I started with my puffy eyes, then with my small but straight nose, then with my rosy cheeks and with my natural red lips. Nothing has changed, except for my growing eyebags. I was about to leave the front of the mirror when I suddenly noticed in my reflection that my lips were smiling. Teka, ngumiti ba ako? Dahan-dahan akong ngumuso. Pero 'yong repleksyon ko ay nakangiti pa rin! Napaatras agad ako palayo sa salamin. After a while I heard footsteps approaching my room. Bumukas ang pinto at iniluwa si Micky. "Tita, okay ka lang?" Hindi ako nakasagot. "Nakarinig kasi ako ng kalabog, nahulog ka ba sa higaan?" Gawa lang sa makapal na kahoy ang ikalawang palapag kaya maririnig agad sa baba kung may bumagsak man sa sahig. I just realized that I stumbled down here. Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang pagkasindak. "'Yong... 'yong... 'yong salamin kasi," nauutal kong sagot habang tinuturo ang aparador malapit sa bintana ngunit nanatili pa rin ang mga mata ko kay Micky. Ayoko na makita ulit 'yon Kumunot ang noo ni Micky tapos bigla siyang tumawa. "Si Tita nagpapatawa. Wala namang salamin d'yan sa dulo." Tumingin siya sa gilid niya, "andito 'yong salamin, oh." I turned to what he was pointing at. Then, I saw next to the door, there was the mirror. Naglakas loob akong lingunin ang pwesto ng aparador at nanlaki ang mga mata ko! 'Yong mga damit ko kasi ay maayos pa rin ang pagkakatupi ngunit nakalagay na ito sa ibabaw ng maliit na lamesa. And the closet is no longer there "Nasaan na 'yong aparador?" Lumapit si Micky sa'kin. "Anong aparador, Tita Ann?" "'Yong nandito kanina." "Nagbibiro ka naman Tita eh,"napakamot siya ng ulo. "Wala namang aparador dito. Caha de oro lang, ayun oh," sabi niya sabay nguso sa asul na lagayan ng mga damit. Kung gano'n, saan galing 'yong aparador? Bakit bigla na lang 'yong sumulpot dito? Oh my God! Hindi kaya may nagpaparamdam na naman sa akin? "Halika na, labas na tayo." I suddenly pulled Micky out of the room. "Teka lang tita, bakit ba tayo nagmamadali?" he complained. "Nauuhaw kasi ako kaya tara na sa baba." Nakahinga lang ako ng maluwang nang tuluyan kaming nakababa ng hagdanan. "Saan pala ang nanay mo?" usisa ko. "Hinatid niya sila Shaddy sa school." "Ikaw ba, wala kang pasok?" "May program lang kasi sa school namin ngayon kaya di na ako pumasok, nakakatamad lang manood." Pinayuhan ko siya na kahit may program lang sa school nila ay dapat pumasok pa rin siya para updated siya sa mga activities sa school. Nangako naman siyang hindi na niya ito uulitin pa sa susunod. Naputol lang ang pag-uusap namin nang may biglang kumatok. "Ako na magbubukas tita, baka si nanay na 'to." "Sige, pupunta lang ako sa kusina." I did not wait for his answer and I went straight to the kitchen. Hinanap ko ang kanilang refrigerator. Pakiramdam ko natuyuan ako sa lalamunan dahil sa nakita ko kanina. Kinuha ko ang pitsel at nagsalin agad ng malamig na tubig sa baso. Bigla namang pumasok si Micky sa kusina. "Oh, saan na ang nanay mo?" "Wala namang tao sa labas eh," sagot niya tapos pumasok siya sa banyo. Tinuloy ko ang pag-inum ng tubig. Mayamaya pa'y nakarinig ako ng katok mula sa bintana ng kusina. Gawa sa salamin ang bintana kaya naman naaninag ko ang bulto ng tao sa labas. Lumapit ako sa bintana at dahan-dahan ko itong hinawakan. Humugot muna ako ng malalim na hininga at nang mabuksan ko ito ng tuluyan ay nanlaki ang mga mata ko! How did this happen? "Tita, pakibukas naman ng pintuan. Na-locked kasi." Hindi ako nakapagsalita. Sobrang naguguluhan na talaga ako sa mga nakikita ko. Kung nandito sa harapan ko si Micky, sino 'yong pumasok kanina sa banyo? Tumakbo na lang ako papuntang front door at pagbukas ko nito ay siya namang pagdating ni Micky. "Paano ka ba napunta sa likod?" tanong ko agad pagkakita sa kanya. "Pagbukas ko kasi kanina ay walang tao kaya umikot ako sa likuran ng bahay pero wala talaga akong nakita kaya bumalik na lang ako rito. Pero nalocked naman ang pinto." "Kung gano'n, sino ang kumatok?" Nagkibit-balikat siya, "baka isa sa mga kalaro nila Shaddy. Ang hilig kasi magbiro ng mga 'yon." Humakbang siya papasok ng bahay pero hinarangan ko agad siya. "Samahan mo muna akong magpahangin sa labas." "Sige po, pero iihi lang ako." Lumihis siya ng daan pero humarang ulit ako. "Sa labas ka na lang umihi." Umiling siya, "ayoko." "Sige na, lalaki ka naman eh." "Ayoko sa labas. Sabi ni nanay h'wag daw kami iihi kung saan-saan baka ma-engkanto raw kami." Natigilan ako sa sinabi niya. Engkanto? May engkanto rito? Di ko na nagawang naharangan pa si Micky at tuluyan na siyang nakapasok sa loob. "Sandali lang, wag kang tumuloy sa banyo." Hindi niya ako pinakinggan at nagtuluy-tuloy lang siya sa paglakad. Sinundan ko siya para sana pigilan ngunit huli na ako. Nakapasok na siya sa banyo. Wala akong nagawa nang tuluyang nakapasok doon ang aking pamangkin. Inaasahan kong sisigaw siya o tatakbo palabas mula sa banyo pero hindi 'yon nangyari. Nakangiti pa nga ito nang makalabas na siya. "Tara na sa labas, Tita." Tinitigan ko siya ng mabuti. Sinusuri ko kung si Micky ba talaga itong kausap ko. Nang masiguro kong siya nga ito ay tinanong ko siya, "wala ka bang napansin sa loob?" Umiling lang siya. "Sigurado ka? Walang ibang tao sa loob?" "Tayong dalawa lang ang naiwan dito sa bahay, Tita. Paano magkakaroon ng ibang tao sa loob ng banyo?" he was confused. "Ahh... hehe... oo nga naman. Namalikmata lang siguro ako kanina." Mas mabuting sarilinin ko na lang muna itong nakikita ko. Ayokong makaramdam sila ng takot, lalo na ang mga bata. "Gutom ka lang siguro, Tita. Teka lang, ipaghahanda kita." Ang sweet naman ng pamangkin ko. "Siguro nga." Pilit akong ngumiti. "Sige magsandok ka na, maghihilamos lang ako saglit." Dahan-dahan akong sumilip sa loob ng banyo. Sinuri ko bawat sulok pero wala rin akong nakita. Nang makalapit ako sa tabi ng timba para sana maghilamos ay may napansin ako sa loob nito. Isang bulaklak. Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ito pero parang pamilyar sa akin. Saan ko nga ba nakita 'to? Inisip kong mabuti kung saan ko 'to nakita. I thought for a few seconds and suddenly I remembered something. Tama. Ito nga 'yon.Ganito 'yong disenyo sa basong nakita ko kahapon. Dali-dali akong lumabas ng banyo at nakita ko si Micky na nakaupo na sa hapag-kainan. "Alam mo ba kung sino ang naglagay nito sa banyo?" I asked as soon as I approached him while showing the flower. "Patingin nga tita." I handed him the flower. "Hindi eh, at saka sampaguita lang ang bulaklak na dinadala nila nanay dito sa bahay. Anong klaseng bulaklak pala 'to? Ngayon lang ako nakakita ng ganito." Kulay dilaw ito na parang gumamela ngunit patulis ang bawat dulo ng petals nito. Paano kaya 'to napunta sa banyo? Umupo ako sa tapat niya. "Hindi ko rin alam eh, kumain na lang tayo." Nang matapos kaming kumain ay naligo na rin ako. Dumating naman si ate at ang daming dalang supot. "Nay, inubos mo ang buong palengke ah," biro pa ni Micky. "Loko-loko kang bata ka. Hindi atin 'to, kanila Aling Maring lahat 'to. Nagpatulong kasi magpabuhat sa 'kin pero nauna na akong umuwi sa kanya dahil mag-iikot pa 'yon sa bayan. Kaya ito dinala ko muna rito, wala pang tao sa bahay nila," mahabang paliwanag ni ate. "Sino bang may birthday sa kanila, nay?" "Walang may birthday. Pang forty days na pagkakamatay bukas ng kanyang apo, si Lala yung kalaro nila Anna. Magpapadasal daw sila." "Eh ate, saan yung pang-alay natin para kay Jolly?" singit ko sa kanilang mag-ina. "Nakabili na ako last week pa. Mamayang hapon pumunta tayo sa puntod niya." "Okay." Kailangan ko na sigurong dalawin si Jolly. Kaya siguro nagparamdam siya sa 'kin kahapon dahil gusto niyang dalawin ko siya. Pumunta si ate sa kusina kaya naman sinundan ko siya. "Ate, saan pala 'yong basong ginamit mo kahapon? 'Yong may kakaibang disenyo." "Ah, 'yon ba? Di ko rin alam. Hinugasan ko pa nga 'yon kagabi pero di ko na ito nakita ulit kanina. Bigla nalang nawala." Oh My God! Hindi na normal ito. Kanina bigla nalang din naglaho ang aparador tapos ngayon ang baso naman. Then a flower suddenly appeared. Lahat ng mga 'yon ay bigla nalang sumusulpot at bigla ring naglalaho na parang bula. Napansin ko lang, sa tuwing may nagpapakita sa akin na kakaibang nilalang ay bigla na lang may sumusulpot na gamit. At kadalasan sa mga sumusulpot ay mga gamit na kailangan ko. Tulad ng baso, nakita ko 'yon bigla nang kailangan kong bigyan ng tubig si ate. Tapos 'yong aparador, basta na lang 'yong sumulpot sa kwarto kagabi para may paglagyan ako ng mga gamit. Pero bakit nawala rin ito? Itong bulaklak, magagamit ko rin ba 'to? "Saan mo nakuha ang bulaklak na 'yan?" narinig kong nagsalita si ate kaya lumingon ako sa kanya. "Saan galing 'yang bulaklak na hawak mo?" "Ito ba? Nakita ko lang--" Biglang kinuha sa akin ni ate ang bulaklak. "Ganito 'yong bulaklak na gustung gusto ni Jolly noon," bakas ang kalungkutan sa tono ng pananalita niya. "Nakakita kasi siya ng ganito noong dumaan sila sa kakahuyan noong minsang sumama siya sa tatay niya para manghuli ng isda sa ilog. Simula noon sinabi niyang ito na raw ang paborito niya at lagi siyang nag-uuwi ng ganitong bulaklak kapag sumasama siya sa kanyang tatay." Nangilid bigla ang mga luha ko. Ngayon alam ko na ang dahilan ng pagsulpot ng bulaklak na 'to. *** Mabilis ang takbo ng oras. Nagsidatingan rin ang mag-aama ni ate pagsapit ng hapon at tulad ng napag-usapan ay sabay-sabay kaming pumunta sa puntod ni Jolly. Dala namin ang paborito niyang pansit at fried chicken na pinagtulungan naming lutuin kanina. "Tiyak na matutuwa si Jolly, Tita. Ngayon ka lang kasi dumalaw sa kanya," magiliw na sabi ni Shaddy habang naglalakad kami papasok ng sementeryo. Ginantihan ko lang siya ng ngiti. "Nandito na tayo," pahayag ni ate nang makarating kami sa harap ng puntod ni Jolly. Sinimulan naming sindahan ang mga kandali. Kinuwentuhan naman nila si Jolly na para bang kaharap lang nila. Mayamaya pa'y naglatag sila ng banig malapit sa puno na hindi masyadong nasisinagan ng araw at nag simula nang kumain. Nagtabi rin sila para kay Jolly. Habang abala sila sa pagkain ay lumapit naman ako sa puntod ni Jolly. Dinukot ko mula sa aking shoulder bag ang bulaklak na kanyang paborito at nilapag ito sa ibabaw ng puntod. "Kumusta ka na bunso? Alam mo ba miss na miss ka na ni Tita. Pasensya ka na kung hindi kita nadadalaw noon." Napahinto ako saglit sa pagsasalita upang magpunas ng luha. "Hindi ko lang kasi matanggap noon na wala ka na. Bakit mo ako iniwan agad?" Lalo pang dumami ang pagbuhos ng aking mga luha. "Sana masaya ka kung saan ka man ngayon. 'Wag ka mag-alala, ngayon unti unti ko nang natatanggap ang iyong pagkawala. At susubukan kong mag move on agad para matahimik na ang kaluluwa mo. 'Wag mo na ulit tatakutin si tita, okay?" Umusal pa ako ng ilang dasal bago tuluyang umalis. Pagkatapos ay nagpaalam ako kila ate na mauuna na 'ko sa sasakyan. Pumayag naman sila. Napansin siguro nila ang pamamasa ng mga mata ko kaya di na rin nila ako pinigilan pa. Nagtungo ako sa kanilang jeep. Pinapasadahan 'to ni kuya minsan kapag wala silang tanim sa bukid. Minsan naman pinapaarkilahan. Tahimik lang akong nakaupo sa jeep habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko. "Ano ba namang luha 'to, unlimited!" reklamo ko sa sarili. "Kailan ba 'to ma-i-expired? Argh!" "Kailangan mo ng kausap, te?" I turned to the source of the voice. The young man! "Ikaw 'yong binatilyong nag-aalok sa akin kahapon ng tupig, di ba?" "Ako nga po," nakangiting sagot niya. "Pero hindi na po ako binatilyo." "Eh ano, totoy?" Napangiti siya ulit at napansin ko ang pantay pantay niyang mga ngipin at mapupulang labi. Grabe! Mapula pa kaysa sa 'kin. "Bente-singko na po ako." "Talaga? Mas matanda ka pala sa'kin. Eh bakit parang ang bata mo tignan?" "Ewan ko, ganito lang talaga ang mukha ko." Nag-abot siya sa 'kin ng panyo. "Sa inyo na lang po ito. Pangpunas ng luha." "Salamat." Wala sa sariling tinanggap ko ito. "Ano pala ginagawa mo rito? Naglalako ka ng tupig?" Umiling siya, "hindi po. Kandila naman ang tinitinda ko ngayon." Inangat pa niya ang dalang nakabugkos na mga kandila. "Ahh.. ang sipag mo naman," puna ko. "Wag mo na ako tawaging Ate at wag ka na rin mag-po. Matanda ka pa sa 'kin noh." "Pasensya na po. Gano'n lang po kasi ang nakasanayan ko kapag nakikipag-uusap sa mga babae lalo na kapag sa magagandang katulad niyo." Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi kaya naman lumingon ako sa ibang direksyon at nakita ko sila ate na papunta na rito. "Mauuna na po ako at sana huwag na kayong iiyak pa. Hindi po kasi bagay sa inyo ang umiyak." Umalis agad ang lalaki bago pa man ako nakasagot. "Di ko man lang natanong ang pangalan niya," usal ko sa sarili. I looked at the handkerchief he had given me and I opened it widely. Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng panyo dahil may nakaburda rito. At ito ay walang iba kundi ang bulaklak na paborito ni Jolly! Nilingon ko kaagad ang lalaki pero bigla na naman itong nawala. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD