Chapter 3
Samantha del Valle
“Nagandahan ka ba sa ’kin?” matapang kong tanong kay Balasubas nang makita kong nakatitig siya sa akin. “Tss. Alam kung maganda ako, kaya huwag kang mahulog sa gandang ’to,” pakindat ko pang dadag.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata. “Ako? Magkakagusto sa ’yo? Tss! In your dreams!” inis niyang singhal.
Ngumisi lang ako. “Sabi mo ’yan. Huwag kang iiyak sa harap ko kapag nagkatotoo ang sinabi ko.”
“Tss. Parang baliw.” Padabog siyang lumabas ng kuwarto.
Binalingan ko si Ellen. “Kumain na muna tayo, hehe.” Tumango naman siya at nagsimula na kaming kumain.
“Ate Sam, taga-saan ka pala?” tanong sa akin ni Ellen. Hindi ko nga alam kung bakit sumama siya sa akin. Puwede naman niya akong iwan doon sa kalsada dahil hindi naman kami magkakilala.
“Taga-ibang bayan ako,” tipid kong sagot. “Gusto ko lang makipagsapalaran dito sa Maynila, kaso mukhang minalas kaagad ako,” nalulungkot kong dagdag.
Bumuntonghininga ako. “Ay, sorry po!” sambit ko kaagad nang maalalang nasa harap pala kami ng pagkain. Matapos namin kumain ni Ellen, saka naman dumating si Balasubas.
Ssshhh! May usok na ang butas ng kanyang ilong, hahaha!
“Saan ka ba nanggaling?” tanong ko kaagad. “Na-realize mo bang gusto mo na ako?” pangungulit ko pa.
“What are you saying, woman?” naiinis niyang tanong. “Inasikaso ko ang bills mo. Baliw! Kung ano-ano ang iniisip,” bubulong-bulong pa niyang sabi.
“Mabuti naman at may natitira ka pang kabaitan sa katawan,” komento ko. “Dukha is real ako ngayon,” buntonghininga ko pang sabi.
“Pakialam ko” pabalang na sagot ni Balasubas.
“Well, naghahanap ako ng trabaho at dahil sa minalas, muntik pa akong mabangga. Jusko po! Gusto ko lang naman magkatrabaho, pero sasakyan ang sumalubong sa ’kin. At ikaw, kung may galit ka sa mundo, huwag kang mandamay ng tao,” pangangaral ko pa kahit alam kong hindi siya nakikinig.
Nagsalubong ang kanyang kilay. “Are you lecturing me?” inis niyang tanong sa akin. “Tss.” Pagkaupo niya sa sofa ay seryoso niya tiningnan ni Ellen bago nagsalita.
“Tell me where you live so that I can drive you home.”
Agad kaming nagkatinginan ni Ellen. Halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan. “Switzerland, sasakay kami ng airplane—” Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa lakas ng tawa ko. Pati si Ellen ay tawang-tawa sa kagaguhan ko. Iyon kasi 'yong naalala kong sinasabi sa akin ni Nanay noon maliit pa lang ako kapag pinapakain niya ako. Ginagawa niyang airplane yung kutsara.
Natigil ako sa katatawa nang sikuhin ako ni Ellen. Ininguso niya si Balasubas, at mukhang nanggagalaiti ito sa galit. Salubong na salubong ang mga kilay nito.
“Hehe,” tanging nasabi ko. Nang hindi pa rin siya nagsasalita ay nagsabi na ako ng totoo. “Ang totoo, wala kaming matutuluyan. Galing pa ako sa bukid para makipagsapalaran dito. Naghahanapa ako ng trabaho para sa buhayin ang sarili ko kaso wala namang tumatanggap sa akin. Graduate naman ako ng college kaso mukhang kulang pa. Saka itong si Ellen, nakilala ko lang kanina. Kakain sana kami kaso dumating ka naman. Kasalanan mo ’tong lahat. Nagkandaletse letse ang araw ko dahil sa ’yo. Kaya dapat ikaw ang maghanap ng matutulugan namin ngayon,” sabi ko sabay kamot sa ulo habang alanganin ding tumawa.
Kapag hindi ito papayag maglulupasay ako rito. Gabing-gabi na at ayaw ko namang matulog sa kalye.
“Are you f*****g kidding me?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Kasalanan ko ba kung malas ka talaga?” gigil pa niyang tanong ulit.
“Ayaw mong tumulong? Sige, okay lang naman na sa kalye kami matulog. Sanay na si Ellen, diba?” tanong ko pa kay Ellen na hindi maintindihan kung makikisakay ba sa ginagawa ko o hindi. Pasimple ko siyang pinandilatan.
“H-huh? Ah, o-oo n-naman, hehe. Tama po si Ate Sam, sanay na po ako,” utal na sagot ni Ellen.
Ilang sandali niya kaming tiningnan na parang pinag-iisipan pa niyang mabuti ang sasabihin bago muling nagsalita.
Napabuntonghininga na lang ako sa aking isipan habang iniisip kung saan ako tutuloy. Hindi ko rin maiwasang maisip si Ellen. Kung iiwan ko siya, nakakaawa naman siya. Saka para ko na rin siyang kapatid kahit pa ilang oras lang kami nagkakilala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung saan ako tutungo ngayon pagkatapos nito ay wala akong ideya.
“Fine. I’ll get you a room.”
Gulat ako nang magsalita si Balasubas. Biglang nanlaki ang mga mata ko. “T-Talaga? Gagawin mo 'yon?” hindi makapaniwala kong tanong. Halos ilapit ko pa ang mukha ko sa kanya upang masigurado na hindi siya nagsisinungaling.
Biglang siyang pinamulahan ng mykha at mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin. “I've said what I’ve said,” tipid niyang sagot.
“Yes!” sigaw ko dahil sa tuwa. Binalingan ko si Ellen na hindi man lang kumibo. “Bakit parang hindi ka masaya?” taka kong tanong.
“Kasama po ba ako?”
Ramdam ko ang hiya at pag-aalinlangan sa kanyang boses. Ngumiti ako. “Oo naman. Kasama ka.”
Dahil sa sobrang galak ay bumaba ako ng hospital bed at tumakbo palapit sa kinauupuan ni Balasubas. Akmang yayakapin ko na sana siya nang bigla akong nadulas. Hindi ko kaagad nabawi ang aking sarili at pikit-mata akong bumagsak. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang matamaan ng aking ilong ang isang malambot na bagay, kasabay nang malutong na ingit at mura ni Balasubas.
“Ang itlog ko!”