Chapter 4 New Home
Samantha POV
Natauhan kami mula sa pagkabigla nang may kumatok. Si Doc. Mateo, na tulalang nakatingin sa amin ni Balasubas. “S-Sorry, I don't mean to intrude,” paubo niyang sabi.
Mabilis akong napatayo dahil sa hiya habang si Balasubas ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa sakit. Mukhang naipit yata talaga ang itlog niya. Paika-ika siyang tumayo at dahan-dahan na naglakad palabas ng silid at lumapit sa kaibigan na naghihintay sa kanya.
Gusto kong bumuka ang lupa at lamunin na lang ako dahil sa kahihiyan. “Ate Sam?” tawag sa akin ni Ellen.
Hindi ako lumingon. “Mukhang hindi na siya papayag sa gusto ko,” naiiyak kong sabi habang iniisip na baka iniwan na niya kami. “Hindi na lang sana ako lumapit. Bakit ba kasi ang malas ko?” inis kong tanong sa aking sarili.
Ilang sandali lang ay nakarinig ulit kami ng katok. Sabay kaming lumingon ni Ellen sa pintuan. Naroon nakatayo si Doc. Mateo na ngayon ay nakangiti nang nakakaloko sa akin. “He's waiting outside,” anunsyo niya.
“P-Po?” gulat kong tanong.
“Hinihintay niya kayo. Come on. Puntahan n’yo na,” nakangiti niyang sabi.
Aligaga kaming sumunod ni Ellen. Mabuti na lang at natanggal na yung suwero sa kamay ko. Dali-dali kaming lumabas ng ospital at nasa harap ang isang mamahaling kotse. Bumukas ang bintana sa passenger’s side.
“Sakay,” rinig kong utos ni Balasubas kaya naman aligaga rin akong sumunod. Mabilis namang nakasakay sa likod si Ellen at mukhang takot pa yatang maiwan.
Umiling-iling ako. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina sa hospital. Umiling ako nang umiling dahil ayaw ko ng maalala yun. Dahil sa kamalasang nagawa ko—so awkward.
Pasimple akong sumulyap sa gawi ni Balasubas. Namumula pa rin ang mukha niya pati ang dulo ng tainga ay kakulay na ng hinog na kamatis.
Umubo ako upang kunin ang kanyang atensyon. Sobrang tahimik kasi at nababaliw ako pero wala siyang kibo.
Ano ’to walang sali-salita? Mapapanis laway ko nito, eh.
“Are you okay?” tanong ni Balasubas na nakatingin pa rin sa harapan. Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman alam kung ako ba ang kausap niya, malay ko ba kung nakakakita pala siya ng multo at ito ang tinatanong niya.
“Hey!” Gulat akong tumingin sa kanya dahil sa biglaan niyang pagsinghal. “I asked if you're okay?” tanong ulit niya at tumingin saglit sa akin bago muling ibinaling ang paningin sa harapan.
Napahawak ako sa aking dibdib. “Ay, ako pala kausap mo? Hehe,” sabi ko habang napapahiyang tumawa.
“Tss, stup*d,” bulong niya na narinig ko naman.
“Hoy! Mr. Balasubas—” Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla niyang inapakan ang preno. Halos lumipad ang kaluluwa ko dahil muntik na akong tumilapon. Mabuti na lang at may suot akong seatbelt. Muntik pang sumubsob ang mukha ko sa harapan. “Ano ba ang problema mo at bigla-bigla kang pumi-preno?” nahihintakutan kong tanong.
“You! What's your problem at bigla-bigla ka na lang sumisigaw?” pagalit niyang tanong.
Napapikit ako dahil sa pagsigaw niya sa mismong mukha ko. Mabuti na lang at amoy mint ang hininga niya. Sh*t! Bakit ang bango ng hininga niya, heheheh.
Naputol ang pagpapantasya ko ng bigla niya akong pinitik sa noo. Mabilis ko itong hinimas. “Are you even listening to me?” inis niyang tanong.
“Huh? O-oo naman. Ano ba ang tingin mo sa akin, bingi?” tanong ko habang kunot na kunot ang noo.
Pakshet! Ang sakit ng ginawa niya sa noo ko, ah. Dapat pala nilakasan ko na ang pagkakabagsak ko kanina para matuluyan ang itlog niya.
“Tsk! Next time don't shout when someone's driving, understood?” sabi niya bago muling nagmaneho.
“Oo na po,” sabi ko.
“Good. And stop calling me Balasubas. I'm Nicholas, ” seryuso niyang sabi.
Nilingon ko siya. “Okay, Kolas,” nakangiti kong sabi habang tumatango-tango pa.
“What the f*ck! Don’t call me that,” inis niyang reklamo. “Ano ba ang tingin mo sa akin, matanda?”
“Hindi naman. Pero alam kong marami ng tumatawag sa 'yo ng Nico, or Nicholas. At least, ako lang ang tumatawag sa 'yo ng Kolas. Kolas, my boy,” tatawa-tawa ko pang sagot sabay kindat sa kanya.
“Kolas, what the f*ck is that name,” bubulong-bulong pa niyang usal sa sarili. “Tss. The hell is that name,” hindi matigil niyang reklamo.
“Bagay naman sa kanya, diba, Ellen?” tanong ko kay Ellen.
“Iwan ko sayo, Ate Sam,” sagot niya na hindi alam kung tatawa ba o mananahimik na lang.
Magsasalita na sana ulit ako ng mapatingin ako sa isang malaking gate na kusang bumukas. “We’re here.” Ipinarada niya ang sasakyan at nauna ng bumaba.