Chapter 13 Going With Him
Samantha POV
Lumipas ang ilang araw, hindi pa rin maalis sa aking isipan ang nangyari. Bigla-bigla ring namumula si Kolas kapag kinakausap ko siya. Hindi ko naman maintindihan kung bakit. Hindi rin naman niya sinasabi. Tinatanong ko nga kung may sakit ba siya, pero umiiling lang naman siya. Naisipan ko na ring maghanap ulit ng trabaho. Para na rin makaalis na kami. Nahihiya na ako, ayos lang sa akin kung hindi na sasama sa akin si Ellen, total pinapaaral naman siya ni Kolas.
Dumating ang araw ng lunes, kasabay kong kumain si Kolas at Dani. Tahimik lang ako sa habang panaka-nakang sumusulyap kay Kolas. Naiinggit ako sa kanilang dalawa, si Ellen may pasok, maging si Kolas. Gusto ko rin lumabas.
“Tama. Tama.”
Gulat na bumaling sa akin ang dalawa. “Sino ang kausap mo, Ate Sam?” takang tanong ni Ellen.
“H-Huh? Ah! Haha, nay meeting kami ng sarili ko, hehe,” tigagal kong sagot. “Bakit?” tanong ko.
Napangiwi si Ellen. “W-Wala naman po. Nagulat lang po ako at bigla kang nagsalita,” sagot niya.
“Hehe, plano ko kasing lumabas din ngayon. Maghahanap ako ng trabaho.” Inilapit ko sa kanya ang aking bibig at bumulong. “Kailangan na talaga at baka bigla akong palayasin dito,” usal ko.
Narinig kong tumikhim si Kolas kaya napaayos ako ng upo. “I heard you.”
Inirapan ko siya. “So?” palaban kong tanong. “Pagbabawalan mo ako? Ano ba kita? Tatay?”
“Tsk. You can’t go out without me,” saad niya. Seryoso siya kaya naman hindi ako makaimik.
“Para ka namang si Tatay kung makapagbawal sa akin,” nakasimangot kong sabi. “Kailangan ko ng trabaho. Ayaw kong magpakatanga rito. Saka bakit ba ayaw mo akong lumabas ng wala ka?” tanong.
“Did you forget about the threat?” taas-kilay niyang tanong sa akin.
Natigilan naman ako kaagad. Naalala ko na naman ang laman ng kahon. Dahan-dahan akong umiling saka humalukipkip. “H-Hindi. Sino ba naman ang makakalimot sa bagay na 'yon? Tss.”
“Hay, naku, Ate Sam. Sundin mo na nga lang si Kuya. Total tama naman siya. Malay mo may umaaligid pala sa 'yo tapos lalabas kang mag-isa,” sabat naman ni Ellen.
“Ay, ang galing mo. Palibhasa, makakalabas ka ng mag-isa, hindi tulad ko na kailangan pa ng guwardiya sibil. Tss.”
Napahagalpak ng tawa si Ellen. “Hala, Kuya Nico. Mukha ka palang guwardiya sibil? Hahaha, ito namang si Ate.” Tatawa-tawa pa siyang kumain.
Nilingon ko si Kolas na ngayon ay kunot na ang noo. Nagpipigil ako ng tawa at baka magalit siya sa akin.
Shet! Bakit ko naman kasi ansabi 'yon?
“At least, I don't look like a nanny,” pahabol ni Kolas na lalong ikinatawa ni Ellen.
“Bagay na bagay!” komento pa ni Ellen. “Guwardiya sibil at Yaya. Hmm!” Nag-thumbs up pa ang loko at nag-apir ang dalawa.
“Wow! Pinagtutulungan ninyo ako, ha!” reklamo ko habang pinukol nang masamang tingin si Kolas. “Bilog ang mundo, mamaya makabawi ako sa ’yo,” banta ko.
Tumikhim ulit si Kolas. “You can come with me if you want. I have meetings today. You can stay in my office.”
Kaagad na nagliwanag ang mukha ko. “Talaga?” excited kong tanong. Tumango siya bilang tugon.
“Sus, si Ate. Ang sabihin mo, mami-miss mo lang si Kuya Nico,” sabat ni Ellen.
“Tse!” angal ko. “Bilisan mo na riyan. Mahuli ka pa sa klase mo,” pagtataboy ko sa kanya.
“Bleeh! Tapos na ako. Bye, Kuya Nico, Ate Sam. Mamayang hapon pa ang uwi ko. Mami-miss ko kayo!” magiliw na paalam ni Ellen.
Kumaway ako at pinanood siyang umakyat sa kanyang kuwarto. Nasa sala na ang kanyang mga gamit. Pagkatapos ko ring kumain ay umakyat na ako sa taas upang maligo at maghanda sa pag-alis. May mga bagong bili kaming damit kaya ayos na ayos. Excited na akong makita ang kompanya ni Kolas.
Dahil hindi naman ako komportable sa mga dresses, nagsuot na lang ako fitted na faded blue jeans, isang white t-shirt at white platform shoes. I tied my hair in a messy bun. Naglagay lang ako ng kaunting lip gloss at polbo bago tuluyang bumaba dala-dala ang maliit kong shoulder bag na may lamang ilang importanteng gamit.
Naabutan kong may kausap sa phone si Kolas. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita. Hinintay ko lang siyang natapos bago ko siya tinawag. “Kolas.”
Lumingon siya at nang makita ako ay tuluyan siyang humarap sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Maganda ba?” nahihiya kong tanong. Baka kasi mamaya, ma-out of place ako sa kompanya niya. Ayaw ko namang mapahiya siya dahil sa akin. Natawa ako nang tumango siya pero hindi siya nagsalita.
Napangiti ako lalo. “Talaga? Maganda ako, Kolas?”
Bigla siyang napaubo at nag-iwas ng tingin. “Let's go,” sabi niya bago tumalikod at tuluyang naglakad palabas.
Hinabol ko siya. “Tss. Kolas, my husband! Hindi mo sinagot ang tanong ko!” Hindi pa rin siya nagsalita kahit pinagbuksan niya ako ng pinto. “Hubby?” nanunukso kong tawag sa kanya. “Kolas, nahihiya ka ba sa ’kin?” napapangiti kong tanong.
Hindi niya ako pinansin pero pansin kong napapalunok siya at panay ang pag-iwas ng tingin sa kanya. Lumapit siya para isuot ang seat belt ko. Naamoy ko na naman ang kanyang pabango na humahalo sa natural na amoy ng kanyang katawan. Wala sa sarili akong napasinghot. “Hmm! Ang bango naman ng Hubby ko!” nakangiti ko pang komento.
Nahigit niya ang kanyang hininga. Nagpipigil siya sa kanyang sarili. “Uy, Kolas. Mukhang hulog na hulog ka sa akin.”
Tumawa ako. “Huwag kang mag-alala. Guwapo rin ka rin naman. Bagay tayo.”
“Tsk!” tanging sagot na natanggap ko mula sa kanya pero nagpipigil naman ng ngiti ang loko.
Shet, Sam! Hindi lang luto, sunog na sunod pa! Hahaha!