Chapter 12
Nicholas POV
Nasa opisina ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Dani. “What now?”
“S-Sir Nico!” bulalas niya. Napansin kong parang taranta siya.
“Bakit?”
“Si Ma'am Samantha po! May—” Hindi ko na natapos ang kanyang sasabihin. Kaagad akong tumakbo palabas ng opisina. Hindi alintana ang mga nagtatakang tingin ng mga empleyado.
Kaagad akong sumakay sa elevator at pagkababa ay diretso akong lumulan sa sasakyan. Pinaharurot ko ito hanggang sa makarating sa mansiyon.
Sumalubong sa akin si Bentong, ang guwardiya, may bitbit siyang box. “What is that?” Pinakita niya sa akin.
“S-Sir Nico! May nagpadala po niyan kay Ma'am Sam. Nasa taas po siya, umiiyak,” bungad sa akin ni Dani.
Kaagad akong tumakbo paakyat sa kanyang kuwarto. Naabutan ko siyang yakap-yakap ang sariling tuhod, nakayuko, at humihikbi. Parang dinamba ang aking puso nang makita ang kanyang mga luha. Pag-angat ng kanyang ulo ay ako ang kanyang nakita.
Pumalahaw siya ng iyak. “N-Nico!”
Sumikdo ang aking dibdib. Pangalawang beses nang binigkas ng kanyang labi ang aking pangalan. Kaagad ko siyang niyakap. Mahigpit na mahigpit na yakap. Para bang tinuturok ang aking puso habang nakikitang umaagos ang kanyang mga luha.
“I’m here now. It's okay,” pang-aalo ko sa kanya.
“N-Nico, may a-ano, may.”
Hindi niya matuloy ang sasabihin. “Ssh. It's fine, I'm here.” Tinulungan ko siyang kumalma. “Sinabi sa akin ni Dani ang lahat. Wala bang nakasulat kung kanino nanggaling?”
Umiling si Sam. “Wala naman. Akala ko nga regalo, kaso, hindi ko naman birthday. Saka ang nakasulat doon, stay away from him. Eh, sino naman ang lalayuan ko, Kolas? Hindi man lang kinompleto, diba?”
Napalunok ako dahil sa narinig. “You're so innocent,” komento ko. “Listen. Always remember that whatever happens, I'll protect you and even Ellen.”
“And I'm serious,” dagdag kong sabi. Tumango lang siya sabay pahid ng kanyang luha.
“Bakit ka nga pala nandito? Akala ko ba may aasikasuhin ka?” tanong niya sa akin.
Umiling ako. “You need me,” sabi ko.
Kahit ang totoo, hind ko na rin alam kung bakit para akong mababaliw kapag may mangyaring masama sa kanya. Tuluyan na ba akong napamahal sa babaeng ito? Maikling panahon lang naman ang pagsasama natin pero na-attached na ako sa kanya.
“Naku! Naabala pa pala kita. Sorry,” nahihiya niyang sabi.
“No. Dapat nga ay ako mag-sorry sa 'yo. Hindi dapat kita iniwan,” seryoso kong sabi kaya napatingin siya sa akin.
“Ha? Bakit ka naman magso-sorry. Natural na unahin mo ang kompanya mo.”
Magsasalita na sana ako nang dumating naman si Manang Nuring. Kasunod niya si Ellen na panay ang pagngiti. “Hello, Kuya Nico, Ate Sam!” Kumaway pa siya na parang bata.
“Iha, dinalhan kita ng tubig. Nalaman ko kay Dani ang nangyari,” ani Manang Nuring na kay Samantha ang paningin. Kaagad naman itong tinanggap ng huli at uminom.
“Salamat po.” Pagkatapos ay lumabas na si Manang.
Binalingan ko si Ellen. “How's your enrollment?” tanong ko sa kanya.
“Tapos na po, hehe,” masaya niyang sagot bago umupo sa kama.
“Salamat, Kua Nico. Pero bakit po ninyo ako pinapa-aral?” tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot. Naglalayag ang aking isipan.
Naririnig ko silang nag-uusap pero wala sa kanila ang atensyon ko. “The hell! Why did you do that?” angil kong tanong kay Sam nang batuhin niya ako ng tissue. Inis ko siyang sinimangutan.
“Kasi, tinatanong ni Ellen kung ano raw ang nangyari sa ’yo, eh, wala naman akong alam kaya ikaw na ang sumagot,” mahaba niyang paliwanag sa akin.
“It's nothing,” buntonghininga kong sagot. “Anyway, I'm going out. Baka gabihin na ako kaya sumabay na kayong kumain kay Manang Nuring at Dani,” paalam ko saka tumayo at naglakad palabas ng kuwarto.
Nasa bungad na ako ng pinto nang magsalita si Samantha. “Ingat ka, Kolas.”
“Mmm,” tanging sagot ko.
F*ck! Bakit tuwang-tuwa ang puso ko? Grrr! Am I In love?”
Napabuntonghininga ako nang maalala kung paano siyang umiyak kanina. Kinapa ko ang aking dibdib at huminga nang malalim.
Kung sino ka man na nagpadala ng kahon, hinding-hindi kita mapapatawad. Pinaiyak mo siya.