Chapter 11
Samantha POV
Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ng biglang may tumungo. Pareho kaming naghahanap kung ano ang pinagmulan nito.
“Hala, tawag ba yata,” sabi ko habang nagpalinga-linga. “Akin ba 'yun?” tanong ko pa.
Natigilan ako. “Ay, shet! Wala pala akong cellphone!”
Napatingin sa akin si Kolas at kaagad na hinanap ang tunog. Nasa harapan lang pala niya. Kaagad niyang kinuha at sinagot ang tawag. Hindi man lang siya nagsalita pero pansin kong nagbago ang kanyang ekspresyon.
“B-Bakit, Kolas? May nangyari ba?” nag-aalala na tanong ko.
“Yeah. Ihahatid na lang kita sa bahay. Magpahinga ka na muna. I need to go the company.”
Tumango ako. Tahimik ako sa biyahe hanggang sa marating namin ang mansiyon. Bumaba ako ng sasakyan. Sumilip pa muna ako. “Ingat ka,” paalam ko bago isinara ang pinto at naglakad papasok ng gate.
Hanggang sa makapasok ay walang sumalubong sa akin. Pagod akong naupo sa sofa at pumikit.
Hay, ako kaya yung tinutukoy ni Kolas kanina? Sino kaya ang my girl niyang sinasabi? Baka mamaya nag-a-aasume na naman ako.
Napangiwi ako at bumuntonghininga. Hindi na nga natuloy yung date namin, pero kahit papaano, nahawakan ko naman ang kamay niya, hehehe. Hindi ko maiwasang kiligin nang maalala kung gaano kasarap sa pakiramdam ang mahawakan ang kanyang kamay.
“Hehe, nakiliti ako roon, ah,” impit kong tili habang nakangisi. Lumalakas ang kabog ng aking dibdib. “Ang laki ng kamay niya,” usal ko sa sarili habang nakatingin sa aking mga kamay.
Ilang sandali lang ay may kumalabit sa akin. Mabilis akong napalingon at pareho pa kaming nagulat ni Dani. “Oh, ikaw lang pala 'yan,” usal ko bago huminga nang malalim.
“Ito po, Ma'am, para po sa inyo,” sabi niya sabay abot ng isang kahon. Naka-wrapped ito na parang panregalo.
Kumunot ang noo ko habang napapaisip. “Huh? Hindi ko naman birthday, ah,” napapaisip kong sabi. “Kanino raw galing?” tanong ko. Nagtataka ko itong tinanggap. Tiningnan ko pa kung may nakasulat ba pero wala naman.
“Hindi ko po alam, Ma'am. Saka para talaga 'yan sa inyo. May card po, eh,” usal niya sabay turo sa maliit na card na nakadikit sa box.
Tumango ako. Nakapangalan nga sa akin. “Sige, Dani. Salamat. Saka huwag mo akong tawaging, Ma’am. You can call me Samantha,” sabi ko. Naaasiwa kasi ako, hindi naman ako amo niya.
Umiling lang siya sabay ngiti. “Ayos lang po. Magagalit si Sir Nico. Lahat po ng bisita niya ay tinatawag naming Madam, Ma'am, Sir. Kaya ayos lang po, Ma’am Samantha. Iwan ko na po kayo at may gagawin pa po ako,” nakangiti niyang paalam.
Pag-alis niya ay tumayo na rin ako at naglakad paakyat sa aking kuwarto. Pinagmasdan ko pa nang maigi ang box. Mabigat siya at mukhang mamahalin ang wrapping paper na ginamit. Gusto ko sanang hintayin si Ellen kaso mukhang hindi pa siya umuuwi. Kasama naman niya si Manang Nuring.
Nilagay ko ito sa kama at naghanap ng gunting. Napangiti ako nang makita ito at kaagad na lumapit sa kama. Ginunting ko ang ribbon na nakatali at nalaglag ang card. Pinulot ko ito at ilalagay na sana sa kama nang may mahagip ang aking paningin. May nakasulat sa likod nito.
“Stay away from him!” basa ko sa nakasulat. Biglang tinambol ang aking dibdib. Huminga ako nang malalim at lilit na pinakalma ang sarili. “Tss. Parang t@ng@. Sino ba nagbigay nito? Hindi man lang sinabi kung sino ang lalayuan ko.”
Lalamya-lamya kong binuksan ang kahon. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan kung bakit. Pumikit pa ako para may thrill. Pagdilat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang masangsang na amoy. Isang itim na bagay, hindi, p@t@y na hayop.
Nanlaki ang mga mata ko sa takot. “Ah!” malakas kong sigaw. Halos mawala ang boses ko sa sobrang pagkataranta. “Ah!”
Hindi ko napansing umiiyak na pala ako. Nanginginig ang aking katawan at hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Para akong naestatwa sa aking nakita.
Humahangos na dumating sa aking kuwarto si Dani. “M-Ma'am Sam! A-Ano po ang nangyari?” nag-aalala niyang tanong. “Ayos lang po kayo?”
Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita. Lumapit siya sa akin. “Bakit po kayo sumisigaw? Ano po yung mabaho?” Napatingin siya sa kahon at ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata. Kaagad niyang natakpan ang sariling bibig.
“Ah!” sigaw ni Dani. “S-Sandali . . . Tatawagan ko si Sir Nico.” Nagmamadali siyang lumabas. Ilang sandali lang ay pumasok ang isang guard.
Kinuha nito ang kahon at nilabas. Hindi pa rin ako makagalaw. Nanginginig pa rin ang aking katawan. “S-Sino ba ang may gawa noon?” nagtataka kong tanong habang nanginginig ang labi. “Wala naman akong kalaban. Wala akong kaaway.” Umiiyak la rin ako.
“Kung sino ka man, magkabulutong ka sana sa puwit. Bw*sit ka!” umiiyak kong sambit habang nagpapahid ng luha. Naalala ko na naman ang itim na hayop, pati ang masangsang nitong amoy. Nasusuka ako.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Bumungad sa akin sa Kolas. Puno nang pag-aalala ang mukha niya.
“N-Nico . . . ” Hindi ko na napigilan lalo ang aking luha nang makita siyang nagmamadali sa paglapit. Pumalahaw ako ng iyak. Naramdaman ko na lang ang yakap niyang napakahigpit. “M-May a-ano—”
“Ssh. It's okay. I’m here,” putol niya sa sasabihin ko.
“N-Nico, sino 'yun? Sino ang may gawa noon?” sunod-sunod kong tanong.
“Aalamin ko,” pangako ni Kolas. “Pangako.”