Chapter 10

1190 Words
Chapter 10 Samantha POV Tahimik kaming pareho sa biyahe. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta. Hindi man lang niya sinasabi. Masyadong pa-mysterious itong si Kolas. Puwede namang sabihin na lang niya, hindi itong naloloka pa ako kaiisip kung anong gagawin namin. Saka bakit ba hindi niya kami pinalayas ngayon? Akala ko ba ay matutulog lang kami tapos lalayas na? “Uy, Kolas, bakit nga pala hindi mo kami pinaalis kanina? Akala ko ba matutulog lang kami sa bahay mo? Bakit hanggang ngayon ay kasama pa rin kita?” sunod-sunod kong tanong dahil hindi ako mapakali. Tumaas ang kilay niya sa akin. “Did you forgot what I've said last night?” tanong niya habang ang paningin ay nasa daan. “H-Huh? Alin ba roon? Ang dami mong sinabi, eh,” maang-maangan kong sagot. Ayaw ko namang aminin na hindi ako nakatulog dahil sa sinabi niya. “I want you to be my wife. Naalala mo na?” “Anak ng— seryoso ka ba talaga riyan?” nagugulat ko pa ring tanong. “Ano ba ang tingin mo sa mukhang 'to, manloloko?” Huminga nang malalim si Kolas bago sumulyap sa akin. “Seryoso ako, Pandak.” “Ah, ganoon ba, Punggok ka. Eh, kung hambalusin kaya kita, ha?” pananakot ko sa kanya. “Kung makapandak ka naman diyan, akala mo naman sobrang tangkad. Sus! Ilang dangkal lang naman ang itinangkad mo kaysa sa 'kin,” nakasimangot kong sabi. “Tsk! Hindi na lang kasi umamin na pandak. Sinisisi pa ang katangkaran ko.” “Narinig kita!” angil ko. “Natural. Hindi ka naman bingi,” pambabara niya sa akin. “Aba— Natututo ka nang mambara, ah!” Tumahimik ako nang bigla siyang pumarada sa harap ng isang mall. “Oh, bakit tayo nandito? Mamimili ka ba? Aba, gagawin mo pa akong katulong, ah,” reklamo ko kaagad. “Good morning, Sir Nico,” bati sa kanya ng isang guwardiya. “Good morning, Ma'am Ganda,” bati naman ng guwardiya sa akin. “Good morning po, Kuyang Guard,” nakangiti kong sabi. Dire-diretsong pumasok si Kolas, ni hindi man lang binati ang guwardiya. Nilingon ko si Kuya na nakangiti pa rin. “Pasensiya na po kayo, Kuya, at mukhang mainit ang ulo nitong kasama ko. Umuusok ang ilong, eh,” pabiro kong sabi kaya naman natawa si Kuya. “Tss. Hoy, Kolas. Ano ka ba naman, hindi ako makahabol sa 'yo. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kaagad habang pilit na hinahabol siya. Lintek! Ang hahaba ng hakbang. Parang tikbalang, eh. Hinahapo na ako. “Let's go.” Sumakay siya sa elevator kaya sumunod naman ako. Saka ko lang napansin na tanging mga sales lady ang tao sa mall. Wala man lang customers sa floor na pinuntahan namin. “Hala, Kolas. Bakit walang mga tao sa floor na ito?” nagtataka kong tanong sa kanya. “VIPs,” tipid niyang sagot. Nagulat ako. “Huh? Talaga? Sino? Bakit tayo nandito? Hala, baka kapag nakita tayo ng guards ay palalabasin tayo, Kolas. Umuwi na tayo,” pangungumbinsi ko sa kanya. “Tsk! This is my mall, okay? I can do whatever I want.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. “Pashnea! Bakit hindi mo sinabi? Sus, sayang lang laway ko kadadaldal. Sa 'yo pala 'to?” Iniikot ko ang paningin sa buong floor. Ang daming magagandang damit. “Hala, ang ganda naman dito,” sabi ko pa habang nakasunod lang sa kanya. Pumasok kami sa isang store. “Good morning, Sir Nico. How can I help you?” bayi ng saleslady. Hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin ang babae. Hindi ito pinansin ni Kolas kaya naman panay ang irap sa akin ng babae. “Pack her everything she wants,” utos ni Kolas sa saleslady. Pareho kaming nagulat ng babae pero naroon sa boses niya ang pagkadisgusto sa narinig. “P-Po?” hindi makapaniwala na tanong ng babae. Sinimangutan ito ni Kolas. “You heard me.” Bumaling siya sa akin. “Choose whatever you want. Ibigay mo lang sa kanya and she'll pack it for you,” usal niya sa akin. Naglakad siya papunta sa isang bench at naupo roon. “I'll wait for you here.” Pagkasabi ay kaagad niyang ipinikit ang mga mata. “Ma'am, mamili ka na po,” tawag sa aking saleslady. Lumingon ako sa kanya at nakangiti na siya sa akin. Sumunod ako sa kanya at ilang damit din ang pinasuot niya sa akin at puro malalaki ang sizes. Hindi bagay sa akin lahat. Halatang pinaglalaruan niya lang ako. Habang nasa dressing room ako ay hirap na hirap akong isuot ang isang dress dahil hindi ko maabot ang zipper. Napahinto ako nang marinig ang dalawang nag-uusap. “Girlfriend kaya siya ni Sir Nico?” “Hindi 'no. Ang pangit naman niyang mamili. Wala siya sa ganda kong ito.” “Psh. Hindi nga siya tumingin sa 'yo.” “Basta. Gusto ko siya.” “Well, too bad hindi ka niya papatulan.” Nahigit ko ang aking hininga nang pumasok ang saleslady. Umiirap na naman suya sa akin. Lukot na lukot ang kanyang mukha. “Galit ka ba sa 'kin?” tanong ko. Hindi ko na matiis ang pang-iirap niya. “Ha? Hindi naman,” hilaw niyang sagot. “Pinagsasabi mong baliw ka,” dagdag niyang bulong habang inaayos ang mga nagkalat na damit. Dahil sa inis ay lumabas ako ng dressing room at nilapitan si Kolas. Hinawakan ko ang braso niya. “K-Kolas,” tawag ko sa kanya. Lumingon ako at nakatingin sa akin ang babae. Inis na inis siya sa ginagawa ko. Niyugyog ko ang balikat ni Kolas. “Nico,” tawag ko sa kanyang pangalan. Kaagad siyang dumilat. Bakas ang pag-aalala sa kanyang nang makitang hindi ako komportable. “Why?” “U-Uwi na tayo,” yaya ko sa kanya. “Inaaway ako nung saleslady. May gusto siya sa 'yo, eh, ” sabi ko. “Kanina niya pa ako iniirapan. Naiinis na ako at baka mapatulan ko siya. Ayaw kong makulong,” rason ko. Biglang nalukot ang noo ni Kolas. Kaagad na nagsalubong ang kanyang kilay. Kaagad na tinawag ni Kolas ang manager at pinagalitan ito. Habang palabas kami ng store ay nahagip pa ng aking paningin na pinapagalitan ang saleslady. Bagsak ang mga balikat nito habang kinukuha ang bag at nakayukong lumabas ng store. “Kolas, tinanggal ba siya?” Tumango lang si Kolas. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi naman ako nagreklamo. Naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa akin. “Kawawa naman siya. Ang hirap kaya maghanap ng trabaho,” katwiran ko. “It her choice. Alam niyang mahirap maghanap tapos ang sama ng ugali niya sa customers. Sa tingin mo papayag akong may ganoong tao sa puder ko?” “Eh, bakit ka naman nagagalit? Pinapagalitan mo ba ako?” naiiyak kong tanong. Kaagad siyang huminga nang malalim at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. “I'm sorry. I'm not angry at you,” aniya. “And besides, no one can messed up with my girl,” seryoso niyang sabi na nagpatigil ng hininga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD