Chapter 9
Samantha POV
Halos atakihin ako sa puso nang mahimasmasan. Kalalabas ko lang mula sa kuwarto ni Kolas. Hindi ko napansing pumasok kami sa kanyang kuwarto. Gusto ko lang naman malaman kung saan siya pupunta pero—ah basta!
“Aray!” Napahawak ako sa aking braso. Nakasimangot akong bumaling sa aking likuran. “Ano ka ba, Ellen. Bakit kaba nanghahampas? Ang sakit n'on, ha,” komento ko pa habang hinihimas ang braso ko.
“Hay, naku, Ate Sam. Ano ba ang ginagawa mo sa kuwarto ni Kuya Nico? Bakit ka ba sumunod sa kanya?” sunod-sunod niyang tanong. Napalunok ako at hindi ako kaagad nakasagot. “Mukhang may nangyari na namang kahihiyan, ano?” pang-aakusanniyang tanong.
Napangiwi ako. “B-Bakit?” taka kong tanong.
“Well, kitang-kita sa reaksyon mo, Ate. Tingnan mo nga iyang mukha mo, parang hinog na kamatis sa sobrang pula. Susko! Mukhang puputok na sa sobrang hinog,” nakangiwi niyang komento.
Psh! Sino naman ang hindi mamumula sa sinabi ni Kolas? Sa sobrang gulat ko, nahawakan ko pa ang itlog niya. Shet! Daplis lang naman iyon pero tumindig ang balahibo ko sa batok.
“Hay, naku. Mukhang may balat ka sa puwit,” dagdag niya pang sabi.
Mas lalong nalukot ang aking ilong dahil sa sinabi niya. “Huh? Paano mo naman nasabi iyan?” hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.
“Kasi naman, hindi matapos-tapos ang kamalasan mo. Kahapon ka pa,” paalala niya pa.
Kusa akong natigilan at napaisip. Tama siya. Ngayon ko lang din napansin. “Oo nga, no,” sabi ko. Bumuntonghininga ako saka nagsimula ng maglakad pabalik sa aking kuwarto. Nakangiwi naman siyang sumunod sa akin.
Napabuntonghininga ako. “Huwag kang mag-alala. Mamaya ay titingnan ko kung tama ka,” tatango-tango kong sabi sa kanya. Tiningnan niya ako na para bang nasisiraan na ako ng ulo. “Tsh. Huwag mo akong tingnan ng ganiyan. I'm not crazy, I'm Samantha.”
Pumalatak siya. “Parang tanga, ay. Ewan ko sa 'yo, Ate Sam. Mukhang ikaw yata ang natamaan kay Kuya Nico. Hulog na hulog ka na,” narinig kong bulong nya.
“Hoy, bubwit! Anong alam mo?” pasaring ko.
“Hoy, pandak, anong alam mo?” balik tanong niya sa akin.
“Aba—” Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya. Nakahanda na ang aking kamay upang pingutin siya pero mabilis siyang tumakbo. “Hoy, bubwit! Bumalik ka rito!” tawag ko sa kanya. “Hoy, mas matangkad pa ako sa 'yo! Kung makapandak ka naman diyan!”
Huminto siya at lumingon sa akin. “Bleeeh!” aniya sabay takbo palayo. Hinihika ako kaya hindi ko na siya sinundan pa. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa.
“Batang 'to, oo,” hinihingal ko pang sabi bago naglakad papunta sa living room. Mabuti na lang at wala ang ibang kasambahay. Baka napagalitan na kami kapag nakita kaming naghahabulan dito.
Hinagod ko ang aking binti bago pabagsak na naupo sa sofa. “Napagod ako roon, ah,” usal ko bago pumikit.
“Ahem,” tikhim ng boses lalaki. Dumilat ako at sumalubong sa akin paningin ni Kolas. Nakaupo siya sa harap ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang sinabi niya kanina. “Tss. Ano?” matapang kong tanong.
“Are done playing?” tanong niya.
“Oo. Bakit, gusto mong sumali? Pwede naman kitang habulin kung saan mo gusto pumunta,” seryoso ko ring sagot.
“I can hear your voice from here,” seryoso niyang sabi.
“Ay, talaga namang maririnig mo kung hindi ka bingi,” saad ko.
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Tumayo siya. “Follow me.”
Dali-dali naman akong sumunod sa kanya. Hinahapo pa nga ako, hindi naman ako makapagreklamo. Saan na naman kaya ako dadalhin nitong punggok na 'to.
Nabunggo ko siya nang bigla na lang siyang huminto. “Aray ko naman!” angil ko.
“Watch where you're going.”
Nye! Nye!
Hindi ako nagsalita. Sumilip ako at nanlaki ang mga mata nang masilayan ang napakaraming sasakyan.
“Whoa! Sa 'yo ’tong mga 'to? Ang gara naman,” nagniningning ang mga matang usal ko. “Taray! Magkano ba 'tong mga 'to? Ibenta kaya natin?” nakangiti ko pang sabi.
“Tsk. Tumigil ka. Ikaw kaya ibenta ko?” angil niyang saad kaya naman ay kaagad akong natigilan.
“H-Huh? Human trafficker ka? Ibebenta mo 'ko?” nangangatog ang tuhod kong tanong.
Napabuntonghininga siya. “That's a joke.”
Nakahinga ako nang maluwag. “Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Eh, kung ikaw ibenta ko? Sure akong maraming bibili. Sa guwapo mong ’yan. Sus! Jackpot na!”
“Let's go.” Pumasok siya sa isang itim na sasakyan.
“What the— hindi man lang ba niya ako pagbubuksan ng pinto?” inis kong tanong.
Mukhang narinig naman ni Kolas at lumabas pa talaga siya para pagbuksan ako. Nakasimangot siyang lumingon sa akin. “Sakay na, Miss Pandak.”
Pinandilatan ko siya. Sumakay ako bago nag-angat ng paningin sa kanya. Ngumiti ako kaya gulat pa siyang nakatitig sa akin. “Salamat naman, Mr. Punggok.” Kaagad kong sinara ang pinto na ikinagulat niya.
Napansin ko pa na napamura siya kaya tatawa-tawa akong umayos ng upo. Pagkapasok niya ay tinanong ko siya kung nasaan si Ellen. “Hindi ba natin siya isasama?” takang tanong ko.
“No.”
“H-Huh? Bakit hindi?”
“At bakit naman natin siya isasama?” balik tanong niya sa akin.
“Ha? Bakit naman?”
Hindi niya ako pinansin at pinaandar na ang sasakyan. “Aalis sila ni Manang Nuring. Pag-aaralin ko siya.”
Lumingon siya sa akin. “Seatbelt mo?”
Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya. Kaagad niyang inabot ang seatbelt at isinoot ikinabit. Gulat pa ako nang malanghap ko ang kanyang pabango.
“Salamat,” namumula kong sabi. Hindi tuloy ako mapakali. Habang nasa biyahe ay panay ang pagngiwi ko. Hindi ko na matiis at pinaypayan ko na ang sarili gamit ang aking kamay. “B-Bakit ang init?” nagtataka ko pang tanong.
Maging si Kolas ay kunot-noo nang lumingon sa akin. “The air conditioner is on,” komento niya. “Hindi ka ba komportable na kasama ako?” tanong niya.
Napailing ako. “Hindi naman sa ganoon. Ang init lang talaga nang pakiramdam ko,” usal ko.
“Tsk. Ang sabihin mo, na-in love ka lang talaga sa 'kin,” tukso niyang usal.
Nagugulat ko siyang tiningnan. “Ang tigas naman ng mukha mo, Kolas.”
“Hahaha!”
Natameme ako dahil sa halakhak niya. Lumabas ang nakatago niyang dimple at sobrang pantay pa ng kanyang ngipin. Parang hinimas ang aking puso dahil sa sobrang guwapo niyang tingnan. Mas lalo lang tuloy nag-init ang pakiramdam ko.