Chapter 8
Nicholas POV
Pagdating ko sa hapag kainan ay nakaupo na ang dalawa at kasalukuyang kumakain. Pawang nakangiti at nag-uusap nang masinsinan.
“Magandang umaga, Sir Nico,” bati sa akin ni Manang Nuring. Tumango ako bilang tugon at naupo sa puwesto ko.
“Good morning po, Kuya,” anang Ellen na kaagad ibinalik ang paningin sa kinakain.
“Kolas, my boy, good morning,” bati sa akin ni Samantha. Hindi ko siya pinansin at pinagtuunan ko ang mga kubyertos. Tiningnan ko kung maayos ba itong nakahanay sa aking harap. “Hoy, Kolas, ang sabi ko good morning,” maktol ni Samantha.
“Psh. Guwapo sana, bingi naman,” pasaring niya pa.
“Narinig kita,” maikling sagot ko at uminom ng kape.
“Psh. Narinig mo naman pala, eh, bakit hindi ka sumagot? Ano 'yon, bingi-bingihan,” nakasimangot niyang komento.
“Good morning, too,” sabi ko nalang at kumain na.
“Wow! Para namang pinilit kita, ah.”
Kunot-noo ko siyang tiningnan. “Binati na kita, nagrereklamo ka pa rin?” inis kong sabi.
“Ayusin mo kasi. Dapat may lambing, para ka namang galit diyan,” komento niya. “Good morning lang, damot,” parinig niya pa.
“Good morning, Sam! Happy?” taas-kilay kong sabi.
Nahigit ko ang aking hininga ng ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. “Good morning, Nico!”
Nabulunan ako. Unang beses niyang binigkas ang pangalan ko. Uubo-ubo akong uminom ng tubig.
“Uy, dahan-dahan. Tsk! Tsk! Tsk! Mukhang tinamaan ka na, ah,” nakangisi niyang sabi.
“Ano?” gulat kong tanong. “Pinagsasabi mo?”
“Kolas, simple lang naman 'yan. Umamin ka na lang na may gusto ka sa akin. Sige ka, ikaw rin, baka mamaya hikain ka na sa sobrang pagpigil mo ng kilig diyan.”
“The hell are you talking about? Ang tigas naman ng mukha mo,” nakasimangot ko ng sabi pero hindi siya nagpatinag.
“Maganda po ako, pero hindi matigas ang mukha ko. Pisilin mo nga kung matigas ba?” aniya na inilapit pa talaga ang pisngi sa akin.
Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ang muntik ng paghalik ko sa kanya kagabi. “Tss,” sumusukong usal ko at hindi na siya pinansin. Narinig ko pa ang mahinang bungisngis sa paligid ko.
Patapos na akong kumain nang biglang magtanong si Samantha. “Kolas, sabi ni Manang kagabi ay aalis tayo. Saan ba tayo pupunta?”
Tumayo na ako at naglakad palabas ng kusina pero sumunod siya sa akin. “Hintayin mo ako. I'll see you later,” sabi ko at mukhang hindi siya titigil. Hindi ko sinagot ang tanong niya.
Nalukot ang mukha niya. “Bakit? Saan ka pupunta?” tanong na naman niya. “Akala ko ba isasama mo ako?”
Ramdam ko ang pagkadismaya sa kanyang boses. Napabuntonghininga ako habang naglalakad paakyat ng hagdan. Saan ba siya pinaglihi at sobrang kulit. Hindi matigil ang bunganga kakadaldal.
“Hoy, Kolas—” Nagulat siya nang harapin ko siya.
“Stop calling me that name,” mariing sabi ko.
Humalukipkip siya sabay ngiti. “Bakit, gusto mo bang tawagin kitang Hubby ko?” panunukso niyang tanong. Napalunok ako sa tanong niya.
Bumuntonghininga ako. “You said you will do everything for me, right?” tanong ko.
Tumango siya. “O-Oo naman,” utal niyang sagot.
“Hmm. Mukhang nag-aalinlangan ka na,” komento ko.
“Psh! Sige, anong gusto mo?” matapang niyang tanong.
Nakasunod pa rin siya sa akin kahit papasok na ako sa aking kwarto. Binuksan ko ang pinto ang tuluyang pumasok. Mukhang hindi pa niya napansin na nasa kwarto ko siya. Lumingon ako at hinarap siya nang tuluyan. Mukhang wala nga siyang ideya.
“Talaga bang susundan mo ako hanggang dito?”
Kumunto ang kanyang noo. “B-Bakit? Masama bang sumunod sa ’yo?” balik tanong niya sa akin.
Napailing ako. Nilapitan ko siya. Pagkahawak ko sa kanyang kamay ay kaagad ko siyang itinulak at napasandal siya sa pader. She made a faint groan. Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat.
Napangisi ako. Ramdam na ramdam kong nataranta siya. “This is a guy's room, Samantha. My room to be exact,” usal ko.
Dumaan ang kaba sa kanyang mga mata. “E-Eh?”
Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang leeg. Naamoy ko ang pambabae niyang pabango. Napapikit ako bago pinatatag ang sarili. Huminga ako nang malalim. “I want you to be my wife.”
Dahil sa gulat ay aksidente niyang nahaplos ang aking binti. Dumaan ang bolta-boltaheng kuryente sa aking katawan. Mabilis ko siyang nabitawan at umatras.
Maging siya ay nagulat. “S-Sorry. Hindi ko sinasadya!” bulalas niya nang maintindihan ang kanyang ginawa.
Sh*t! Muntik na niyang mahawakan ang itlog ko!
Bigla akong nangatog. Huminga ako nang malalim upang ikalma ang sarili. Nanginginig ang kalamnan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko.
Fuck! Dahil lang sa isang haplos, nanghina kaagad ako.
“K-Kolas—”
“Ayos lang ako. Lumabas ka na at maliligo na ako. Unless, gusto mong sumama?” tapang-tapangan kong tanong kahit ang totoo ay hindi na ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
“S-Sige.”
Napalunok ako sa kanyang sinabi. “A-Anong sige?” utal kong tanong.
“Huh? I mean, sige, lalabas na ako.” Dali-dali siyang lumabas. Pabalibag niya pang sinara ang pinto ng kwarto.
“God! I need a cold shower.”