Chapter 7
Samantha POV
Mabilis kong nahimas ang aking noo na pinitik niya. Gulat akong tumingin sa kanya na ngayon ay nakangisi na.
“Bakit mo ginawa 'yon?” inis kong tanong sa kanya.
Pashnea! Napahiya ako roon, ah! Maghintay ka lang. Makakaganti rin ako sa ’yo.
“Bakit ka biglang pumikit? You thought I'll kiss you? Assuming ka masyado,” natatawa niyang saad.
“H-Huh? Hindi, no! Ano ba ang tingin mo sa akin, easy to get? Hoy, hinding-hindi ako mahuhulog sa 'yong Balasubas ka!” Binato ko siya ng unan habang nakangisi siyang palabas ng kuwarto. “Napakataas ng tingin sa sarili, ay,” maktol ko pa. “Guwapong-guwapo sa sarili, psh. Well, gwapo naman talaga siya. Pweh!” Nanggigil kong hinampas ang unan.
“Assuming, ako?” Turo ko sa sarili. “Hmp! Sinuntok ko ang isang unan. “Bakit naman kasi may palapit-lapit pa siyang nalalaman? Ano 'yon, practice lang?” naiinis kong tanong.
Nasabunutan ko ang sarili dahil sa inis. “Pakshet! Ilang beses na ba akong napahiya ngayong araw?” Pinagsusuntok at pinaghahampas ko ang kama dahil sa kahihiyang naramdaman.
“Gaga kang talaga, Samantha,” inis na inis kong sermon sa sarili. “Bakit mo naman kasi ginawa ’yon?”
Napapitlag ako nang may kumatok. Kaagad akong napaayos ng upo. Inayos ko rin ang akong buhok na gulong-gulo.
“P-Pasok po,” tikhim kong sabi.
Nakangiting pumasok si Manang Nuring, may bitbit siyang isang tray ng pagkain. “Iha, ito na ang pagkain mo,” nakangiti niyang sabi bago nilapag sa lamesa ang dala. “Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka. Utos ito ni Nico,” dagdag pa niya.
Tumango lang ako at hilaw na ngumiti. Naiilang ako dahil sa kakaibang mga titig ni Manang Nuring. “Naku! Salamat po, Manang. Naabala pa namin kayo,” pilit ang ngiti kong sabi bago kinuha ang kutsara at tinidor.
“Walang anuman. Ano pala ang pangalan mo?”
“Samantha po, Manang,” tipid kong sagot. Gutom na gutom na ako at hindi ako makakain dahil nakatingin lang siya sa akin.
Tumango siya. “Kumain ka at matulog na. Maaga kayong aalis bukas. Sige, kumain ka at lalabas na ako. Ilagay mo lang sa labas, sa tapat ng pinto ang pinagkainan mo. Ako na ang bahala riyan.”
Tumango ako. “Sige po. Salamat po.”
Hinintay kong makalabas si Manang Nuring bago ko kinuha ang kutsara at tinidor. Mabilis kong nilantakan ang pagkain. Halos mabulunan pa ako sa sobrang pagmamadali.
Mabilis kong ininom ang isang baso ng juice. Uubo-ubo kong tinapik-tapik ang aking dibdib.
“Grabe naman 'yan. Dahan-dahan naman. Sa sobrang takam mo, maaga ka namang mamamatay,” anang Ellen na kapapasok pa lang. “Heto, dinalhan kita,” dagdag niyang wika sabay lapag ng dalang bowl.
“Ano 'to?” taka kong tanong.
“Ano pa ba, Ate, edi, ice cream.”
“Huh? Saan mo nakuha?”
“Si Kuya Kolas nag-utos na dalhan kita,” nangingiti na sagot ni Ellen. Napanganga ako. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakabihis na rin siya ng bagong damit. Maayos na rin siyang tingnan.
“T-Talaga?” naninigurado kong tanong.
Tumango si Ellen. “Kainin mo na ’yan, Ate Sam. Matutunaw na 'yan. Ako na magdadala nitong pinagkainan mo,”
Wala sa sarili akong sumubo. Napapikit ako. Manamis-namis. It melted in my mouth. “Wow! Ang sarap. Pangarap ko lang 'to dati. Hay, how I wish na makatikim din sina Nanay at Tatay nito,” bigla ay nalulungkot kong sabi.
“Ang ganda ng kuwarto mo, Ate Sam. Bagay sa 'yo,” rinig kong komento ni Ellen.
“Siyempre, maganda ako, eh,” mayabang kong sabi. “Siya nga pala, bakit nasa kalye ka?”
Bigla ay lumungkot ang mukha ng aking kaharap. “Maaga akong naulila kaya palaboy-laboy na lang ako,” sagot ni Ellen. “Ayaw ko ng pag-usapan at naiiyak lang ako,” nakasimangot niyang sabi.
“Pero, Ate Sam, bakit mo nga pala ako inalok na kumain?”
Natahimik ako at napaisip. “Siguro kasi, naawa ako sa 'yo? Wala na akong mga magulang kaya alam ko ang hirap.” Nag-iwas siya ng tingin at palihim na pinahiran ang luhang nakatakas sa kanyang mga mata. Tumingala siya upang pigilan ang sariling maiyak.
“Ano ka ba naman, kumakain ako ng ice cream. Dapat masaya tayo,” nakangiwi kong reklamo.
“Kasalanan mo 'yan, Ate. Ikaw ang nauna, haha,” aniya.
“Lumitaw ang ganda mo ngayon, ah,” komento ko. Maputi pala si Ellen.
“Psh. Salamat, mahal na Reyna ng Kahihiyan. Oh, siya. Lalabas na ako para makapagpahinga ka na rin. Dadalhin ko na ’to, ah?”
“Pinagsasabi mo, uy.” Pinagmasdan ko siyang lumabas ng kuwarto at ang pagsarado ng pinto. Tumatawa pa talaga siya. Ibinalik ko ang paningin sa kinakain.
“Hmp! Pasimple din 'tong si Kolas. Siguro suhol niya 'to sa akin. Ang lakas ng pitik niya sa noo ko kanina.” Kinapa ko ang aking noo. Masakit pa rin. Hindi naman siguro ito magkakapasa. “Ay, basta masaya ako dahil dito.”