Chapter 6
“A-aray ko po,” daing ko nang mapaupo ako sa sahig. Parang nayanig ang buong kaluluwa ko. Nakagat ko ang sariling labi at pikit-matang napangiwi dahil sa naramdamang sakit.
“Ay, Diyos ko po! Ma'am, a-ayos lang po ba kayo?” kinakabahang tanong ng isang babaeng nakabangga ko. Sa hinuha ko ay isa siyang kasambahay. “Pasensiya na po kayo, Ma’am. Hindi ko po kayo nakita,” hinging paumanhin niya.
Umiling ako. Hindi naman niya kasalanan. Ako ang bumangga, ako ang tumakbo. Pero ang sakit pa rin kasi. Hindi ko napansin na sumunod pala sa akin si Kolas.
“What happened here?” seryosong tanong ni Kolas nang makita akong nakaupo sa sahig.
“S-Sir,” nahihintakutang usal ng babae. “A-Ano po k-kasi—”
“A-Ayos lang ako,” putol ko sa sasabihin ng babae. “Nabangga ko siya,” saad ko. Pinilit kong tumayo pero nanginginig ang mga binti ko. Sa sobrang sakit ng puwit ko, parang nawalan ng lakas ang kalahating bahagi ng katawan ko. Nagtataka namang nakatingin sa akin si Ellen na kararating lang.
“Ate Sam, ano ang nangyari sa ’yo?” taka niyang tanong. Hindi ako makasagot. Hindi naman maipinta ang mukha ni Kolas.
Buntonghininga siyang lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo. Agad akong humawak nang mahigpit sa braso niya at pinilit kong ihakbang ang aking mga paa. Sunod-sunod akong napadaing ng maramdaman ang sakit sa aking balakang. Para itong kinukuryente.
“A-Are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Kolas.
Umiling ako at tuluyan ng napaiyak. “Ang sakit ng puwit ko,” lumuluha kong sabi.
“What? Bakit hindi mo sinabi? Dadalhin kita sa ospital!” mabilis niyang sabi.
Umiling ako nang umiling. “Ayaw ko. Wala akong pambayad. Saka kailangan ko lang naman magpahinga,” katwiran ko pa.
Ramdam kong hindi niya nagustuhan ang narinig pero hindi na siya nagpumilit pa. Lumingon siya sa dalawa. “Dani, samahan mo si Ellen sa kusina para makakain na, ” utos ni Kolas sa babaeng nakabangga ko.
Aligagang tumango si Dani. “Halika na po, Ma’am Ellen.”
Kunot-noo kong tiningnan si Kolas. “Bakit siya lang ang kakain? Gutom din naman ako,” nakasimangot kong sabi. Narinig ko pa ang pagtawa ni Ellen habang nakasunod kay Dani.
“Let's go to your room first. I’ll tell Manang Nuring to bring some food for you,” ani Kolas.
Tumango ako habang akay-akay niya. “Akala ko kasi hindi mo ako papakainin,” bulong ko.
“W-What?” gulat na tanong ni Kolas. “Bakit mo naman naisip 'yan? Tss. Stup*d,” aniya.
“Sus! Kung maka-stup*d ka naman. Stupid ka rin,” pambabara ko sa kanya.
Nilingon niya ako. Salubong na ang kanyang mga kilay. “Pinagsasabi mo?” kunot-noo niyang tanong.
“Well, stup*d ka kasi hindi mo na-realize na may crush ka sa 'kin,” pakindat kong sabi kahit biro lang naman iyon.
Nabitawan niya ako kaya naman napasandal ako sa pader. “Aray ko!” daing ko nang tumama ang braso ko sa matigas na poste. Kaagad naman niya akong hinawakan at mukhang gulat din siya sa nangyari.
“S-Sorry! Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo.”
“Psh. Naninisi ka pa. Malay ko bang pumitik na pala ang puso mo para sa 'kin.”
“Stop it or I'll drop you.”
“Okay po, Kolas. Mukhang bubuga na ng apoy ang butas ng ilong mo sa sobrang laki.”
Nagdadabog siyang naglakad kaya sumunod ako. Akay-akay pa rin ako ni Kolas nang makapasok kami sa isang kuwarto. Sakto lang naman ang laki nito. May sariling cabinet para sa mga damit, may study table, may vanity mirror at kumpleto ito sa gamit.
Tinulungan niya akong maupo sa kama. Kaagad akong nakaramdam ng ginhawa.
“Salamat,” sabi ko. Tumango lang siya bago tumalikod. Nilibot ko ang paningin sa kuwarto. Sobrang ganda. Gusto ko rin ng ganito kalaking kuwarto. Nasa pinto na si Kolas nang may naisip ako.
“Uy, Kolas, my boy. Sandali lang,” tawag ko sa kanya na ikinalingon niya.
Salubong na naman ang kanyang kilay. “What?” pagalit niyang tanong.
“Ano ka ba naman, talaga bang minu-minuto kang galit? Sino ba ang kaaway mo, ha?” Inirapan ko siya. “Iniisip ko lang kung paano ba ako makakabawi sa 'yo. Alam mo namang walang akong pera ngayon. Kailangan ko ng trabaho, kapag nakahanap ako’y babayaran kita.”
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Anyway, sa ngayon, sabihin mo lang kung ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo. Alam mo na, marunong akong magmasahe, hehe.” Kinabahan ako ng tingnan nang mapansing seryoso niya akong tinitigan.
“Basta magsabi ka lang,” dagdag ko pa.
Tuluyan siyang humarap sa akin. “Anything?” naninigurado niyang tanong.
Bigla akong kinabahan. Kagat-labi akong napalunok. “Oo naman, hehe,” Alanganin kong sagot.
Nahigit ko ang hininga nang maglakad siya papalapit sa akin. Mahigpit kong niyakap ang unan na nakaharang sa aking dibdib. Habang papalapit siya nang papalapit ay bumibilis din ang t***k ng aking puso. Nahihirapan akong huminga lalo na nang yumuko siya upang tunghayan ang mukha kong nakatingala sa kanya. Hinawakan niya ang aking baba, at dahan-dahan na inilapit ang sariling mukha.
Ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga labi ay mabilis akong napapikit at hinintay ang paglapat ng kanyang labi sa akin. Naramdaman ko ang kanyang hininga, kasabay ang isang pitik sa aking noo.
“Aray ko!”