Chapter 6

2058 Words
“Megan, I can't birth,” classic Val. Umaarteng nahihirapan huminga. “Siraulo, I can't breathe yun.” Sinamaan niya na lang ako ng tingin at nagbalik sa pagbabasa. “Nakakainis naman, seriously? It's already last day of our happiness? Gosh, I'm very not feeling good!” Pag-iinarte ni Val at ibinagsak ang hawak niyang libro na hiniram lang naman sakin. Nakapatong pa ang paa niya sa study table ko habang nakaupo siya sa upuan ko. “Oo, at napaka-aga pa para magreklamo ka sakin.” Ibinaba niya ang paa at tumingin sakin. “Ikaw naman, three months na nangliligaw sayo yang boylet mo ha. Ba’t hindi mo man lang hinaharap sakin?” aniya. “Pilit mo akong pinapauwi pag dadalaw siya dito, tapos bpag nasa labas naman siya ng gate niyo ayaw mo ako palabasin. May tinatago ka ba sakin?” Napangiti naman ako nang maalala siya. Hindi niya talaga ako hinahayaan na mag-isa. Niyakap ko ang teddy bear na binigay niya sakin at isinubsob ang mukha doon. Biglang tumunog ang phone ko, nagulat ako ng makita kung sino ang tumatawag. “Speaking of the devil!” Agad kumaripas ng takbo si Val at bago ko pa man makuha ang phone ko, mabilis na niya akong naunahan. “Hoy! Akin na yan!” “Natawag si Mr. Suitor niya, ano naman kayang kailangan nito?” mapang-asar niyang sabi habang kunwari'y ire-reject ang call. “Akin na kasi, Val!” pag-aamok ko. Tumawa siya ng malakas bago iabot ang cellphone sakin. Inirapan ko na lang siya at baka kung ano pang magawa ko pag gumanti ako. Hindi na ako nag-atubili pa at sinagot ko na ang tawag. “Hello?” “Hey, I'm outside. Can we talk?” Sa gulat ko ay halos matulak ko na si Val na nakatayo sa gilid ng bintana. At natanaw ko nga si Est mula sa di-kalayuan. Agad kong isinara ang bintana at tumingin kay Val. Kita ko rin naman ang pagkagulat sa reaksyon niya. “Ano yun?” walang boses niyang tanong. Agad kong kinuha ang cardigan sa gilid ng kama. “Wag na wag kang sisilip o lalabas ng bahay ha. Hintayin mo ako dito,” seryoso kong sabi bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Est na nakasandal sa black car niya. Suot niya ang white long sleeves na regalo ko sa kanya last week, naka-rolled up sa braso, exposing just enough skin to make your heart question its loyalty. Nakalapat nang maayos ang polo sa broad niyang chest, tucked in sa itim niyang slacks na mukhang mamahalin, pero effortless ang dating. May suot pa siyang wristwatch, simple pero classy, at talagang nakababaliw siyang tingnan. And don’t even get me started sa buhok niya, nakatali as usual, man bun. Bumagay ito sa suot niya, lalo na sa medyo singkit niyang mga mata. Pero ang pinaka-nakakabaliw? 'Yung tingin niyang diretso sa’kin, na para bang ako lang ang pakay niya sa mundong ‘to. “Bakit? May sasabihin ka ba?” Medyo kinakabahan kong bungad. Hindi ko kasi talaga alam ang pakay niya, hindi ko alam kung aayain niya ba ako for a date. Ngumiti siya, hindi buong ngiti pero sapat na para mabaliw ako. Just a smirk. Dahan-dahan siyang lumapit habang nakasuksok ang kanang kamay niya sa bulsa ng slacks niya. Iniabot niya sakin ang isang bouquet ng roses. Nagulat ako at hindi alam ang gagawin pero pilit akong ngumiti. “For you,” he said. Nanginginig ang mga kamay ko nang tanggapin ko yun. I have allergy with roses. Namamantal ako kapag naaamoy o nadidikit ito sakin. Tangina, sa dami-dami ng bulaklak sa mundo, roses pa talaga? But I didn’t want to offend or hurt him kaya tinanggap ko yun. “T-thank you,” my voice was shaking. I can feel the itch on my hands. s**t. Tangina talaga, bakit ang bilis kumalat? “I have to go, magmi-meeting kasi kami so... I’ll call you later.” Tumango ako at pinagmamasdan siyang pumasok sa kotse. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapakamot sa pulso ko. f**k this allergy! “Megan!” Narinig ko ang pagtawag ni Val. Dinaga ang puso ko at agad napatingin kay Est. Thank God, hindi na siya lumingon pa at nagpaandar na lang ng sasakyan. Inis akong lumapit kay Val. “What are you doing? Diba I told you na wag kang lalabas ng kwarto?” Kinuha niya ang roses na hawak ko at itinapon ito sa lapag. “Valkyrie!” Bago ko pa man makuha ang tinapon niya ay mariin niyang hinawakan ang pulso ko. “Ano bang problema mo?” Her eyes were full of anger. “May allergy ka dyan tapos hindi niya alam? Hindi mo sinasabi? Gusto mo na ba mamatay?” Hinawi ko ang kamay ko. “Bakit ka ba nangingialam?” “Kasi kaibigan mo ako! I just want to protect you like what I’m doing as always!” I laughed in pain. “Para maging bida ka?” I don’t really know what I’m saying right now. “Para ikaw na naman yung mabait? Yung mayaman? Yung simple lang at may effortless na beauty? Yung gusto ng lahat?” “Tinatanong mo bakit ayaw kitang ipakilala kay Est? Kasi tangina, Val! Lahat na lang naman ikaw!” My tears started to fall from my eyes. “Hindi ako insecure… wala akong pakialam kung sayo napupunta lahat ng mga lalaki na ‘yan, pero... wag naman si Est. Siya na lang meron ako.” I'm in pain. Pero hahit siya ay naluha na. “Putangina, sino bang nagsabing aagawin ko ‘yan sayo?! Alam mo... kilala mo ‘ko, Megan. Mula noon alam mo na kung sino ang taong hinihintay ko.” Napatigil ako. “Sa lahat... wala akong tinanggap. Even may nagugustuhan ako, I tried to hold it kasi may isang salita ako. Putangina, Megan. Hindi ko alam na sayo ko pa maririnig yung mga salitang ‘yan!” I stood still, I stunned. My mind went blank at her words echoed in my head. I couldn't move, I just..... froze. Fuck. I messed up. Pumasok siya sa loob at ilang sandali lang ay lumabas na dala ang bag niya, pareho kaming luhaan. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Sising-sisi ako. “Megan!” Hiro came to approach me, binalot niya ako ng tela at inalalayan akong maglakad. Hindi maalis ang tingin ko kay Val hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. It was unusually quiet. Habang naglalakad ako papuntang classroom, ramdam ko ang mga matang sumusunod sakin. Mga bulungan na tila bawat hakbang ko ay ako ang laman. Nakarating ako sa classroom at kagaya ng sa labas, malalalim rin ang mga tingin nila sakin. Nang makaupo ako ay nilapitan ako ni Jenny. "Teh, totoo ba yung sa inyo ni Val?" Napalunok ako ng ilang beses bago sumagot. "Anong sa amin?" Kinuha niya ang phone niya galing sa bulsa, sandaling natigil at tila may hinahanap. Pagbalik ng tingin niya sakin, ipinakita niya ang isang video. Nandun kami ni Val, nagtatalo. Rinig na rinig ang mga masasakit na salitang nabitawan ko. Mga salitang gumulo sakin buong gabi at naging dahilan ng mga pagluha ko. Hindi ako makatingin ng tuwid. Tumango ako habang pilit pinipigilan ang luha ko. "Grabe, di ko inakalang ganyan ka pala. Akala ko tahimik ka lang," sabi niya habang tinatago ang phone. "Kawawa naman si Val." Umalis siya sa harap ko na parang iritado. Ramdam kong lahat sila nakatingin sakin. Nagbubulungan rin sila na parang wala ako sa harap. Lumipas ang ilang araw. Akala ko noong una ay hindi magtatagal, maaayos rin ang issue. Pero mali ako. Habang tumatagal, lalong lumalala. Sinimulan na nila akong saktan physically dahil hindi na rin pumapasok si Val. Sinubukan ko siyang i-contact pero hindi ko siya sumasagot. Habang naglalakad ako pauwi, natanaw ko mula sa di kalayuan ang tatlong lalaki, sina Bryan at dalawa pa niyang kasama. Dating barkada ni Val. Pinilit kong ‘wag matakot at sinubukang lagpasan sila, pero hinarang nila ako. “Oy, si fake friend pala ‘to eh,” natatawang sabi ni Bryan. Nagtawanan rin ang dalawa at lumapit sakin. “Akala mo kung sinong mabait, insecure pala.” Pilit ko silang hindi pinansin at nananalangin na sana walang mangyaring masama. Lalagpasan ko na sana sila nang bigla na lang may humatak sa bag ko, halos matumba na ako. “Ano ba?!” sigaw ko. Nanginginig ako sa takot. “Nasigaw ka? Ang kapal ng mukha mong sigawan kami ah!” galit niyang sigaw pabalik. “Ano bang gusto mo?” Sinampal-sampal niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kamay niya. Unti-unti akong napaatras habang nakahawak sa sarili kong dibdib. “Bitawan niyo ako!” sigaw ko habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nila. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi lang sa takot, kundi sa kaba. Ramdam ko na ang panghihina, pero wala akong magawa. “Arte mo kasi, Megan. Akala mo kung sinong malinis, eh pakitang-tao lang pala,” bulong ng isa habang kinakaladkad ako palayo sa kalsada. Sinubukan kong sumigaw, pero tinakpan nila ang bibig ko. Ilang saglit lang, nasa likod na kami ng isang abandonadong building. Madilim. Walang dumadaan. Walang makakarinig. “Kung ayaw mong manahimik, kami na magpapatahimik sa'yo,” sabi ni Bryan, saka inihagis ang bag ko palayo at sinimulang hubarin ang jacket ko. Pilit akong nagpupumiglas, umiiyak, namumutla sa takot. “Wag... please… maawa kayo...” Bigla, isang malakas na tinig ang bumasag sa gabi. “Bitawan niyo siya.” Napalingon kaming lahat. Isang lalaki ang nakatayo sa may dilim. 'Di ko siya kita nang buo, pero may kung anong aura sa kanya, matalim ang tingin, matatag ang lakad. “Ha? Sino ka ba—” Hindi na natapos ni Bryan ang tanong. Isang mabilis at malakas na suntok ang dumapo sa mukha niya. Sunod-sunod na sigawan at hampasan. Tinumba ng lalaki si Bryan, sinipa ang isa pa, at ang pangatlo ay umatras sa takot. Hindi siya nagdalawang-isip. Galit ang bawat galaw niya, may dahilan, may paninindigan. Nang lahat ay tila tumigil, lumapit siya sa akin at dahan-dahang tinanggal ang jacket ko mula sa kamay ng isang lalaki. Tinakpan niya ulit ako. “Hindi ka na nila gagalawin,” malamig pero tiyak niyang sabi. Luhang-luha ako, nanginginig habang yakap niya ako. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya sa dilim, pero ramdam ko… ligtas na ako. Matapos ang katakot-takot na gabi ay nandito na naman ako. Gaya ng nakaraan ay bulungan at pandidiring tingin ang ibinabato sa’kin. Hindi ko na alam kung ano dapat kong gawin. Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko. Tumunog ang phone ko, notification galing kay Est. My poging suitor💋 “Meg, what time uwi mo?” “Same kahapon.” “Susunduin mo ba ako?” My poging suitor💋 “Sorry, may pupuntahan kasi kami nila Soren.” “Bawi ako bukas.” I'm just staring at his text. Very unusual. Before, he always made time. Kahit na ilang minutes lang. But now, hindi ko na alam. Paano ba makawala sa pag-ooverthink? May biglang malakas na tunog akong narinig mula sa pinto. Nakita kong iniluwa si Val sa pintong 'yon. Madumi ang suot niyang uniform at magulo ang buhok niya. Agad akong napaatayo sa pag-aalala. “Okay ka lang ba?” I couldn’t stop myself at tinanong ko na nga siya. Tumango siya at tipid na ngumiti. “They will never hurt you anymore,” she said. Almost in a whisper. “Everyone, please stop gossiping about my best friend. That time, she was just tired and upset. You weren't there when it happened, so please, let her breathe and live normally in this school.” Bumagsak ang balikat ko. Gustong lumabas ng luha ko pero agad kong pinigilan ito. “Val, pinapatawag ka sa principal's office.” Napayuko si Val. Tangina, sobrang naggi-guilty ako sa mga nangyayari. Hindi ko na napigilan ang luha ko at kusa na nga itong tumulo. Humarap siya sa’kin at kinuha ang kamay ko. “Babalik ako, don’t cry na, pangit mo.” pinunasan nya ang mga luha ko kamiy ang hinlalaki nya. I know she’s in pain, but she still find a way to laugh. Just to make me laugh. They love me without asking for anything in return. How do I live with the guilt of giving them nothing back?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD