Chapter 5

2038 Words
Sunlight warmed my face even before I opened my eyes. Tangina, ang aga-aga ero for some reason, hindi ko na kayang bumalik sa pag tulog. Tahimik pa rin ang paligid, walang tawanan, walang mga bata na nag hahabulan. Just me, the ceiling, and the faint hum ng electric fan sa tabi ko. For a moment, I let myself stay still. No pressure. No panic. Just… breathing. “kaya mo pa ba, Megan?” I whispered to myself, half-joking. Half-hoping I’d answer yes. Then it hit me. May naramdaman aong kakaiba sa dibdib ko. Hindi normal. Hindi ‘yung usual na nararamdaman ko pag kinakabahan ako. This one felt… mabigat. Off-beat. Parang may saglit na puwang sa pagitan ng t***k. I pressed my hand against my chest, slowly. Calmly. Pero habang hinahawakan ko ‘yung gitna ng dibdib ko, dun ko na ramdam ‘yung sikip. Parang may pumikit na kamao sa loob ko. Slowly nut strong and heavy. “s**t…” Napaupo ako, pilit hinahabol ‘yung hininga ko. Isa… dalawa… ang bagal ng pagpasok ng hangin. At parang ‘di sapat. I clutched my shirt, binalot ng kaba. Hindi ito first time, pero ngayon lang ganito kasakit. Ngayon lang ako naka ramdam na para bang may batong naka bara sa dibdib ko na syang pumipigil sa pag hinga ko. Narinig ko ang ring mula sa cellphone ko na naka patong sa ibabaw ng kama ko. Kahit na nahihirapan ay kinha ko ito. “Est...” Nanghihna at nahihirapan kong pag tawag sa pangalan nya matapos sagutin ang tawag. “Megan? Anong nangyari? Bakit ganyan ang boses mo?” “Est... Please help me” Est's POV: Napatayo agad ako mula sa pagkakaupo. “Megan? Anong nangyari? Nasaan ka?” She didn’t answer, but I could hear it, yung bigat ng paghinga niya sa kabilang linya. Mabigat at tila nahihirapan. “Megan, baby, listen to me. Just hang on, okay? Tell me, where are you?” “B-ba…” She didn’t get to finish. May narinig akong tunog ng pagbagsak. Then nothing. Just silence. “f**k, Megan.” No. This can’t be happening. Agad kong sinilip yung location pin niya sa GC. Nando’n pa rin siya sa bahay nila. Hindi siya gumalaw. Marami akong dapat gawin ngayon. Pero walang kahit anong bagay ang mas mahalaga kesa sa kanya. Kahit hindi pa ako nakapagbihis nang maayos, I didn’t care. I grabbed my keys and drove like hell. Pagdating ko sa bahay nila, walang tao sa labas. The gate was closed. Putangina talaga. It's locked. Wala na akong inisip kundi makaakyat sa bakod. Pagkalagpas ko, diretsong akong kumatok. Malakas at sunod-sunod, tipong kaht kapit bahay ay magigising. “Megan! Si Est ‘to, please buksan mo!” Napapaos kong sigaw. “Please, open the door!” Napalayo ako saglit, ready na akong sirain ‘yung pinto when I heard a small voice from inside. “Wait po.” Pamilyar na boses ang nag pa tigil sakin. Mukhang boses ng bata. Sumilip ang isang batang lalaki, si mak. Hindi pa bukas ang pinto, tipong ulo pa lang ang kasya doon. “Kuya Est, kayo po pala,” sabi niya bago niya binuksan ang pinto. “Nasaan si Ate Megan mo?” I tried to stay calm kahit nanginginig ang boses ko, “Tulog pa yata, nasa taas po.” Hindi ko na siya sinagot. Dumiretso na ako sa taas, at tumapat sa kwarto ni Megan. “Megan?" huminga ako ng malalim, pinipilit kong kumalma at pinipigilan ang sarili na sirain ng pintuan na nasa harap ko. “Megan, please open the door.” Hindi na ako mapalagay. Putangina, Megan. Bumuwelo ako, at buong lakas na binangga ang pinto. Isa, dalawa, tatlo, tatlong beses hanggang sa nabuksan ko rin. Pagkapasok ko para akong nawala sa sarili for a seconds. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. “Megan!” Halos sumigaw ako. She was on the floor. Unconscious. Hindi gumagalaw. Agad akong lumuhod sa tabi niya. Hinila ko siya sa bisig ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya, but she felt limp. Parang wala nang lakas. I didn’t know how I managed to drive to the hospital. Blanko utak ko. My hands were cold, but I gripped the wheel like my life depended on it. Pagdating sa ER, I carried her inside. “Nurse! Please help us!” I shouted. “Emergency!” sigaw ng nurse. “Anong nangyari sa kanya?” “S-she called me. She could barely breathe.” “May tinitake ba siyang gamot?” “Yeah. Montelukast, every night. Then she carries Asmalin and Ventolin. Sabi niya, ‘pag napagod siya or biglang hingalin…” i said. My voice cracked. My hands wouldn’t stop shaking. I kept rubbing my elbows just to stop myself from falling apart. “Okay, sir. Kami na po ang bahala. Please wait outside.” I nodded. I didn’t know what else to do. The ER was freezing, but mas malamig yung kaba sa dibdib ko. Parang anytime, bibigay na lang ‘yung tuhod ko. I sat on the bench, still catching my breath, pero wala pa ring balita. Then, a nurse approached. Hawak niya ‘yung chart. “Sir?” medyo diretso ang tono, pero hindi bastos. “Ikaw po ba ang kasama ng patient na si Megan Faye Isolde?” “Opo,” agad kong sagot. “Ako po ‘yung kasama niya kanina.” I tried to stay composed, pero ramdam ko ‘yung bigat ng boses ko. “May kamag-anak po ba kaming pwedeng tawagan?” “Wala po. Nasa probinsya parents niya. Ako na lang muna. Please.” I lied. She paused, looking at me for a few seconds like she wanted to ask something else. “Relation to patient?” Napatigil ako. I wanted to say, 'Mahal ko siya.' But that wasn’t the question. And maybe… it wasn’t the truth. “Kaibigan,” I said, almost in a whisper. She nodded, wrote on the paper the words Friend (Companion). Ang sakit basahin. Kahit hindi ko pa nakikita. Para akong sinampal ng reality. Hindi ko na rin lam ang nararamdaman ko. “Thank you, sir,” sabi niya, bago siya tumalikod. I sat back down.Tumingala ako sa kisame. Feeling ko, ‘yun na lang ang bagay na magagawa ko for her. I wasn’t her boyfriend. I wasn’t family. But I was here. And for now… I hoped that was enough. Megan's POV: Nagising ako dahil sa boses ng kung sino na pauli-ulit tinatawag ang pangalan ko. Mainit ang palad ko na tila ba may naka hawak dito. Unti unti kong iminulat ang mata ko at nadatnan ko si Est sa tabi ko habang umiiyak hawak-hawak ang kamay ko. “Megan... I'm sorry, sorry for everything” He's crying? “Pag gising mo, i promise that i wll treat you better. So... So please..” Because of me? Gan'to pala ang pakiramdam na may taong takot na mawala ka? Mas masaya pa 'to kumpara sa pag upo sa rooftop habang nag iisip ng magagandang ala-ala. Dahan-dahan kong iginalaw ang kanang kamay ko at hinimas ang buhok nya. Agad s'yang napa angat ng tingin sakin “M-megan? Ayos kana ba? Tatawag ako ng nurse?” Sunod sunod ang tanong nya at hindi alam kung ano ba ang dapat na unang gawin. Pero bago pa man s'ya tuluyang maka alis ay hinawakan ko na ang kamay n'ya. “Dito ka lang” mahina kong sabi. His eyes were shining while looking at my faces. Maya maya lang ay bumalik sya sa pag kakaupo. Ramdam ko ang panlalamig ng mga palad nya pero mas ramdam ko ang pag higpit ng hawak sa kamay ko. Mga tingin nya na even without words, parang sinasabi na 'nandito lang ako' paulit ulit na bumubulon yun sa tainga ko. Sa mahigit isa't kalahating oras ay nag usap lang kami ni Est, nung una ay tinatanong ko kung ano ba ang nangyari dahil wala talaga akong maalala pero hindi nya rin naman sinabi lahat. Pilit nyang iniiba ang topic na para bang gusto nya munang maging masaya kami habanv nag hihintay. Matapos ang matagal na pag hihintay ay nag bukas ang pinto at iniluwa doon ang doctor na may kasunod na dalawang nurse. Agad naman tumayo si Est. “Kamusta po ang result? Ano po ba nangyayari sa kanya?” “Sa ngayon, hindi pa kami makakapagbigay ng final diagnosis,” paliwanag ng doktor, habang seryoso ang tingin kay Est “May nakita kaming irregularity sa ECG at echocardiogram nya, pero para makasiguro, kailangan nya munang sumailalim sa isang mas detailed test, Cardiac MRI. Hindi namin pwedeng pangunahan habang wala pa ang result." Tumingin sakin si Est at ngumiti na parang sinasabing ‘magiging okay rin ang lahat’ hawak nya parin ng mahigpit ang kamay ko kaya hindi ko nararamdaman na mag isa ako. Matapos nilang mag usap ay nag handa na kami para umuwi. Pwede na ako mumwi at mag pahinga dahil babalik parin naman ako after 3 days para mag pa test ulit. May part sakin na nag aalala. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari at maging resulta ng test. Anong gagawin ko pag positive? Paano na? "Megan," natauhan ako ng maramdaman ang pag hawak ni Est sa braso ko. Bakas sa mukha nya ang pag aalala habang naka tingin sakin. “B-bakit?" “Sabi ko tara na, kanina pa kita tinatawag, okay ka lang ba?” malambing nyang tanong. Tumango nalang ako at pinilit na ngumiti. Hindi kami nag lakad gaya ng palagi naming ginagawa. Since may dala syang kotse ay ayun ang ginamt nya pang hatid sakin sa bahay. Napaka bilis ng oras, akalain mo hapon na agad. Ni hindi manlang kami nakapag usap ng matagal. Nang maka rating kami sa harap ng bahay ay agad akong pinag buksan ng pinto ni Est. Inalalayan pa nya ako sa makalapit sa gate. “Kaya mo na ba? Gusto mo samahan kita para mag explain?” Tuwid ko s'yang tiningnan at umiling “hindi na, Est. Sobra sobra na kitang naabala ngayong araw” He just nodded “call me if may kailangan ka ha?” I smiled and nodded. I was just staring at him habang ini-start nya ang kotse nya. Hindi na sya lumingon pa sa gawi ko at nag paharurot na ng sasakyan paalis. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Pinilit kong itago ang panghihina ko pati na rin ang maputla kong labi. Sa loob, nadatnan ko silang lahat na masayang nag sasalo-salo. Nag tatawanan, nag kukulitan. Hindi usual vibe sa bahay na'to pero napaka saya nilang pagmasdan. Sana'y kaya ko rin maging masaya. Mag pasaya. Natatakot ako na baka.. kung positive ang result hindi na nila magawa pang tumawa at maging masaya. Maybe... This is what people truly fear when it comes to life. Not pain. Not even death. It's the reality. Reality is scarier than death. “Megan, nandyan kana pala, dito ka na, saluhan mo na kami" sandali akong natulala. Do i deserve this? Deserve ko ba sila? Just thinking na posible ko silang masaktan in the future makes me scared to sleep again. Ngumiti ako ng pilit at lumingon kay Tita Elena na may mga matang nag tatanong. Tapos na silang kumain habang ako ay halos hindi nagalaw ang pagkain. Nag sisimula na rin silang mag ligpit ng pinag kainan nila. “Ate megan, si kuya Est nasa labas” agad akong napa lingon ng marinig yun. Anong ginagawa nya dito? Agad akong lumabas at natagpuan ko sya sa harap ng gate habang kumakaway sakin. Parang may sariling buhay ang labi ko at bigla nalang akong napangiti. “Bakit bumalik ka?” Tanong ko habang binubuksan ang gate. Inabot nya sakin ang isang Teddy Bear. Hindi maliit at hindi rin naman sobrang laki. “Para san 'to?” “Kapag feeling mo mag isa ka lang, isipin mo ako yan. Lagi mo akong kasama” It felt like my heart was overflowing with love when he smiled at me. Nag pakita pa ang dimple nya sa kanang pisngi, at pati narin yung mga mata nya, they were smiling too, at para sakin 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD