Chapter 4

1892 Words
Tahimik kaming naglalakad ni Est. Kaunti na lang ang mga tao dahil maggagabi na. Isa-isa nang nagsasara ang mga tindahan sa tabi, at ang araw ay unti-unti nang lumulubog. “Megan,” basag ni Est sa katahimikan. Agad akong lumingon sa kanya habang sabay pa rin kaming naglalakad. “Hmm?” “Thank you for giving me chance to prove myself to you, hinding-hindi kita sasaktan.” I looked at him. Our eyes met. Hindi ako umiwas ng tingin na para bang gusto ko nalang na titigan s'ya buong hapon. Parang hindi totoo na may kaharap akong anghel. “I love your smile, I love when your eyes look at me like I’m the only person in this world,” I said. “Thank you... Thank you for making me feel safe.” He gently held my hands, his eyes never living mine. “My smile? Sayo lang ‘to lumalabas.” And again, ngumiti sya na parang walang bukas. Pinag masdan ko ang dimple nya sa kanang bahagi ng pisngi nya. I wish this day wouldn’t end. I don’t know why, but for some reason, I feel safe around him. I feel like I wouldn’t get hurt when I’m with him. Maraming araw ang dumaan. Patagal nang patagal, mas lalo akong naging comfortable around him. We’re just two teenagers, deeply in love. We can make mistakes, but we can fix them. For almost two months, he hasn’t hurt me, mentally, emotionally, or physically. He takes care of me. Nasa harap kami ng coffee shop, medyo malakas ang hangin pero hindi ako nagreklamo. Kasama ko si Est, hawak ko ang mainit na tasa ng gatas habang nagkukuwento siya ng kung anik-anik tungkol sa isang project niya sa school. Natawa ako sa kwento niya, lalo na nang pabiro niyang pupunitin ang hawak niyang papel. Nag kalat pa s'ya pero nilinis n'ya rin naman. “You're always so clumsy,” sabi ko, habang may mapang-asar na tingin. “Clumsy? I prefer spontaneous,” sabi niya, sabay tawa at hawi sa buhok. tumawa nalang ako at napa-iling. Hindi ko namalayang ilang oras na pala kaming nandito. Walang pressuring moments, just him, his laughter, and my heart feeling lighter every time he spoke. Hindi ko alam kung anong araw nang biglang dumating si Est sa bahay namin na may dalang pizza. “Huwag kang magtaka,” sabi niya habang ibinaba ang apat na box ng pizza sa lamesa. “Bawal magutom ang girlfriend ko.” Pinaningitan ko sya ng mata matapos nya akong ngitian ng nakaka lok. “Girlfriend ka d'yan.” I just stared at him, surprised, pero hindi ko siya pinigilan. He didn’t even ask for permission, he just showed up. Hindi ko rin naman ako annoyed. Ang totoo ay masaya ako dahil binibigyan nya pa rin ako ng assurance. The next day, mas madalas pa kaming magkasama, naglakad kami papunta sa isang park, hindi kami nagmamadali. Nasa tabi kami ng isang malaking puno, tahimik lang habang hawak ang kamay ng isa't isa. I think we were both just enjoying each other's presence. “Megan, sana di na matapos ‘tong araw na'to,” sabi niya, habang nakahiga sa hita ko. “I’d want this moment to last forever.” Pakiramdam ko nanalo ako, at siya ang premyo. Yung feeling na, finally, after years ng kadiliman, natagpuan ko rin ang liwanag. A few days later, tumawag siya sa phone. “I miss you,” sabi niya, hindi na kailangan ng maraming salita. Ramdam ko ‘yung sincerity. We didn’t need to do anything extravagant. Parang bawat minuto, kahit magkalayo, connected kami at ramdam pa rin namin ang care ng isa't isa. At sa pagtatapos ng linggong ‘yun, nakaupo kami sa tapat ng bahay ko. Hindi ko alam kung bakit, pero alam ko na wala nang makakapigil sa ‘min. A week’s gone by, yet it felt like it was just yesterday when we first started spending time together. Wala namang drama, walang away at problema, basta, it felt right. Hindi ko nga alam kung ano bang kabutihan ang nagawa ko nung past life ko para bigyan ako ni God ng gantong gentleman na lalaki sa buhay ko. “Megan! Bumaba ka na, kakain na!” Rinig kong sigaw ni Tita sa baba. Agad na akong nag ligpit ng higaan at bumaba sa hagdan. Ang mga bata ay nasa lamesa and ready to eat na, habang si Tita naman ay naghahanda ng pagkain. Napa-lingon ako sa upuan kung saan nandun si Val at umiiyak. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya. “Bakit ka naiyak?” nag-aalala kong tanong. Tumingin siya sa akin, at nakita ko ang mga mata niyang pula. Noong una, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa hikbi, pero nang tingnan ko ang cellphone niya, doon ko naintindihan. Naiyak siya dahil sa video prank. Masyado siyang cry baby, makita lang niya na kawawa ang reaction ng isang tao, kahit pa funny video ito, naiiyak na siya. Siya lang yata ang kilala kong mahilig sa away pero soft-hearted. “Tama ka na d'yan, tumayo ka na, kakain na tayo,” sabi ko bago tumayo. Tinulungan ko si Tita na maghatid ng mga plato sa lamesa. Tumingin ako sa paligid at napagtanto na wala si Hiro. “Tita, san po si Hiro?” tanong ko. “Nasa work niya,” sagot niya. “May nag-offer sa kanya ng work last week,” dagdag pa niya. “Anong work po? Wala naman siyang sinasabi sa ‘kin. At tsaka Tita, next week na po ang simula ng pasukan.” Tumingin siya sa akin na parang sinasabing hayaan ko na lang. Pero hindi ko talaga kayang hayaan na lang siya. “Tita naman, alam niyo naman po ang kundisyon ni Hiro, hindi ba?” I said. “Paano na po kung hindi na siya makapagtapos? Sayang naman lahat ng pinaghirapan natin at ang mga tulog ng pamilya ni Val.” Huminga s'ya ng malalim bago mag balik ng mata sa'kin “Wala ka bang tiwala sa kanya?” “Meron syempre! Pero alam n'yo naman sya Tita, hindi nya kakayanin” Parehas kaming napalingon sa likod ko nang may marinig na mahinang kalabog. “H-Hiro...” Nakatayo siya roon, hawak ang backpack niya, hindi niya alam kung saan siya pupunta, kung babalik ba sa labas o tataas ng hagdan. Ngumiti siya, pero lutang, pilit. Nakikita ko kung paano namumuo ang luha sa mga mata niya, pero pinipilit niyang hindi ipakita. “S-sorry, babalik na lang ako pagkatapos niyong mag-usap,” sabi niya, basag ang boses. Agad syang nag lakad ng mabilis palabas ng gate. Tangina talaga. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, hinabol ko siya, halos mabangga ko pa ang pinto. “Hiro! Hiro, sandali!” Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa rin humarap. Kita ko ang mahigpit na pagkakakuyom ng kamay niya, puting-puti na ang mga buko ng daliri. Dahan-dahan akong lumapit, humarap sa kanya. Kitang-kita ko ang mga mata niyang namumula, ang panginginig ng labi niya habang pilit niyang nilulunok ang sakit. Hindi niya kailangang magsalita, ramdam ko na. Pero nagsalita pa rin siya kahit na basag ang boses. “Sorry ha...” umiling siya, pilit na tinatawa-tawanan ang sarili. “Sorry kung... kung hindi ako matalino kagaya mo... Sorry kung dalawang beses na akong bumagsak kaya nawala na ‘yung tiwala niyo sa ‘kin.” Pilit niyang pinunasan ang mga mata niya gamit ang likod ng kamay, pero wala rin, tuloy-tuloy pa rin ang mga luha niya. “Hiro... that's not what you think—” Umiling siya ulit, mas madiin ngayon. Napapikit siya, mahigpit, mariin, parang gusto niyang burahin lahat ng naririnig niya. “Alam ko naman, eh... Naiintindihan ko. Pero kayo?” Tumigil siya. Kinagat niya ang labi niya, pilit pinipigil ang hikbi. “Naiintindihan niyo man lang ba ako?” Yung kamay niya, nanginginig na. Yung mga tuhod niya, halos bumigay na rin. Bawat malalim niyang paghinga, ramdam ko, hindi siya humihinga para mabuhay, humihinga siya para lang hindi sumabog sa sakit. “Tangina, Megan...” He gathered his courage to countinue, buthis voice was shaky and cracked. “Alam mo ‘yung pinagdaanan ko... nandun ka nung mga panahong ‘yon. Akala ko, naiintindihan mo ko. Akala ko hindi ko na kailangang ipaliwanag.” Halos mawalan na s'ya ng boses. Umiiyak pero pinipilit pa ring maging matatag. “Pero... hindi.” I didn’t know how to bear the weight of his pain. I didn’t know what to say. All I knew was, I hated seeing him like this, his face full of tears, struggling even though it was obvious he was drained. Dahan-dahan kong hinawakan ang braso niya. Hindi siya gumalaw, he wouldn't even look at me. Pero hindi rin siya umatras. “Hiro...” bulong ko, pabulong lang, baka mabasag ko siya nang tuluyan pag lumakas pa. “I'm sorry. Hindi kita hinuhusgahan. Hindi ka namin hinuhusgahan. Natatakot lang kami para sa ‘yo. Kasi mahalaga ka sa amin. Sobra.” His shoulders were shaking. Isang malalim na hikbi ang binitiwan niya bago siya tuluyang napaluhod. Hindi dahil sa kahinaan, kundi dahil sa bigat ng lahat ng kinimkim niya, sa pagod na hindi na niya kayang itago. Lumuhod din ako, walang pakialam sa paligid o sa mga taong nakaka kita samin. Yumakap ako sa kanya. Yumakap siya pabalik, mahigpit, parang ako na lang yung natitirang anchor niya sa mundo. “Okay lang, Hiro...” bulong ko habang hinihimas ang likod niya. “Hindi mo kailangang maging kagaya ko just to make us proud. Hindi mo kailangang maging kung sino man sa paningin ng ibang tao. Proud kami sa ‘yo. Kahit ilang beses ka pang mabigo... mahalaga ka pa rin.” Narinig ko ang mahinang pag-iyak niya sa balikat ko. Hindi siya nagsalita, pero sa bawat pagpikit niya, sa bawat panginginig niya, ramdam ko ang bigat ng paghingi niya ng tawad, at ang takot niyang mawala kami. At sa isip ko lang, sana kayanin pa niya. Sana kayanin pa naming buuin siya ulit. At kung hindi... handa akong samahan siya, kahit ilang ulit pa siyang mabasag. Nang kumalma na siya, sinamahan ko na siyang pumasok sa loob. Hindi pa pala sila kumakain at hinihintay pa kaming makabalik. “Maupo na kayo,” salita ni Tita. Tila ba may guilt sa mga boses niya. Tahimik kaming lahat na kumain. Pansin ko ang madalas na pagsulyap sakin ni Val, pero hindi ko na lang siya pinansin. Matapos kumain, nagligpit na kami ng pinagkainan. Si Tita at Hiro ay nasa labas, nag-uusap tungkol sa nangyari kay Hiro. Pasimpleng umubo si Val at dahan-dahang lumapit sakin. “Ano ba yung nangyari kay Hiro?” tanong niya. Tamad kong ibinaba ang hawak kong plato at tumingin sa kanya. “Wag kang chismosa.” Hindi na lang siya sumagot at nakangusong bumalik sa pwesto niya. Mahirap ang pinagdaanan ni Hiro nung junior high siya, dalawang beses siyang nagbalik sa 4th year niya dahil sa problema niya. May panahon na halos hindi na niya gustong mag-aral at gusto nang tapusin ang buhay niya. Pero lumaban siya. At dun ako humanga sa kanya. Kahit na mahirap at nakulong siya sa madilim niyang nakaraan, ay nai-ahon niya pa rin. Natatakot lang ako na baka bumalik ang takot niya pag nangyari ulit yun. Pero sa tingin ko, ang kailangan niya ngayon ay ang suporta namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD