Habang dahan-dahan akong naglalakad, maingat ko ring pinakikiramdaman ang paligid.
Shit, sana talaga tulog na sila! Mapapagalitan talaga ako ni Tita.
“Isa... Dalawa... Tat— ay, kabayo!”
Halos atakihin na ako sa gulat nang biglang bumulaga sa harap ko si Hiro, hawak-hawak ang isang baso na may lamang malamig na tubig.
“Maka-kabayo, mas mukha ka pa ngang kabayo” mataray niyang sabi. Akala ko hindi na niya ako tatanungin pero habang nilalampasan ko na siya, bigla siyang nagsalita.
“Saan ka galing? Sinong kasama mo?”
I slowly turned to him, forcing a smile.
“Ahh... s-si Val, sino pa ba?” Palusot ko.
“Sinungaling. Nung umalis ka, nandito si Val. Nung umuwi ka, kakaalis lang niya” aniya.
Napakagat ako sa ibabang labi at pinag sisisihan ang sinabi.
Sa dami-raming palusot, bat 'yun pa? Tanga mo talaga, Megan!
Instead of smiling, I glared at him.
“Ikaw nga... ikaw nga ang uminom ng malamig na tubig. Isusumbong kita kay Tita bukas!”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-daling tumakbo paakyat sa kwarto ko.
“Tanga, ikaw ang bawal uminom ng malamig rito!”
Narinig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko na lang pinansin.
Pagkapasok sa kwarto, agad kong isinara ang pinto at isinandal ang likod ko dito.
Nakakainis talaga si Hiro! Lahat na lang napapansin. Akala mo kung sinong angel.
I took a deep breath.
Isa... dalawa... tatlo.
I tried to calm myself, pero ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko, hindi lang dahil sa kaba na mahuli, kundi dahil... dahil dun sa nangyari kanina.
I walked towards the window and lifted the curtain slightly. Madilim na sa labas, pero parang nakikita ko pa rin yung nangyari kanina.
Bakit pa kasi ako pumayag?
I sat on the edge of my bed and pulled my phone from my bag. Binuksan ko ang messages, walang bagong text mula sa kanya.
Gago ka rin eh. Hindi manlang nag chat?
Pero kahit galit ako, hindi ko maiwasang maghintay.
I closed my eyes for a moment, letting the memories rush back.
Ang ngiti niya, yung titig na parang ako lang ang tao sa paligid. Pero sa huli... may sinabi siya. Isang bagay na hanggang ngayon ay ayaw kong paniwalaan.
Napaupo ako ng tuluyan, halos sumubsob sa unan.
Hindi dapat ako umasa. Hindi dapat ako sumama. Pero bakit parang ang hirap-hirap kalimutan?
Kinaumagahan ganon ulit ang routine.
Babangon, maglilinis ng kwarto, at pupunta sa kusina para mag-almusal. Mamaya ay tutulungan ko si Tita magtinda ng gulay sa palengke, dahil Monday ngayon at maraming mamimili.
“Saan ka galing kahapon?” Agad akong napaangat ng tingin kay Tita nang magtanong siya.
I froze.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Dapat ba akong magsinungaling? Ay, bahala na!
“Pinuntahan ko po kasi 'yung friend kong babae, natatakot daw po siyang mag-isa eh” pagsisinungaling ko. Sana gumana!
Nagulat ako nang bigla niyang ibagsak ang hawak niyang kutsara sa lamesa. Galit siyang tumingin sa akin.
“Megan, kailan ka pa natutong magsinungaling?”
Napalunok ako ng ilang beses sa kaba. “S-sorry po,” sabi ko, halos pa-hikbi. “Nakipagkita po ako kay... Est” nakayuko kong pag-amin.
Hindi siya sumagot kaya napilitan akong itaas ulit ang tingin ko.
Kumalma na ang itsura niya pero alam kong galit pa rin siya dahil hindi maalis ang tingin niya sa akin.
“Papuntahin mo siya dito kung manliligaw siya sa'yo. Hindi 'yung tumatakas ka pa para makita siya.” Nagkatinginan kami ni Hiro nang marinig 'yon.
Wait lang. Tama ba 'yung narinig ko? Pumapayag siya na magpaligaw ako?
Matapos kumain, nagligpit na kami. Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang inaalala ang sinabi ni Tita.
Napalingon ako sa phone ko na nakapatong sa lamesa nang mag-ring ito. Agad ko itong kinuha at nakita ang pangalan ni Est sa screen.
I cleaned my throat first before answering the call.
“Hello?” mahina kong bati.
“Good morning, ganda.”
I laughed quietly.
“Ganda ka d'yan. Ba't ka napatawag?”
He sighed before speaking.
“Wala naman. Na-miss lang kita” he said. “May plano ka ba today? Wanna grab lunch?”
Tumingin ako sa paligid at pinag masdan ito, naka-kalat ang mga laruan, mga gulay na ire-repack, at bigas na tatakalin para itinda.
“Not sure... Busy kasi eh. Next time baka pwede” sagot ko habang kinakamot ang batok.
“No worries. May pupuntahan ka ba?”
“Oo, tutulungan ko si Tita magtinda sa palengke,” sagot ko.
“Ohh... Okay. Update me when you're free. Ingat” malambing niyang sabi, at hindi ko napigilang mapangiti.
“Sige, see you.”
Hindi ko na siya pinag-salita pa at pinatay ko na ang tawag.
Mainit na ang sikat ng araw nang makarating kami ni Tita sa palengke.
Agad kaming naglatag ng mga gulay, kamatis, sibuyas, talong, habang ako naman ang abala sa pagbibilang ng sukli.
“Uy, Megan, paki-abot nga 'tong—” Naputol si Tita nang may anino'ng humarang sa harap ng pwesto namin.
Paglingon ko, halos malaglag ko ang supot ng sibuyas.
Si Est.
May hawak na dalawang iced coffee at paper bag ng hopia.
“Hi” medyo hingal niyang bati. “Sabi mo busy ka, so naisip kong dalawin ka rito. Kahit sandali lang.”
Tahimik lang si Tita. Pinagmasdan niya si Est mula ulo hanggang paa, tapos tumingin sa akin.
“Iyan ba 'yung Est?”
Tumango lang ako, trying not to look too obvious na kinikilig.
Tita just nodded at saka nagpatuloy sa pagtanggal ng goma sa mga talong.
“Wag kang sagabal sa trabaho ha” sabay ngiti nang kaunti, tipong hindi mo alam kung friendly smile o warning na, eh.
“Hello po” bati ni Est. “Ako po si Est.”
“Oo nga” sagot ni Tita, deadpan. “Nanliligaw ka kay Megan, diba? Wag mo na'ko paikutin.”
Natawa ako sa gulat na reaction ni Est, pero hindi siya na-off. Ngumiti lang siya, parang mas lalo pang ginanahan.
“Ganyan lang s'ya pero promise, mabait yan” bulong ko, nahihiya pero aliw.
“Do you want this?” alok niya ng iced coffee.
I grabbed it immediately. “Pwede na rin. Nag dala ka pa talaga.”
“Gusto kong ipakita na di lang ako pang-text” sabay kindat niya.
Ngumiti ako, kunwari walang epekto. Pero sa totoo lang, sumabog na yung puso ko sa loob.
Biglang lumitaw si Hiro mula sa likod ng pwesto.
“Uy, may bisita pala. Hindi ka ba masyadong busy, Est?” May ngiting mapang-asar pero may tonong bantay, as always.
“Hayaan mo na 'yan” irap ko kay Hiro.
Tatawa na sana si Est pero may dumaan na parokyano kaya tumulong pa siya mag-abot ng sukli.
Si Tita na kanina pa tahimik biglang nag tanong casual lang ang tono “Marunong ka bang magtinda, Est?”
“Yes po, my father is a businessman po.”
“Hm.” Tumango lang si Tita, parang okay na sa kanya 'yung sagot. “Tuloy ka lang. Tingnan natin kung uulit ka pa.”
Ngumisi lamang ang lalaki at inayos ang suot nyang damit bago pumwesto sa unahan.
“Bili na gulay! Fresh na affordable pa!” Sigaw nya dahilan ng pag tawa ko ng patago.
Pero nabawi rin dahil gad akong namangha nang biglang mag lapitan ang mga mamimili. Karamihan sa kanila ay mga dalagang babae na tila sabik na sabik makita si Est.
Gwapo naman kasi talaga si Est. Isa pa normal lang sya pumorma hindi kagaya ng iba na jologs. Bumabagay din sa kanya ang buhok nya na nag mistulang tangkay ng mansanas dahil sa pamamaraan ng pag ipit nito.
“Pogi, okay lang maki picture sayo?” Nag tanong ang isang dalaga. Tumingin agad sakin si Est dahilan ng pag iwas ko ng tingin.
“Hold on, let me ask that beautiful girl over there first. ” rinig kong sabi ni Est.
Namilog ang mga mata ko at agad na napalingon sa kanya. Naka tingin sya sakin habang may matamis na ngiti na nag pa bilis ng t***k ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy gusto na nitong kumawala sa loob ko.
“Megan?” Pag tawag n'ya sa pangalan ko na parang hinihingi ang sagot ko.
Napa singhap ako bago sumagot. Hindi ko din alam kung saan ba dapat ako tumingin, sa kanya ba o sa mga babae. "O-oo, sige lang"
Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko at nag simula na rin mag-init ang magka bilang pisngi ko kaya agad ko na silang tinalikuran.
Woahh. Chill, Megan. Ano bang nangyayari sayo.
Habang hindi ako mapakali at pinipilit ikalma ang sarili ay may bilang kung sinong mag salita kung saan.
“Kilig na kilig? Kulang nalang sumayaw ka dyan eh”
Halos mapatalon na ako sa gulat at lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig yun. Agad kong hinanap kung saan ito nanggaling at ayun sya.
Si Hiro.
Naka siksik sa gitna ng mga galon habang nakaupo na parang batang nakikipag taguan sa mga kalaro nya.
“Bwiset ka talaga, akala ko kung sinong demonyo!” My heart almost jumped out of my chest, akala ko katapusan ko na.
“bat ka ba nandyan? kabote kaba ha?”
Tumayo s'ya and he shifted his weight from one foot to another, parang may gusto syang sabihin pero hindi niya alam paano sisimulan.
“Megan” he said, voice a little lower. Napatingin ako sa kanya.
“Ano? Bakit parang ang seryoso mo?”
He chuckled, pero halatang pilit. “Wala lang... gusto ko lang... gusto ko lang maging honest sayo.”
I raised an eyebrow. “Ano na naman 'yan?”
He scratched the back of his neck, ganyan s'ya pag naiilang “May gusto na kasi akong babae” he said, almost in a whisper. Tapos ngumiti siya ng konti, parang nahihiya.
I blinked, caught off guard. “Teka... seryoso?”
“Oo” Hiro said, nodding. “Last week lang, nakilala ko sa store.”
I smiled at binigyan sya ng mapangasar na tingin. “Sino ba yan? Nakuha mo ba number?”
His smile gradually disappear. “Hindi eh. May bodyguard kasi sya kaya hindi ko nakausap”
Tinapik-tapik ko ang balikat nya at umiling-iling. “'di ka na talaga mag kaka love life”
Matapos mag pabebe, he kissed his teeth. “Nga pala, ayos 'yang manliligaw mo ah” salita nya. Napa lingon naman ako sa gawi ni Est na masayang tumutulong kay Tita sa pag titinda.
Mahina akong napa tawa “paanong ayos?”
“Halata naman na mayaman sya, pero tingnan mo. Ginagawa nya talaga ang best nya para makuha ang tiwala ni Tita.”
Seeing him doing his best like he told me gave me butterflies in my stomach.
Lumingon sya sakin at ngumiti. That smile melted my heart.
After ilang oras ay mabilis na naubos ang paninda ni Tita. Kahit ang mga bigas na dati'y hindi nauubos ay wala na.
Matapos nyang tulungan si Tata at Hiro na ilagay sa tricycle ang mga gamit at nag paalam narin sila Tita para mauna na umuwi.
Sasabay na sana ako kila Tita pero ayaw ko naman na umuwi si Est nang hindi kami nag kakausap. I mean, i want to thank him for today.
“Ano ganda, hanga ka na naman sakin?” Salita nya habang may mapangasar na ngiti.
Pabiro ko syang inirapan at pasimpleng natawa. “Tigilan mo ako dyan, masyadong pasikat”
“Bakit? Selos ka?” Asar pa nya. Hindi ko na lang pinansin at nilagpasan sya.
“Selos ka talaga? Seryoso? Oy, selos sya” patuloy lang sya sa pang aasar nya habang pinipilit na masundan ako.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko pinayagan to na manligaw sakin eh.