PROLOGO
MARA'S P O V
"Mara, pina - bibigay nga pala ni Joseph." Turan ng Isa Naming Classmate at may inabot na sa Aking naka - tuping Papel. Kinuha Ko naman ito at nagpa - salamat sa nag - abot.
"Uuyyyyy! Crush ni Joseph si Mara!!"
"Hhmmmpp! Maganda pa nga Ako sa Kanya!"
"Ayyyiiiii!!" Kanya - kanyang Komento ng mga ka - Klase Namin. May nanunukso, meron din namang nang - iinsulto sa Akin mula sa Likod. Sa harapan kasi Ako naka - upo.
Si Joseph kasi ang pinaka - Gwapo at pinaka - mayaman sa Aming lahat. Samantalang Ako ay pang - karaniwan lang ang Ganda. Morena, Sexy din naman at mahaba ang Buhok at biniyayaan ng mga Dibdib. Hindi nga Ako nakukuha na Muse kapag may Intramurals sa School Namin. Nagtataka din naman Ako kung Bakit sa Akin pa S'ya nagka - gusto.
Hindi Ko na lang pinansin ang mga Classmates Naming nag - iingay sa Likod. Inilagay Ko na lang sa loob ng Bag Ko ang Papel at nag - ayos ng mga Gamit. Recess lang kasi Namin
Ngayon, may Baon Ako laging Snacks kaya nasa Room lang Ako lagi. 'Yung iba Naming Classmate ay pumupunta sa Canteen kasama na Duon si Joseph.
Akala Ko ay puro pagpapadala lang ng Sulat ang gagawin N'ya. Nanduon nagpapa - bigay na din S'ya ng Food sa Akin. Hanggang Isang Araw ay abangan N'ya Ako sa labas ng Gate ng School.
Sinabi nga N'yang Mahal N'ya Ako, para Akong nasa alapaap ng mga Oras na 'yun. Kahit nakauwi na Ako sa Bahay, hindi pa din Ako makatulog kakaisip ng mga pinag - tapat ni Joseph sa Akin. Pero naisip Ko din naman na baka pinag - puntahan nila Ako ng mga Barkada N'ya. Kaya hindi agad Ako naniwala. Pero nagulat Ako Isang Gabi na may tumatawag sa Phone Ko. Nung sagutin Ko ay S'ya pala. Hindi Ko na tinanong kung Saan N'ya nakuha ang Cellphone Number Ko.
Mula Nuon ay lagi S'yang tumatawag sa Gabi. Pero sa School ay hindi Kami nagpapa - halatang nagkaka - mabutihan na Kami. Ayoko lang kasi ng tsismis. Pumayag naman S'ya. Hanggang nung nagpa - practice na Kami ng Graduation ay sabay Kaming umuwi. Na - late kasi Kaming kumuha ng Toga kaya sabay na Kaming lumabas ng School. Inaya N'ya muan Akong mag - snack sa malapit na Mall. Pumayag naman Ako, hatid sundo S'ya ng Driver Nila. Kaya sumakay na Ako sa Sasakyan Nila papuntang Mall.
Naiwan na sa Parking Lot ang Driver at Pumasok na Kami sa Mall. 'Yung Unang nadaanan Naming Restaurant Duon Kami Kumain.
"Kelan Mo kaya Ako sasagutin?" tanong ni Joseph habang umiinom na Kami ng Tubig, katatapos lang Naming Kumain.
Bigla Ko tuloy naibaba ang Basong hawak Ko kaya naka - likha ng ingay. Napa - tingin tuloy sa Amin ang ibang mga Kumakain sa katabi Naming Table.
"Ah! eh! Tara na! Uwi na Tayo!" kina - kabahang tugon Ko, nakita Ko namang parang nalungkot S'ya. Una na Kong tumayo at sumunod naman S'ya. Diretso na Ko sa labas ng Restaurant palabas ng Mall.
"Wait! Mara! Bakit Ka ba nagmamadali!?" tawag N'ya sa Akin, kaya napa - hinto Ako sa mabilis na paglalakad. Malakas na din kasi ang kabog ng Dibdib Ko na parang may nagtatakbuhang mga Kabayo.
"Ahm! Uwi na Tayo! Baka hinahanap na Ako sa Bahay!" kiming tugon Ko.
"Uuwi naman na Tayo, pero hindi Mo Kailangang magmadali." tugon N'ya
"I'm Sorry!" nahihiyang tugon ko, naka - yuko pa ang Aking Ulo. Huminga pa nga Ako ng malalim.
"Tsk! Tara na nga!" naiiling N'yang sabi, hinawakan pa N'ya Ako sa Kanang Braso Ko at iginiya papunta sa Kotse N'yang naka - park. Para naman Akong napa - pitlag sa naramdamang parang Kuryente na nanulay sa Buong kalamnan Ko. Hindi Ko alam kung nararamdaman din N'ya iyon.
Pagkahatid sa Akin sa tapat ng Gate ay umalis din agad Sila. Kaya nagkawayanang Kami habang papalayo ang Sinasakyan N'ya. Pero nung Gabing nakahiga na Ako ay tumawag S'ya. Hindi na Ako nagpa - kipot singit Ko S'ya sa Phone. Tuwang - tuwa naman ang Loko sa Kabilang Linya. Naririnig Ko kasi ang sigaw N'ya. Kinikilig naman Ako.
Kinabukasan ay pinakita na Namin na sweet Kami. Total naman ay malapit na Kaming gr-um-aduate Dito. Kaya wala Kaming paki - alam kung marami ang nagtataas ng Kilay sa Aming Dalawa.
Hanggang sa tumuntong Kami sa College. Same School Kami, pero iba ang Course. Sa Business S'ya, Ako naman ay sa I T. Pero kahit ganuon ay may Time Kami lagi kapag Weekend ay pumupunta S'ya sa Bahay. Open na din Kami pareho sa mga Family Namin. Suportado Nila Kami sa Aming Relasyon basta magtatapos muna nang pag - aaral. Pero kapag Weekdays ay School - Bahay, Bahay - School lang Kami. Tsaka Phone Calls. Madalang Kaming Mag - away. Tulungan Kami sa mga Assignment at paggawa ng mga Project sa School.
Family din Namin ang natuwa Nuong kasama Kami sa mga ga - graduate. Gusto nga ng Parents ni Joseph na sa Kanilang Business Nila Ako pumasok nang Trabaho. Hindi naman pumayag Sila Daddy dahil may Sarili din Kaming Negosyo, maliit nga lang, compare Kila Joseph.
Araw na lang ang hinihintay at Graduation na Namin. Marami na din Kaming Plano, tulad ng After 5 Years tsaka Kami magpapakasal. Unti - unti din Naming ipapagawa ang Bahay na Pangarap Namin. Regalo sa Kanya ng Parents N'ya 'yung Lupang pagtatayuan nga ng Bahay. Tatlo Anak ang gusto Namin pareho.
Pero iyon pala ay hanggang sa Pangarap na lang. Gumuho kasi ang Mundo Namin pareho nang mapikot si Joseph ng Classmate N'yang Babae. Umattend kasi S'ya ng Birthday Party ng Classmate Nila, Isang Araw pagkatapos ng College Graduation Nila. Dahil sa kalasingan ay Duon na S'ya nakatulog sa Isang Kwarto ng Bahay nung Birthday Celebrant. Palibhasa nasa Ibang Bansa ang Parents Nito ay malaya Nilang nagagawa ang gusto Nila. Nagising na lang si Joseph na may katabi na Babae sa ibabaw ng Kama at Kumot lang ang nakatabing sa mga hub@d Nilang Katawan. Nakita pa nung Kaibigan ng Babae na Classmate din Nila, kaya nalaman na din ng iba.
Hindi naman pumayag ang Pamilya nung Babae na hindi panagutan ni Joseph. Kaya hindi na S'ya nakalabas ng Bahay na hindi pumapayag at pinag - babantaan S'ya ng mga ito. Kaya lulugo - lugong umuwi ang Binata sa Bahay Nila at sinabi sa mga Magulang N'ya ang nangyari.
"I'm sorry, Love!" hinging paumanhin ni Joseph sa Akin nang puntahan N'ya Ako sa Bahay Namin at sabihin ang nangyari.
Walang Akong naging tugon kundi umiyak nang umiyak. Nung yayakapin N'ya Ako ay umiwas Ako at nagtatakbo paakyat sa Kwarto Ko. At Duon 'ko inilabas ang lahat ng sama ng loob. Laking pasasalamat Ko din at Graduate na Kami sa Pag - aaral at hindi na iyon makaka - apektuhan. Ilang Araw na nagkulong lang Ako sa Silid, pero hina - hatiran naman Ako ng Kasambahay Namin ng Pagkain, Kinakain Ko naman. Kahit Anong Phone Calls ay walang Akong sinasagot kahit sa mga Kaibigan Ko.
Pagkatapos ng Ilang Araw na pagmu - mukmok Ko ay bigla na lang lumabas ng Kwarto at naka - paligo na at naka - bihis ng pang - Opisina.
"Anak! Saan Ka pupunta!?" nagtatakang Tanong ni Mommy sa Akin pagka - baba Ko sa Sala ng Bahay Namin.
"Papasok po sa Opisina, Mommy, 'di ba po nung Isang Araw pa po dapat Ako nag - start ng Work?" Sagot Ko sabay balik ng tanong sa Aking Ina.
"O - oo nga! Sige Anak, Mag - iingat Ka at Good luck sa First Day of Work Mo!" tugon na lang N'ya, niyakap pa Ako at hinalikan sa Pisngi, gumanti naman Ako. Bago N'ya Ako ihinatid sa labas ng Bahay para maka - sakay sa Bagong Regalo Nilang Sasakyan sa Akin nung nag - Graduate Ako kamakailan lang.