KABANATA 2

1380 Words
MARA'S P O V "Saan Ka na naman galing, ha!?" sigaw ni George, hinawakan pa Ako sa Isang Braso at hinila papunta sa Sala at pabagsak na ini - upo Ako sa Sofa. "Kila Mommy! Saan pa ba!?" tugon Ko namang pasigaw din kaya naka - tikim na naman Ako ng sampal sa Kaliwa Kong Pisngi. "Marunong Ka nang sumigaw Ngayon, ha!" hinawakan pa N'ya Ako sa Buhok tsaka hinila pababa kaya napa - tingala Ako sa Kanya. "Baka nakikipag - kita Ka lang Duon sa Ex Boyfriend Mo, ha!?" sita pa N'ya, hindi na Ako naka - sagot nang marinig Naming umiyak ang Aming Anak na nasa Kwarto Nito. "Tingnan Mo 'yung Anak Mo! Kanina pa 'yan umiiyak at hinahanap Ka!!" pasigaw Nitong utos, binitawan naman N'ya ang Buhok Kong pabalang kaya bahagya Akong napa - subsob sa Sofa. Dali - dali Akong tumayo at umakyat sa Second Floor ng Aming Bahay. Nanduon kasi ang mga Kwarto Namin. "Bakit!? Ano nangyari!?" nag - alalang Tanong Ko sa Yaya ni Georgette, ang Anim na Buwan Naming Anak na Babae ni George. Karga N'ya ito at pinag - hehele para maka - tulog ulit. "Nagulantang sa sigaw ng Daddy N'ya, kaya nung nagising pumalahaw na nang iyak." saad ni Yaya, kinuha Ko naman sa Kanya ang Anak Ko na humi - hikbi pa. "Ssshhh! Stop Crying, Mommy's here!" alo Ko sa Anak Ko, hinagod - hagod Ko pa ang Likod N'ya. "Sige na, 'Ya! Ako na ang bahala kay Gette!" pagtataboy Ko sa Yaya ng Anak Namin, Dito naman kasi sa loob ng Kwarto S'ya natutulog para kung sakaling umiyak nga ay madali na N'yang malalapitan. Ayaw kasi ni George na katabi ang Anak Namin sa pagtulog. "Ate, naaawa na po Ako sa Inyo, Bakit po ayaw N'yo pang hiwalayan si Kuya?" medyo nag - aalangan pa S'yang magsalita. "Sabihin N'yo lang po, tutulungan Ko po Kayong tumakas." bulong pa N'ya na akala Mo may makaka - rinig. Huminga muna Akong malalim, "Ayokong lumaki si Gette na walang kaka - lakihang Ama." tugon Ko sa Yaya ng Anak Ko. "Hanggang Kelan po Kayo, magtitiis Ate?" tanong N'ya ulit, nagulantang naman Kami pareho nang sumigaw ulit ang Asawa Ko. Kaya dali - dali Kong ibinigay sa Kanya ang Alaga N'ya tsaka Ako nagmamadaling lumabas sa Nursery Room at lumipat sa Masters Bedroom Naming Mag - asawa. "I - massage Mo Ako at masakit ang Likod Ko!" paasik N'yang utos, dumapa na ito sa Kama, kinuha Ko naman ang Baby Oil na lagi Kong ginagamit kapag nagpapa - massage S'ya. Ilang sandali Ko pa lang S'yang mina - masahe nang marinig Kong mahina na S'yang naghihilik. Bumaba na Ako sa Kama at dumiretso sa Banyo para maghugas ng Kamay sa sink. Nang mapa - tingin Ako sa Salamin Nito ay hindi Ko maiwasang manlabo ang mga Mata dahil sa nagbabadyang mga Luha na gustong bumagsak. Dahan - dahan Akong napa - luhod sa malamig na Flooring na tiles ng Banyo tsaka napa - subsob sa mga Kamay Ko at napa - hagulgol nang Iyak. Hindi Ko naman kasi pinangarap na mahiwalay sa Asawa. Paano naman ang Anak Ko? Kaya titiisin Ko na lang ang pananakit ng Asawa Ko hangga't kaya Ko para na din sa Nag - iisang Anak Namin. Mabait naman dati si George, kaya ko nga S'ya nagustuhan. At Buong Pamilya Ko ay Boto sa Kanya. Kaya nung Sixth Monthsary Namin nung nag - propose S'ya ay tinanggap Ko agad. Mayaman Sila kaya after a Month ng Proposal N'ya ay naikasal agad Kami. May Engineering Firm ang Pamilya Nila, Sila ang May Ari Nitong Condo na tinitirhan Namin. Nakilala Ko S'ya nung mag - party Kaming Apat na magkakaibigan sa Isang Bar. Lumapit S'ya at naki - join sa Amin kasama ng Dalawa N'yang Kaibigan. Komo mga Single Kami ay pumayag ang mga Kaibigan Ko. Kaya Sila na ang nagbayad ng lahat nang inumin Naming Drinks. Hanggang sa umuwi Kami ng Maaga pero naiwan pa Silang mga Lalake. Hindi naman N'ya Ako tinatanong about sa Cellphone Number Ko ay Address ng Bahay. Pero nagulat Ako Kinabukasan habang nasa Office ay naka - received Ako ng tawag, kahit unknown Number ay in - accept Ko ang tawag. Nanlaki pa ang mga Mata Ko nung magpa - Kilala S'ya. S'yempre Kanino pa ba N'ya malalaman ang Cellphone Number Ko kundi sa mga Kaibigan Ko. Mula nga Nuon ay lagi na S'yang tumatawag. Nagpapadala ng Flowers sa Bahay. Kaya sabi Ko ay hindi na Ako magtataka kung Isang Araw ay bigla na lang S'yang susulpot Dito sa Bahay ng Parents Ko. Hindi pala sa Bahay pupunta kundi sa Office Namin. Ako na kasi ang nagha - handle ng Website ng Kumpanya Nila Daddy na Construction Materials. Inaya na muna N'ya Akong mag - dinner bago hinatid sa Bahay ng Parents Ko. Iniwan Ko na ang Kotse Ko sa Parking Lot ng Building. Meron naman Duong Guard, 24/7. Mula nga Nuon ay lagi na S'yang pumapasyal sa Bahay. Nanliligaw na pala, sa Amin na din Sila kumukuha ng ibang Construction Materials na ginagamit sa pina - pagawa Nilang mga Condo. Malaki ang naging improvement ng Business Nila Daddy mula nung naging Customer Namin ang Kumpanya Nila George, pero wala naman S'yang sinasabi about Duon. Sinagot Ko nga S'ya after Three Months nang panliligaw N'ya. Sweet naman S'ya, Caring at Thoughtful. Hindi S'ya nagbago kahit Nuong ikasal Kami. Pero naiba ang pakiki - tungo N'ya sa Akin nung minsang natulog Kami sa Kwarto Ko sa Bahay ng mga Magulang Ko. Nagulat na lang Ako nang ihagis N'ya sa Mukha Ko ang mga Larawan Naming lahat ni Joseph nung mag - kasintahan pa Kami. Nagtaka Ako kung paano N'ya 'yun nakita? E, itinago Ko 'yung sa ilalim ng Kama Ko na may Hidden Cabinet. Nung nalaman Kong papakasalan ni Joseph ang naangkin N'ya sa Birthday Party ng Classmate Nila ay inipon Ko 'yon lahat at inilagay sa Isang may kalakihang Box tsaka Ko ipinasok sa Cabinet. Mula naman Nuon ay hindi Ko na iyon inilabas. Nawala lang sa loob Kong itapon. Dahil naging busy Ako sa Trabaho. Kaya mula Nuon ay akala N'ya ay nakikipag - kita Ako sa Ex Ko kahit hindi naman. Madalang na N'ya Akong payagang lumabas with My Friends. Naka - punta lang Ako sa Bahay ng mga Magulang Ko Kanina dahil Birthday ni Mama. Pero binigyan N'ya Ako ng Curfew, kahit anong paalam Ko kasi ay ayaw Akong payagan ng mga Kapatid Ko. Nag - dahilan lang Akong masama ang pakiramdam ni George kaya hindi S'ya nakasama. Kaya tuwing aalis Ako at na-le - late sa usapang Oras ay ina - akala N'yang nagkikita pa Kami ni Joseph. Kahit Anong paliwanag Ko ay hindi S'ya naniniwala na nakalimutan Ko lang itapon ang mga Larawan Namin. Kahit sinunog Ko na sa harapan N'ya ay wala pa din, sarado na ang isipan N'ya sa mga paliwanag Ko. Walang alam ang Pamilya at mga Kaibigan Namin tungkol sa pinag - dadanan Naming Dalawa. Kapag kaharap naman kasi Namin Sila ay Sweet pa din si George at Caring sa Akin. Hindi Ko na alam ang sumunod na nangyari. Namalayan Ko na lang na umangat Ako sa ere na parang may bumuhat sa Akin at ibinaba Ako sa malambot na higaan. May ipinatong S'ya sa Katawan Ko na parang Kumot, naramdaman Ko ding nahiga sa tabi Ko 'yung Taong bumuhat sa Akin. Tsaka Ako niyakap at hinalik - halikan sa Nuo Ko. May bumubulong S'ya pero hindi Ko maintindihan. Hanggang sa nararamdaman Ko na lang na may tumulo na mainit na likido sa magkabila Kong Pisngi. Nakilala Ko kasi ang Taong bumuhat sa Akin. Lagi na lang S'yang ganito kapag alam N'yang tulog Ako. Pero kapag gising naman ay para Kang tumutuntong sa Numero dahil konting galaw Mo lang ay kung ano - ano na ang sinasabi N'ya. Lagi Akong pinag - bibintangan, wala naman S'yang nakukuhang ebidensya na niloloko Ko nga S'ya. Hindi Ko na alam kung Sino ulit ang naunang nakatulog sa Aming Mag - asawa. Basta nagising Ako Kinabukasan na umiiyak ang Anak Namin. Dali - dali Akong bumaba at nagtungo sa Banyo para maglinis ng Mukha at mag - toothbrush. Magagalit kasi si George kapag nagising S'ya dahil sa iyak ng Anak Namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD