Episode 2 — First Mission

1004 Words
"Okay," pagsang-ayon nito. Pagkatapos magpahinga ay nagbihis na silang mag-partner, para maagang makarating sa kanilang meeting. Pagdating nila sa NBI headquarters ay dumiretso agad sila sa office ni Chief Gary Villanueva, at bago sila pumasok ay kumatok muna sila. "Come-in!" At sabay pasok ng dalawa "Good morning, Chief!" bati nila at nakasaludo sa nakakataas. "Good morning! Please seat down!" alok nito. Umupo naman silang dalawa sa harapan ni Chief Villanueva at inabot ang dalawang envelope. Agad naman nila itong binuksan, mga records at larawan ng isang lalaki. Binasa nila ang files nito. "His name is John Mel, half-Chinese and half-Pilipino, thirty-five years old. Mahirap hulihin ang hayop na iyan, kaya ikaw Inspector Navarro and Detective Jacutin ang inaasahan ko na makakahuli sa taong 'yan!" paliwanag ni Chief Villanueva sa kanila. Binasa ni Jester nang husto ang mga files ni John Mel, nalaman nila na isa itong nagmamay-ari ng malaking pasugalan at nagtutulak rin ito ng mga ipinagbabawal na gamot. "Sige, Chief. Aasikasuhin namin ito sa lalong madaling panahon," Inspector Navarro said. "Umaasa ako, Inspector Navarro," tugon sa kaniya. "Sige, Chief. Magpapaalam na kami." Sabay tayo nila at saludo. Sinimulan nila ang pagsisiyasat tungkol kay John Mel, at nalaman nila na mahilig itong tumambay sa isang bar na kung saan ang mga babae ay nagsasayaw at naghuhubad. Kaya kailangan ni Jester na mag-apply bilang isang dancer, at ang pinsan naman ay nag-apply bilang waitress. Kailangang aakitin niya ang lalaki para madaling mapapasok ang lahat ng mga transaksyon ng binata. Kasama doon ang paibigin niya si John Mel. NAGSIMULANG sumayaw si Jester sa gabing iyon, dahil alam niyang nandoon ang kanilang pakay. At dahil baguhan si Jester, at magaling sumayaw ay agad naakit ang lalaki sa kaseksihan na taglay niya at pinatawag siya nito upang i-table. Tagumpay ang unang gabi nila na mag-partner, sapagkat niyaya siya ni John Mel na lumabas para mag-dinner. Pumayag naman siya dahil pagkakataon na nila iyon, upang malagyan ng mga devices speaker at detector ang sasakyan. Upang lagi nila itong masundan at marinig ang bawat pag-uusap ng mga ka transaksyon nito. Hindi nga sila nagkamali sa kanilang ginagawa dahil narinig nila ang pinag-uusapan ni John, at ang ka-deal nito. At kung saan at kailan sila magkikita para magpalitan ng pera at droga. Hindi nag-aksaya ng panahon ang magpinsan at naghanda sila sa pagsalakay. Bago sila nagtungo sa lugar ay tinawagan muna niya si Chief Villanueva, at sinabi niya na maghanda. Dahil may malaking transaksyon na nagaganap at inilihim nila ito sa police department, dahil may paniniwala si Inspector Navarro na may mga mata ito sa loob. Kaya pili lang ang mga kapulisan na ipinatawag ni Chief Villanueva. Nagsimula ang transaksyon ng mga sindikato at pinaghintay ni Inspector Navarro, si Chief Villanueva, ng go signal kung kailan sila puwedeng sumalakay. Ready na ang mag-partner sa naturang lugar at parehong nakapuwesto na sila. "Partner, parating na sila kaya maghanda ka na," utos ni Jester sa pinsan niya. "Ready na ako," tugon nito. Sabay nilang ikinakasa ang kanilang mga baril at hinintay na lang nila na mag-abutan ang dalawang grupo sa kanilang mga hawak na bag. Sa resthouse ni John sa Davao, ginawa ang transaksyon ng dalawang grupo. "Partner, ayan na sila!" sambit ni Divlen sa kaniya. "Partner, tawagan mo na si Chief," utos niya. Inspector Navarro. Pagkatapos niyang matawagan si Chief Villanueva, ay pumuwesto agad ito. At kinunan ng mga larawan ang dalawang grupo para sa kanilang matibay na mga ebidensya. Sabay tumayo ang mag-partner. "Walang kikilos— NBI!" Sabay tutok nila sa kanilang hawak na baril. "Sh*t!" Pagmumura ni John Mel. "Mga parak!" sigaw ng isang tauhan sa labas, at nataranta naman ang mga nasa loob dahil nagkakaputukan na sa labasan. Palatandaan na dumating na ang mga back-up nila. Pinaputukan ni John, si Jester, pero mabilis itong nakapagkubli. Gumanti naman siya at natamaan ang mga tauhan ni John. Nakikipagpalitan rin ng putok si Divlen, natamaan niya ang ka-deal ni John. At napatay niya ito at nakita naman iyon ni John. "Goddammit! Hindi ako puwedeng mahuli!" Lalaban pa sana si John, ngunit nagulat na lang siya, sapagkat may nakatutok ng baril sa kaniyang sentido. "Baba mo ang baril, John. Kung ayaw mong magkalat ang utak mo dito," banta ni Jester sa kaniya. Walang nagawa si John, ibinaba niya ang baril at sabay posas naman ni Divlen, sa mga kamay nito. Paglingon ni John sa likuran niya ay lumaki ang mga mata nito sa nakita niya. "You?!" bulalas niya sa kaharap. "Yes! It's me, John..." bahagyang ngumiti si Jester sa kaniya. "Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa akin April! Hindi pa tayo tapos kapag makalaya ako humanda ka! Dahil hahanapin kita kahit saan ka pa magtago! Tandaan mo iyan!" Galit na galit na nagbabanta si John Mel. "Iyon kung makakalaya ka, at hindi ako natatakot, John." Dumating naman si Chief Villanueva, sa harapan nila. "Good job, Inspector Navarro and Detective Jacutin. Hindi ako nagkakamali sa pagpili sa inyong dalawa." Nakangiting sumaludo si Chief Villanueva sa kanila. "Welcome, Chief!" tugon nilang dalawa at sumaludo rin sa kanya. Pagkatapos ng kanilang mission ay nag-stay muna sila nang ilang araw para makapag-relax. "Partner, mag-bar kaya tayo," alok ni Divlen. "Sige ba! Matagal na rin tayong hindi nakapag-bar," sumang-ayon naman si Jester. "Okay, mauna na akong maligo, partner..." paalam ni Divlen at pumasok na sa banyo. "Bilisan mo, ha!" Pahabol niya rito, dahil alam niya na pagdating sa banyo ay sobrang tagal bago matapos ang pinsan niya. Pagkatapos makapaghanda sa kanilang mga sarili ay nagtuloy na sila sa bar na nasa loob lang ng hotel. Dumiretso sila sa counter bar at doon na sila umupo. Nag-enjoy ang dalawa at kahit papaano ay nakapag-relax ang kanilang mga isip. Habang napasarap ang kanilang inuman ay may lumapit sa kanila na isang guwapong lalaki. Nakipagkilala ito sa kanila, pero ibang pangalan ang kanilang ibinigay. "Hi, I am Ramcee." At sabay lahad sa kamay ng lalaki. "Hello, I'm Christine..." pagsisinungaling ni Divlen. "I'm Jhanna..." pakilala naman ni Jester. "Nice to meet you, girls! Ummm... Tin, can I dance with you?" Ramcee asked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD