Episode 3 — One Night Stand

1025 Words
"Sure! Let's go! Jhan, maiwan ka muna namin," paalam ng pinsan niya. "Yeah, sure!" Ilang minutong nag-iisa si Jester, at hindi niya alam na may isang lalaki pa lang nagmamasid sa kaniyang pag-iisa. Si Tom Robinson; super guwapo, matangkad, mabuti, at makisig ang pangangatawan. Halatang isa itong Phil-Am. Siya ay nag-iisang tagapagmana ni Don Rafael Robinson. Isang kilalang negosyante sa buong lalawigan, masaklap ang nangyari sa kaniyang mga magulang dahil sabay itong namatay sa isang car accident. Kaya siya umuwi sa Pinas, para alamin kung ano ang totoong nangyari sa kaniyang mga magulang. Samantala, napasarap ang pag-inom ni Jester, sabay alala sa kanyang mapait na kahapon. Hindi niya namalayan na naparami na pala ang nainom niya. Kaya nakaramdam siya ng init sa buo niyang katawan. Naisipan niyang magpahangin sana sa labas, ngunit sa pagtayo niya ay bigla siyang napahawak sa upuan. Dahil halos hindi na siya makatayo sa kalasingan. Maagap naman may sumalo sa katawan niya kaya hindi siya bumagsak. Napasinghap siya sa dibdib ng estrangherong lalaki, at naamoy niya ang mamahaling pabango na para bang nakakapang-akit ang amoy. "Are you okay, Miss?" the stranger asked her. "Yeaa-----ahhh…I'm okay!" Jester replied that she was obviously drunk. "Are you sure?" he asked again, and there was a worry in his voice. "Hmmm… yeah!" Sabay tulak niya sa lalaki, para tumayo sana siya nang maayos at bumalik sa pag-upo, ngunit bigla siyang bumagsak. "I'm sure hindi mo na kaya, let me help you, Miss." magandang loob niya. "Okay. Thank you…" At bahagya siyang ngumiti. Habang inaalalayan siya ni Tom sa paglalakad ay tinanong siya kung saan ang kanilang room, at ano ang number nito. Nagtaka ang binata dahil hindi ito sumagot paglingon niya ay tulog na pala ito. Kaya napilitan siyang buhatin ang dalaga at dinala muna ni Tom sa kanyang room. Para makapag pahinga muna. "Holy God! Ang bigat naman ng babaeng 'to!" reklamo nito. Pabagsak na ibinaba ni Tom ang dalaga sa sofa, para sana punasan niya ng malamig na tubig. Upang mahimasmasan sa kalasingan. Ngunit bigla itong sumuka sa harapan niya, at nasapol ang buong harapan nito. "Hol— Sh*t!" At lumaki ang mga mata niya. "Aaah… Yuck! Kadiri naman ang babaeng 'to! Maganda pa naman sana!" Pagmamaktol ni Tom, at sabay buhat niya sa dalaga at dinala sa shower room, para paliguan ito sapagkat puno ito ng suka. Habang pinapaliguan niya si Jester, ay hindi niya maiwasan na maakit sa hubog ng katawan ng dalaga. Subalit pilit pa rin niyang pinigilan ang init ng kanyang naramdaman. Hanggang sa matapos niyang pinapaliguan ang dalaga ay muli niya itong binuhat at inihiga sa kanyang kama. Subalit sa hindi sinasadyang pangyayari ay na out balance si Tom, nang gumalaw ang dalaga kaya na bumagsak ang katawan niya sa harapan ni Jester. Naglapat ang kanilang mga katawan at hindi maiwasang mapatitig siya sa mukha nang dalaga. Napahanga siya sa simpleng kagandahan nito,kusang kumilos ang mga kamay ni Tom para haplusin ang makinis niyang mukha. Hindi maintindihan ng binata ang kanyang sarili, para bang ibinubulong ng puso niya na halikan ang labi ng babae. Ngunit pinigilan na naman ng isip niya. Akmang tatayo na sana si Tom, nang biglang gumalaw ang dalaga at nakabig binata, dahilan para masubsob ang labi niya sa labi ng babae. Dahil sa pagkakalapat ng mga labi nila ay nagdulot iyon ng kakaibang kuryente sa kanyang katawan. Hinalikan niya ulit ang babae sa labi at gumanti naman ito at kumapit pa sa kanyang batok. Kaya tuluyang na tangay sa tukso si Tom, lalo na sa init ng kanilang mga katawan. Hindi na iniisip ni Tom, kung ano ang mangyayari pagkatapos, basta sa isip niya handa siyang panagutan ang lahat. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa buong Dibdib ng babae, kung ano-ano na ang naglalaro sa kanyang isipan. "Baka isa itong bayaran na babae…" sa isip niya. Sinabi rin niya sa sarili na, "Bukas paggising natin ay babayaran nita, kahit magkano ang kailangan nito." Hanggang sa sukdulan na ang kanilang ginawa, napaungol si Jester, sa unang kirot na kaniyang nararamdaman at napakapit ito ng husto sa lalaki na ikinabigla naman ng binata. Naramdaman niya na siya ang nakauna sa dalaga. Ang kaninang mapusok na lalaki, ngayon ay ingat na ingat sa paggalaw si Tom. Hanggang sa tagumpay nilang pinagsaluhan ang mainit na gabi. Kalahating oras lang ang nakalipas ay naulit pa nang isang beses ang magnanasa ni Tom sa estrangherong dalaga. Napagod si Tom, kaya nakatulog kaagad siya. KINABUKASAN nagising nang maaga si Jester, at napahawak ito sa ulo niya. Biglang lumaki ang kanyang mga mata dahil sa nakita niyang katabi. Nakayap ang hindi kilalang lalaki sa baywang niya at agad siyang napatingin sa sarili niya. "O-----oh my God!" bulalas ni Jester at nahawakan ang sariling dibdib dahil sa lakas ng kalabog nito. "What happened last night?" tanong niya sa sarili, at pilit inalala ang mga pangyayari. Tanging natandaan lang niya ay tinulungan siya ng lalaki pagkatapos wala na siyang matandaan. Ingat na ingat siya sa pag-alis sa kamay ng lalaki at dahan-dahan siyang tumayo. Kahit nakaramdam siya ng pananakit sa buong katawan niya ay pilit pa rin siyang bumangon. Hinanap niya ang kanyang mga damit pero hindi niya ito makita kaya ingat na ingat siyang kumuha ng damit sa loob ng kabinet at iyon ang kaniyang isinuot. Bago niya nilisan ang kuwarto ay napatitig siya sa maamong mukha ng estrangheng lalaki. Maingat siyang naglalakad patungo sa pinto at nang makalabas na siya ay kumaripas na ito ng takbo tungo sa kanilang kuwarto. "Partner! Pinsan! Pinsan bilisan mo at mag-impake ka na," tarantang utos ni Jester, at dali-dali niyang kinuha ang maleta niya. "Bakit?! Ano'ng nangyari?!" Pagtataka na tanong nito. "Mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo, basta bilisan mo na!" "Partner, kanino ba 'yang damit na suot mo? Bakit sobrang laki naman?" "Mamaya ko na kasi ipapaliwanag, eh! Bilisan mo na!" "Okay! Okay! Fine!" tugon nito na nakataas ang dalawang kamay. Pagkatapos makapag-impake ay mabilis siyang nagpalit ng damit at tinupi niya nang maayos, at nag-check-out agad sila. Sinabihan niya ang hotel boy na ihahatid sa room 245, ang damit, at inabutan niya ito ng tip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD