Speechless Part 2

1644 Words
Jean's POV ''Anak, tahan niya. Hindi siya karapatdapat. Wala siyang paninindigan!'' galit na sabi ng nanay ko habang pinapatahan ako. Gusto ko sanang sagutin ng '' Bakit ganito nay? Wala ba akong karapatang magmahal at mahalin ng taong mahal ko? Anong masama kung pipe ako o basta may diperensya? May malaking pagkakaiba ba yun sa ibang tao? Kung panget ako, bobo, di rin nila ako magugustuhan?'' Pero di ko sinabi kasi nga pipe ako. Oo, tama di ako nakakapagsalita pero naririnig ko yung mga sinasabi ng ibang tao. Ganito na ako simula pagkabata kaya hindi na rin akong nag-aral. Ayokong mag-aral kasi may sakit rin ako maliban sa pagiging pipe. At ngayon nga di na ako nakakalakad. Gusto kong itanong sa Dyos kung bakit sa dinamirami ay ako ang binigyan niya ng ganitong sakit pero alam ko na may plano siya. Yun nga lang, ang sakit sakit pala. Ilang araw ko ring iniyakan ang nangyari. Masaya na nga ako noon kasi kahit papaano ay nakakausap ko sya through text messages tapos yun nga, di na ako nakakapanood ng practice nila kasi nagkasakit ako. Maliban sa pagiging pipe ay may sakit din ako sa puso. Saklap lang no? Para bang nasalo ko lahat ng kamalasan. Hindi naman ako ganito mag-isip dati pero nagbago lang ito nang makilala ko sya at mainlove sa kanya. Sa labing syam na taon ay kailanman wala akong sinisi sa kalagayan ko, masaya naman ako dati kahit pabalik balik sa ospital pero ngayon parang nawalan ako ng pag-asa, ang sakit umibig sa taong mahal mo na akala mo mahal ka rin, yun nga lang nang malaman ang totoong kalagayan ko ay nawala na lang bigla. Sa confession nya, nagkaroon ako ng pag-asa pero para ring sinaksak ako ng ilang libong beses nang makita ko ang galit nya nang malaman na pipe ako at baldado na. "Anak, may naghahanap sa iyo " narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si nanay. Tiningnan ko sya , nagtataka ako, sino ang maghahanap sa akin eh wala naman akong kaibigan? Umiling ako , ayoko munang lumabas ng kwarto. Gusto kong dito lang ako, sanay naman ako eh, sanay rin akong iwasan ng iba. Someone's POV Ilang minuto ang nakalipas ay bumukas ulit ang pinto. Gustong mainis ni Jean ngunit nagulat sya nang makita ang taong kapapasok ng kwarto nya. Gusto nyang bulyawan ito pero wala syang boses. Gusto nyang magalit sa sarili dahil sa kabila ng pag-iwas at pananakit nito sa damdamin nya ay di nya maikakailang mahal pa rin nya ang lalaki. Umiyak na lang sya, tiningnan nya si Bryan na nakangiti. Totoong ngiti ba yun o pangungutya? Sa sakit na nararamdaman ay parang pinipiga ang puso nya, oo alam nyang may diperensya sa ngunit alam nya rin ang feeling ng nasasaktan at walang magawa. Sa nakikita nya ay para bang gustong sabihin ni Bryan na wala syang kwenta at pinagsisihan nito ang sinabing mahal sya. Nang muling mag-angat ng tingin ay kita nyang nakamasid sa kanya ito, blangko ang expresyon sa mukha. Dahan dahan nitong iginalaw ang mga kamay at braso, kumpas dito,kumpas doon. Mas lalo syang naiyak, totoo ba itong nakikita nya? Hindi nagsalita si Bryan sa halip nagpatuloy sa sign language. Nabasa nya ang nais ipahiwatig nito. "Mahal kita Jean, sorry kung naging duwag ako pero itatama ko na ang pagkakamali ko" Pagkatapos ay nakita nyang umiiyak na rin ito at nagsalita na. "Ang bobo ko dahil iniwan kita nang malaman ko ang totoong ikaw. Mali ako, tao ka rin pala at nasasaktan. Mas nagkamali ako nang di ko pinanindigan ang pagmamahal ko sa iyo, ang nakikita ko lang ay ang kagandahan mo at kung paano ngumiti. Ni hindi ko alam na nasasaktan ka na pala.Sorry, sorry dahil nagpadala ako sa galit. Pero alam mo? Nang dahil sa nangyari ay narealize ko na dapat walang dahilan kung magmamahal ka. May sakit ka man, panget ka man, bobo, mahirap, kung totoong mahal mo ang isang tao ay matatanggap mo sya. Gusto kong iuntog ang sarili ko pero Jean, andito ako ngayon hindi para magmakaawa na tanggapin mo ako , nandito ako dahil gusto kong itama ang pagkakamali ko. Gusto kong ipakita sa iyo na mahal kita, kahit ipagtabuyan mo ako basta di ako susuko. Kahit maraming hadlang, di na ako mahihiya . I want to be with you, I want to give myself a chance to love you and to be loved by you. " nilapitan sya nito habang umiiyak. Humagulhol sya, hindi alam ang reaksyon. Dali dali nyang kinuha ang kanyang cellphone na syang naging dahilan nang komunikasyon nila. Ang naging daan nang pag-uusap nila. Dali daling nagtext si Jean. Binasa ito ni Bryan. Ayon sa kanyang text. "Nakakainis ka! Nakakaasar ka! Alam mo bang ngayon lang ako nagkaganito? Ngayon lang ako nagmahal pero nasasaktan ako. Nung umalis ka, gusto kong manisi. Wala bang karapatan ang isang gaya kong umibig at mahalin din? Kailangan ba perpekto para maipagmalaki? Walang perpekto eh, di ko rin kasalanan na ganito ako. Ang sakit pero sa kabila nun ay di ko kayang magalit sayo. Wala man akong boses na iparinig na mahal kita pero kaya ko namang ipakita eh. Isa pa kahit di ako makalakad at maysakit ako, kaya kong magmahal. " Walang ingay na naririnig. Nagreply si Bryan, nakangiti na. "Mahal mo rin ako? Alam mo bang ang sarap malaman na mahal ka ng taong mahal mo? Jean, I love you. Will you give me a chance too?" Nang mabasa yun ni Jean ay umiiyak na tumango sya. Nagyakapan silang dalawa, parang doon ibinuhos ang pagmamahal nila. Mula non ay lagi nang ipinapakita ni Bryan na mahal nya si Jean, ganun di ang babae. Nakangiti na ito, kahit di nakakapagsalita ay di naman ito nagkulang sa pagpapakita ng pagmamahal kay Bryan. Kahit maysakit ay di yun hadlang para maghiwalay sila. Kahit marami ang tutol sa relasyon nila ay di sila nagpatinag. Nagmahal sila hindi dahil may gusto silang maimpress, nagmahal sila dahil gusto nila, gusto nilang sumaya. Umabot nang halos dalawang taon ang kanilang relasyon at natatanggap na rin ng iba ang sitwasyon nila. Pero in love, di sa lahat ng sitwasyon ay masaya ka. Reality is reality, fantasy is fantasy. Kahit mahal nila ang isa't isa ay wala silang laban sa tadhana. Hindi na kinaya ng katawan ni Jean kaya unti unti syang nanghina at binawian ng buhay. Masyado nang komplikado ang sitwasyon nya kaya kahit sa huling hininga ay nagawa nyang iparamdam at ipakitang mahal nya ang lalaki. Nag-iwan rin sya ng mensahe pero this time isinulat niya ito. "Hi Bryan, I'm happy na nakilala kita at naging parte ng buhay ko.I am so thankful dahil naramdaman ko rin kung paano magmahal at mahalin kahit pa sabihing marami ang kumukutya sa akin at tutol sa relasyon natin. Pero alam mo, mas minahal kita dahil di mo pinaramdam sa akin na iba ako, tinuturing mo ako gaya ng ibang babae na special kaya maraming salamat. Kung mawawala man ako, masaya ako pero alam ko na masasaktan kita. Patawad, di ko naman ginusto ang lahat pero kung nasaan man ako sana maging maligaya ka at makakita ka pa ng isang babaeng makakasama mo habang buhay. Sana lumigaya ka at kahit nasan man ako, sana di mo ako makalimutan. Mahal kita Bry, I'm sorry kung minsan selosa ako, o nakasakit ako sa iyo minsan. Sa kabila nito, di mo ako iniwan. I felt so special, thanks to you. Kung isang bagay lang ako, maihahambing ko ang sarili ko sa isang cellphone. Alam mo kung bakit? Uso na ang technology ngayon, paiba-iba ng disenyo lalo na ang cellpone pero kung pagbabasehan, noon ay wala nito hanggang sa malikha at nagsimula sa isang simpleng disensyo. Ngayon, ang gaya ng cellpone na luma ay iilan na lang ang gumagamit at minsan nahihiya ang ibang gumamit kaya nakikuso sa Iphone, o ano pang Android na cellpone. Sabi ko nga iilan na lang ang mga taong gumagamit ng makalumang cellpone at di nahihiyang ipakita sa iba na yun ang gamit nila, dahil komportable sila dito. Ipinagmamalaki nila ito at malaking bagay ito sa kanila. Gaya mo, iilan na rin ang susubok magmahal ng kagaya ko, maraming magaganda at halos perkpekto na pero ako itong hamak na may sakit at maraming diperensya. Diperensya talaga no? Pero alam mo, I am so proud of you. Kung di mo sana ako pinuntahang muli noon baka di ko maramdaman ang parang ganitong feeling, na kahit may sakit ka ay parang nakalutang sa ulap, ang saya , malaya kang e-express ang damdamin mo. Siguro kung mababasa mo ito ay wala na ako, tanggap ko iyon, sana matanggap mo rin. Di ko gustong mawala na umiiyak kaya kahit sa huling hininga ko ay ipapakita ko sayong matatag at masaya ako. Mahal kita, hanggang dito na lang. Thank you. Love, Jean In love, there's no such thing as happy ending but you have to make a way to experience being happy and find that forever in everyday. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ka, malungkot, nasasaktan . Parte ng buhay ang mabigo ngunit ito ang siyang magiging dahilan para muling bumangon. Kahit masakit ay pilit tinanggap ni Bryan ang nangyari. He knows he'll never forget about Jean, his first love. Nagpapasalamat siya dahil nakaramdam din siya ng saya sa piling nito. Although nawala ito, he will never consider his love story a tragic one, instead a story full of love, happiness and full of learnings. ''Pangako Jean, hindi ka kailanman mawawala sa puso ko. Mahal din kita '' Bryan ***** '' You met a person for a reason, it's either a blessing or a lesson. '' ''Not all love lasts, but the lesson love brings to us do '' Mandy Hale '''' Love is not only about loving someone, get inspired and be happy. It is also about sacrificing, taking risk and learning from it. ''

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD