Speechless Part 1

1994 Words
'' Love is not only about loving someone, get inspired and be happy. It is also about sacrificing, taking risk and learning from it. '' Jean's POV Nandito na naman ako sa tambayan ko, ang lugar kung saan nakakapagpagaan ng feelings ko. Ang lugar na minsa'y nagpapangiti sa akin. Ito ang lugar na syang dahilan ng laging pagbilis ng t***k ng puso ko. Ito ay ang parke na katapat ng lagi nilang pinagpapractisan ng basketball. Ang lugar na kung saan una ko siyang nakita, ang lalaking mahal ko. Nakita ko siyang kinausap ang isang lalaki, sa tingin ko kasamahan niya sa basketball. Pawis na pawis siya, kahit medyo may kalayuan ito ay kitang-kita ko ang pagod niya sa mukha . Hays, kung meron lang sana akong lakas ng loob na lumapit, nilapitan ko na sana siya. **** ''Jean, 'wag kang lumayo ah? '' tumango lang ako kay nanay. Excited akong lumabas ngayon kasi kagagaling ko lang sa sakit. Namiss ko rin ang lumabas ng bahay. Kaya naman naglakad ako, nakangiti hanggang sa may marinig akong naghihiyawan na para bang may chine-cheer. Nacurious ako kaya sinundan ko yung ingay hanggang sa mapadpad ako dito sa may gym. Ang daming mga tao, kaya pala sila naghihiyawan ay dahil may mga naglalaro ng basketball. Hindi ako mahilig sa larong ito pero agad na may nakaagaw ng pansin ko. Isa siyang lalaki, ang layo niya mula sa ring pero nai-shoot niya ang bola. Ang galing galing niya. Pwede pala yun no? Hindi ko ata mai-sho-shoot ang bola kahit malapit pa ako. Pagtingin ko ulit sa kanya ay nakita ko siyang ngumiti sa direksyon ko. Sa akin ba talaga siya ngumiti? Ang feeler ko naman ata kung sa akin. **** Simula noon ay na-enjoy ko ang panonood ng basketball hanggang sa kalaunan ay nagustuhan ko siya. Lagi lang akong tumatambay dito sa parkeng katapat ng gym, nakaupo, nakamasid, tumitingin sa bawat practice nila. Mga halos isang buwan ko na rin itong ginagawa pero alam ko hindi pa rin nila ako nakikilala at hindi ko rin talaga alam ang mga pangalan nila lalo na siya. Ngayon lang ako naging ganito, o mas tamang sabihin na nagkagusto sa isang lalaki pero alam ko naman na wala akong karapatang magmahal. Isang araw ay napansin niya rin ako. Ang saya saya ko lang noon. Lumabas kasi ito ng gym at may binili, sinundan ko talaga siya ng tingin hanggang sa dumaan ito sa harap ko. Nilapitan niya ako at tinanong kung may hinihintay ba raw ako kasi napansin nitong kanina pa ako roon, umiling ako hudyat na nagsasabing wala akong hinihintay. Nagsalita pa siya pero wala akong naintindihan, ang lakas lang ng bilis ng puso ko. As in, para bang lumulutang ako sa ulap. Ang inosenteng puso ko ay nakuha niya, ngayon alam ko na na mahal ko pala siya kahit sa malayo lang. Bryan's POV ''Oh pre, kanina kapa nakatitig diyan, ano bang tinitingnan mo? '' tanong sa akin ni Mark, kalaro ko sa basketball. ''Wala '' sabi ko lang kaya umalis na siya. Papauwi na ako pero kanina pa ako nababagabag, bakit wala? Kanina pa kami tapos pero di siya dumating. Yung babaeng laging nakaupo doon sa parkeng katapat ng gym na ito na siyang pinagpapractisan namin ng basketball. Mga halos isang buwan ko na rin siyang napapansin na laging nakaupo roon at nakatingin lang sa amin. Gusto ko sana siyang alukin na kung gusto niyang manood eh dito na lang siya sa loob pero umiling ito. Nagtanong pa ako pero hindi na niya ako pinansin. Iniwan ko na lang siya. Lumipas pa ang ilang araw ay parati ko pa rin siyang nakikita, at minsan ay nahuhuli ko ring nakatitig sa akin. Oo, hindi sa makapal ang mukha ko pero parang sa akin siya nakatingin eh. Hanggang sa masanay ako na parati siya roon, ewan kung napapansin ba ng mga kasamahan ko pero ako naagaw na niya ang atensyon ko. Gusto ko mang lumapit sa kanya at magpakilala ng pormal ay natotorpe ako. Oo, isa akong malaking torpe kaya nga wala akong naging girlfriend, hanggang M.U lang. Mag-gagabi na rin pero wala pa rin siya, hinintay ko talaga siya hanggang sa magdesisyun akong umuwi. Dala ko naman ang sasakyan ko, may pasok pa pala ako bukas at kailangan ko pang magreview sa isa naming engineering subject. Pero di pa man ako nakakalayo ay may nakita akong isang rebulto ng babae na nakatayo sa may parke. Bigla naman akong naexcite, siya kaya yun? Dali dali akong naglakad pero napansin kong papaalis na ito. Tinawag ko siya. ''Hey, '' parang di niya ako narinig. Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa tumakbo ako. ''Hey, uy teka!'' nang dahil don ay napatigil siya. Lumingon siya sa akin, para namang nafocus ang tingin ko sa kanya at napatigil ang mundo ko. Oo, yun yun eh. Ang ganda niya talaga, ang inosente at maamo ang mukha lalo na kung ngumingiti siya. Pero ngayon, di ko makita ang maaliwalas niyang mukha, may napansin ako sa mata niya, kalungkutan ba yun? ''Hi'' nang makalapit ako sa kanya ay di ko alam ang sasabihin, pero nag hi pa rin ako. Hindi siya nagsalita, akmang aalis na sana ngunit pinigilan ko ang braso niya. ''Teka, ikaw yung laging nakaupo dito diba? Yung nanonood ng practice game namin? '' tanong ko pero ngumiti lang siya at tumango. ''Ah, ikaw nga. Ako nga pala si Bryan'' I extended my hand ngunit tinitigan niya lang ito. ''Anong pangalan mo? '' Hindi na niya naman ako sinagot pero nagulat ako nang bigla niyang inilahad sa akin ang cellphone niya, teka hihingin niya number ko? Dahil nga parang naexcite ako ay tinype ko ang number ko at ibinigay ulit sa kanya ang phone nito. Tinitigan muna niya yun at ngumiti tapos ay nagwave sa akin. Ganun lang yun? Umalis na siya leaving me dumbfounded. Di ko man lang narinig ang boses niya, maganda kaya kagaya niya? Umalis na lang ako sa lugar at nang makarating ako sa kotse ay biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at nakita ang isang unknown number. From : +6392648****** I'm Jean. Napangiti ako sa nabasa, siya ba ito? Yung babae kanina? Hanep, may pathrill thrill pa siyang nalalaman. Gusto ko tuloy matawa sa sarili ko dahil sa para bang bumalik ako sa high school na excited na may katext. Me : Oh, ikaw ba yung babae kanina? Siya: Yes Me: Ah, akala ko inignore mo na talaga ako. Di ko tuloy narinig boses mo. Mga ilang minuto ata bago siya nagreply at nasa byahe na ako pauwi. Siya: Sorry. Me: Bakit ka nagsosorry? Okay lang yun, friends na tayo ah? Gusto kong batukan ang sarili ko, bakit ba kasi ako ngumingiting mag-isa. Tapos kung makatanong ako ng friends na tayo wagas eh, haha kaya lang paminsan minsan lang ito, I wanna grab the opportunity. Siya: Thank you Mula noon ay naging regulat textmate ko na siya. Yes textmates na kaming dalawa, napapansin nga rin ng mga kaibigan ko na para bang iba yun aura ko. Para raw in love? Di ko naman dineny kasi nga mahal ko na siya. Hindi ko na rin siya nakikitang nagpupunta sa park mula nang magkatext kami pero okay lang. Pwede pala yun no? Ang mainlove sa katext mo ? Kasi ako, oo mahal ko siya siguro noon pa. Isang araw ay niyaya ko siyang kumain sa labas, gusto ko kasing magkita kami since it has been two weeks nang magkatext kami pero nadisappoint ako sa nabasa kong text. Text lang kami parati kasi ayaw raw nito ng call, ewan ko kung bakit. Siya: Sorry Bry, hindi ako pwede ngayon, may pupuntahan ako. Dahil don ay parang nawalan na ako ng ganang lumabas ng bahay sa araw na iyon. Ang akala kong magkikita na kami ngayon ay di pala matutuloy pero naiintindihan ko siya, syempre mahal ko yun kahit di niya alam. Kung hindi lang sana ako malaking torpe eh, kaasar, Jean's POV Tiningnan ko 'yung text nya sa akin ngunit napaiyak na lang ako, bakit ba kasi ganito ang sitwasyon ko? Di ba talaga ako pwedeng sumaya at makasama ang taong mahal ko? ''Anak, bakit ka umiiyak? '' nakapasok na pala si nanay sa kwarto ko . ''Gusto mo talaga siyang makita? '' tumango na lang ako sa tanong niya, alam kasi niya ang tungkol kay Bryan. Di ko nga ineexpect na aabot kami sa ganito, ang pagiging magtextmates. ''Alam mo, bakit di mo na lang kaya siya papuntahin rito?'' Seryoso ba siya? Sa kalagayan ko ngayon? Bryan's POV Nakatayo ako ngayon sa isang di kalakihang bahay. Nagulat ako nang mabasa ko ang text niya sa akin napuntahan ko raw siya dahil may sasabihin siya. Sinabi nito ang address kaya naman dali dali akong pumunta. Sobrang kinakabahan kasi ako baka kung anong nangyari sa kanya. Nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako ng gate ng isang katulong. Pinapasok niya ako hanggang sa sala, nakita ko siyang nakaupo pero sa isang wheelchair. Para ring namamayat siya, nagkasakit ba siya? Bakit siya nakawheelchair? ''Jean'' tawag ko pero di niya ako tiningnan. ''Ikaw ba si Bryan? '' napalingon ako sa isang babae, mga nasa forties na ata ito. Ito ba ang nanay ni Jean? ''Ahm oo po, ako po si Bryan'' kung nanay ito ni Jean, dapat ata kabahan ako. ''Maupo ka'' umupo naman ako at pinagmasdan si Jean, nakayuko lang siya. Bakit ayaw niyang tumingin sa akin? I haven't heard her voice yet pero yun ang unique sa kanya, para tuloy excited akong marinig ang boses niya at sabihing mahal ako. Hanep, kapal ng mukha ko. Pero ngayon ko talaga aaminin na mahal ko siya, dapat noon ko pa to ginawa pero paninindigan ko ito, ayoko ng maging torpe. ''Maiwan ko muna kayo'' bago ito nagpaalam ay may ibinulong ito sa anak. ''Hi Jean, sorry wala akong dala , akala ko kasi may nangyari sa iyo. Teka, may nangyari nga, bakit nakawheelchair ka?'' di ko napansin na tuloy tulo pala ako sa pagsasalita. Nilapitan ko siya kasi di na naman siya sumagot. ''Jean, bakit di ko pa naririnig boses mo? '' hindi pa din siya sumagot, nakayuko lang siya. ''I know this is too early pero Jean, ayoko nang magpaligoy ligoy pa. Oo, bago pa lang kitang nakilala pero alam mo ba? Di ko mapigilang mahulog ang loob ko sa iyo. Siguro nga napakatanga ko kasi alam kong ang aga pa, pero mapipigilan ba ang puso? Noon pa kita napapansin na nakaupo sa parke, pero bago yun ay nakuha mo na ang atensyon ko nung isang game namin na maraming mga tao. Ningitian pa nga kita non , ang kapal ko lang kasi akala ko ngingiti ka pabalik. Pero Jean, totoo mahal kita, sana bigyan mo ako ng chance maputanayan yun sa iyo'' sa hinaba haba ng sinabi ko ay wala akong narinig na sagot. Bakit ba ayaw niyang magsalita? Ganito ba ang nagcoconfess ? Di sinasagot? Nilakasan ko na nga loob ko kahit alam ko na baka naririnig ito ng nanay nito pero bakit ayaw niya? Ayaw ba niya sa akin? Okay lang, naiintindihan ko. Pero yung para kang tanga na walang makuhang sagot? Bakit di nalang kaya niya sabihing ayaw niya sa akin? ''She can't talk. She's mute. Kaya makakaalis ka na'' Napalingon ako sa nagsalita , p-pipe siya? Bakit di ko alam yun? ''What?''gulat kong tanong ''Oo, pipe siya, di nakakapagsalita, baldado na rin siya ngayon. Ano? Mahal mo pa rin ba siya? '' galit na tanong ng nanay nito Tiningnan ko si Jean na umiiyak lang, nakatabon pa ang mga palad nito sa mukha. Naiinis ako, naaasar, ang tanga ko. Bakit di ko alam yun? ''Pipe ka pala? Bakit di ko alam? Bakit di mo sinabi kahit sa text lang?'' sa inis ko ay umalis ako pero nagsabi ako sa nanay niya na aalis ako. Di ko alam kung bakit ganito ako magreact, nasasaktan ako. Nagmahal ako ng isang babae na walang tiwala sa akin and worse, isang pipe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD